LOGIN"FATE! Oh, god! My baby!"
Hindi malaman ni Faith kung paanong iiwas nang lapitan siya at yakapin ng dumating na babae. Hindi niya ito kilala. But the way this woman hugged and kissed her, para bang close sila nito. "Anak! Salamat sa Diyos at nagising ka na! Salamat sa Diyos!" Pero sigurado si Faith na ang babaing ito ang nagmamay-ari ng tinig na madalas kumausap sa kanya noong nasa malalim siyang pagtulog o coma ayon sa medical term. "Akala namin ay hindi ka pa magigising. Sobra na kaming nag-aalala sa 'yo ng Daddy mo. Salamat at lumaban ka, anak. We're very proud of you, my precious baby." Mukhang nasa loob siya ng isang hindi magandang panaginip. Dahil ayaw niya nang ganoong twist. She still wished to be with her real family even it's just a dream. Sila ang gusto niyang makita at makasama lalo na sa mga oras na iyon na nalilito siya. Everyone in the room is a stranger to her. Kahit ilang beses na siyang naospital ay hindi rin siya nagpapadala o dinadala sa Chinese Hospital dahil alam nila na pribado iyon; mahal ang doctor's f*e at lahat nang medical costs. Hindi nila kakayanin kahit pa maglabada si Nanay sa mga kapitbahay o mga kakilala nila nang araw at gabi. "Anak, how do you feel?" Nalipat ang nagtataka na mga mata ni Faith sa lalaki na lumapit din sa may higaan niya. He wears a business suit. Sa porma nito at tindig, ganitong-ganito ang mga nakikita niyang hitsura ng mga tycoon mula sa napapanood niyang mga Kdrama. He's a middle-aged man. And he really looks like he belongs to a conglomerate family. Baka sila ang taong nautangan ng Nanay niya at baka anak na ang turing sa kanya. "We're so worried. Your mum always thinks about -" "Sino po kayo?" Tila nagbabaan ang mga anghel sa kalangitan dahil sa paglatag nang katahimikan sa buong paligid. "A-Anak," sambit ni Lanie. "I'm your mum. Kami ang magulang mo," tukoy rin nito sa katabing asawa. "Hindi ko po kayo kilala." Nag-aalalang binalingan ni Lanie ang doktor. "Ano ang nangyayari sa kanya, doc?" "Let me check her first." Nakipagtitigan si Faith sa doktor na lumapit. Ito ang isa sa mga kumakausap din sa kanya kaya pamilyar din sa kanya ang boses nito. "Iha, how do you feel right now?" "Maayos naman po. Parang wala na akong sakit. Medyo mahina pa po ako, pero nakakahinga na ako nang maluwang." "Good, good. This is indeed a miracle." "Sabi po ng nurse, wala na akong sakit. Totoo po ba?" Mula sa kinatatayuan ni Ponce sa likuran ay lalo lang kumunot ang noo nito. It seems like he is seeing someone's else on the girl he used to know as a rude and spoiled brat. Pero ngayon, she's very polite. "Yes. You're perfectly fine now." Nangilid ang mga luha sa mata ni Faith. Magandang balita iyon sa kanya. Pero sana lang ay naroon ang kanyang pamilya dahil alam niya na mas matutuwa ang mga ito kaysa sa kanya. "But you can't overtired yourself. Kailangang maging maingat ka pa rin. Umiwas ka sa stress at lahat nang bawal." "Opo. Pero, doc, bakit wala rito ang pamil -" Naputol niya ang pagsasalita nang may tila kamaong pumiga sa kanyang dibdib. In an insane seconds, para siyang kinapos ng paghinga. "Fate, may masakit ba sa iyo?" pag-aalala ni Lanie. "Ang pamil -" Napapikit si Faith nang muling gumuhit ang matinding kirot sa kanyang dibdib. Mas masakit pa iyon sa mga naramdaman niya noong siya'y nasa huling stage na ng kanyang lung cancer. "Take a deep breath, Fate. You just woken up. Kaya huwag mo munang pilitin ang sarili mo na maging normal." May abnormalidad nga siyang nararamdaman sa kanyang sarili na hindi niya maipaliwanag. As if she is forbidden to ask about her family. "Fate, c'mon. Relax," utos ng doktor. "Ang pamil..." Tiniis niya ang sakit, "Ang pamilya ko!" "We're just here, baby!" wika ni Lanie. Umiling-iling si Faith. "Gusto kong makita ang pamilya ko!" Her heart is in pain, like it was tearing apart. "Masakit," daing niya. "I know, I know. That's why I'm telling you to relax. Don't stress out yourself." "Doc, gusto kong makita ang pamil...ya ko! Gusto ko silang makita!" Sinenyasan ng doktor ang head nurse na turukan ng pampatulog ang dalaga. "You need more rest para gumaling ka na." "Nasaan ang nanay ko! Gusto kong makita ang pamilya ko! Ahhhh!" Naalarma ang mag-asawang Sy nang lumakas ang pagpalahaw ng sigaw ng dalaga na sapo pa rin ang tapat ng dibdib. "Give her a sedative!" "Yes, doc!" Ilang sandali pa ay iginupo na nang panghihina si Faith. "Doc, what's happening to our daughter?" Nakalarawan ang labis na pag-aalala sa mukha ni Abraham. "Bakit parang wala siya sa sarili niya?" "At parang hindi niya kami kilala," dagdag ni Lanie. "Does she get an amnesia due to her accident?" "No. Pero sa obserbasyon ko, she has a psychosis." "Psychosis?" pag-uulit na sambit ni Lanie. "A mental disorder?" "Yes. Inilalayo ng pasyente ang sarili sa reyalisasyon at nagpapanggap na ibang tao." Hindi namalayan ni Ponce ang biglang pag-atras mula sa kinatatayuan habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa dalaga na unti-unti nang pumipikit. Nang bumangga ito sa isang silya, saka lang napansin ng mag-asawang Sy ang presensiya nito. "What are you doing here?" asik ni Lanie. "Get out!" Hindi na naghintay si Ponce nang ikalawang pagtaboy. Mabilis na itong lumabas ng silid. Pero sandali rin itong napatigil sa paghakbang at binalikan sa isip ang mga narinig nito at nakita. "Dahil ba sa aksidente kaya siya parang ibang tao? That brat! Is she trying to get away from me? Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang pagsira sa relasyon namin ni Trixie." Napalingon si Ponce sa nilabasan nito na silid. Bahagya itong umatras. Nakaawang pa ang hindi nito naisara na pinto kaya natanaw pa nito ang wala nang malay na pastenye roon. "She's obviously Fate. But she is acting like someone else. Darn! She's a good actress." Umalis na ang binata habang naiiling na lang.NATAWA ang mga bisita na nakarinig sa sinabi ni Faith. At hindi na niya iyon mababawi pa. Kaya patay-malisya na lang siya."Mahal mo si Ponce? Wake up, girl! Kahit anak ka pa nang pinakamayaman sa buong mundo o ikaw pa ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi mo siya mapipilit na mahalin ka!"Napataas siya ng kilay sa nang-uuyam na babae. "Hindi ko sinasabi na mahalin niya rin ako. Because I know that true love can't be forced. So, hahayaan ko na lang siya. Mas gusto kong mahalin na lang ang sarili ko.""What do you mean? Ang taong katulad mo na walang puso, hindi marunong magmahal.""Kung wala akong puso, bakit ako humihinga? Kailangan mo ba ng logic explanation?""B*tch! You're still the same even though you fell into a coma for months. At kahit yata ilang karayom o gamot ang iturok sa 'yo, wala nang magbabago sa ugali mo.""Hindi ako pumunta rito para makipag-away, okay? Nagbabagong-buhay na ako."Muling umugong ang nakakainsultong malakas na tawanan sa paligid."Bakit?" p
NAPAPAILING si Faith habang nakatingin sa hawak na cellphone. Noong una niya iyong mahawakan ay hindi na talaga siya makapaniwala sa pagiging obsess ni Fate kay Ponce.And up until now, she still can't believe it. Ngayon lang siya nakakita at nakakilala nang ganitong tao."Tsk! Ibang klase rin siyang main-love. Bukod sa pagiging stalker, fanatic din siya na medyo weird. May tama talaga siya sa ulo."PONSY.Those five letters in bold and big font size were the names on all Fate's social media accounts. It is a combination of Ponce and the surname Sy."She really marked him as her own property."Gusto sana niya iyong palitan, pero hindi niya alam ang password ng ginamit nitong email account. She was thinking of just creating a new one, but she couldn't decide kung pangalan ba niya o ni Fate ang gagamitin niya.Kahit nasa katawan siya ng iba, totoo man iyon o panaginip, gusto pa rin niyang makibalita sa kanyang pamilya lalo na sa ina niya. Dahil alam niyang ito ang labis na nasaktan sa
"NAY.""Uhm.""Ang aga niyo po yata ngayon?"Naupo muna si Nanay Berna. "Walang gaanong mga labahin kaya pinauwi na ako."Iniwan ni Theo ang ginagawang mga takdang-aralin sa mesa at nagsalin siya ng tubig sa isang baso saka iyon iniabot sa ina. "Magpahinga ka lang po riyan. Bumili lang po si Ate Thea ng ulam sa labasan.""Hindi ko siya nakita.""Baka po naubusan na kina Aling Elsa at naghanap sa ibang tindahan.""Iniwan ba ng ate mo ang cellphone niya?""Sandali po at titingnan ko."Tumungo si Theo sa silid ng kapatid. Wala siya roong nakitang cellphone. Hinanap din niya iyon sa kusina. "Ah, heto." Binalikan niya ang ina. "Nay, oh.""Hindi ako marunong gumamit niyan.""Ano po bang gagawin niyo rito? May tatawagan po ba kayo?""Wala. Pero ang alam ko, puwedeng mahanap diyan ang taong gusto kong hanapin.""Opo. Sino pong hahanapin niyo?""Hindi ko alam ang tamang bigkas, pero katunog siya ng pangalan ng Ate Faith mo.""Faith?""Subukan mong hanapin.""Marami pong may pangalan na Faith.
"ANG layo yata ng iniisip mo?"Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay bumaling ng tingin si Laliene kay Kiel na nagmamaneho. Pauwi na sila mula sa bahay ng pamilya Sy."Anong iniisip mo?""Para kasing kakaiba ngayon si Fate.""Hindi ba't sinabi naman ni Tita Lanie na unti-unti na nga raw siyang nagbabago. Baka iyon ang napapansin mo.""Hindi. Hindi iyon ang nakikita ko. Her attitude is the same. Sarcastic pa rin siya sa akin.""So, you're not close to her?""Hindi siya nakikipagkaibigan sa mga mahihirap. Walang-wala kami noon kaya ang tingin niya sa amin ay nakakadiri na mga hampas-lupa.""Pero ikaw lang daw ang naaalala niya.""Maybe she's just taunting me.""Dumalo siya sa kasal natin, 'di ba?""Because I told her na darating si Ponce. And when she found out that I lied to her, sinabi niya sa akin na pagbabayaran ko iyon.""Bakit mo siya inimbitahan kung ayaw naman niyang pumunta?""Sinabi ni Papa na makipag-close ako sa kanya. Although malayo silang magkamag-anak ng kanyang Mama,
"SHE will never change!""They can still hear you. Sumakay ka muna."Inis na binuksan at isinara ni Ella ang pinto ng sasakyan. Inukupa na rin ni Matthew ang driver's seat."Darn! You're all delusional thinking na magbabago pa siya. She will never be. Ganoon na siyang klaseng tao. Arrogant and mighty."Hindi umimik si Matthew. Binuhay na lang nito ang makina at pinaandar na ang sasakyan."The nerve of her na banggitin ang ginawa niyang pagsira sa engagement party nina Ponce at Trixie. She doesn't have a slight remorse. Nakita mo naman, 'di ba? She smiled and laughed. But I feel the same aura from her. Evilish.""Please be mindful with your words. Kahit na baliktarin mo man ang mundo, kadugo at pamilya ko siya."Umismid lang si Ella."Bata pa si Fate. Marami pa siyang dapat na malaman at pagdadaanan sa buhay.""You keep on saying that!" asik nito. "Bata pa! Bata pa! Eighteen na siya!"Eighteen is still young.""I really hate you sa tuwing ipinagtatanggol mo siya. She always gets into m
ITINULOS sa kinatatayuan si Faith habang walang kurap na nakatitig kina Laliene at Kiel na parehong nakangiti sa kanya.She thought she was brought back to her old life. Akala niya nagising na siya sa panaginip. And that the reality is in front of her.But, no.For an insane seconds, nakalimutan niyang nasa ibang katawan siya. Nakaramdam siya nang magkahalong takot at pangamba."Hi, Fate." Tumayo si Laliene at nakangiti nang sinalubong ng yakap ang nakatulos na dalaga. "Masaya akong nakita ka ulit."Gusto sana niya itong itulak at sampalin. She's still enraged because of their betrayal. But she controls herself. Hindi siya puwedeng mabuking nang dahil sa dalawang traydor."By the way, this is my husband..."Natuon ang tingin niya sa paglapit din ni Kiel na inilahad pa ang palad sa kanyang harapan. Sandali muna niya iyong tinitigan bago napilit ang sarili na abutin iyon."Sa wakas, nakilala na rin kita. Madalas kang ibida sa akin ni Laliene. At tama nga siya. Mas maganda ka sa personal







