Home / Romance / REMEMBER ME, NEVER / Chapter 1 "The Woman Who Couldn't Remember"

Share

REMEMBER ME, NEVER
REMEMBER ME, NEVER
Author: PenWonderWrite

Chapter 1 "The Woman Who Couldn't Remember"

last update publish date: 2026-08-10 19:21:43

Elena's Pov

May kung anong paulit-ulit na tunog ang unang gumising sa akin.

Hindi ko alam kung gaano na katagal akong natutulog, pero pakiramdam ko, para akong nilubog sa napakalalim na dagat at ngayon lang muling umahon para huminga.

Mabigat ang buong katawan ko. Maging ang simpleng pagmulat ng mga mata ay tila napakahirap gawin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga ito. Ngunit agad din akong napapikit ulit. Napakaliwanag, Parang tinutusok ng puting ilaw ang mga mata ko, mahapdi ang dulot nito.

Ilang segundo muna akong nanatiling nakapikit hanggang sa unti-unting masanay ang paningin ko. Nang muli kong imulat ang mga mata ko, isang puting kisame ang unang bumungad sa akin, napakurap ako, Hindi ito pamilyar sa akin.

Unti-unti kong inilibot ang tingin ko sa paligid.

Puting kurtina, ang makinang nakakabit sa tabi ng kama. At may suwero sa kaliwang kamay ko.

Amoy gamot, parang antiseptic. Napaisip ako nasa hospital ba ako? Napakunot-noo ako.

"...Hospital?" Mahina kong bulong ulit sa sarili.

Bakit ako nandito? Ano'ng nangyari? Sinubukan kong bumangon, ngunit biglang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako rito habang mariing napapikit. "Agh..." Pakiramdam ko'y may kung anong pumipiga sa utak ko.

Huminga muna ako nang malalim.

pinapakalma ang sarili, Kailangan kong kumalma, Piliting alalahanin ang lahat. Pero...

Ano nga ba ang aalalahanin ko? Bigla akong natigilan.

Mabagal akong napalingon sa kabilang bahagi ng silid. Doon ko lamang napansin may isang lalaki. Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng bintana. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon.

Matangkad ito, na halos kailangan niyang yumuko nang kaunti para sumandal sa dingding. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved polo na nakatiklop hanggang siko at dark slacks. Sa kaliwang pulsuhan niya ay may mukhang mamahaling relo, habang ang maitim niyang buhok ay maayos na nakasuklay paatras. Halata ang dugong banyaga sa matangos niyang ilong at matalas na panga.

Gwapo, Hindi... Napakaguwapo nito. iyon ang unang tumatak sa isip ko. Isa siya sa mga lalaking mapapalingon ka kahit minsan mo lang makita. Pero ang higit na nakakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya. masyado itong malamig, at tahimik. Parang napakarami niyang gustong sabihin pero pinipili niyang manatiling walang emosyon.

Siguro ay napansin na niyang nakatingin ako, Tumayo siya nang tuwid at dahan-dahang lumapit sa akin, Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi naman ako natatakot.

Pero... alam ko sa sarili, hindi ako komportable sa presensya niya.

"You finally woke up." Huminto siya sa tabi ko.

Napalalim ng boses niya na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Napakurap ako ng ilang beses, Pinagmasdan ko ang mukha niya. Pinipilit kong hukayin sa isip ko kung saan ko siya nakita.

Kahit isang beses lang... kahit isang alaala lang

Pero... Wala.

Naiinis akong aminin ito, pero para bang may malaking bahagi ng buhay ko ang biglang nabura. Napahawak ako sa sentido ko, dahil mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Don't." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Marahan. "Don't force yourself."

Napatingin ako sa kamay naming magkadikit.

Mainit ang dala nitong pakiramdam, hindi ko alam kung bakit, pero parang may kakaibang pakiramdam na dumaan sa dibdib ko.

"Sino ka?" Matapos ko siyang tanungin, humugot ako ng malalim na hininga, Ilang segundo siyang natahimik, hindi siya sumagot agad.

Sa unang pagkakataon, nakita kong bahagyang kumunot ang noo niya. Parang nasaktan sa tanong ko, pero mabilis din iyong nawala. Bago pa siya makapagsalita, bumukas ang p***o ng silid. Pumasok ang isang doktor kasama ang dalawang nurse.

"Oh, you're finally awake." Lumapit ito sa akin habang tinitingnan ang monitor sa tabi ng kama. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"...Masakit ang ulo ko." napahawak narin ako rito.

"Normal lang iyan." Ngumiti siya bago inilawan ng maliit na flashlight ang mga mata ko. "May ilang tanong lang ako." Tahimik akong tumango.

"Alam mo ba ang pangalan mo?"

Napabuntong-hininga ako, Pangalan ko? Ako si...

Simple lang ang tanong... Pero bakit... Hindi ko masagot?

Pinikit ko ang mga mata ko, Pinilit kong alalahanin, Isa lang please... Kahit pangalan ko lang. Kinakausap ko ang sarili ko, at alam kong rinig na rinig nila kung gaano ako kadismaya, dahil wala talaga, as in blanko ang loob ng isip ko.

"Hindi ko..."Unti-unting na naman bumilis ang tibok ng puso ko, napailing ako. "Hindi ko alam..." Dahan-dahang tumulo ang luha ko.

Tahimik na tumango ang doktor, hindi siya mukhang nagulat, na para bang inaasahan na talaga niya itong mangyari.

"You suffered a severe head injury after a car accident."

"Aksidente?" Napakunot-noo ako.

"Yes." Inilapag niya ang chart na hawak. "Nagkaroon ka ng retrograde amnesia." Lalo akong nalito.

"Ano po iyon?" Nagtataka kong tanong, kahit alam ko naman ang salitang amnesia.

"Ibig sabihin, naapektuhan ang mga alaala mo bago dahil sa aksidente. Maaari mong makalimutan ang mga tao, lugar, o maging ang sarili mong pagkakakilanlan. Ngunit buo pa rin ang kakayahan mong magsalita, mag-isip, at gumawa ng mga bagong alaala."

Biglang bumigat ang dibdib ko.

"Maaalala ko pa ba sila?" tuloy-tuloy na ang pagpatak ng aking luha, dahil sa mga narinig.

"Posible." Ngumiti siya nang bahagya. "Pero huwag mong pilitin ang sarili mo. Walang nakakaalam kung kailan babalik ang mga alaala mo. Maaaring bukas, ilang buwan, o mas matagal pa. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang pagpapahinga."

Tahimik akong tumango, pero sa loob-loob ko ay wasak na wasak na. Pakiramdam ko...

Hindi lang alaala ang nawala sa akin.

Parang pati pagkatao ko.

Matapos sabihin iyon ng doktor, Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking kanina pa tahimik na nakatayo sa tabi ko, habang pilit na pinupunasan ang aking mga luha.

Hindi siya umaalis naririto parin siya na nakatingin sa akin ng mariin. Huminga ako ng malalim, gusto kong malaman kung may koneksyon ba siya sa akin o aking pagkatao.

"...Kung gano'n..." Mahina kong tanong. "...Sino ka?" Nagtagpo ang mga mata namin. Sa pagkakataong iyon... Parang may lungkot na dumaan sa malamig niyang tingin.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit ngunit maingat, na para bang pinaparamdam niyang okay lang ang lahat, andito lamang siya para sa akin.

Pagkatapos ay direkta siyang tumingin sa mga mata ko, mga matang magpapalambot sa iyong tuhod.

"I'm Alessandro De Luca." Huminto siya sandali.

At ang sumunod niyang sinabi... ang tuluyang nagpayanig sa mundong kakagising ko pa lamang.

"...And I'm your husband."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 16 "The Other Man"

    Third POVDali-dali siyang tumakbo palayo bago makita o mapansin siya ni Alessandro. At nang nakalayo na siya bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Tumawag si lexi,ang bestfriend ni Elena. Agad niya itong sinagot."The Heck Nathan!" Nailayo niya ang phone sa tenga niya, sa sobrang lakas ng boses nito. "Wala ka ba talagang maintindihan? Sabi nang wag ka munang lalabas! diba!""Chill lexi, di naman ako nakita." Hingal niyang saad, napagod siya sa kakatakbo kanina."Wow, chill? eh halos malagutan ka nang hininga ngayon,ano bang katangahang iniisip mo Nathan?" diin na tanong nito sa kanya."I... I just wanna see how's Elena doing." Malunkot na sagot niya."Alam ko naman iyon. Pero dapat ka munang manatiling nagtatago, mainit ang pangalan mo Nate, kahit pa ang inaakala ng lahat ay namatay ka sa loob ng preso." Dama niya ang pag-aalala sa boses nito. "Look, Nathan. Alam mong hindi tanga si Alessandro upang maniwala na patay kana?" Naikuyom naman niya ang mga kamao. "Alam natin dalawa

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 15 SPG "His Hidden Fear"

    Alessandro's POVA call broke my deep sleep, I immediately looked at the wall clock and saw that it was only 6 am. I first looked at Elena's face, who was fast asleep hugging me and only a blanket covering her body. Before I answered the call. "Speak." I said firmly, "Sir, Confirmed. Nathan escaped." I held my phone tightly, and almost cursed at what he said. "Watch carefully and don't let him get close to Elena." I was shaking with anger, how could he escape if his guard in the prison was so strict. "Got it boss." I hung up the call, and returned to Elena's gentle face, I will never let Nathan get close to you, and I will never let you remember him again. I caressed her soft cheek, and my jaws tightened with anger. Just thinking about Nathan touching her, kissing her, or doing what we did last night feels like I could kill someone again. Again? Yes, I could kill for Elena, I could do anything for her. That's how deep my love for her is.I called my highly trusted bodyguards and o

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 14 SPG "His Punishment"

    Elena's POVDi ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng mansion, Alessandro seems off in a different way , di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin habang hila-hila ako papuntang kwarto di man pinansin ang mga staff na bumati sa amin. Binuksan niya ang pinto, at agad din sinarado at nilock ito."Ally-" Di ko na natapos ang sasabihin ko, umangat ang gilid ng labi ni Alessandro. Minsan ko lamang siyang nakikitang ganito, kaya naman namamangha talaga ako sa tuwing ganito ang pinapkita niya sa akin, at hinila pa ako papalapit sa kanya, napunta ang isang kamay niya sa batok ko sabay bulong sa akin."I want you, Baby." Mariin at mainit niya akong hinalikan sa labi, nawala lahat ng iniisip ko at tinuon ang buong atensyon sa masarap na sensayong dulot ng halik ni Ally.Our tongue's tangled together, tasting each other in a way that made my toes curl. Naging malikot ang mga kamay ni Alessandro na pumaloob sa blouse ko, at napasinghap ako nang

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 13 "Doubts"

    Elena's POVHindi ko mabilang kung ilang minuto kaming nagtitigan ni Alessandro, walang balak magsalit ni isa sa amin. Kaya naman siya na ang sumuko at napabuntong hininga ng malalim.He motioned for the bodyguard to leave us, and he came over to help me. I had many more questions, but I knew he wouldn't answer them all. I looked around again and saw where the man who had been watching me earlier was standing, he was no longer there. Agad ko itong hinanap."Are you looking for something or someone?" he asked, his gaze already fixed on the direction I was looking at, I felt nervous, because I didn't want to tell him that. "Nothing." I answered briefly."I didn't wake you up earlier, because I knew you weren't feeling well yet." He said seriously as he folded our hands, I stared at him. I felt really strange in a good way every time we were this close to each other, so even though my mind was full of doubts. My heart was full of love for him."Sorry if I went out, I'm bored at home too

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 12 "Strange Memories"

    Elena's POVMatapos ang pagtatanong at paghihintay ng sagot mula kay Ally. Nanatili kaming nakaupo sa sofa habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Napatingin ako sa wall clock, madaling araw na pala, at wala parin kaming balak na magpahinga o matulog. Parehong sobrang lalim ng mga iniisip namin."Ally, ni minsan ba naiisip mong iwanan ako?" Nakatingin ako sa kanya habang mataimtim lamang siyang nakamasid sa sala."No Baby," Sabay harap niya sa akin. "Never in my life, Elena. You should know from now on, that you're my everything, my world." Napakaseryoso niyang saad."Bakit ka ba ganyan? Hindi ko alam kung ano ang kasalanang nagawa ko sa iyo." Huminga ako ng malalim bago nagsalita muli. "Pero alam kong labis kitang nasaktan." Tumulo na naman ang luha ko, maski ang mga mata ko ay sumangayon sa sinasabi ko, dahil di naman siguro ako luluha ng ganito kong magaan lamang ang kasalanan ko sa kanya."You've done nothing, Baby." Paulit-ulit niyang sinasabi iyon, pero wala na itong silbi

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 11 "Blurred"

    Chapter 11 "Blurred"Elena's POV"She is mine! Paano mo nagawang akuhin ang taong hindi sa iyo?! Alessandro!" Rinig na rinig ko ang boses ng lalaking sumisigaw at para bang kilalang-kilala ko ito."Are you talking to yourself? The last time I checked you are the one claiming her! Hindi naman siya sa iyo, you Moron!" At iyon naman ay boses ni Ally, lakad takbo ang bawat hakbang ko dahil pilit kong hinahanap kung saan nanggagaling anv mga boses. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba na parang umiikot ang lugar. Napahawak ako sa ding-ding ng mariin, at pilit na humihinga ng normal, feeling ko kasi ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay, dahil unti-unting sumisikip ang paghinga ko."Don't you dare say that Alessandro! I own Elena, she is mine to claim!" Patuloy parin ang sagutan nila, hanggang sa nakita ko na silang dalawa. Agad bumuka ang bibig ko upang tawagin ang isa sa kanila."N-Nathan?" Agad itong humarap patungo sa akin. Akala ko makikita ko nang tuluyan ang mukha niya, but it's b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status