Share

Chapter 5: Layuan Mo na Siya

Hinubad ni Amos ang kaniyang hairnet at apron pagkatapos niyang malagay sa oven ang mga tinapay na ibebenta nila sa araw na iyon. Ganoon lagi ang gawain niya tuwing umaga sa bakeshop dahil kadalasang umaga bumibili ng mga tinapay ang customers. Sinigurado nilang bago ang mga produkto nilang pagkain kaya busy talaga siya tuwing umaga at kapag busy siya, alam ng kaniyang mga tauhan na ayaw niyang may istorbo sa kaniya. Passion ang baking kaya dapat nandoon ang buong oras at atensiyon. Iyon ang palaging bilin niya sa pastry chefs sa ibang branches ng Reo’s Bakeshop para hindi mawala ang kalidad at lasang pinatatag ng iba’t-ibang henerasyon ng kanilang pamilya.

“Adrian, ikaw na ang bahala sa mga tinapay,” bilin niya sa kaniyang assisstant chef.

Pagkalabas niya ng kitchen, sumalubong sa kaniya ang kaniyang secretary. “Sir, your father wants to talk to you about the deal with Mr. Stewart.”

Tumango si Amos. Mabuti na lang, nai-close niya na ang deal kay Mr. Stewart. Hindi siya pine-pressure ng mga ito pero gusto niya pa rin namang maging proud ang mga ito sa kaniya. “Please, send me the files that I need today.”

“Yes, sir.”

Tinungo ni Amos ang daan papunta sa kaniyang opisina. Pinasadahan niya ng tingin ang buong bakeshop. Marami pa silang customers na naghihintay. Pang-apat na batch na nga sila sa pag-bake ng tinapay. Pagkapasok niya sa kaniyang opisina, tinanggal niya ang kaniyang uniform. Sinunod niya ang itim na shirt na puno ng pawis at nagpalit ng mas malinis na putting shirt.

“I am exhausted,” ang naisatinig na lang niya. Nagpahinga muna siya ng ilang oras bago siya naligo sa shower room sa loob ng kaniyang opisina. Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos na siya ng sarili. Isang light blue long sleeves polo at black pants ang kaniyang sinuot dahil sa opisina lang naman siya. 

Hinanap niya ang file na kailangan niya para sa deal niya kay Mr. Stewart. Kinusot niya ang kaniyang ilong nang maalala na nasa bahay niya pa pala iyon. Kinuha niya ang susi, wallet at kaniyang cellphone bago lumabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong niya ang kaniyang secretary na may mga dalang folders.

“Sir?”

“I will just go to my house. Nandoon ang file na kailangan ko,” tugon niya.

“Ako na lang po ang kukuha.”

“No need. Ako na lang kasi lalabas din naman ako at pupuntahan si Daddy.” 

Tipid na ngumiti ang kaniyang secretary. “Okay po.”

Pagkarating niya sa parking lot, natanaw niya si Zelda pasakay ng kotse nito. Umusbong ang kagustuhan niyang mas makita pa ito. Isang buwan na rin ang lumipas at hindi pa rin matapos ang kaniyang damdamin sa babae. Nangulila siya rito kaya ibinuhos niya na lang ang atensiyon niya sa trabaho at pangungulit sa bunsong kapatid nitong si Zein.

Hindi niya nga alam kung bakit natuwa siyang inisin si Zein. Pinapunta pa nga niya ang kaibigan niyang pulis para galitin ito. Siguro ay desperado lang siyang makahanap ng mapagkatutuwaan para hindi niya maisip masyado si Zelda. 

Natuwa siyang hindi niya na masyadong dinamdam sa mga nakalipas na araw ang pagpapakasal ni Zelda sa ibang lalaki dahil nabaling niya ang atensiyon kay Zein pero hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Natanaw niya lang naman ang kaniyang ex-girlfriend ngunit gusto niya itong lapitan at kausapin. Hindi niya pa talaga ito nakalimutan.

Natagpuan niya na lang ang kaniyang sarili na nakatanaw sa tapat ng bahay ni Zelda sa Mapski street mula sa bintana ng kaniyang kotse. Hindi niya alam kung bakit sinundan niya pa ito.

Ilang sandali pa ay lumabas ng gate si Zelda. Agad siyang bumaba ng kaniyang kotse at nilapitan ito. Nawala ang ngiti sa mga labi ng kaniyang dating nobya.

“Amos, what… are you doing here?” Tinitigan niya ito ngunit umiwas ng tingin ang babae. Gusto niyang malaman kung may nararamdaman pa sa kaniya ito ngunit mailap ang mga mata nito.

“Sweetheart, please, talk to me,” pakiusap niya pa.

Umiling ito at sasakay na sana sa sasakyan nito ngunit maagap niya itong pinigilan at hinawakan ang kamay nito. Pilit itong nagpumiglas subalit hindi niya hinayaang makawala ito sa kaniya. Sinapo niya ang pisngi nito.

“Let go of me, Amos.” Mahinahon lang ang tinig nito at nakita niya sa mga mata nito ang lungkot.

“No. I know you still love me. I saw pain in your eyes.” Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito. “Please, come back to me. I am willing to accept you again,” pagsusumamo niya at ginawaran ng pinong halik ang likod ng palad nito.

Marahas nitong inagaw ang mga kamay mula sa kaniya. Ang kaninang pag-asang naramdaman niya kanina ay biglang naglaho. “Please, tumigil ka na.” Pumikit ito at bahagyang umatras palayo sa kaniya. “May asawa na ako at si Race iyon. Wala na akong balak pang bumalik sa iyo dahil siya na ang mahal ko.”

“I don’t believe you. I saw you’re hurting. Lolokohin ka lang ni Race. Alam mo namang womanizer ang lalaking iyon pero siya pa rin ang pinakasalan mo!” Hindi niya napigilang ilabas ang kaniyang emosyon. Sobra na. Hindi niya matanggap na ipinagpalit siya. Ginawa niya naman ang lahat. Seryoso at loyal siya pagdating sa relasyon kaya hindi niya lubos maintindihan kung bakit mas pinili ni Zelda ang ibang lalaki.

“I married Race because I love him!”

Mapait siyang ngumiti. Ang mahinhin na Zelda ay nawala. Handa nitong baguhin ang sarili nito para lang ipagtanggol ang asawa. “Dalawang taon, Zelda.” Kahit siya, rinig niya sa sariling tinig ang hinanakit. “Dalawang taon ang relasyon natin pagkatapos ay basta mo na lang itinapon.”

Lumandas na ang luha sa mga mata nito. “I am sorry. I am sorry, Amos. Hindi ko kayang pigilan. Nawala ang pagmamahal ko sa’yo. Patawarin mo ako.” Napahilamos na lang siya. Ayaw niyang makita itong umiiyak pero labis ang sakit na binigay ni Zelda sa kaniya. “Nasasaktan ako pero hindi dahil… mahal pa rin kita.”

Bumilis ang paghinga niya. Umigting ang mga panga niya. Gusto niyang magwala. Pinamukha talaga sa kaniya ng babae ang masaklap na katotohanang hindi na siya ang mahal nito.

“Nasasaktan ako kasi nakikita kitang ganyan. I am sorry. Niloko kita… at hindi ko kayang baliwalain ang damdamin ko. I just want to be happy… with Race.”

Malutong siyang tumawa. “Ang unfair mo naman, Zelda. Ikaw lang ang masaya. Kayo lang ang masaya. Paano naman ako? Iniwan mo na lang ako basta-basta sa ere.”

“Just… find someone. Kalimutan mo na ako.” Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi niya na talaga alam kung anong dapat maramdaman sa mga sinabi ng babae.

“So easy for you to say. Ganyan din ba ang ginawa mo kaya hindi mo naisip na boyfriend mo ako noong mga panahong nagpapalandi ka kay Race?”

“Sobra ka na!” Nawala ang atensiyon niya kay Zelda nang bigla na lang sumulpot sa harap niya si Zein at hinagip ang kwelyo ng kaniyang polo.

“Zein, bitiwan mo siya,” natatakot na utos ni Zelda sa bunsong kapatid ngunit hindi natinag ang dalaga.

Matalim ang tingin nito kay Amos. Natanggal pa nga ang butones niya dahil sa marahas na pagkahila ni Zein sa kaniyang damit. “Mang Tasyo, wala kang karapatang tawaging malandi ang ate ko. Nagmahal lang siya at malas mo lang na hindi na ikaw ang mahal.”

Patuloy sa pagsasalita si Zein pero hindi niya maintindihan ang mga iyon. Namaligno na naman yata siya. Sobrang lapit ng dalaga sa kaniya kaya napagmasdan niya ito nang mabuti. Magulo ang buhok nito pero hindi iyon nakabawas ng kagandahan nito sa umaga at ang mas lalo pang nagpatulala sa kaniya ay nang mapagtanto niya ang pantulog nito.

She’s hot wearing pink clothes!

Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Sanay kasi siyang laging itim o puti ang suot nito pero ngayon, naka-pink na naman ito katulad ng kulay ng suot nito noong kasal ni Zelda. Hindi siya mahilig sa pink ngunit kapag kay Zein niya nakita iyon, hindi niya na maibaling sa iba ang kaniyang paningin.

“Zein, please, enough.” Hinila ni Zelda ang dalaga kaya nawala ang pagkahawak sa kaniya nito. Parang gusto niyang hapitin na lang ito at ikulong sa mga bisig niya. Gusto niyang malapit sa babae.

Ano bang nangyayari sa akin?

Napailing na lang siya sa isiping iyon. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoong damdamin. Pamilyar sa kaniya iyon pero ayaw niyang pangalanan. Broken hearted lang siya.

“Ano? Naiiling ka ngayon?” Tumitig siya kay Zein. Gusto niyang maapektuhan ito sa kaniyang mga simpleng titig pero hindi man lang ito nailang. “Problema sa’yo, naghahanap ka ng away. Matagal na kayong tapos ni Ate Zelda. Ano bang hindi mo maintindihan?”

“Lahat,” wala sa sariling tugon niya. Hindi niya nga alam kung para saan ang sagot na iyon. Gusto niya lang kausap ang babae at hayaan itong magsalita. Kahit bakas ang inis sa boses nito, parang musika pa rin sa kaniyang pandinig iyon.

“Zein, stop. Uuwi na ako. Just go inside.”

“Mabuti pa nga.” Matalim pa rin ang titig nito sa kaniya. “Kakalbuhin ko itong si Mang Tasyo na ito.” Dapat siyang mainis sa sinabi nito subalit bigla na lang may tipid na ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi. Yumuko na lang siya para hindi iyon mapansin ng dalawa.

“Zein, ano ba?”

“Don’t worry. Sige, sakay na.” Itinulak ni Zein si Zelda papasok ng kotse nito. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Amos. Nakita niya ang disappointment sa mukha nito pero hindi niya na iyon masyadong inisip dahil si Zein ang mas higit na inisip niya nang mga sandaling iyon.

I love Zelda… but why I can’t take my eyes away from Zein?

Umalis na si Zelda kaya silang dalawa na lang ni Zein ang natira sa lugar na iyon. “Layas! Huwag mo nang guluhin si Ate pati na rin ako.”

“I can’t…”

Ang magulong buhok nito ay mas lalo nitong ginulo. Umusbong sa kaniya ang kagustuhang hawakan ang buhok nito ngunit bakit niya gagawin iyon? Kung gagawin niya iyon, mas lalo lang maiinis sa kaniya ang dalaga.

“Anong I can’t? Gusto mo talaga ng away?” nanghahamon nitong tanong.

“Anyway, you look… hot.” Napangisi siya nang makitang umawang ang bibig nito. Hindi siguro nito akalain na pupurihin niya ang hitsura nito sa gitna ng away nila. Nawala ang ngisi niya nang abutin ng dalaga ang tainga niya at piningot iyon. Napayuko siya palapit dito. Hindi pa nakontento at sinabunutan siya.

“Zeinab!”

“Aba! May gana ka pa talagang tawagin akong Zeinab. Gusto mo talagang masaktan, ha?”

Nagpatianod na lang siya nang hawakan nito ang damit niya at hinila siya papuntang sasakyan niya. Wala pa silang isang oras magkasama pero mukhang masisira na agad ang damit niya sa babae.

“Leave us alone. Layuan mo na si Ate! Layuan mo na rin ako!” Isasandal sana siya nito sa sasakyan pero naging maagap siya kaya ito ang naisandal niya. Inilapit niya ang mukha sa babae. Napangisi na naman siya nang pigil-hininga nitong sinalubong ang kaniyang nakalolokong tingin.

Sige, be nervous in my freaking presence.

“Layuan ka?” Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Zein dahilan para suminghap ito. Nagkabanggaan na ang mga ilong nila. “I owe you an apology…” Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Hindi niya akalain na nagkaroon siya ng kagustuhang paglandasin ang kaniyang mga daliri sa mga labi nitong hindi nabahiran ng itim na kulay na kadalasan niyang makita sa dalaga.

“Enlighten me,” nauutal nitong utos subalit pilit pa rin nitong pinatigas ang tinig.

“I will not leave you.” Lumapit siya sa tainga nito at saka bumulong, “Never.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status