Home / Romance / REMEMBER ME, NEVER / Chapter 2 "Strangers"

Share

Chapter 2 "Strangers"

last update publish date: 2026-08-10 19:23:03

Elena's Pov

Magdamag akong hindi nakatulog.

Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, paulit-ulit kong sinusubukang hanapin ang kahit isang alaala. Isang mukha, isang pangalan. isang lugar. Kahit anong pwedeng kumapit sa isip ko. Ngunit sa bawat

pagtatangka, wala akong makita kundi kadiliman. Para bang may isang taong sadyang binura ang buong nakaraan ko, at ang tanging naiwan ay ang kasalukuyan.

Ilang beses ko ring naisip ang sinabi ni Alessandro. "I'm your husband."

Sa tuwing maaalala ko ang mga salitang iyon, hindi ko maiwasang mapalingon sa lalaking tahimik na nakaupo sa sofa sa kabilang bahagi ng silid. Nandoon na naman siya. Katulad kahapon. At noong isang araw. Tahimik lamang siyang nagbabasa ng ilang dokumento habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin upang tiyaking ayos lang ako.

Hindi siya palabati, hindi rin siya palabiro.

Sa katunayan, hindi ko pa yata siya nakitang ngumiti. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko ay panatag ako kapag naroon siya. Marahan siyang tumayo nang mapansing gising na ako.

"Good morning." Malalim at kalmado ang boses niya.

"Good morning..." mahina kong sagot. Lumapit siya sa akin at inayos ang unan sa likuran ko bago tinulungan akong makaupo nang maayos.

Amoy na amoy ko ang kanyang pabango, hindi ko alam pero nasasanay na ako sa lahat ng meron siya, pati pabango niya ay gusto ko.

"How are you feeling?" Tanong niya matapos ayusin ang unan.

"I... I still can't remember anything." Nahihirapang sagot ko.

Ilang segundo siyang natahimik bago bahagyang tumango.

"You don't have to rush." Simple lamang ang sinabi niya, ngunit may kung anong bigat sa paraan ng pagkakasabi niya. Para bang hindi lang ako ang gusto niyang kumbinsihin, kundi pati ang sarili niya.

Bago pa ako makapagsalita, may kumatok sa p***o.

Makalipas ang ilang segundo ay dahan-dahan itong bumukas. Tatlong tao ang pumasok sa loob.

Isang babae ang unang bumungad sa akin. Halos magkasing-edad sila ng lalaking kasama niya. Maganda pa rin ito sa kabila ng ilang guhit ng panahon sa mukha, ngunit halata ang pagod at puyat sa mga mata nito. Sa likuran nila ay isang dalagang marahil ay nasa edad ko lamang.

Nang magtagpo ang mga mata namin, biglang napuno ng luha ang babae.

"Elena..." Basag ang boses niya. Bago pa ako makapag-isip, mabilis siyang lumapit at mahigpit akong niyakap. "Thank God... thank God you're awake..."

Nanigas ang buong katawan ko, hindi ko alam ang gagawin, hindi ko siya kilala. Hindi ko maalala ang yakap na iyon. Marahan kong inilayo ang sarili ko at nahihiyang tumingin sa kanya.

"I'm... sorry..." Napakurap siya. "...Who are you?"

Para akong nakarinig ng kung anong nabasag.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya habang nanginginig ang labi.

Lumapit ang lalaking kasama niya at marahang hinawakan ang balikat nito.

"Calm down," mahina nitong sabi bago bumaling sa akin. "Anak..." Napayuko ako. "I'm your father."

Parang biglang bumigat ang dibdib ko.

Father, Mother. Paulit-ulit kong binanggit ang mga salitang iyon sa isip ko, umaasang may mabubuksang alaala. Ngunit wala.

Napahawak ako sa sentido ko habang pilit na inaalala ang mukha nila. Kasabay niyon ang biglang pagsakit ng ulo ko.

"Agh..."

"Elena!" Mabilis na lumapit ang doktor na kasabay palang pumasok ng nurse. "Don't force your memories." Maraming sinabi ang doktor sa mga magulang ko na hindi ko na maintindihan, hanggang sa nag-paalam na ito at lumabas.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang ibinaba ang kamay ko. Nang muli akong tumingin sa dalawang taong nasa harapan ko, nakita ko ang sakit na pilit nilang itinatago.

Napuno ng luha ang mga mata ng babae.

"I'm sorry..." mahina kong sabi. "I really don't remember..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

Tumalikod siya at napahagulhol. Agad siyang niyakap ng lalaking nagpakilalang ama ko. Wala akong maalala, naiinis ako sa sarili ko, ayaw kong may nakikitang nasasaktan lalo na nang dahil sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa bedsheet na para bang gusto kong ilabas doon ang lahat ng nadarama ko ngayon.

Hanggang sa naging tahimik na lamang silang dalawa habang sinusubukang tanggapin ang katotohanang hindi ko na sila kilala. Maya-maya ay lumapit ang dalagang kanina pa ng nakatingin sa akin. Agad siyang ngumiti ng mapansin ko siya.

"Hi..." Bahagya siyang kumaway. "I'm Sofia." Napakunot-noo ako.

"Sofia?" marahan kong tanong.

"I'm... I'm your cousin." Napayuko ako sa sagot niya. Isa na namang pangalan... Isa na namang taong dapat ay mahalaga sa buhay ko. Ngunit wala pa rin akong maalala.

Napakabigat sa pakiramdam na makita ang lungkot sa mga mata nila habang wala akong magawa kundi humingi ng paumanhin.

Sobrang tahimik na nang buong silid, walang nagsasalita. Tanging ang mahinang hikbi ng babaeng nagsasabing siya ang nanay ko ang maririnig. Sa gilid ng paningin ko, napansin kong tumayo si Alessandro.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, Wala siyang sinabi. Marahan lang niyang hinawakan ang kamay ko. Ang mainit na palad niya, mahigpit, ngunit maingat, hindi ko inaakala ma magiging isa ito sa magpapakalma sa akin. At habang ginagawa niya iyon, kitang-kita ko sa mukha niya na parang natatakot siyang mawala ako.

Sa lahat ng taong nasa silid na iyon, siya ang pinakatahimik. Ngunit sa likod ng seryoso niyang mukha at laging nakakunot na noo, pakiramdam ko ay siya rin ang may pinakamabigat na dinadala.

Hindi ko alam kung bakit, hindi ko man siya maalala, alam kong malaki ang parte niya sa buhay ko, dahil habang hawak niya ang kamay ko...Unti-unting humupa ang kaba sa dibdib ko.

Ilang oras lang ang itinagal ng pagbisita nila Mommy, Daddy, at ng pinsan kong si Sofia. Bago sila umalis, ilang beses akong niyakap ni Mommy habang umiiyak. Paulit-ulit niyang sinasabing huwag kong piliting alalahanin ang lahat at sapat nang ligtas ako. Si Daddy naman ay tahimik lang, ngunit kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot na pilit niyang itinatago. Si Sofia ay ngumiti lamang sa akin bago kumaway at sinabing babalik silang muli.

Nang tuluyang magsara ang p***o ng silid, biglang nilamon ng kakaibang katahimikan ang buong paligid. Pakiramdam ko ay lalo lamang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko sila maalala. Ang mga taong nagsasabing pamilya ko sila ay wala man lang naibalik na kahit isang alaala sa isip ko. Unti-unti akong napayuko hanggang sa natakpan ng dalawang palad ang mukha ko.

"Bakit..." mahina kong bulong habang pilit na pinipigilan ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. "Bakit wala akong maalala?" Kasabay ng mga salitang iyon ay tuluyan nang bumigay ang emosyon ko.

Isa-isang tumulo ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang paghikbi. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Nasasaktan ko ang mga taong mahal ako kahit wala naman akong ginusto sa nangyari.

"I hate this..." umiiyak kong sabi. "I hate this so much..." Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang buong katawan ko. Napakahirap pala ng pakiramdam na maging estranghero sa sarili mong buhay. Ang makita ang mga taong umiiyak para sa'yo habang wala kang maalala ni isang sandaling kasama mo sila ay parang unti-unting dinudurog ang puso ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang isang mainit na kamay na marahang humawak sa balikat ko. Hindi ko na kailangang lumingon. Alam ko na agad kung sino iyon. Tahimik na naupo si Alessandro sa gilid ng kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya ako pinigilan sa pag-iyak.

Hinayaan niya lamang akong ilabas ang lahat ng bigat na matagal ko nang kinikimkim. Ilang minuto kaming ganoon, hanggang sa marahan niyang iniabot sa akin ang isang puting panyo.

Ilang sandali ko iyong tinitigan bago ko ito tinanggap.

"I'm sorry..." paos kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko. "I don't even know why I'm apologizing anymore." Tahimik lang siyang nakatingin sa akin bago marahan na umiling.

"You don't have to apologize." Hindi ko napigilang mapaiyak muli.

"But I hurt them..." nanginginig kong sabi. "They were crying because of me."

"They're hurting because they love you." Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.

"What if..." Napahinto ako at marahang tumingin sa kanya. "What if I never remember them?" Tahimik siyang napabuntong-hininga bago sumagot.

"Then they'll make new memories with you."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sagot na iyon. "And if it takes months..." saglit siyang tumigil. "...or years... I'll stay."

Hindi ko alam kung bakit, pero sa apat na salitang iyon ay parang may kung anong dahan-dahang nabuo sa loob ko. Pakiramdam ko ay may isang taong handang samahan ako kahit gaano katagal ang paglalakbay na ito. Muli na namang tumulo ang mga luha ko, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na dahil sa frustration. Kundi dahil sa ginhawang unti-unti kong nararamdaman.

Marahan akong napayuko. Hindi ko alam kung paano nangyari, ngunit bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naidikit ko na ang noo ko sa balikat niya. Hindi ko na napansin na ganoon na kami kalapit sa isa't-isa. Nanigas ako, napamulat ang mga mata ko at mabilis na umatras.

"A-Ah..." Namula ang buong mukha ko sa hiya. "S-Sorry..."

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Pakiramdam ko ay kusang kumilos ang katawan ko, na para bang doon ako nakatagpo ng kapanatagan.

Tahimik lang akong tinitigan ni Alessandro. Wala pa ring emosyon ang seryoso niyang mukha, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila bahagyang lumambot ang mga mata niya. Marahan niyang inabot ang kamay ko at maingat itong hinawakan.

"You don't have to be strong all the time, Elena," mahina niyang sabi. "I'll carry your pain until you're ready to carry it yourself."

Hindi na naman ako nakasagot. Tahimik ko lamang siyang tinitigan habang unti-unting kumakalma ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa rin siya maalala. Hindi ko pa rin alam kung ano ang naging buhay namin bago ang aksidente.

Ngunit sa mga sandaling iyon. Muli ay may isang bagay akong sigurado. Na hindi ko na kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 8

    A Feeling I Couldn't NameElena's POVMatapos ang nangyari sa tabing Lake Como noong araw na iyon, tila may kung anong nagbago sa pagitan naming dalawa ni Alessandro. Hindi ko man maalala ang nakaraan namin, mas naging magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya. Unti-unti akong nasasanay sa presensya niya, ang tahimik niyang pag-aalaga, ang paraan ng marahan niyang paghawak sa kamay ko tuwing naglalakad kami, at ang palagi niyang pagtiyak na ligtas ako bago niya unahin ang sarili niya. Hindi na rin siya gaanong mailap sa akin. Bagama't nananatili pa ring seryoso ang mukha niya at bihira siyang ngumiti, mas madalas ko na siyang mahuling nakatingin sa akin. Kapag nahuhuli ko siya, tahimik lang siyang umiiwas ng tingin na para bang walang nangyari. Ngunit sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi ko mapigilang mapangiti.Halos araw-araw na rin kaming lumalabas ng mansion, ayaw niyang mabagot ako kaya naman sa tuwing tapos na ang online meetings niya, minsan ay naglalakad kami sa gilid ng lawa

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 7 "Long Before You Knew My Name"

    Alessandro's POVSome people believe love begins with a confession.Mine began with silence. I don't remember the exact date I first saw her.But I remember every detail of that afternoon.I had just left the university library, carrying several books for my next class. The campus was crowded, yet I paid no attention to anyone. I preferred silence over conversations. It had always been that way.Then suddenly...Someone bumped into me."Oh my gosh!" A soft voice echoed through the hallway as our books scattered across the floor."I'm so sorry!" she said, immediately kneeling to pick them up. "Hindi kita nakita."I remained silent for a moment before kneeling beside her."It's alright." Didn't mind anything, I picked up the last book and handed it to her. She looked up at me."Thank you." For a brief second... Our eyes met, then she smiled.Not because she knew me... Not because she wanted something from me... It was simply... a genuine smile. Something I had never received from a stra

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 6 "Only Mine"

    Elena's PovIsang linggo na ang lumipas mula nang dumating kami sa Italy. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong natututunang kilalanin ang buhay na sinasabing iniwan ko bago ang aksidente. Kahit wala pa ring bumabalik na alaala, nakasanayan ko na ang tahimik na mansion sa Lake Como, ang malamig na simoy ng hangin tuwing umaga, at higit sa lahat, ang presensya ni Alessandro na halos hindi na nawawala sa tabi ko.Tahimik siyang tao. Hindi siya palabiro at bihira ko siyang makitang ngumiti. Palagi ring seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, na para bang walang anumang bagay ang kayang magpabago nito. Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, wala akong maipintas sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Tuwing gigising ako ay siya na ang naghahanda ng almusal. Kapag malamig ang panahon ay siya mismo ang nagsusuot ng coat sa akin. Kapag napapagod akong maglakad ay marahan niyang hahawakan ang kamay ko o kaya'y ilalagay ang isang kamay sa aking bewang upang alalayan ako.Unti-unti kong nata

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 5 "A Familliar Stranger"

    Elena's PovPagsapit ng gabi ay muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kanina ko pa pilit iniiwasang isipin iyon, ngunit ngayong nakatayo na ako sa loob ng kwartong sinasabi nilang aming dalawa, wala na akong matatakbuhan. Muli akong napatingin sa malaking king-size bed sa gitna ng silid. Isa lang iyon. Iisang kama para sa aming dalawa. Napalunok ako at napayuko habang pilit pinapakalma ang sarili. Kung mag-asawa nga kami, normal lang naman na magkatabi kaming matulog. Ngunit para sa akin, isa pa rin siyang lalaking hindi ko maalala.Tahimik kong pinaglaruan ang laylayan ng oversized shirt na ipinahiram niya sa akin, habang palihim ko siyang sinusulyapan. Feeling ko kasi dito ako komportable kesa sa mga damit na naroon sa walk in closet. Kagagaling lang niya sa shower. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at kulay abong pajama. Bahagya pang basa ang buhok niya habang pinupunasan ito ng puting tuwalya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko mapigilang mapatitig. Lalong t

  • REMEMBER ME, NEVER   Chapter 4 "Our Room"

    Elena's PovHindi ko namalayang napahinto ako sa harap ng isang napakalaking pintuan sa ikalawang palapag ng mansion. Tahimik na tumayo si Alessandro sa tabi ko. Sa loob ng ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Marahan lang niyang ipinatong ang kamay sa doorknob bago ito dahan-dahang pinihit.Nagbukas ang pintuan, at halos mapasinghap ako sa bumungad sa akin. Napakalawak ng silid, ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalaking king-size bed na nababalutan ng kulay puting kumot at malalambot na unan. Sa tapat nito ay isang floor-to-ceiling window na tanaw ang malawak na hardin ng mansion. Sa isang sulok naman ay may fireplace, habang ang kabilang bahagi ng kwarto ay may bookshelf at isang maliit na sitting area.Dahan-dahan akong pumasok habang palinga-linga sa paligid, napakaganda.Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng atensyon ko.Isa lang ang kama, huminto ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako bago dahan-dahang luming

  • REMEMBER ME, NEVER   Cahpter 3 "Home"

    Elena's PovTatlong araw matapos ang pagbisita ng pamilya ko, sinabi ng doktor na maaari na akong ma-discharge. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. jSa loob ng ilang araw na pananatili ko sa ospital, kahit paano ay nasanay na ako sa lugar. Nasanay na rin ako sa puting kisame, sa tunog ng mga makina, at sa mga nurse na araw-araw kong nakikita.Pero ang paglabas... Ibig sabihin, haharapin ko na ang buhay na hindi ko maalala. Habang inaayos ng nurse ang mga papeles ko, tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Alessandro na seryosong nakikipag-usap sa doktor. Katulad ng dati, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Laging nakakunot ang noo at tila ba hindi marunong ngumiti.Ngunit sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maikakailang panatag ang pakiramdam ko kapag naroon siya. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa amin ang doktor."Ms. Castillo," nakangiti nitong sabi. "Pwede na kayong umuwi, pero kailangan ninyo pa ring magpahing

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status