Share

Chapter 6: Dream Catcher

Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.

“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”

Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”

“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito. 

Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya lalo nang sinabi nitong wala itong balak na lubayan siya. Ayaw niyang pansinin iyon pero mukhang hindi iyon biro sa binata.

Nagpanting ang mga tainga ni Zein kay Amos nang tawagin nitong malandi ang kaniyang ate pero hindi niya naman magawang magalit dito dahil alam niyang si Zelda ang mali. Siguro, nadala lang sa emosyon ang lalaki kaya nasabi nito ang mga ganoong salita.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Dapat ay ang ate niya ang kaniyang kinampihan subalit nakaramdam siya nang kakaiba kay Amos at hanggang maaari, gusto niyang itanggi iyon.

What should I do?

“Zein?”

Hindi niya namalayang natulala na pala siya dahil sa pag-iisip sa binata. Lumingon siya kay Lester at sumalubong sa kaniya ang nag-aalalang mukha nito. “I am okay. I am just… distracted.”

“Saan?”

Umiling si Zein. “Basta.” 

“Okay…” Inabutan siya nito ng isang bottled water. Alam niyang may gusto pang itanong ang binata sa kaniya ngunit mas pinili na lang nitong kimkimin iyon.

“Pardon me. Hindi makapag-practice ang banda dahil sa akin.”

“Okay lang. Kilala mo naman si Wilson. Mainitin talaga ang ulo ng lalaking iyon. Iniisip niya lang ang banda natin.”

Malungkot siyang tumango pero gumaan ang pakiramdam niya nang bigla na lang siyang akbayan ni Lester at ginulo ang buhok niya dahilan para itulak niya ito nang malakas. Nadala ang binata kaya bumagsak ito sa sahig kasama ang upuan.

Natawa na lang si Zein nang magreklamo ito. Nakita niya rin mula sa stage sina Wilson at Agnes na tumawa dahil sa sinapit ni Lester. Parang lampang nilampaso sa sahig ang kaibigan niya.

“Ang lakas mong tumulak. Sigurado ka bang babae ka talaga?”

“Payat ka lang kasi!” asik niya rito.

“Payat pala, ha?” 

Matunog na halakhakan na nagmula sa kanilang tatlo ang narinig sa resto-bar dahil sa ginawa ni Lester. Hinubad nito ang denim jacket at iwinagayway iyon sa ere. Sumayaw itong parang macho dancer at itinaas ang laylayan ng damit. Talagang lumapit pa ito sa kaniya para ipamukha ang maganda nitong katawan. Maganda naman ang katawan ng binata. Malapad din ang mga balikat dahil sa pagpunta sa gym paminsan-minsan.

But Amos is sexier than him…

Bigla na lang siyang napailing sa naisip. Traydor ang utak niya. Isama na ang damdamin niyang naguluhan dahil lang nasa paligid si Amos. Bakit niya pa ba ito inisip?

“Les, you’re seducing Zein too much,” natatawang wika ni Wilson. 

Napalingon si Zein sa gawi ng mga ito at nakita niyang sobra ang ngisi ni Wilson habang si Agnes naman ay kumuha ng video. “Hey stop that!”

Tumawang muli si Lester. “Hindi nga effective, e.” Lumingon siya sa binata at ganoon na lang ang paglayo niya dahil ang lapit na pala talaga ng katawan nito sa kaniya.

“Kadiri ka na. Lumayo ka na!” singhal niya pero ang lalaki ay tuloy pa rin sa pagsayaw kahit walang tugtog.

“Kailan ka ba maaakit sa akin, Zein?” 

Naguluhan siya sa tanong ni Lester. Ano iyong nakita niya sa mga mata nitong puno ng pagsumamo? Para saan? Seryoso ang tono nito pero patuloy pa rin naman sa paggiling kaya nawindang bigla ang utak niya. Nawala ang kaniyang duda nang bigla na lang itong tumawa at hinagis sa kaniyang mukha ang jacket nito. Agad niya iyong inalis sa kaniyang mukha at binato pabalik kay Lester.

“Sira ang ulo mo. Sagad!” Mahabang tawanan lang ang natanggap niya sa mga ito.

Pinagpatuloy na nila ang practice dahil ilang sandali pa ay buhay na naman ang gabi sa pagdating ng mga customer sa resto-bar. Naging maayos na siya. Pinilit niyang huwag munang isipin si Amos dahil distraction ang lalaki sa gawain niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang nakapag-perform sila nang maayos. Maraming customers kaya marami rin nag-request ng mga kanta pero ayos lang iyon dahil mahal niya naman ang musika. Kahit mapaos, walang kaso sa kaniya. Pauwi na sila kaya sabay-sabay na silang pumunta sa parking area ng resto-bar.

“Let’s… catch up tomorrow.” Sumakay ng motor si Lester. Nakauwi na si Wilson at Agnes kaya silang dalawa na lang ang natira sa lugar na iyon.

“Why?” kunot-noong tanong niya. Inilagay niya sa backseat ang kaniyang gitara bago humarap dito. Parang nagdalawang-isip itong sabihin kung bakit kaya hindi niya naiwasang magduda. “Don’t tell me… you still consider me to be your fake girlfriend?”

“No,” maagap nitong sagot. “I already fixed that problem.”

“Nice to hear that. So, what do you want now?” Nilaro lang nito ang salamin ng helmet nito. Natawa na lang siya dahil mukhang na-tense ang lalaki. “Mukhang ikaw yata ang may problema, Les.”

“Ha?” Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga ang binata. “I just want to… treat you.”

“Am I dreaming?” nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hinawakan niya pa ang noo at leeg nito para alamin kung may lagnat ito pero wala naman. Hindi naman ito nag-aaya ng walang dahilan. Siya pa nga ang naisahan nito sa usaping libre.

“Why? Masama bang ayain kitang kumain sa labas?” 

Pabiro niya itong hinampas nang mahina sa likod. Siya pa ba ang tatanggi? Ito na ang manglilibre sa kaniya. “Syempre, hindi.”

Gumuhit ang pigil na ngiti sa mga labi ni Lester. “I’ll just pick you up tomorrow.”

“Ha? May kotse ako. Bakit mo ako susunduin? Ano? Sasakay ako sa motor mo?” sunod-sunod niyang tanong sa binata. 

Inosenteng tumango naman ito. “It is a… date.”

“Kotse ko na lang ang gamitin natin. Isama na rin natin sina Agnes at Wilson.”

“What?” gulat nitong tanong. Nasa boses nito ang pagtutol. “It is just the two of us.”

Napangiwi siya. “Ganoon? Kulang ba ang panglibre mo kaya ako lang ang inaya mo?”

“Of course not,” mabilis nitong tugon pagkatapos ay ngumiti.

“Iyon naman pala. Isama na natin sila sa friendly date natin.”

“Friendly... date?” Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng pagkadismaya. 

Hindi tuloy niya maiwasang matawa dahil siguradong nanlumo ito nang malamang tatlo na ang ililibre nito. “Okay ka lang? Sige, don’t worry. Hahatian kita sa babayaran.” 

Sinuot nito ang helmet at pinaandar ang motor nito. “Huwag na. Ako na ang magbabayad para sa ating apat. Tutal it is just… a friendly date.”  

Naiwang puno ng pagtataka si Zein nang tuluyan nang umalis si Lester. “Ano bang problema ng lalaking iyon?”

Sasakay na sana siya sa kotse niya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone. Bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang pangalang Mang Tasyo sa screen.

Bakit tumatawag na naman ang Mang Tasyo na ito?

Huminga muna siya ng malalim saka sinagot ang tawag. “Alam mo kung inaakala mong—”

“Hello, Miss Witch?” 

Napaawang ang bibig niya sa boses ng lalaki sa kabilang linya. Tiningnan niya muli sa screen ng kaniyang cellphone ang caller at siguradong si Amos iyon subalit hindi ang binata ang kausap niya.

“Who are you? Why did you call me Miss Witch, huh?” May ideya na siya kung bakit ganoon ang tawag sa kaniya ng lalaking may hawak ng cellphone ni Amos pero ayaw niyang masyadong isipin dahil mas lalo lang siyang na-stress.

“Sorry po. Waiter po ako. Miss Witch po kasi ang nakalagay sa contact ni Sir at saka nakita ko po na kayo ang lagi niyang tinatawagan at nasa speed dial kaya kayo na lang din po ang tinawagan ko,” paliwanag nito. 

Nagulo niya na lang ang buhok niyang katatali niya lang kanina dahil sa inis. “Bakit? Bakit ako ang nasa speed dial ng lalaking ’yan? Hindi ko kamag-anak ’yan! Ano bang nangyari?”

“Ma’am, hindi ko po alam kung bakit kayo ang nasa speed dial niya. Kayo na lang po ang magtanong kapag hindi na lasing. Simpleng waiter lang po akong may pangarap—”

“Stop!” Naitaas niya sa ere ang isang kamay at mariing napapikit. “You talk too much. Where is he?”

“Nandito po siya sa Granison Bar. Lasing na lasing po siya. Baka kung pwede po ay pakisundo na lang siya.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “What? Why me? Hindi ko kilala ’yan.” 

“Po? Hindi ninyo po siya kilala pero tinatawagan niya po kayo all day and night. Baka naman may lovers quarrel lang po kayo. Kawawa naman po si Sir…”

Napabuga siya ng hangin. Hindi niya akalaing nabaling ang inis niya sa isang waiter dahil sa panunukso nito. “I can’t—”

“Pakisundo na lang po siya. May trabaho pa po kasi ako.”

Matabang siyang tumawa nang babaan siya ng waiter na iyon. Nagdabog muna siya bago sumakay sa kaniyang kotse at mas lalong ginulo ang kaniyang buhok.

Nagtalo ang isip niya kung susunduin niya ba si Amos o hindi. Kahit ayaw niya na itong makita, ayaw niya namang usigin siya ng konsensiya kapag may nangyaring masama sa lalaki. Tutal ay madadaanan niya rin naman ang bar, napagdesisyunan niyang daanan na lang ito.

Sumalubong sa kaniya ang maingay na musika sa dance floor. Buhay na buhay pa ang gabi sa bar na iyon dahil sa dami ng tao. Naglakad siya para hanapin ang pakay niya at nakita niya si Amos sa may bar counter. Nakasubsob ang mukha nito at mukhang bumagsak na talaga dahil sa kalasingan.

Nilapitan niya ito at niyugyog para magising. “Mang Tasyo, gumising ka nga.” Marahas na lang siyang napabuga ng hangin nang wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki.

“Ma’am, i-uwi ninyo na po si Sir. Kanina pa po siyang umiinom. Nasukahan niya pa nga po iyong isang babaeng kausap niya kanina, e,” biglang sabi ng waiter sa kaniyang harap.

Lasing na nga, nakuha pang makipagharutan.

Nailing siya at pilit itong tinunghay. Inilagay niya ang braso nito sa kaniyang balikat para alalayan ito. Gising naman ang lalaki. Sadyang wala lang sa huwisyo. Pasuray-suray silang maglakad palabas ng bar. Hindi sila makapaglakad nang maayos dahil parang unggoy si Amos kung makakapit kay Zein. Idagdag pa ang bigat ng lalaki. Gusto niya na itong iwan pero para naman siyang taong walang awa kapag nagkataon.

“Ano ba, Mang Tasyo? Kapag hindi ka tumigil, hindi talaga kita i-uuwi!” pasigaw niyang banta sa binata. Tumigil naman ito pero bigla na lang itong tumawa kahit wala namang dapat tawanan. Nakahinga nang maluwag si Zein nang makapunta sila sa kotse niya. Isinakay niya ito sa harap ng walang pag-iingat kaya nauntog ang ulo nito.

“Ah!”

“Ganyan ang mga napapala ng mga nalalasing. Ako pa talaga ang inistorbo mo?” sermon niya. Sumakay agad siya sa driver’s seat. Inabot niya sa binata ang bottled water na binigay sa kaniya ni Lester kanina.

Pinagmasdan niya muna ang lalaki pagkatapos niya itong alalayang uminom. Mukha talaga itong problemado. Hindi niya naman masisi si Amos kung magkaganoon ito dahil kay Zelda. Lahat na yata ng katangian ng isang babae na gusto ng isang lalaki ay nasa kaniyang ate. Mahirap pakawalan ang mga katulad ni Zelda. Hindi niya tuloy maiwasang maiinggit sa kaniyang ate. Ang daming nagkakagusto rito samantalang siya ay wala man lang manliligaw kahit isa. 

Sinabi ng iba na maganda siya pero hindi niya makita iyon. Isa pa, hindi naman pisikal na anyo ang nagmamahal. Kung mahal talaga siya ng isang tao, mahal talaga. Wala ng dapat na rason pa.

“Zelda…”

Napailing siya. “Kalimutan mo na kasi si Ate.” Ikinabit niya ang seatbelt sa binata.

Habang nagda-drive papuntang village, gumulo sa kaniyang isipan si Amos. Hindi puwedeng lagi na lang itong manggulo sa kaniyang ate at pagkatapos ay maglalasing. Narinig niya ang lahat ng pagmamakaawa nito kay Zelda kaninang umaga. Hindi siya makapaniwalang may ganoong lalaki. May asawa na ang kaniyang ate pero ayaw pa rin pakawalan ng binata ang mga alaala nito sa kaniyang kapatid. Ayaw niyang makitang umiyak ang ate niya nang ganoon. 

Dapat ay may gawin siya para hindi na magkasakitan ang dalawa. Mas lalala ang sitwasyon kung malalaman iyon ni Race. Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit pero ayaw niya rin masaktan si Amos. Naawa na siya rito. Iyon pa nga lang na pakikipaghiwalay ng kaniyang ate ay hindi nito matanggap, iyon pa kayang ipamukha pa lalo sa binata na wala na talagang pag-asa ito.

Ikinuwento sa kaniya ni Zelda ang totoong nangyari. Hindi niya maiwasang mainis noong una dahil talagang niloko talaga nito si Amos subalit nagmahal lang naman ito. Kahit masama ang ginawa nito sa dating nobyo, naintindihan niya pa rin ito. Ang mga ito lang din naman ang maghihirap kung ipinagpatuloy ang relasyong isa na lang ang nagmamahal.

“Alin ba ang bahay mo sa mga mansyon dito?” Hindi ito sumagot kaya inihinto niya ang sasakyan. 

“Ibababa na lang kita sa kalsada.” 

Bumaba siya ng sasakyan at inalalayan itong makababa. Kahit naman iniwan niya lang si Amos sa tabi-tabi, hindi naman siya ganoong kasama para hindi ito tulungan.

Ilang sandali pa ay may ilaw galing sa isang motor ang sumalubong sa kanila. Inalis nito ang helmet at lumapit sa kanila. Kumunot ang noo ni Zein. Pamilyar sa kaniya ang lalaki pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

“Amos, you look sh*t.”

Nabuhayan ng loob ang dalaga nang mapagtanto na kilala nito si Amos. Sinenyasan niyang alalayan ang lalaki na ginawa naman nito. “Ihatid mo sa bahay nila. I don’t know where his house.”

“Thank you for taking care of him,” seryosong turan nito.

“Hindi ko inalagaan ’yan. Sinundo ko lang.”

“By the way, I am Barney. Lady, nice to see you again.” 

Hindi niya napansin ang pagtawag sa kaniya nito ng lady dahil bigla na lang siyang natawa sa pangalan nito. Mukhang magkaibigan talaga ang dalawa; parehong may sira sa ulo.

Pabiro pa siyang suminghap. “Ah, you’re Barney?” 

Tumango naman ito pagkatapos ay ngumiti. “Yes, I am Barney.”

Tatag! Inulit pa!

“Lakas amats natin, ’no?. Ako naman si Batman.” Tinapik niya pa ang balikat nito.

“Ha?” naguguluhan nitong tanong. “Uuwi ka na ba?”

Malakas siyang tumawa. “Bahala na si Batman.”

Iniwan ni Zein ang dalawa at sumakay sa kaniyang kotse. Habang nagmamaneho papuntang Mapski street, nakita niya ang isang kuwintas. Dream catcher iyon at naghalo ang matingkad na asul at itim na kulay sa kabuuan ng bagay na iyon. Bigla na lang gumuhit ang lungkot sa kaniyang mga labi.

Amostacy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status