Share

Chapter 29

NAKATAYO akong nag-aabang sa airport para sa pagdating ni Nanay. Mabuti na lamang at naasikaso kaagad ang pag-uwi niya rito sa Pinas. Magbabayad talaga 'yung mga amo niyang nanakit sa kaniya. Hindi ko mapapalampas ang kahayupan nila.

Kami lang ni Tita Divine ang narito para sumalubong. Si Sheena ay may lakad daw na aasikasuhin.

Naluluha akong lumapit kay Nanay nang makita itong papalapit sa kinatatayuan namin. Umiiyak din ito habang may tangang maleta. "'Nay..." Mahigpit ko itong niyakap.

Taliwas sa hitsura niya noong bago siya mag-abroad, mukha siyang minaltrato at inabuso ngayon. Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang pinagmamasdan ang mga pasa sa mukha at braso ni Nanay.

"L-Ligtas na si Nanay, huwag ka na umiyak." Hinaplos nito ang pisngi ko at saka pinunas ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

Muli ko itong niyakap nang sobrang higpit. "Kung alam ko lang na gan'to ang kahahantungan ng pag-a-abroad mo, hindi na sana ako pumayag noon."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status