Share

Chapter 27

"ARE you okay, Rose?" alalang-alala ang hitsura ni Angelo nang harapin niya ako. Hinawakan pa niya ako sa tigkabilang balikat para iharap sa kaniya. Gagyunpaman ay tulala pa rin akong napatitig sa kawalan.

Dahan-dahang nagsipagbagsakan ang mga luha sa mga mata ko nang hindi nagbabago ang ekspresyon ko. Tuloy-tuloy ang naging pagdaloy ng mga iyon sa pisngi ko. Sinubukan kong tumayo pero napaluhod lamang ako sa sahig at napatungo.

Doon ay nagsipatakan ang mga luha ko habang hindi ko na mapigilan pa ang paghagulgol. Agad akong niyakap ni Angelo na hindi ko na natutolan pa. Ang laylayan ng damit niya ay napisil ko habang patuloy lamang ang paghagulgol. "N-Nanay... nanay k-ko..."

Hindi ko matapos ang pangungusap na iyon sa sobrang paghagulgol. Patuloy lamang akong niyakap ni Angelo at inalo habang hinahaplos ang likod ng ulo. "Shh..."

"Magbabayad sila, Angelo. M-Magbabayad sila sa ginawa nila sa nanay ko." Nagkumawala ako sa pagkakayakap ni Angelo pero hinigpi

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status