ホーム / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 7: Si Batman

共有

Chapter 7: Si Batman

作者: Penmary
last update 最終更新日: 2022-08-30 13:06:53

Gusto pang matulog ni Amos sa kaniyang higaan dahil parang biniyak ang ulo niya nang umagang iyon. Nagtalukbong siya ng kumot ngunit hindi pa rin nawala ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kama pero pinagsisihan niya ang kilos na iyon nang bigla na namang sumakit ang ulo niya.

Hindi na talaga ako maglalasing.

Pumunta siya sa may pinto at agad na binuksan iyon. Parang gusto niyang manakal ng tao dahil sa nadatnan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa labas.

“Amos, what’s up?” nakangiting tanong sa kaniya ni Corn.

“Nananadya ba kayo? Dito pa talaga kayo nagtawanan sa labas ng kuwarto ko!”

“Don’t worry. Next time, sa loob naman ng kuwarto mo,” si Huge na sobrang lawak ng ngisi.

“I have a living area in this house. Bakit hindi kayo roon tumambay?”

“Isn’t it obvious? We are waking you up, sleepyhead!” asik sa kaniya ni Huge. Inakbayan siya ng lalaki at hahalikan sana siya sa pisngi pero agad niyang inilagay ang palad niya sa mukha nito. Nagtawanan ang iba niyang kaibigan. Bukod kay Barney, isa si Huge sa masasabi niyang talagang malapit sa kaniya dahil pareho sila ng hilig.

“We should practice,” seryosong sabi ni Granite. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang binata sa harap niya. Sa lahat ng kaibigan niya, ito ang pinakaseryoso. Mas lalo pang sumeryoso nang iwan ng babaeng mahal nito.

“Anong practice? Saan? Isa pa, why this broken hearted man is here?” Gaya ng inasahan, wala man lang itong reaksiyon sa sinabi ni Amos. Namutawi ang saglit na katahimikan pero agad na binasag ni Huge iyon.

“Parang hindi ka broken hearted kay Zelda? Sino kayang nag-bake ng amplaya flavored cake sa kasal ng ex?” nanunuksong parinig sa kaniya ni Huge. Agad niya itong siniko nang malakas dahilan para ngumiwi ito.

“By the way, we are joining basketball game dito sa village. Bawat street, may representative,” imporma sa kaniya ni Barney.

“So, nasaan na ang iba?”

“Nasa gym na sila.” Tumango na lang siya sa sinabi ni Corn. Inutusan niya ang mga itong bumaba muna dahil mag-aayos muna siya ng sarili. Naghubad na siya ng kaniyang damit nang makapa niya ang kaniyang leeg.

Where is my necklace?

Napailing na lang siya. Bigay sa kaniya ni Zelda iyon. Kung gusto niyang kalimutan ang dalaga, dapat hindi niya na iyon hanapin pero hinanap niya pa rin sa buong silid. Hindi niya iyon makita. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. 

Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili, agad siyang bumaba. Nadatnan niya sa dining table ang mga kaibigan niyang kumakain. Natanaw niya si Huge na nagluluto ng pagkain kasama ang kaniyang yaya.

Agad siyang pumunta sa kitchen at nilapitan ang mga ito. “Inuubos ninyo na naman ang stock ng pagkain sa bahay ko.” Hinampas niya ang kamay ni Huge nang akmang kukuha na naman ito ng meat sa refrigerator. “Ano ba? Enough,” sita niya rito.

Ngumuso si Huge. “Ang damot mo. Parang hindi ninyo inuubos ang stock sa restaurant ko, ah?” Kinusot na lang niya ang ilong niya. Napakakulit talaga ng kaibigan niyang ito.

Humarap siya sa kaniyang Yaya Tasing na nagtitimpla ng juice. “Good morning, Yaya Tasing.”

“Aba, ala una na, Amos. Magandang hapon,” may himig ng panenermon na wika nito.

Napakamot na lang siya sa kaniyang kilay. Mabuti na lang, weekend kaya wala siyang pasok pati na rin ang mga kaibigan niya. “Naglasing ka na namang bata ka.”

“Sorry na,” mahinang bulong niya sa matanda. Bumuntong-hininga ito at napailing na lamang. “By the way, did you see my necklace?”

“Aling kuwintas? Iyon bang lagi mong suot?” nakakunot ang noong tanong ni Yaya Tasing. Agad naman siyang tumango. “Hindi ko nakita. Baka naman nawala mo iyon kagabi. Itanong mo kay Barney at siya ang naghatid sa iyo.” 

Tumaas ang dalawang kilay niya. Kung ganoon, si Barney pala ang sumundo sa kaniya sa bar. Pupunta na sana siya sa dining area nang ibinigay sa kaniya ni Huge ang food warmer na may lamang adobong baboy. “Why did you give me this?”

Hinubad nito ang apron. “Bring that food to them,” utos nito sa kaniya. Napaawang na lang ang kaniyang bibig.

“Do I look like a maid?”

“Just bring that. Ang dami mong arte,” natatawang sabi nito. Nauna na si Huge sa dining area.

What the heck, Eugenio?

Inilapag niya agad sa dining table ang adobong baboy at umupo sa katapat na upuan ni Barney. “Barney?” 

Natigil ang binata sa maganang pagnguya at tumunghay sa kaniya. “Why?” 

“Did you see my necklace?”

“Which one? The dream catcher?”

Agad siyang tumango bago sumandok ng kanin. “Yeah, nakita mo?” 

Ang tagal nitong sumagot. Tinitigan pa siya ng ilang minuto na parang pinag-aralan ang kaniyang mukha. Para bang may loading pa sa utak nito. Tila naputulan ng connection kaya walang function.

“Hindi,” simpleng sagot nito. Nagtawanan ang mga kaibigan niya maliban sa kanila ni Granite. Binato niya rito ang kaniyang table napkin dahil sa inis. Ang tagal niyang naghintay sa tugon nito tapos walang kuwenta rin naman pala ang isinagot.

“Yaya Tasing mentioned that you brought me here last night so I assumed you know where’s my necklace.” Nanlumo siya. Mukhang naiwala niya talaga ang kuwintas.

“Bakit hinahanap mo pa? Binigay iyon ni Zelda, hindi ba?” tanong sa kaniya ni Huge.

Bigla na lang sumabat si Corn sa usapan. “That’s why you can’t forget her. You are still valuing your memories with her.”

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Parang nawalan na siya ng ganang kumain. “I don’t know. I want to move on but that necklace… is important to me. I don’t know why… but I feel that thing is just only meant for me.”

“Bitter ka lang,” komento ni Corn.

Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Barney. “Honestly, hindi talaga ako ang naghatid sa’yo.” Sumubo itong muli ng pagkain.  “Muntik ka na ngang itapon sa tabi ng kalsada kung hindi lang ako dumating.”

“What? Hitsurang ito, hindi katapon-tapon, Barney!”

“Believe me. Pababayaan ka lang niya kasi sobra kang lasing,” natatawang anito.

Kumunot ang noo ni Amos. Wala talaga siyang maalala kapag lasing siya nang sobra. Saka niya lang naalala kapag nakausap niya na ang taong kasama niya noong mga oras na iyon. “Sino?”

Bigla itong ngumisi. Napailing pa na para bang hindi kapani-paniwala ang sasabihin. “Si Batman.”

Tumigil ang tunog ng mga kubyertos dahil napatingin ang lahat ng kaibigan niya kay Barney. “Batman?” sabay-sabay nilang tanong. May pagdududa pa sa mga ito lalo na nang mas lumawak pa ang ngisi ng binata.

“Oo,” natatawang sagot ni Barney. “Natawa nga ako. I introduced myself to her then she told me she’s Batman. Baka akala niya, nagbibiro ako nang sinabi kong Barney ang pangalan ko.”

“A woman,” turan ni Corn.

Bigla namang tumayo si Huge at tumabi kay Barney. “Type mo? Iba ang ngisi mo.”

Mas lalong natawa ang lalaking ikinainis ni Amos. Hindi niya alam pero nainis siya sa nakitang reaksiyon ni Barney sa babaeng tinukoy nitong Batman. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang kutsara nang magsalita itong muli.

“She’s different? Basta… she’s weird yet beautiful.”

“I think you like that woman,” komento ni Corn.

Lumunok siya. Binaba niya ang kutsara. “Sino ba ’yang Batman na 'yan?” tanong ni Amos. Kinuha niya ang kaniyang baso at dahan-dahang sumimsim ng juice pero walang talab ang paghinay-hinay niya dahil nasamid pa rin siya sa ininom niya nang sumagot si Barney kaya natawa ang dalawa pa niyang kaibigan. “Ano?”

“Yeah, the lady with a black lipstick and a black outfit. Kapatid ni Zelda, hindi ba? I don’t know her name so I stick in calling her Batman.”

Marahas siyang tumayo. Napatingin sa kaniya ang lahat. Maging ang Yaya Tasing niya ay nasapo ang dibdib nito sa gulat. “She’s Zeinab and not Batman!”

Namamanghang tumitig sa kaniya si Huge. “Relax, Amos.” 

Bumilis ang paghinga niya. Kumuyom ang kaniyang mga kamao. “Do you like Zeinab?”

“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Barney. Biglang lumapit si Corn dito at may binulong. Mas lalong nag-init ang ulo niya nang bigla itong ngumisi. “Paano kung… oo?” Pagkatapos ay tumawa ang tatlo.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi niya napigilang hampasin ang lamesa. “Hindi puwede!” Tumigil ang mga ito sa pagtawa. “Ako ang sinundo kaya hindi mo puwedeng magustuhan si Zein! You didn’t even know her name. Your feelings toward her isn’t like! That isn’t even infatuation!”

“What’s your problem?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Huge.

Lumapit sa kaniya si Corn at tinapik ang balikat niya para kumalma. “Ano namang connect nang pagsundo ni Batman sa pagkagusto ni Barney sa kaniya?”

Mas lalong nagwala ang kalooban niya. Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang balikat. “Don’t you dare call her Batman again. She isn’t anyone's Batman!” asik niya sa mga ito.

“So, kanino lang? Sa’yo? When did you become a possessive man to a woman? You look like a lovesick dog!” buwelta ni Huge at nagtawanan na naman ang mga kaibigan niya. 

Hindi alam ni Amos kung bakit siya naging bugnutin nang malaman ang mga iyon. Ayaw niyang may endearment ang ibang lalaki kay Zein bukod sa kaniya. Gusto niyang sa kaniya lang ang atensiyon nito. Gusto niya lang na siya ang mang-inis dito araw-araw. 

I’m not possessive to her. I am just… 

Umiwas siya ng tingin. Nag-init ang mukha niya. Pinili niya na lang na hindi tapusin ang pagkain at umuna sa labas. Tuluyan siyang nakaramdam ng hiya nang biglang sumigaw si Huge.

“I think jelly ace is good enough for dessert!”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Rain on Your Parade    Chapter 75: Last Chapter

    Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s

  • Rain on Your Parade    Chapter 74: Itatali

    “I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d

  • Rain on Your Parade    Chapter 73: Own Good

    Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum

  • Rain on Your Parade    Chapter 72: Childish

    Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp

  • Rain on Your Parade    Chapter 71: So Much

    “Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa

  • Rain on Your Parade    Chapter 70: No Hope

    Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status