Share

Chapter 11

last update publish date: 2026-11-05 16:08:13

Vanessa’s Point of View

“Darius, sumama ka muna sa akin, may kailangan tayong pag-usapan,” seryosong wika ni Daddy gamit ang kanyang mababa at pormal na tono.

“W-wait, Mr. Dawson, walang kasalanan si Darry—I mean, Darius! He didn’t even know na siya ang pipiliin ko!” mabilis kong saad habang nag-papanik na hinawakan ang kanang braso ni Darius.

I don’t know if I’m just seeing things, pero tila may dumaang malalim na lungkot sa mga mata ni Mr. Dawson nang sabihin ko iyon. Bakit kaya? Baka naman m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Reborn As a Wife of My Gay Best Friend   Chapter 11

    Vanessa’s Point of View“Darius, sumama ka muna sa akin, may kailangan tayong pag-usapan,” seryosong wika ni Daddy gamit ang kanyang mababa at pormal na tono.“W-wait, Mr. Dawson, walang kasalanan si Darry—I mean, Darius! He didn’t even know na siya ang pipiliin ko!” mabilis kong saad habang nag-papanik na hinawakan ang kanang braso ni Darius.I don’t know if I’m just seeing things, pero tila may dumaang malalim na lungkot sa mga mata ni Mr. Dawson nang sabihin ko iyon. Bakit kaya? Baka naman mas gusto niya talaga si Hendrix para sa akin noon para sa negosyo... hinding-hindi ako papayag!Dumapo ang tingin niya sa kamay ko na mahigpit na nakakapit sa braso ng aking fiancé.“Don’t worry, I don’t bite humans,” malamig at kibit-balikat na sabi ni Mr. Dawson sa akin habang pinipigilan ang pag-angat ng gilid ng labi niya.Dahan-dahan namang inalis ni Darius ang kamay ko mula sa braso niya. “I’ll be back,” bulong nito, bago biglang kinuha ang aking palad at dinala sa kanyang mga labi para ha

  • Reborn As a Wife of My Gay Best Friend   Chapter 10

    Third Person's Point of View“Sis, kailangan ko nang tumakbo! Babalikan kita bukas, bye!” sigaw ni Vanessa kay Kiesha nang lumabas ito mula sa locker room, hulas sa pawis pero mabilis pa sa alas-kuwatro kung kumilos.Naiwan namang umiling-iling si Kiesha habang nakatingin sa direksyon kung saan unti-unting naglaho ang kaibigan. “Anong babalikan bukas, aalis na rin naman ako. Itong babaeng ‘to talaga! Hay naku!” naiiling na bulalas ni Kiesha sa sarili.Hindi nagtagal ay lumapit sa kanya si Coach Yhomer, may suot na maliit na ngiti sa labi. “Emergency?” tanong nito kay Kiesha habang nakatingin sa bakanteng pasilyo. “Nahh… siguro sinundo lang ng kanyang fiance,” kibit-balikat na sagot ni Kiesha bago naglakad patungo rin sa locker room para magbihis.Naiwang nakatayo si Yhomer at nakatitig sa pinto kung saan lumabas si Vanessa. Ang mga mata nito ay may kakaibang ekspresyon—may bahagyang pagkaulila o pagka-intriga. Ngunit para saan? At para kanino kaya?Sa kabilang banda…Pagbukas na pagbu

  • Reborn As a Wife of My Gay Best Friend   Chapter 9

    Vanessa’s Point of View“Buti pinayagan ka ng asawa—ng fiance mo,” nakangiting bungad sa akin ni Kiesha habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Kahit may sarili naman akong kotse at driver, ipinagpilitan talaga ng gaga na sunduin ako sa mismong mansyon ni Darius.“Yes naman! Medyo galit nga lang ata siguro kasi akala niya aagawan ko siya ng lalaki,” sagot ko habang nag-aayos ng buhok sa rearview mirror. “Like, hello? Hindi naman siya mauubusan ng lalaki sa ganda niyang 'yan, noh! Nagseselos lang 'yon kasi baka maunahan ko siyang makipag-close sa bagong coach.”Natatawa namang napapailing si Kiesha sa akin. “Ewan ko sa'yo, Vanessa. Baka balang araw magulat ka na lang sa mga teorya mo.”Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Powerjobs Gym. Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa napakalawak at kumpletong pasilidad, agad na kaming sinalubong ng isang matangkad na lalaki.He’s tall—pero kung tutuusin, mas matangkad pa rin at mas malapad ang balikat ng bekibels kong fiance na si Darius. Gwa

  • Reborn As a Wife of My Gay Best Friend   Chapter 8

    Vanessa’s Point of ViewPagod na pagod akong dumiretso sa kwarto ko pagkausap ko kay Darius sa garden kanina. Dahil sa haba ng araw at sa inis na dinanas ko kina Hendrix at Tricia sa mall, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nang mahimbing habang nakadamit pa.Nagising na lamang ako nang may kumatok nang sunud-sunod sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko, ang isa sa mga kasambahay ay nag-aabang na may dalang ngiti.“Ma’am Vanessa, pinatatawag na po kayo ni Sir Darius sa baba para mag-dinner. Kanina pa po kayo naghihintay sa dining table,” magalang na sabi ni Manang.“Ay, sige po! Sunod na ako,” sagot ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.Agad akong nag-ayos nang kaunti bago bumaba. Pagdating ko sa malawak na dining area, nadatnan ko si Darius na nakaupo habang nakataas na naman ang isa nitong kilay—ang paborito niyang porma kapag naiinip o gustong manermon.“Aba, buti naman at nagising ka pa sa mahimbing mong pagkakatulog? Akala ko patay ka na sa taas,” bungad agad nito sa akin h

  • Reborn As a Wife of My Gay Best Friend   Chapter 7

    Vanessa’s Point of View Inis na inis pa rin ako habang nakaupo sa paborito naming coffee shop ni Kiesha malapit sa mall. Muntik na akong masuka sa kaartehan nina Hendrix at Tricia kanina. Buti na lang at hila-hila na ako palayo ni Kiesha bago pa ako makapatay ng buhay sa araw na ‘to. Nag-order si Kiesha ng paborito naming iced caramel macchiato at isang slice ng cheesecake para pampakalma sa nag-uumapaw naming high blood. “Girl, hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa mukha nung Tricia na ‘yon! Sarap ipamigay sa junk shop kasama nung Hendrix na feeling gwapo!” asik ni Kiesha habang padarag na ibinaba ang baso sa lamesa. Natawa ako nang mahina, kahit paano ay nabawasan ang inis ko dahil sa reaksyon niya. Inabot ko ang kamay niya at ngumiti nang tipid. “Salamat, Kiesha ha. Pasensya ka na kung nadadamay ka lagi sa mga kaululan ko noon. Salamat dahil hindi mo ako iniwan kahit kailan,” seryosong sabi ko. Totoo ‘yon. Naalala ko sa past life ko, never din akong iniwan ni Kiesha. No

  • Reborn As a Wife of My Gay Best Friend   Chapter 6

    Vanessa’s Point of View“This is my first time eating this food,” wika ni Darius habang seryosong nakatitig sa plato ng sardinas na hinaluan ko ng itlog at kamatis. Ngunit kahit sinabi niya ‘yon, hindi pa rin tumigil ang kutsara niya sa pagsubo. Para siyang batang napilitang kumain pero noong natikman ay na-in love agad sa sarap.Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang napapailing. “Oh, diba? Sabi ko sa’yo, masarap ‘to. Ituturo ko sa mga kasambahay mo kung paano lutuin ‘to kapag nagustuhan mo pa,” mahinahon kong wika, habang nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko.“No– I mean, I want you to cook this for me again next time,” nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.Sino ba naman ang hindi matutuwa? Imagine, na-convert ko agad ang angas at pagiging cold ng aking gay best friend sa simpleng sardinas dish! Napansin ko pa ang mga katulong sa gilid na nagbubulungan at nagtataka—syempre, ngayon lang nila nakitang ganun kaganado kumain ang boss nila.“Darry, hinay-hinay lang. Sige ka, baka mamay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status