LOGIN"DARN! I was having a bet to myself kung mamamatay ka na ba o mabubuhay pa."
Ang mga masasakit na salita na iyon ang agad na bumungad sa pagmulat ni Fate. "I lose again." "Ponce..." "Hey, be respectful. I'm fifteen years older than you." Umiwas ng tingin si Fate. Itinuon nito ang mga mata sa labas ng bintana na nasa tabi lang ng higaan nito. "Kaibigan ako ng Tito Matthew mo, so keep calling me Tito Ponce tulad noong bata ka." Hindi pinansin ni Fate ang utos ng binata. "Anong ginagawa mo rito?" "Just checking if I'm about to wear my funeral suit." Bumalik ang tingin ni Fate sa binata. "Do you really hate me that much?" "Hindi mo na kailangang itanong pa iyan dahil alam mo naman na kinasusuklaman kita mula ulo hanggang paa." "Ginawa ko lang 'yon dahil mahal kita!" sigaw ni Fate. Marahas na tumayo si Ponce sa kinauupuan. "Wala kang alam sa pagmamahal! Don't ever mention that, especially in front of me!" "She's a slut!" Itinaas ni Ponce ang kamay na akto sanang isasampal kay Fate. Pero napigil pa rin niya ang sarili. "One more word from your filthy mouth at kakalimutan ko na may pinagsamahan tayo." "Right. May mahaba nga tayong pinagsamahan, pero bakit siya ang pinili mo at hindi na lang ako?" Ponce is about to marry Trixie, his long-time girlfriend. Pero sa araw ng engagement nila ay um-eksena si Fate. She told everyone na buntis ito. At siya ang ama. Everyone at the party thought that he's a paedophile dahil nga napakabata pa ni Fate kumpara sa kanya na thirty-three na. He had lost his face that very night because of embarrassment. At higit sa lahat ay nawala rin ang babaing kanyang minamahal. Ang masakit pa sa nangyari ay hindi man lamang muna inalam ni Trixie kung totoo ang dalang pregnancy test na ipinakita ni Fate bago siya nito hinusgahan, even those people na matagal na niyang kilala at kaibigan. "At bakit kita pipiliin?" "Because I'm much better than her!" "You must be kidding me." "Ponce, she left you already. I can replace her. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Just give me a chance." Umugong sa buong silid ang mapait na tawa ng binata. "Replace her? No way. No one can ever replace her, especially not you." "Then, I will ruin you again and again! Akin ka lang habangbuhay!" Nakangising tinungo ni Ponce ang paanan ng kinahihigaan ni Fate at kinuha ang blue folder na nakasabit doon. It indicates there the report of her health status. "That's sad. According to this file, lumalala na ang heart disease mo." Natigilan ang dalaga. She's been admitted for more than a week. Matagal na ring pabalik-balik ito sa ospital. Her illness is congenital. She'd had it since birth. "Your heart doesn't function well. Kaya siguro wala iyang ibang nararamdaman kundi inggit, kasamaan at lungkot. Love is beyond its use. Hindi niyan alam kung paano ang magmahal nang walang nasasaktan." "Enough!" Naiiling na natuon ang tingin ni Ponce sa dalaga. "Are you going to lose your temper? As far as I know, it would trigger your current state. Maganda 'yan para naman narito ako kung sakaling mamatay ka." Hindi na nito napigilan ang mapaluha. "Please, leave." Ibinalik niya ang folder sa pinagsasabitan niyon. He has a heart as hard as rock. Sa dami ng hindi magandang ginawa ni Fate sa buhay niya, kahit kaunting awa ay wala na siyang maramdaman para rito. "I came rushing here dahil ang akala ko, maganda ang balitang masasagap ko. But seeing you breathing is bad news to me." Napahagulhol si Fate na binalewala naman ni Ponce. He really can't forgive her after the last wicked deed she has done to him. Close naman sila nito noong bata ito. But he never thought na mahuhulog ang loob nito sa kanya. And it's not just a simple admiration, but an obsession. Fate grew up with a golden spoon. Nag-iisa itong anak ng isang kilalang negosyante sa bansa. She is not just a spoiled brat but also a heartless person. "Anyway, nakalabas na nga pala sa ospital si Manang Fe. Be thankful. Kung mayroon lang masamang nangyari sa kanya, I won't ever hesitate na ipakulong ka kahit pamangkin ka pa ng matalik kong kaibigan." Ang binanggit niyang tao ay mayordoma ng pamilya niya na nag-alaga at nagpalaki sa kanya mula nang siya ay isilang. Tuwing araw ng Biyernes ay pumupunta si Manang Fe sa condo niya upang ipagluto siya. Alam kasi nito na madalas siyang kumain sa labas o magpa-deliver sa mga kalapit na restaurant dahil abala siya sa trabaho. Nang araw rin na iyon ay pumunta si Fate. Inakala nitong nagsisinungaling ang matanda na wala siya sa bahay. Eksaktong pagdating niya sa condo nang masaksihan niya ang bigla na lamang pagtulak ng iritadong dalaga sa kanyang yaya. Nabuwal ito at tumama ang ulo sa kanto ng mesa. Sinabi ni Fate na hindi nito sinasadya ang nangyari. It was an accident. Pero kahit na aksidente iyon, he can't forgive her. Isa na naman sanang malapit sa kanyang puso ang muntikang mawala nang dahil sa kasamaan ng ugali nito. Nadadagdagan lang lalo ang galit niya rito. "She's just a maid!" "Pero ang minamaliit mo na katulong na 'yon ay malaki ang halaga sa akin. Worthy than a heiress." "Get out!" Natawa si Ponce. "Watch out! Baka mangisay ka riyan!" "GET OUT!" Itinaas niya ang dalawang kamay nang nakaguhit pa rin ang nakakalokong ngisi. "Fine. Ayoko rin naman na magtagal dito na ikaw ang kasama. Anyway, dinalhan nga pala kita ng bulaklak." Mas lalong bumigat ang sakit na nararamdaman ni Fate sa pagkakasilay nito sa tinukoy ni Ponce na nakatayo sa tabi ng sofa. "I made an effort para lang maipasok 'yan. Those guards didn't allow me. Bakit kaya? Hindi ba puwedeng advance lang talaga ang isip ko?" "Please, umalis ka na." Nakangisi nang tumalikod si Ponce. At bago siya lumabas ng silid ay inayos muna niya ang pagkakatayo ng dinala niyang bulaklak ng patay na may ribbon pa at pangalan ni Fate.MAAYOS naman ang naging daloy ng araw sa trabaho nila. Busy si Ponce kaya hindi siya nito gaanong pinagtuunan ng pansin na kausapin o asarin.Hindi rin sila nag-overtime. At mabuti iyon. May mahalagang lakad kasi siya pagkatapos na maihatid siya nito sa bahay."What are your plans today?"Napatingin siya kay Ponce. Mukhang nababasa nito ang kanyang iniisip. "Wala. Gusto ko na lang umuwi," she lied."Good. We're going somewhere.""Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga."Kaya nga nagsinungaling na siya dahil ayaw niyang maging sagabal ito sa kanyang lakad. "You'll have enough rest dahil Sabado naman bukas.""Bakit ba pala-desisyon ka?""We're meeting Daisy."Biglang nagliwanag ang mukha ni Faith. "Talaga?""Excited ka ba?"Plinantsa niya ang ekspresyon sa mukha. "Well, gusto ko rin siyang makita dahil hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya for saving my life.""You need to comfort her.""Huh? Bakit? May nangyari ba sa kanya?" pag-aalala ni Faith."Sinisisi niya pa rin hanggang ngay
PIKIT-MATANG inabot ni Faith ang nag-iingay na alarm clock sa ibabaw ng kanyang bedside table at pinatay iyon. Natulog ulit siya. Pero pagkatapos lang ng sampung minuto ay tumunog naman ang cellphone niya. It chimes again and again every ten minutes."Inaantok pa ako," reklamo niya.She is usually an early-riser. It's been her habit even on her past life. Inabot lang siya hanggang madaling-araw kagabi sa pag-iisip kung paano siya makakaiwas kay Ponce.But it brings her no result. Dahil magkatrabaho sila. Araw-araw silang magkikita. During week days lang, pero mahaba-haba na ring pagtitiis iyon. Posible na marami ring mangyari sa kanila sa eight hours working time. Hindi pa kasama roon ang overtime kapag may hinahabol na deadline ang binata."Bakit ba ang ingay mo?" Inis siyang bumangon. Ibinato niya sa may paanan ng higaan ang cellphone matapos niya uli iyong patayin. "Nakakatamad."Pero wala siyang pagpipilian. Kaya kahit na namimigat pa ang mga mata niya ay pinilit na niya iyong imi
"ANO pa bang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya umalis?"Mahigit sampung minuto nang kausap ni Ponce ang dalawang guwardiya. Nagyo-yosi pa ang mga ito habang nagkukuwentuhan."Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Siguradong tungkol lang sa babae. Ganoon ang mga lalaki kapag nagkakatipon-tipon."Lumipat ng puwesto si Faith. Pero kahit ukupahin pa niya ang lahat nang bintana, hindi naman niya maririnig ang tatlo. Malayo ang bahay sa guard house. Natatanaw lang niya ang mga ito."May pasok pa bukas. Paano kung ma-late siya sa pagsundo sa akin? And so? Hindi ko na problema 'yon." Napaisip siya, "No. Sa oras na mahuli ako sa trabaho ay hindi ko na makukuha ang pagiging most punctual."Natigilan si Faith. Bigla kasi siyang napatitig kay Ponce nang tumawa ito habang kausap pa rin ang mga guwardiya. Malayo siya, pero parang nag-automatic zoom in ang kanyang mga mata. 100% magnified.Hindi na nga niya namalayan na napangiti na siya. As if he likes the sight of him."He's hot and handsome..."Nasis
NAPADIGHAY si Faith. Gusto sana niya iyong pigilan, pero nailabas na niya."No need to be ashamed," wika ni Ponce na kinu-kontrol ang pagtawa. "Natural lang iyan kapag busog.""Kasalanan mo!" asik niya. "Bakit nag-order ka nang marami? Masasayang iyon kung hindi mauubos.""Oh, I see. Dapat pala ay magpasalamat pa ako.""You're welcome."Hindi nito pinansin ang sinabi ni Faith. "Almost all restaurants has takeaway boxes. Kung mayroon mang leftovers ang mga kumakain, they can bring it home.""Nakakahiya sa pamilya mo kung mag-uuwi ka sa kanila nang mga tira-tira.""They would love it. Basta galing sa akin. Siguradong matutuwa pa sila.""So, nag-order ka nang marami para may maiuwi ka?""That was my plan. Pero inubos mo lahat.""Sana hindi mo na inihantad sa harapan ko. Bakit kailangan na naka-display pa sa mesa?""Dahil gusto ko munang tikman bago ko i-takeout. Paano kung hindi pala nila magustuhan ang lasa? Mas nakakasayang iyon.""Haist!" Pasimpleng itinago ni Faith ang namumula nang
''SAAN ka pupunta?''Napatigil naman si Faith sa paghakbang matapos nitong bitbitin ang bag at aquarium.''Hindi pa ako tapos dito.''''Tapos na ako. At wala akong balak mag-overtime.''''Bakit dala mo iyan?''Napasulyap naman muna si Faith sa tangan nitong aquarium. ''Dahil naisip ko na bakit ako magtitiyaga na makipag-carpool sa iyo kung puwede ko naman pala na iuwi ng bahay sina Ping at Pong?''''You can't.''''Why?''Tiniklop ni Ponce ang kaharap niyang laptop. ''Mukhang mahilig ka lang sa mga hayop, pero walang kang alam sa nature nila.''''At ano naman ang ibig mong sabihin?''''Ang mga tortoise, once inalis mo sila sa original habitat nila, they will be attach to the next place na paglilipatan sa kanila. If you'll relocated them again...'' Sinabayan na ni Ponce ang pagsasalita ng pagliligpit ng mga gamit at kalat sa mesa na dapat sana trabaho na iyon ng kanyang assistant, ''they'll feel weak and eventually will die.''''Hindi ko naman sila aalisin sa aquarium nila.''''You real
NAPAANGAT ang mukha ni Ponce mula sa ginagawa at saka natuon ang tingin niya sa nagbukas na pinto."Good morning, sir."Para bang hindi sila nagkita at nagkasagutan kanina. Her greetings is formal and professional."You're late."Napasulyap si Faith sa suot na relo maging sa nakasabit na wall clock. Dalawang minuto lang naman itong nahuli. "Alam mo ang dahilan, sir.""Hindi ko alam. Feed me."Napatirik ng mga mata si Faith na lihim namang nagpangiti kay Ponce. When he first saw it at the MRT station ay lalong pinabilis niyon ang tibok ng kanyang puso. Fate sometimes roll her eyes. Pero iba ang paraan at istilo nito."Minalas ako all the way from home, sir. Dahil iyon sa lalaking may balát yata sa puwët.""Oh. And who is it?"Nagmaang-maangan man si Ponce, pero alam niya na siya ang tinutukoy ng dalaga. And he finds it amusing to see her annoyed at him."Isang sarkastiko at preskong lalaki na ang taas ng tingin sa sarili.""Baka naman may maipagmamalaki at maipagyayabang talaga.""Mala
"MANONG, just stay there."Napatigil naman sa akto na sanang paglabas sa sasakyan ang driver na naghatid kay Fate sa kompanya ng Boston. "H-Ho?""I can manage. May mga kamay naman ako.""Uhm, sige po."Nagtatakang sinundan ng tingin ng driver ang paglabas ni Fate nang hindi na pinagbuksan ng pinto
NASA harap na ng pinto ng opisina ni Ponce si Fate nang bumalik ito sa mga kasama. Abala na ang lahat sa kanilang mga trabaho."Hhmmm!" tikhim nito."Miss Fate, may kailangan ka pa?""Well, you know, after a heavy meal, mas maganda siguro if we can have a tea. What do you think?""Miss Fate, workin
"YES!"Napapitlag at napamura si Ponce nang bigla na lang tumayo si Fate. "What? Why?" pagtataka nito."Five na. Tapos na ang trabaho ko."Napabuga ito ng hangin sa bibig. "Ginulat mo ako sa pagtayo mo dahil lang oras na nang uwi mo?""Oo.""Late ka na ngang laging pumasok, pero kahit isang segundo
"I WAS at the middle of the meeting kaya hindi ko masagot ang tawag mo. May problema ba? Ang dami mong miss call sa akin.""Hindi ko maalala, pero alam kong pamilyar sila sa akin...""Sino?" usisa ni Matthew sa kabilang linya habang kausap si Ponce."Laliene and Kiel. Kilala mo ba sila?""Yes."Nag







