로그인"SIR, saan po kayo pupunta?"
"Sa loob," sabay turo ni Ponce sa tinapatan na silid. "Tapos na po ang visiting hours. Bumalik na lang ulit kayo bukas." "Hindi ako magtatagal. Just give me five minutes." "Ikaw 'yong pinagbawalan na rito na pumunta mula nang magdala ka nang bulaklak ng patay sa pasyente namin, hindi ba?" "Ako?" kunwari pa nitong itinuro ang sarili. "Ah. Hindi ako. Kapatid ko. Magkamukha lang kami. Sandali lang ako sa loob. Promise." "Bilisan niyo lang po. Kapag nakita po kayo ng supervisor namin, mananagot kaming mga on-duty." "I understand. Don't worry. May gusto lang akong kumpirmahin." "Ha?" "Aalis din agad ako." Mabilis nang pumasok ng silid si Ponce bago pa magbago ang isip ng kausap na nurse. "Haist! Tatlong buwan na 'yong bulaklak ng patay, naalala pa rin nila?" Nagising ang diwa niya mula sa pagkakahimbing. May iba na naman siyang presensiya na nararamdaman. Narinig pa niya ang mahaba at malalim na pagpakawala nito nang buntong-hininga na tila may kasama pang iling. "May lahi ka bang pusa? Ilan ang buhay mo?" She heard clearly his sarcastic tone. "I always wished you to be dead." That man is heartless. Sinong may matinong pag-iisip ang hihiling ng kamatayan para sa kanyang kapwa? If she can just move, she will wreck his neck. Kawawa ang taong pinagsasabihan nito. "Pero nagbago na ang isip ko. It would be unfair to me kung ako lang ang magdurusa rito sa mundo habang ikaw ay payapa na sa kabilang-buhay." Naulinigan niya ang pag-upo ng lalaki. And it's so close to her. "Let's make a deal. Kapag naibalik mo ang sinira mong relasyon namin ni Trixie, I will forget everything." She easily judged him. May ginawa palang masama rito ang kausap nitong tao. "I will forgive you, too. How was it?" Forgiveness is something that can't easily be acquired. If ever siya ang taong iyon, gagawin niya lahat para mapatawad lamang nito. "So, wake up." She is really curious. Parang gusto niyang kilalanin kung sino ang nagsasalitang lalaki na malapit lang sa kanya. "Be fair. If you die, I won't ever - SHIT!" Muntikan nang mabuwal sa upuan si Ponce sa biglaang pagtayo nito nang magulat sa isang pares ng mga mata na dilat na dilat at walang kurap na nakatitig dito. "This brat!" "S-Sino k-ka?" Natigilan ang binata habang sa sulok naman ng mga mata ni Faith ay inalam niya ang kinaroroonan. Sigurado siya na private room iyon. Saan kumuha ng pera ang nanay niya para pambayad doon? May mayaman bang tao na tumulong sa kanila? "Hey!" pagtawag ni Ponce sa dalaga. "Gising ka na?" Her mouth is too dry. Kaya siguro kakaiba maging ang timbre ng kanyang boses. It wasn't hers. "May lahi ka talagang pusa. How could you be alive in that state?" Hindi niya kilala ang lalaki, but the way he talked and cursed her ay para bang mortal siya nitong kaaway. "Let me take a good look at you..." Hindi pa makagalaw si Faith kaya idinaan na lang niya sa pagkurap-kurap ang biglang paglapit ng lalaki ng mukha nito sa kanya. She smells his fragrance. It was too masculine. She even heard his heavy breathing na para bang natutuwa siya sa kanilang halos pagkakadikit. "Darn! Hindi nga ilusyon ang nakikita ko!" Mabilis na pinindot ni Ponce ang emergency button. Ilang sandali lang ay tumatakbong pumasok ang mga nurse. Naalarma naman si Faith. Hindi dahil sa pagsigaw ng iba na gising na siya kundi ang nabasa niyang mga letra sa harap ng uniporme ng mga ito. "Chinese Hospital?" mahinang bigkas niya. Biglang nanlaki ang mga mata ni Faith. The words are written in small letters. Her vision is clear. Noong tumuntong siya sa stage 4 ng lung cancer ay unti-unti nang nanlabo ang kanyang paningin. But what is happening to her now? It seems that a miracle hit her while sleeping for months. "You're finally awake, Miss Fate!" masayang saad ng head nurse. "Yes, I'm Faith. Ako nga ito." "Yes, of course. We know you. Ilang buwan ka rin namin na nakasama rito." Ngumiti si Faith habang hindi naman tinatanggal ni Ponce ang pagkakatitig sa dalaga, he sensed something wrong and very strange that he couldn't explain in words. "Nasaan ang nanay ko?" "Ang mama mo? Kausap siya sa opisina ni Doctor Mardaue ngayon. They're on their way here. Sigurado na matutuwa sila na gising ka na." "Magaling na ba ako?" Tumango ang nurse. "Walang imposible sa Diyos." Lumawak ang pagkakangiti ni Faith kahit ramdam pa rin niya ang panghihina ng katawan. "Nurse, sino pala 'yong babae na madalas kumausap sa akin?" "Babae?" "Tinatawag niya akong anak, pero hindi siya ang nanay ko. May iba bang pumapasok sa silid na ito?" Napatuwid ang nurse mula sa pagkakayuko habang inaayos ang IV needle sa braso ng dalaga. "Bakit?" puna ni Faith sa reaksyon ng kausap. "Mama mo ang madalas na kumausap sa 'yo." "Hindi. Kilala ko ang boses ng nanay ko kahit na nakapikit ako." Natuon ang tingin ng lahat sa pagpasok ng doktor kasunod ang mag-asawang Sy. Hindi na napansin ng mga ito ang presensiya ni Ponce sa gilid ng pinto na pinagbawalang bumisita roon mula nang dalhan nito ng korona ng patay ang kanilang anak.MAAYOS naman ang naging daloy ng araw sa trabaho nila. Busy si Ponce kaya hindi siya nito gaanong pinagtuunan ng pansin na kausapin o asarin.Hindi rin sila nag-overtime. At mabuti iyon. May mahalagang lakad kasi siya pagkatapos na maihatid siya nito sa bahay."What are your plans today?"Napatingin siya kay Ponce. Mukhang nababasa nito ang kanyang iniisip. "Wala. Gusto ko na lang umuwi," she lied."Good. We're going somewhere.""Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga."Kaya nga nagsinungaling na siya dahil ayaw niyang maging sagabal ito sa kanyang lakad. "You'll have enough rest dahil Sabado naman bukas.""Bakit ba pala-desisyon ka?""We're meeting Daisy."Biglang nagliwanag ang mukha ni Faith. "Talaga?""Excited ka ba?"Plinantsa niya ang ekspresyon sa mukha. "Well, gusto ko rin siyang makita dahil hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya for saving my life.""You need to comfort her.""Huh? Bakit? May nangyari ba sa kanya?" pag-aalala ni Faith."Sinisisi niya pa rin hanggang ngay
PIKIT-MATANG inabot ni Faith ang nag-iingay na alarm clock sa ibabaw ng kanyang bedside table at pinatay iyon. Natulog ulit siya. Pero pagkatapos lang ng sampung minuto ay tumunog naman ang cellphone niya. It chimes again and again every ten minutes."Inaantok pa ako," reklamo niya.She is usually an early-riser. It's been her habit even on her past life. Inabot lang siya hanggang madaling-araw kagabi sa pag-iisip kung paano siya makakaiwas kay Ponce.But it brings her no result. Dahil magkatrabaho sila. Araw-araw silang magkikita. During week days lang, pero mahaba-haba na ring pagtitiis iyon. Posible na marami ring mangyari sa kanila sa eight hours working time. Hindi pa kasama roon ang overtime kapag may hinahabol na deadline ang binata."Bakit ba ang ingay mo?" Inis siyang bumangon. Ibinato niya sa may paanan ng higaan ang cellphone matapos niya uli iyong patayin. "Nakakatamad."Pero wala siyang pagpipilian. Kaya kahit na namimigat pa ang mga mata niya ay pinilit na niya iyong imi
"ANO pa bang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya umalis?"Mahigit sampung minuto nang kausap ni Ponce ang dalawang guwardiya. Nagyo-yosi pa ang mga ito habang nagkukuwentuhan."Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Siguradong tungkol lang sa babae. Ganoon ang mga lalaki kapag nagkakatipon-tipon."Lumipat ng puwesto si Faith. Pero kahit ukupahin pa niya ang lahat nang bintana, hindi naman niya maririnig ang tatlo. Malayo ang bahay sa guard house. Natatanaw lang niya ang mga ito."May pasok pa bukas. Paano kung ma-late siya sa pagsundo sa akin? And so? Hindi ko na problema 'yon." Napaisip siya, "No. Sa oras na mahuli ako sa trabaho ay hindi ko na makukuha ang pagiging most punctual."Natigilan si Faith. Bigla kasi siyang napatitig kay Ponce nang tumawa ito habang kausap pa rin ang mga guwardiya. Malayo siya, pero parang nag-automatic zoom in ang kanyang mga mata. 100% magnified.Hindi na nga niya namalayan na napangiti na siya. As if he likes the sight of him."He's hot and handsome..."Nasis
NAPADIGHAY si Faith. Gusto sana niya iyong pigilan, pero nailabas na niya."No need to be ashamed," wika ni Ponce na kinu-kontrol ang pagtawa. "Natural lang iyan kapag busog.""Kasalanan mo!" asik niya. "Bakit nag-order ka nang marami? Masasayang iyon kung hindi mauubos.""Oh, I see. Dapat pala ay magpasalamat pa ako.""You're welcome."Hindi nito pinansin ang sinabi ni Faith. "Almost all restaurants has takeaway boxes. Kung mayroon mang leftovers ang mga kumakain, they can bring it home.""Nakakahiya sa pamilya mo kung mag-uuwi ka sa kanila nang mga tira-tira.""They would love it. Basta galing sa akin. Siguradong matutuwa pa sila.""So, nag-order ka nang marami para may maiuwi ka?""That was my plan. Pero inubos mo lahat.""Sana hindi mo na inihantad sa harapan ko. Bakit kailangan na naka-display pa sa mesa?""Dahil gusto ko munang tikman bago ko i-takeout. Paano kung hindi pala nila magustuhan ang lasa? Mas nakakasayang iyon.""Haist!" Pasimpleng itinago ni Faith ang namumula nang
''SAAN ka pupunta?''Napatigil naman si Faith sa paghakbang matapos nitong bitbitin ang bag at aquarium.''Hindi pa ako tapos dito.''''Tapos na ako. At wala akong balak mag-overtime.''''Bakit dala mo iyan?''Napasulyap naman muna si Faith sa tangan nitong aquarium. ''Dahil naisip ko na bakit ako magtitiyaga na makipag-carpool sa iyo kung puwede ko naman pala na iuwi ng bahay sina Ping at Pong?''''You can't.''''Why?''Tiniklop ni Ponce ang kaharap niyang laptop. ''Mukhang mahilig ka lang sa mga hayop, pero walang kang alam sa nature nila.''''At ano naman ang ibig mong sabihin?''''Ang mga tortoise, once inalis mo sila sa original habitat nila, they will be attach to the next place na paglilipatan sa kanila. If you'll relocated them again...'' Sinabayan na ni Ponce ang pagsasalita ng pagliligpit ng mga gamit at kalat sa mesa na dapat sana trabaho na iyon ng kanyang assistant, ''they'll feel weak and eventually will die.''''Hindi ko naman sila aalisin sa aquarium nila.''''You real
NAPAANGAT ang mukha ni Ponce mula sa ginagawa at saka natuon ang tingin niya sa nagbukas na pinto."Good morning, sir."Para bang hindi sila nagkita at nagkasagutan kanina. Her greetings is formal and professional."You're late."Napasulyap si Faith sa suot na relo maging sa nakasabit na wall clock. Dalawang minuto lang naman itong nahuli. "Alam mo ang dahilan, sir.""Hindi ko alam. Feed me."Napatirik ng mga mata si Faith na lihim namang nagpangiti kay Ponce. When he first saw it at the MRT station ay lalong pinabilis niyon ang tibok ng kanyang puso. Fate sometimes roll her eyes. Pero iba ang paraan at istilo nito."Minalas ako all the way from home, sir. Dahil iyon sa lalaking may balát yata sa puwët.""Oh. And who is it?"Nagmaang-maangan man si Ponce, pero alam niya na siya ang tinutukoy ng dalaga. And he finds it amusing to see her annoyed at him."Isang sarkastiko at preskong lalaki na ang taas ng tingin sa sarili.""Baka naman may maipagmamalaki at maipagyayabang talaga.""Mala
"YOU did what?""A DNA test.""And you're saying na si Fate ang kinunan mo ng sample?""Yes.""Why?" Kausap ni Ponce sa kabilang linya si Matthew. Tumawag ito para lang sabihin ang ginawa nitong DNA testing. "Do you doubt your own niece? I mean, maybe because of what she had said sa tapat ng gate n
"WHAT'S the occasion?""Bakit? Hindi ba kita puwedeng dalhin sa ganitong lugar nang walang okasyon?"Tinanggap muna ni Lanie ang inabot na wine ni Matthew bago nito ulit pinagala ang tingin sa magandang tanawin sa paligid."You loved this kind of place since we were young.""Ikaw rin naman," wika n
"PAANO mo na naman ako nasundan dito?"Pinaandar muna ni Ponce ang sasakyan. Gusto sana nitong makaiwas sa tanong, pero alam nito na hindi rin ito titigilan ng dalaga. "I upgraded my superpower.""That again!" sabay tirik ni Faith ng mga mata. "Sabihin mo sa akin ang totoo. May inutusan ka bang tao
PINANGATAWANAN nga ni Faith ang mag-commute. At katulad noong nasa totoo pa siyang katauhan, she really hates commuting dahil kung presko kang sasakay ng mga pampublikong jeep, sigurado bababa kang parang isa nang bilasa na isda.It took her twenty minutes bago nakarating sa terminal. And from ther




![SECRETLY MARRIED to My Father's COLLEAGUE [A.G.S #2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


