LOGIN"ANAK?"
Hindi sa kanya pamilyar ang tinig na ilang araw na rin niyang naririnig. Malumanay man iyon, pero iba pa rin ang kalakip na pagmamahal sa boses ng kanyang ina. "Anak, please don't leave us. Hindi pa kami handa ng dad mo na mawala ka." She must be dreaming. Wala na siyang ama. Bata pa lang siya nang mamatay ito dahil sa prostate cancer na tulad niya ay pinahirapan muna ng sakit nang ilang buwan bago binawian ng buhay. "You're too young. You still have a good future." That woman must be kidding. She is dying already. Binigyan na siya ng doktor nang taning. Kaya wala nang magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya. "Marami ka pang pangarap, 'di ba?" Tama. Gusto pa niyang maipatayo ng sariling bahay ang ina't mga kapatid. Naririnig niya noon na magtataas na ang renta sa kanilang maliit na apartment. Gusto niya rin na makapag-aral hanggang sa kolehiyo sina Theo at Thea. Ayaw niyang maranasan ng mga ito ang hirap ng buhay na walang edukasyon tulad nina Nanay at Tatay na laging ipinapaalala sa kanila. "You will be a great fashion designer someday." No. She wants to be a teacher. Matagal na niyang pangarap iyon. And she was also planning na tumanggap ng mga private tutorial dahil alam niya na mababa lang ang sahod ng mga pampublikong guro. Pero magsisikap siya, mag-iipon at patuloy na magsisipag. "I was really looking forward na makapagsuot ng sarili mong mga desinyo." Ibang tao yata ang kausap ng nagsasalitang babae. Hindi siya. She is curious to know. Pero ayaw makisama ng kanyang mga mata. Gusto niyang dumilat. But she can't even move an inch. Kahit ang mga daliri niya sa kamay ay hinang-hina ring gumalaw. "Doc." "Mrs. Sy, good morning. Ang aga mo yata ngayon?" "I have an important client nearby kaya dumaan muna ako rito." "I see." "Doc, how's my daughter? I know she is getting better, but it's more than three months already. Bakit hindi pa rin siya nagigising?" "That's a little strange, too. We did another test yesterday and early this morning. It shows na naging normal na ang kanyang mga vitals since a week ago." She can hear their voices. At malinaw iyon. Sa pag-uusap ng dalawa, nasisiguro niyang nasa loob siya ng ospital. Sinabi niya sa ina na huwag na siyang dalhin doon dahil hindi na rin naman hahaba pa ang kanyang buhay. Nag-aalala siya sa gastos at pambili ng mga gamot. Baka lalo silang mabaon sa utang. "Anong ibig sabihin niyan, doc?" "It depends now to her if she really wants to wake up." Gusto niyang tawagin ang ina at sabihin ditong iuwi na siya para hindi na madagdagan pa ang kanilang mga bayarin. Ayaw niya na tumanggap pa ito ng mga ekstrang labada para lang sa kanyang pagpapagamot. Pero wala siyang lakas. Tila inabandona na rin siya ng kanyang sariling tinig. "Mas maganda na lagi niyo lang kausapin ang pasyente. Even if she's in a coma, she can still hear sounds and voices." "We'll do that. Salamat, doc." Hindi niya maramdaman ang presensiya ng ina sa paligid. Mula nang malaman nito ang tungkol sa kanyang sakit, maya't maya itong nasa tabi niya kapag nasa ospital sila o kung nasa bahay ito at walang trabaho. "Iha?" Tinatawag siya ng doktor. Ito ang kausap ng babae kanina. Iisa lang pala ang tumitingin sa kanila ng anak nito. "Gising na. Miss na miss ka na ng pamilya mo." Miss na rin niya ang ina at dalawang kapatid. Kahit na ang namayapa niyang ama. Kung mabibigyan nga lang siya ng pangalawang buhay, gagawin niya ang lahat para makabawi sa kanyang pamilya. "Naririnig mo ba ako, Fate?" Yes. It was her. He was calling her name. Naririnig niya ang pagsasalita ng doktor maging ang init ng mga daliri nito na idiniin sa kanyang pulsuhan. He also used a stethoscope sa dibdib niya. "I know you can hear me. You need to wake up. Manghihina ang katawan mo sa matagal na pagkakahiga. You've been here for months." Months? Magkano na ang babayaran nila sa ospital? Pareho pala sila ng anak ng nagsasalitang babae kanina. "Nakadepende na lang sa 'yo ang paggaling mo. So, keep fighting. And wake up. The soonest, the better." Sumalubong sa kanya ang munting liwanag dahil sa pagbuka ng doktor sa isa niyang mata. Pero mabilis din namang naglaho iyon nang bitiwan nito ang kanyang talukap. "'I will leave first. Anything you need, puntahan mo na lang ako sa opisina." "Thank you, doc." Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Umalis na ang doktor, pero naroon pa rin ang presensiya ng babae. Iisa lang ba ang silid nila ng anak nito? "Fate..." Kilala siya ng babae. Siguro dahil nasa iisang silid lang sila. "Anak?" No. The woman must be mistaken. Kahit nakapikit siya, kilala niya ang presensiya, init at tinig ng kanyang sariling ina. "Please don't make us worry. Your dad and I can't sleep well dahil nag-aalala kami sa 'yo." Naramdaman niya ang init ng palad na humahaplos sa kanyang ulo. Pero magkaiba iyon sa masuyong dantay ng Nanay niya. "Hang in there, baby. And please wake up soon. I'm really worried about you. Nag-iisa ka lang namin na anak kaya masasaktan ako kapag iniwan mo kami." Nalilito siya. Para kasing siya ang kinakausap ng babae. Pero iba naman ang mga sinasabi nito tungkol sa kanya. Tatlo silang magkakapatid kaya hindi siya nag-iisa. "Hindi ko alam ang puwede kong gawin sa sarili ko kapag nawala ka. Lumaban ka." Naiintindihan niya ito tulad ng kanyang ina. Masakit talaga sa mga magulang na makitang naghihirap ang kanilang mga anak. "I will be back soon, okay? Sana pagbalik ko ay gising ka na." The woman even kissed her forehead. May mali sa nangyayari. Imposible na ibenta siya ng ina sa ibang tao. Sinabi nito noon na gaano man kahirap ang kanilang buhay, hindi sila maghihiwa-hiwalay.NATAWA ang mga bisita na nakarinig sa sinabi ni Faith. At hindi na niya iyon mababawi pa. Kaya patay-malisya na lang siya."Mahal mo si Ponce? Wake up, girl! Kahit anak ka pa nang pinakamayaman sa buong mundo o ikaw pa ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi mo siya mapipilit na mahalin ka!"Napataas siya ng kilay sa nang-uuyam na babae. "Hindi ko sinasabi na mahalin niya rin ako. Because I know that true love can't be forced. So, hahayaan ko na lang siya. Mas gusto kong mahalin na lang ang sarili ko.""What do you mean? Ang taong katulad mo na walang puso, hindi marunong magmahal.""Kung wala akong puso, bakit ako humihinga? Kailangan mo ba ng logic explanation?""B*tch! You're still the same even though you fell into a coma for months. At kahit yata ilang karayom o gamot ang iturok sa 'yo, wala nang magbabago sa ugali mo.""Hindi ako pumunta rito para makipag-away, okay? Nagbabagong-buhay na ako."Muling umugong ang nakakainsultong malakas na tawanan sa paligid."Bakit?" p
NAPAPAILING si Faith habang nakatingin sa hawak na cellphone. Noong una niya iyong mahawakan ay hindi na talaga siya makapaniwala sa pagiging obsess ni Fate kay Ponce.And up until now, she still can't believe it. Ngayon lang siya nakakita at nakakilala nang ganitong tao."Tsk! Ibang klase rin siyang main-love. Bukod sa pagiging stalker, fanatic din siya na medyo weird. May tama talaga siya sa ulo."PONSY.Those five letters in bold and big font size were the names on all Fate's social media accounts. It is a combination of Ponce and the surname Sy."She really marked him as her own property."Gusto sana niya iyong palitan, pero hindi niya alam ang password ng ginamit nitong email account. She was thinking of just creating a new one, but she couldn't decide kung pangalan ba niya o ni Fate ang gagamitin niya.Kahit nasa katawan siya ng iba, totoo man iyon o panaginip, gusto pa rin niyang makibalita sa kanyang pamilya lalo na sa ina niya. Dahil alam niyang ito ang labis na nasaktan sa
"NAY.""Uhm.""Ang aga niyo po yata ngayon?"Naupo muna si Nanay Berna. "Walang gaanong mga labahin kaya pinauwi na ako."Iniwan ni Theo ang ginagawang mga takdang-aralin sa mesa at nagsalin siya ng tubig sa isang baso saka iyon iniabot sa ina. "Magpahinga ka lang po riyan. Bumili lang po si Ate Thea ng ulam sa labasan.""Hindi ko siya nakita.""Baka po naubusan na kina Aling Elsa at naghanap sa ibang tindahan.""Iniwan ba ng ate mo ang cellphone niya?""Sandali po at titingnan ko."Tumungo si Theo sa silid ng kapatid. Wala siya roong nakitang cellphone. Hinanap din niya iyon sa kusina. "Ah, heto." Binalikan niya ang ina. "Nay, oh.""Hindi ako marunong gumamit niyan.""Ano po bang gagawin niyo rito? May tatawagan po ba kayo?""Wala. Pero ang alam ko, puwedeng mahanap diyan ang taong gusto kong hanapin.""Opo. Sino pong hahanapin niyo?""Hindi ko alam ang tamang bigkas, pero katunog siya ng pangalan ng Ate Faith mo.""Faith?""Subukan mong hanapin.""Marami pong may pangalan na Faith.
"ANG layo yata ng iniisip mo?"Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay bumaling ng tingin si Laliene kay Kiel na nagmamaneho. Pauwi na sila mula sa bahay ng pamilya Sy."Anong iniisip mo?""Para kasing kakaiba ngayon si Fate.""Hindi ba't sinabi naman ni Tita Lanie na unti-unti na nga raw siyang nagbabago. Baka iyon ang napapansin mo.""Hindi. Hindi iyon ang nakikita ko. Her attitude is the same. Sarcastic pa rin siya sa akin.""So, you're not close to her?""Hindi siya nakikipagkaibigan sa mga mahihirap. Walang-wala kami noon kaya ang tingin niya sa amin ay nakakadiri na mga hampas-lupa.""Pero ikaw lang daw ang naaalala niya.""Maybe she's just taunting me.""Dumalo siya sa kasal natin, 'di ba?""Because I told her na darating si Ponce. And when she found out that I lied to her, sinabi niya sa akin na pagbabayaran ko iyon.""Bakit mo siya inimbitahan kung ayaw naman niyang pumunta?""Sinabi ni Papa na makipag-close ako sa kanya. Although malayo silang magkamag-anak ng kanyang Mama,
"SHE will never change!""They can still hear you. Sumakay ka muna."Inis na binuksan at isinara ni Ella ang pinto ng sasakyan. Inukupa na rin ni Matthew ang driver's seat."Darn! You're all delusional thinking na magbabago pa siya. She will never be. Ganoon na siyang klaseng tao. Arrogant and mighty."Hindi umimik si Matthew. Binuhay na lang nito ang makina at pinaandar na ang sasakyan."The nerve of her na banggitin ang ginawa niyang pagsira sa engagement party nina Ponce at Trixie. She doesn't have a slight remorse. Nakita mo naman, 'di ba? She smiled and laughed. But I feel the same aura from her. Evilish.""Please be mindful with your words. Kahit na baliktarin mo man ang mundo, kadugo at pamilya ko siya."Umismid lang si Ella."Bata pa si Fate. Marami pa siyang dapat na malaman at pagdadaanan sa buhay.""You keep on saying that!" asik nito. "Bata pa! Bata pa! Eighteen na siya!"Eighteen is still young.""I really hate you sa tuwing ipinagtatanggol mo siya. She always gets into m
ITINULOS sa kinatatayuan si Faith habang walang kurap na nakatitig kina Laliene at Kiel na parehong nakangiti sa kanya.She thought she was brought back to her old life. Akala niya nagising na siya sa panaginip. And that the reality is in front of her.But, no.For an insane seconds, nakalimutan niyang nasa ibang katawan siya. Nakaramdam siya nang magkahalong takot at pangamba."Hi, Fate." Tumayo si Laliene at nakangiti nang sinalubong ng yakap ang nakatulos na dalaga. "Masaya akong nakita ka ulit."Gusto sana niya itong itulak at sampalin. She's still enraged because of their betrayal. But she controls herself. Hindi siya puwedeng mabuking nang dahil sa dalawang traydor."By the way, this is my husband..."Natuon ang tingin niya sa paglapit din ni Kiel na inilahad pa ang palad sa kanyang harapan. Sandali muna niya iyong tinitigan bago napilit ang sarili na abutin iyon."Sa wakas, nakilala na rin kita. Madalas kang ibida sa akin ni Laliene. At tama nga siya. Mas maganda ka sa personal







