“Wala bang masasaktan kung sakali?” tanong niya uli.
“May mga nagpaparamdam pero gusto ko kasing mag-aral muna Sir. Gusto ko hong makatapos. Saka wala rin naman akong oras pa para harapin ang pakikipag-boyfriend sa dami ng trabaho.”
“Pwede bang humiling?”
“Ano ho ‘yon, Sir?”
“Hindi mo naman ako siguro teacher ano? Hindi rin naman kita tauhan. Baka naman pwedeng Jayson na lang? Cut the formalities please?”
“Pero, boss ho kayo ni Kuya.”
“Boss niya ako. Boss mo ba ako?”
“Sige ho, Kuya Jayson.”
Tumawa siya. Hindi mo nga ako tinatawag na Sir, Kuya naman. Jayson lang, please?”
Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanyang nahihiya. “Sige po, Jayson.”
“That’s good. Ahm, Nadine, pansin ko lang, iba ang trato nila sa’yo rito. Okey ka lang ba?”
“Okey naman ho ako.”
“Okey lang ako. Tanggalin mo na yung po, opo at ho please?”
“Okey lang ako.” Paglilinaw ko.
“Inaalila ka ba rito?”
“Hindi,” pagsisingaling ko.
“Huwag ka ng magkaila. Narinig ko rin sa usapan nila nang nakaraang araw na hindi ka na papag-aralin sa kolehiyo. Paano ‘yan?”
“Babalik na lang siguro ako sa bahay. Tutulong kina Tatang at Nanang sa pagbubukid,” malungkot kong sagot.
“Sayang naman. Balita ko pa naman, magtatapos kang Salutatorian kahit pa wala ka nang oras sa pag-aaral. Balita ko rin na hikahos kayo sa buhay. Na kaya ka nandito kasi hindi ka makapag-aral kung sa inyo ka lang.”
“Paano mo alam lahat ng tungkol sa akin?”
“Gusto kita Nadine. Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa?”
“Ano?”
“When I saw you the last time na umuwi kami ni Edwin rito nagustuhan na kita pero sabi ko, pag-aaralan ko ang nararamdaman ko kung totoong gusto kita at nang nasa Manila ako at ikaw pa rin ang iniisip ko, nalaman ko at sigurado na ako, totoo ang nararamdaman ko sa’yo.”
Yumuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Laking probinsiyana ako. Pambahay lang at luma lagi ang suot kong damit at kapag tumitingin ako sa harap ng salamin, hindi ako maganda dahil wala akong oras mag-ayos. Napapatanong tuloy ako sa aking sarili. Bakit ako?
“Oh natahimik ka yata? Hindi mo ba ako gusto?”
Bumuntong-hininga ako.
“Okey. Ganito na lang, wala ba akong pag-asa sa’yo?”
“Hindi naman sa gano’n. Nagugulat lang kasi ako.”
“Anong nakagugulat ro’n?”
“Bakit ako? Alam ko namang mas marami pang magaganda sa akin na tiga-Manila. Anong nakita mo sa akin?”
“Sorry ha, pero tatapatin kita. Maganda ka, seksi, matangkad, maputi, mabait, masipag, submissive and timid. Those are the qualities I saw in you. The qualities I like the most.”
“Maganda? Sexy? Saang banda?” natawa ako.
“Hindi mo alam?”
Umiling ako at natatawa pa rin.
“Gusto mo bang bukas, patunayan ko sa’yo na maganda ka?”
“Paano?”
“Kung sasama ka sa akin sa Mall, patutunayan ko sa’yo na maganda ka.”
“Mall? Sa Tuguegarao pa iyon ah? Saka hindi pa ako nakakapasok ng Mall. Baka mapahiya ka lang kung isasama mo ako. Wala akong maisusuot na pwedeng ipantay sa magagara mong kasuotan.”
“May sasakyan ako. Pwede tayong umalis dito bukas ng umaga. Papasyalan natin ang mga magulang mo. Para makahabol ka sa pasko sa inyo.”
Parang ang hirap tanggihan yung panghuli niyang sinabi. Yung makahabol ng pasko sa amin, iyon talaga ang plano ko pero walang masakyan. Okey na deal pero nahihiya ako.
“Hindi ako papayagan nina Tiyo at Tiya.”
“Oh, don’t worry. Naipagpaalam na kita sa kanila. I hate to say this pero binili ko ang oras mo sa kanila ng isang buong Linggo.”
“Ano? Seryoso ka ba?”
“Lahat ay may katapat na halaga, Nadine. Nakita ko iyon sa mga magulang ni Edwin.”
“Ibinenta nila ako sa’yo?”
“No,” natawa siya, “Of course not. Nagbigay ako ng business deal para samahan mo ako at hindi ka muna papasok sa trabaho mo. Hindi alam ng Kuya Edwin mo ito. Kami lang ng mga magulang niya. At hindi kita binibili. You are priceless. A precious one that cannot just be bought. Walang mangyayari sa atin kasi baka iyon ang kinatatakutan mo. Hindi kita pipiliting makipag-sex sa akin kung iyon ang iniisip mo. Gala lang tayo bukas sa Mall. Uuwi ako sa inyo, magpakilala para doon kita liligawan. Gusto kong makuha ka sa tama at dapat na paraan.”
Kinilig ako sa narinig ko. Unang pagkakataong makaramdam ako ng ganoon. Too good to be true pero wala naman yatang mawawala sa akin kung pagbibigyan ko siya. Isa pa, gusto ko siya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kabilis na tibok ng puso. Ngayon lang ako napapatitig sa isang lalaki at alam kong kahit nang unang araw na nakita ko siya noon, gustung-gusto ko na siya pero hindi pinangarap. May mga bagay kasi na nakaakit ngunit pinipilit huwag gustuhin dahil masasaktan lang dahil hindi mapapasa-atin pero ngayon na siya na mismo ang bumababa para abutin ako, sinong tangang babae ang hindi magbubukas ng pintuan para papasukin ang magandang pagkakataon?
“Ano? Papayag ka ba? Just give me a chance. A week to be with you to know each other better. Ayaw kong bumalik sa Manila na hindi pa kita nakikilala ng husto, na hindi ko pa nakikilala ang pamilya mo at hindi ko pa nakukuha ang matamis mong “oo”.”
“Makakatanggi ba ako?”
“Hindi na. As I’ve said, bayad ko na ang one week mo to be with me.”
Huminga ako ng malalim. Nasaktan pa rin naman ako. Hindi man lang ako kinausap nina Tiyo at Tiya. Basta na lang din sila nagdesisyon. At kung totoong binili niya ang one week ko, ganoon na ba talaga sila kagahaman?
Sumilip si Tita sa labas.
Nakita niya kami.
Ngumiti siya.
Lumapit sa amin.
Dumistansiya ako kay Jayson.
“Ano sir? Nakausap mo na ang pamangkin ko?”
“Not yet really. I am still trying to convince her though.”
“Sandali Sir ha? Kausapin ko lang ang pamangkin ko, kung okey lang? Ako na ho ang bahala sa kanya.”
“Sure, I’ll just get a drink inside.”
“Thank you, sir.”
Umalis si Jayson. Naiwan kami ng Tiya ko sa labas at gusto ko siyang tanungin kung paano niya nagawang ibenta ako ng one week kay Jayson. Kung totoo ang sinasabi nito dahil kahit ganoon sila sa akin, parang ang hirap pa rin kasing paniwalaan na kaya niyang gawin iyon sa sarili niyang pamangkin.
“Totoo ba Tiya? Ibinenta ninyo ako sa kanya ng one week?”
“Iyon ba ang sinabi niya?”
“Totoo ho ba?”
Huminga ng malalim si Tiya. “Nang unang punta niyan dito sinamahan lang ni Jayson dahil may gustong bibilhin na lote sa Tuguegarao na papatayuan ng business. Nakita ka niya. Nagustuhan. Tumanggi ako. Masyado pa kasing bata. Ilang taon ka na ba ngayon?”
“Mag 17 na ho.”
“Pwede na.”
“Pwede nang ano, Tiya?”
“Huwag ka nang umarte. Mayaman ‘yan. Bilyonaryo nga yata ‘yan eh. Hindi ka ba natutuwa na sa dami ng magagandang babae, sa’yo nahumaling? Ni hindi ko nga makita eh kung bakit. Kaya lag nandiyan na. Mabuti nga may kagaya ni Sir Jayson na nagkagusto sa’yo.” Huminga siya ng malalim saka siya tumingin sa akin. “Sige ganito. Para hindi mo naman isipin na lugi ka. Kung papayag ka, ipapasaka ko nang hindi na magbibigay pa ng porsyento sa akin ang Tatang mo ang lupa ko na sinasaka niya. Lahat ng ani sa kanya na. Sayang kasi yang si Jayson eh. Gusto niya kasing mag-invest sa karinderya namin. Bibigyan ng niya ng kakaibang brand. Magiging isang fine dine-in ang carinderia ko at mangyayari lang iyon kung papayag kang samahan siya ng one week na mag-ikot ikot sa Cagayan. Hindi mo kailangan ibigay ang sarili mo. Samahan mo lang siya. Mag-enjoy kayo. Huwag kang gaga. Kung seryoso ‘yan sa’yo at pakasalan ka maging instant bilyonarya ka. Mga ganitong pagkakataon, hindi mo dapat pinakakawalan.”
“Pero…”
“Ay naku! Huwag nang pero pero. Pasasalamatan mo ako pagdating ng araw Nadine na pakakasalan ka niya. Hindi mo na kailangan maghugas ng pinggan ng ibang tao, hindi mo na kailangan magpaalila para makapag-aral lang. Kung gusto lang niya sana ang mga pinsan mong si Yeng eh di pinsan mo ang ipagtulakan ko. Swerte ka at ikaw ang gusto. Magpakatotoo ka naman. Gamitin mo ang isip mo. Hindi ka mapapakain at hindi uunlad ang buhay ninyo diyan sa kaartehang ganyan. Wala na nga kayong makain, aarte-arte ka pa.”
Nakita kong lumabas na si Jayson hawak ang isang kopita ng alak. Nakangiti siyang nakatingin sa amin.
“Okey na. Payag na siya. Bukas, sasama siya sa’yo.” Nakangiting sinabi iyon ni Tiya.
“Talaga? Wow. That’s good to hear!” nakangiting sambit ni Jayson.
Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Sana lang hindi ako mapapahamak sa kanya. Sana lang siya na ang aking knight in a shining armor.
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa