Home / Romance / RUN, SELESTINA! (SSPG) / Chapter 6: Spy Camera

Share

Chapter 6: Spy Camera

last update Last Updated: 2025-08-20 11:24:25

"HINIHINGI NIYANG pakasalan mo siya?!" halos sabay na sigaw ni Mira at Hannah sa loob ng café.

Muntik pang mabitiwan ni Mira ang tasa ng kape, habang si Hannah ay nanlaki ang mga mata na para bang may nasaksihan na malaking iskandalo.

Halos lahat ng tao sa loob ay napalingon sa kanila.

"Pakihinaan n'yo nga ang boses ninyo," mabilis na awat ni Selestina, sabay pilit na ngumiti sa mga taong nakatingin at nagbubulungan.

"Unang-una, sinundan ka niya kung saan-saan," mariing banggit ni Hannah habang itinuturo ang isa-isa, "tapos kung anu-anong kalokohan ang ginawa sa 'yo sa gabi, pinatawag ka sa bahay niya, may ginawa na naman… tapos ngayon, inalok ka pang magpakasal?!" Halatang hindi ito makapaniwala.

"My dream guy," biglang sambit ni Mira na nakatitig sa kawalan, para bang iniimagine na ito ang bida sa isang romantic movie. Pero hindi pa nakakalayo sa daydream si Mira nang dapuan ito ng mabilis na palo sa ulo mula kay Hannah.

"Ano ba?! Wala namang masama sa babaeng gusto ang isang lalaki!" reklamo ni Mira habang hinihimas ang ulo nito.

"Mayro'n, kung obsessed psycho ang tinutukoy mo," sagot ni Hannah na may diin. At gaya ng nakasanayan, nagsimula na naman silang magbangayan.

Samantala, tulala si Selestina, nakalubog sa sariling mundo habang unti-unting bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Rogue.

"Siguro tatanggapin ko ang alok," mahina ngunit malinaw niyang sabi, dahilan para biglang tumigil sa pagtatalo ang dalawa.

"Ano?!" sabay nilang tanong, parehong malaki ang mga mata na nakatingin sa kanya.

"Hindi ito para sa akin," mariing sambit ni Selestina. "College na si Calliz, marami ng bayarin. Para rin hindi na mahihirapan si Mama sa pagbabayad ng utang. Malapit na rin kaming mapalayas kapag hindi pa namin nababayaran ang renta. Ginagawa ko ‘to para sa pamilya."

Nagkatinginan si Hannah at Mira, at kahit may bahid ng pag-aalala ang kanilang mga mukha, unti-unti rin itong napalitan ng pag-unawa.

"Anumang desisyon mo, susuportahan ka namin," sabi ni Hannah na puno ng sinseridad.

Sumang-ayon si Mira at tumango.

"Salamat… kayong dalawa ang the best," ngiti ni Selestina bago siya tumayo mula sa mesa.

"Uuwi ka na?" tanong ni Mira.

Tumango siya, bahagyang dumidila sa tuyo niyang labi. "Oo, pagod na rin."

Kumaway siya sa dalawa bago tuluyang lumabas ng café.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, nakarating siya sa bahay, at napahinto sa gulat. Wala na ang mga reporter na kanina lang ay nagkukumpulan sa labas.

Tinupad niya nga ang sinabi niya, tahimik niyang naisip, isang mahabang buntong-hininga ang lumabas bago siya pumasok.

"Ma, nandito na ako," anunsyo niya.

Lumabas mula sa kusina si Helena, may hawak pang sandok na nakalimutan nitong bitawan.

"Ang aga mo yata? Hindi ka ba pumunta sa Café?"

"Dumaan lang ako saglit," sagot niya.

Napatango ang si Helene.

"Uh... Ma, pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong ni Selestina.

Napansin ni Helena ang bigat sa tinig ng anak, kaya tumango ito, bumalik muna sa kusina para ibaba ang sandok, at pagkatapos ay umupo sa sofa sa sala.

"May problema ba, anak?" tanong nito kay Selestina.

"Inalok niya ako ng kasal, Ma."

"Ano?!" Kaagad na napatayo ang ina.

"Gusto niyang magpakasal kami—"

"Hindi, Selestina." Matalim ang tingin nito sa kanya. "Hindi kita pababayaan na pumasok sa kasal na alam kong hindi para sa 'yo. Alam ko ang ugali ng lalaking ‘yon, may nabasa ako, at mapanganib ang mundo niya. Hindi kita pinalaki para lang ipahulog sa kamay ng lalaking 'yon."

"Pero Ma, hindi mo alam ang buong kwento—"

"Alam ko ang sapat para tumanggi," putol nito, sabay lapit sa kanya. "Alam ko kung paano siya makitungo sa tao. Alam ko ang reputasyon niya. At higit sa lahat, alam ko kung gaano kabilis niyang pwedeng durugin ang buhay mo kapag nagsawa na siya."

Namilog ang mga mata ni Selestina, pilit na pinipigilan ang panginginig ng labi.

"Ma, hindi mo naiintindihan. Hindi ito basta kasal lang. May mga bagay—"

"Mga bagay na hindi sapat para ipagsapalaran ang puso mo at kaligtasan mo!" madiin na sabi ni Helena.

Huminga nang malalim si Helena, bago nagsalita nang mas mabagal.

"Selestina, anak kita. At kung may isang bagay akong natutunan sa buhay, ‘yon ay huwag mag-asawa dahil lang sa pangangailangan, kasunduan, o awa. Kailangan mo ng kasal na may pagmamahal at respeto, hindi transaksyon."

Bumigat ang dibdib ni Selestina. Hindi niya masabi sa ina ang tunay na dahilan kung bakit halos napapayag na siya, dahil may parte sa kanya na natatakot, pero may parte ring umaasang baka si Rogue ang sagot sa mga problemang matagal na niyang pinapasan.

"Mama, makakabuti ito para sa atin," mahinahong tugon ni Selestina kahit mabigat ang dibdib. "Limang taon na at ni kalahati ng utang, hindi pa natin nababayaran. Si Calliz, kolehiyo na at walang pag-asang makatapos. Panandalian lang ito, Ma… pwede naman kaming maghiwalay balang araw."

Huminga nang malalim si Helena, bahagyang bumaba ang tono, bago muling umupo.

"Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong nito, mas kalmado na ngayon.

"Ang gusto ko ay ang makakabuti para sa pamilya," sagot ni Selestina, halos pabulong ngunit matatag.

Napabuntong-hininga si Helena, parang tinatanggap ang hindi nito mapipigilan.

"Sige," mariin nitong sabi. "Pero gusto kong makita ng personal ang lalaking 'yan," sabi nito bago m tumayo at bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto.

Napabuga ng hangin si Selestina.

"Para sa pamilya…" bulong niya.

Tumayo siya at nagtungo sa silid, nagsimula nang maghubad ng suot ang dalaga nang maalala niya ang isang bagay, may nilagay si Rogue na camera dito noon.

Agad siyang naghanap. Kinuha niya ang maliit na bangkito at itinapat sa gitna ng kwarto, saka siya umakyat at tinitigan ang kisame. Napasingkit siya nang mapansin ang maliit na kumikislap na bagay doon.

Napasinghap siya nang mapagtanto kung ano iyon, isa sa mga maliliit na spy camera na nakikita lang niya sa mga pelikula.

Itinaas niya ang kamay at binigyan ito ng malinaw na 'fvck you sign', saka walang pag-aalinlangang kinuha at binagsak sa sahig. Pagkababa niya mula sa bangkito, mariin niya itong tinapakan hanggang sa marinig ang tunog ng pagkabasag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RUN, SELESTINA! (SSPG)   Chapter 98: Special Chapter

    “BILISAN MO na, Ellie. Malalate ka na sa kasal mo,” naiinip na sabi ni Luna.Araw na ng kanyang kasal. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang siya ay manganak. Hindi naging madali ang lahat. Ramdam niya ang pagod at puyat, ngunit sabik na rin siyang makita ang kanyang mapapangasawa sa altar.Agad ding lumipad pabalik ng Pilipinas si Caroline nang marinig ang balitang nanganak na si Ellie. Hindi nito pinalampas ang pagkakataong makita ang kambal.“Hindi ko kasalanan, sabihin mo kay Hope na bitiwan na ang mga dibdib ko,” pagmamaktol ni Ellie habang nakatingin sa cute na sanggol na sumususo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang tantanan ng anak.“Ano?! Hindi ka pa rin bihis?!” gulat na tanong ni Caroline nang makapasok sa silid at makita si Ellie na hindi pa rin nakabihis. Napakunot-noo ito sa nakita. Karga nito sa mga bisig ang natutulog na si Honey. Walang Nanny ang kambal. Gusto ni Ellie na siya mismo ang mag-alaga sa mga anak. Ngunit nahihirapan siyang pagsab

  • RUN, SELESTINA! (SSPG)   Chapter 97: Twins

    KYO WAS pacing back and forth sa hallway, parang may mabigat na bato sa dibdib niya. His heart was pounding so hard, halos marinig na sa kanyang tainga mismo. Mula sa loob ng labor room, rinig niya ang malalakas na sigaw ni Ellie. Ang sigaw na tila pumupunit sa puso niya.“H-hindi ko kaya! Kailangan ko ang asawa ko...” Nang marinig ni Kyo iyon, parang may kumalabit sa kaluluwa niya. Hindi na siya mapakali. Gusto niyang pumasok pero natatakot din siya baka pagbawalan. Ilang sandali pa ng pag-aalangan, napagpasyahan niyang sumugod sa loob. At sa gulat niya, hindi siya pinigilan ng doktor at dahil iyon daw mismo ang kailangan ni Ellie ngayon.Binigyan siya ng hospital gown, halos hindi niya maikabit nang maayos sa sobrang pagmamadali. Paglapit niya kay Ellie, nakita ni Kyo ang pawis na dumadaloy sa noo nito. Ang mukha ay punô ng sakit at pagod.“Baby, I’m here… I’m here with you,” bulong niya sabay halik sa basang noo nito.“K-kyo… A-ang sakit, hindi ko kaya…” halos pabulong na sabi ni

  • RUN, SELESTINA! (SSPG)   Chapter 96: Birth

    ANIM NA buwan na ang nakalipas. Si Ellie ay nahihirapan ng kumilos sa laki ng kanyang tiyan. Isang linggo pagkatapos ng insidente, bumalik na sa normal ang lahat. Si Caroline ay bumalik na sa ibang bansa pagkatapos makalabas si Kyo sa ospital, para pamahalaan ang kumpanya ng yumaong asawa. Si Trixie ay kasal na sa isang businessman noong nakaraang buwan at bumalik na sa Italy upang mamuhay bilang mag-asawa. Ito ang tumulong kay Trixie para hindi makulong sa ginawang pagbaril kay Drillan. Si Raim naman ay nananatiling binata. Tumutulong ito sa pamamahala ng kumpanya ni Kyo dahil hindi pinapayagan ni Ellie si Kyo na mawala sa kanyang paningin. Bumalik naman ang dating sigla ni Saoirse. Si Luna muna ang nagbabantay dito. Hindi na sila basta-bastang nagtitiwala sa ibang tao pagdating kay Saoirse. "Ubos na," malungkot niyang sambit nang makitang wala ng laman ang bowl na hawak. Mag-isa siyang nakaupo sa sala, nakabukaka ang mga binti habang gutom na gutom na isinusubo ang ice c

  • RUN, SELESTINA! (SSPG)   Chapter 95: Recovery

    HINDI MAPAKALI si Ellie. Pabalik-balik siya sa kahabaan ng waiting area, paulit-ulit na kinakagat ang kuko ng hintuturo. Magulo ang buhok at basa ang pisngi sa luha. Hindi niya iniinda kung mukha siyang gusgusin, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay maging ligtas si Kyo.“Please… please be okay...” paulit-ulit niyang bulong.Parang walang katapusan ang mga oras. Hanggang sa bumukas ang pinto, at lumabas ang doktor.“Successful ang operasyon. Naalis na ang bala. Pero maraming dugo ang nawala. Mabuti na lamang nadala siya agad sa ospital. Sa ngayon, stable na ang lagay niya,” sabi ng doktor.Para siyang nanghina pero sa wakas ay nakahinga na rin. Nang mailipat sa private room si Kyo, hindi siya umalis sa tabi nito. Umupo siya at dahan-dahang sinusuklay ang buhok nito.“Gumising ka na, please. Namimiss na kita...” bulong niya, basag ang boses. Hinalikan ni Ellie nang marahan ang noo nito habang tumutulo ang mga luha. Umalis si Luna kanina para bumili ng pagkain

  • RUN, SELESTINA! (SSPG)   Chapter 94: Villain

    BIGLANG NAGLAHO ang antok sa mga mata ni Saoirse nang marinig ang gulat na sigaw sa paligid. “Daddy! Yaya Ellie!” tili nito, saka mabilis na bumaba mula sa pagkakabuhat ni Trixie at tumakbo diretso sa mga bisig ng ama.“B-but… how she’s… how is she here?” nauutal na tanong ni Kyo habang mahigpit na yakap ang bata.“Yaya Ellie!” masayang tawa nito at yumakap din sa kanya.“Sobrang saya ko dahil nakita kita ulit. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising,” bulong ni Ellie na nanginginig ang boses. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.“I miss you, Yaya,” nakangiting sabi ni Saoirse, at pinupunasan ang luha niya gamit ang maliliit nitong kamay.“Same here, baby. I miss you so much…” halos mapugto ang boses niya sa sobrang emosyon.Biglang tumigas ang panga ni Kyo, nagdidilim ang mga mata. “Don’t tell me… you kidnapped her.” Buong galit ang tingin nito kay Trixie habang unti-unting lumalapit sa babae.“N-no! It’s not like that! I h-have an explanation!” nanginginig

  • RUN, SELESTINA! (SSPG)   Chapter 93: Alive

    LUMABAS MULA sa silid ni Saoirse si Ellie at Kyo, kapwa pagod at bahagyang gusot ang mga damit. Tapos na naman sila sa paglilinis doon kagaya ng nakaugalian. Ito na ang ginagawa nila linggo-linggo. ‎Nagkatinginan sila at napatawa.‎ ‎"Seryoso? Bakit ka tumatawa?" tanong ni Ellie habang nakatitig sa magulong buhok ni Kyo.‎ ‎"Bakit ka rin tumatawa?" balik-tanong nito.‎ ‎"Ang buhok mo, ang dumi-dumi. Para kang payaso," natatawang sabi niya.‎ ‎"May mantsa rin ang mukha mo. Tara na, maghilamos na tayo," anito, sabay hila kay Ellie papunta sa kanilang silid.‎ ‎"Teka, Kyo," pigil niya, bahagyang nagulat sa biglaang paghila sa kanya.‎ ‎"Silence!" pabirong saway ni Kyo at binuhat siya na parang bagong kasal.‎ ‎Pagkatapos nilang maglinis ng katawan, sabay silang bumaba. Dumeritso si Ellie sa kusina at nadatnan niyang nagluluto si Caroline.‎ ‎"Ang galing-galing mo talagang magluto, Tita." Takam na takam siya sa niluluto nitong banana cue.Simula nang naging fianceé siya ni Kyo. Ti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status