Share

Chapter 5

Penulis: Cozy Season
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-09 17:09:12
Kinabukasan ng umaga, pababa ng hagdan si Benedict nang mapansin niyang abala ang mga kasambahay sa pag-aayos ng ilang maleta. Napakunot ang noo niya at nagtanong, "Anong ginagawa niyo?"

"Sir, ito po ang mga gamit ni Miss Willow. Tumawag po siya kahapon at sinabing hindi na raw siya babalik dito. Pinapakuha niya ang mga gamit niya para maipadala sa kanya."

Napatingin si Benedict sa mga maleta, at saglit na lumitaw sa isipan niya ang imahe ni Willow.

Karaniwan, sa ganitong oras, handa na ang almusal niya. Naghihintay si Willow sa hapag-kainan, puno ng saya, inaabangan ang pagbaba niya. Siya rin ang maghahatak ng upuan para sa kanya at magpapakilala ng kung anu-anong walang kwentang paksa para lang may mapag-usapan sila.

Pero ngayon, wala na siya rito. Parang may kulang.

Napansin ni Benedict na iniisip pa niya si Willow, kaya agad niyang pinigilan ang sarili at malamig na sinabi, "Kung gano'n, bilisan niyo ang pag-aayos. Ayokong makita ang mga bagay na 'to sa harapan ko."

"…Opo, sir."

Umupo si Benedict sa isang upuan sa sala. Napansin niyang walang nakahandang pagkain sa mesa kaya naiinis siyang nagtanong, "Bakit wala pang almusal?"

"Pasensya na po, sir. Madalas po kasing si Miss Willow ang gumagawa ng almusal sa ganitong oras. Hindi pa po sanay ang bagong kasambahay sa routine ninyo…"

"Bilisan niyo, may trabaho pa ako," malamig niyang tugon habang tinitingnan ang relo. Biglang sumama ang pakiramdam niya, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Makalipas ang ilang sandali, inilapag ng kasambahay sa mesa ang isang plato ng tinapay, pritong itlog, at sausage.

Tiningnan iyon ni Benedict at agad na nagdilim ang mukha. "Ano 'to?"

"Ah… almusal po, sir," sagot ng kasambahay, kinakabahan at hindi maintindihan kung anong mali sa hinain niya.

Malamig na sinabi ni Benedict, "Ayoko ng itlog na pinirito sa isang gilid lang. Hindi ako kumakain ng karne sa umaga. Nagbabayad ako ng dalawampung libo kada buwan para lang ihain mo sa akin ang ganitong klase ng pagkain?"

Napayuko ang kasambahay at agad na humingi ng paumanhin. "Pasensya na po! Hindi ko po alam, "

"Sir, bago pa lang siya rito. Papalutuin ko na lang po siya ulit ng panibago."

"Huwag na."

Tumayo si Benedict, madilim ang ekspresyon. Wala na siyang ganang kumain.

Nang sandaling iyon, lumabas mula sa kanyang kwarto si Old Madam Alvarez. Isang sulyap lang sa hapag-kainan, at alam na niya kung bakit naiinis ang kanyang apo.

"Palagi namang si Willow ang gumagawa ng almusal," sabi ng matanda. "Nagigising siya ng alas-kuwatro para magluto ng masasarap na dumplings. Inilalagay niya iyon sa mga maliit na steamer at kahit papaano, may labing-anim na klase ng masustansyang pagkain tuwing umaga. Pero ngayon, wala na siya. Ang hirap nang tiisin ang ganitong buhay."

Napakunot ang noo ni Benedict.

Si Willow naman ang nagdesisyong mag-break sila! Kung gusto niyang umalis, umalis siya! Hindi si Benedict naniniwala na sa loob lang ng tatlong buwan na pananatili ni Willow sa bahay nila, hindi na niya kayang mabuhay nang wala ito!

"Lola, aalis na ako. Papasok pa ako sa trabaho."

"Bumalik ka rito!" mariing sabi ng matanda. "Wala akong pakialam sa iniisip mo. Ang tanging kinikilala kong grand-daughter in law ay si Willow! Ngayon din, pumunta ka sa bahay ng mga Torres at humingi ng tawad. Kung hindi ka niya mapapatawad, huwag ka nang bumalik dito!"

"Lola..."

"Agad-agad!"

Wala nang magawa si Benedict kundi sumang-ayon. "Naiintindihan ko."

Samantala, sa bahay ng mga Torres...

Biglang isang malakas na tunog ng pagsipa sa pinto ang umalingawngaw, saka bumagsak ito sa sahig.

Halos galit na galit si Thiago habang marahas na hinablot ang kumot ni Willow at mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso. "Willow! Sira ulo ka na ba? Paano mo nagawang makipagkalas sa Alvarez family? Bumangon ka riyan at ipaliwanag mo sa akin ang ginawa mo!"

Tiningnan ni Willow ang kanyang kaliwang kamay na mahigpit na hawak ni Thiago. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kaya bahagya siyang napasimangot.

Oo, kapatid niya si Thiago, pero hindi ito tunay na anak ng kanyang ama!

Noong pinakasalan ng kanyang ama si Estrelita, lima na ang edad ni Thiago.

Gayunpaman, itinuring si Thiago na tunay na anak ng kanyang ama at pinalaki bilang young master ng Torres family. Pero dahil sa labis na pag-aalaga ni Estrelita, lumaki itong sobrang spoiled.

Sa kanyang past life, sinulsulan siya ni Estrelita na magpakasal sa Alvarez family. Ginamit siya para mapunta kay Thiago ang buong kumpanya ng kanilang pamilya.

Sa huli, naubos nang tuluyan ni Thiago ang buong negosyo ng Torres family!

Ngayon, habang nakatingin si Willow sa binatang nasa harapan niya, isang rebelde na wala pang dalawampung taong gulang, nag-init ang dugo niya sa galit. Itinaas niya ang kamay at malakas na sinampal ito.

Natulala si Thiago. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. "Ikaw… Pinagbuhatan mo ako ng kamay?"

Mula noon, palaging mahina at madaling utuin si Willow. Wala itong ginawa kundi ang magsalita sa kanya nang mahinahon at maingat. Pero ngayon, paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na saktan siya?

Malamig na tinignan siya ni Willow at mahigpit na sinabi, "Oo, sinampal kita! Sino ang nagbigay sa 'yo ng kapal ng mukhang sugurin ang kwarto ko nang basta-basta?"

“Senyorita! Kasalanan ko po! Hindi ko po napigilan si Young Master!” Takot na takot na paliwanag ng kasambahay mula sa pinto.

"Manahimik ka! Bahay ko ‘to! Kahit saan ako gustong pumunta, wala kayong pakialam!" sigaw ni Thiago sa kasambahay. Nanginginig ito sa takot at hindi na nagsalita pa.

Napansin ni Willow ang mga pasa sa braso ng kasambahay. Sa isang tingin pa lang, alam niyang matagal nang inaapi ni Thiago ang mga tauhan sa bahay.

Dati, puro kay Benedict lang ang atensyon niya kaya hindi niya napansin kung gaano kagulo ang tahanang ito sa kamay nina Estrelita at Thiago.

"Bahay mo? Ikaw, Thiago, kailan ka naging may-ari ng bahay na ‘to?"

Tumayo si Willow at lumapit sa kasambahay. Inalalayan niya ito para makatayo nang maayos.

Nang makita niya ang mga pasa sa braso nito, mga bakas ng pananakit, lalo siyang nagalit. Pero ang mas nakakagalit ay ang tahimik nitong pagtitiis.

"Ang Torres family ay isang iginagalang na pamilya. Pero hindi ito isang lugar kung saan pwedeng balewalain ang batas. Sabihin mo sa akin, anong batas ang nagbibigay sa 'yo ng karapatang saktan ang kasambahay natin?"

Nang marinig ito, hindi na napigilan ng kasambahay ang sarili at napaiyak.

Matagal na niyang gustong umalis. Pero ginagamit ni Thiago ang posisyon nito bilang batang ginoo ng pamilya upang pilitin siyang manatili. Pinagbantaan siya na huwag magsumbong o magbitiw sa trabaho.

Ngunit ang ganitong buhay… Sobra na!

“Senyorita! Pakiusap, hayaan mo na akong umalis!”

Lalong humagulgol ang kasambahay.

Samantala, narinig na ni Estrelita ang kaguluhan mula sa ibaba. Agad siyang umakyat sa itaas at pagdating sa kwarto, nakita niya ang kanyang anak na si Thiago, namumula at namamaga ang kalahati ng mukha. Sa isang tingin lang, alam na niya kung ano ang nangyari.

Nang makita ito, agad siyang nagalit at itinuro ang mukha ni Willow. “Willow! Paano mo nagawang saktan ang sarili mong kapatid? Ano ka ba, nababaliw na? Una mong kinansela ang kasal, tapos ngayon sinasaktan mo pa ang pamilya mo! Ano bang gusto mong mangyari?”

“Kapatid? Isa bang taong walang modo at asal ang matatawag kong kapatid?”

Malamig na sagot ni Willow. “Tita, para lang maging malinaw sa lahat, hindi anak ng papa ko si Thiago. Ngayon, matanda na siya, pero sumugod pa rin siya sa kwarto ko nang walang pahintulot. At hindi lang ‘yon, sinasaktan at minumura pa niya ang mga kasambahay! Tignan mo nga ‘yan, ito ba ang tinatawag mong ‘mabuting anak’?”

Napangisi si Estrelita at malakas na sumagot, “Lumaki si Thiago sa Torres family! Tinuring siyang tunay na anak ng papa mo! Bilang ate niya, masyado ka namang mapaghanap! At isa pa, kasambahay lang naman ang sinaktan niya. So what? Hindi naman natin sila pinagkakaitan ng sahod o pinababayaan sa ospital, ‘di ba?”

Lalong lumamig ang tingin ni Willow. “Tita, kung kaya niyang gawin ito sa kasambahay natin ngayon, ano sa tingin mo ang gagawin niya sa mga empleyado ng kumpanya sa hinaharap? Kapag napunta ang Torres Corporation sa kamay ni Thiago, sigurado akong babagsak ang negosyo ng pamilya natin!”

“Willow! Ang bigat naman ng paratang mo! Bata pa si Thiago! Sinong ipinanganak na marunong agad sa negosyo? At isa pa, pinangako mo nang ipapamana mo ang kumpanya sa kanya. Hindi mo pwedeng balewalain ‘yon dahil lang hindi mo natuloy ang kasal mo kay Mr. Alvarez!”

Matagal nang alam ni Willow kung gaano ka-walanghiya si Estrelita.

Ngumiti siya nang malamig at lumapit sa kanyang mesa. Binuksan niya ang drawer at kinuha ang dokumento, ang kasulatan ng paglilipat ng shares ng kumpanya, na kanyang pinirmahan bago pa man ang engagement party.

“Tita, ito ba ang tinutukoy mo?”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Darlene Cruz
more of these pls
goodnovel comment avatar
Merly Arcilla
exciting...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 100

    “Ang kulit din pala ng kasambahay na ’to,” sabi ni Willow.“Kahapon lang ako pinabalik ni Sir Alvarez. Paano ko naman mapuputol ang CCTV nang walang dahilan? Oo, tumira ako dito ng tatlong buwan noon, pero hindi naman ako katulad ninyo na empleyado ng Alvarez Family. Paano ko naman malalaman kung nasaan ang main switch ng CCTV? Ikaw lang naman ang nag-iisang staff na nasa bahay ngayon, ’di ba? At isa pa, isa akong galing sa mayamang pamilya, bakit ko kailangang siraan ka?”“Hindi ako! Hindi ako!” Nag-panic si Lala habang nagpaliwanag kay Benedict. “Sir Alvarez, wala po akong kasalanan!”“Tama na!” Napakunot ang noo ni Benedict.Alam naman niya noon pa na inaapi si Willow ng mga kasambahay. Hindi lang siya nakikialam kasi ayaw niyang kampihan si Willow. Gusto rin niyang mapagod si Willow at umalis na lang.Pero ngayon, sumobra na si Lala.Malamig ang tono ni Benedict nang sabihin niya, “Hindi ko kailangan ng empleyadong ganyan ang ugali. Kunin mo ang sahod mo ngayong buwan. Simula

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 99

    “Sir Alvarez, ano bang pinagsasabi mo?”Nagmukhang inosente si Willow habang nakatingin kay Benedict.“Maayos akong naliligo dito, tapos ikaw ang bigla na lang pumasok. Ngayon, kasalanan ko pa?”“Eh ikaw…”Napatitig si Benedict kay Willow.Nakatapis lang ito ng tuwalya. Kita ang mahahabang mapuputing hita at ang basa niyang buhok ay nakalugay sa balikat. May mga patak ng tubig na nakahawak pa sa clavicle niya, na lalong nagdagdag sa pang-aakit ng itsura niya.Napansin ni Willow ang tingin ni Benedict sa kanya kaya’t hinila paakyat ang tuwalya niya at malamig na sinabi, “Sir Alvarez,  may kailangan ka ba?”“Sino’ng nagsabi sa 'yo na sirain ang uniporme ng kasambahay?” Galit ang tanong ni Benedict.“Sinong nagsira ng damit? Sir Alvarez, anong sinasabi mo?” Umaktong walang alam si Willow.“Huwag mo akong paikutin, Willow.” Malamig ang boses ni Benedict. “Ginupit mo yung damit dahil gusto mong labanan ako? O gusto mong mapansin kita?”“Sir Alvarez, hindi ko talaga gets ang sinasab

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 98

    Pak!Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng kasambahay.Napangiwi ito habang hawak ang mukha niya, halatang nasaktan.Malamig ang tingin ni Willow sa magandang dalagang nasa harap niya.“Lala, ‘di ba tinatawag mo akong ‘Miss Torres’? Ibig sabihin alam mong mas mataas ang posisyon ko kaysa sa 'yo. Sinong nagsabi sa 'yo na pwede mong tawagin ako sa pangalan lang?”“Eh ikaw—!”Matagal nang nasa bahay ng mga Alvarez si Lala. Dahil maganda siya, pakiramdam niya ay mas mataas siya kaysa sa iba.Sa tuwing nakikita niyang pinapahiya o binabalewala si Willow noon, tahimik lang siya pero alam ng lahat na hinahayaan niya ito.Naalala ni Willow sa past life niya, ilang beses siyang pinagsabihan ni Lala ng mga maling payo na naging dahilan para mapahiya siya kay Benedict. At ngayong nagpapakitang matapang si Lala sa harap niya, wala nang balak si Willow na tiisin ito.“Miss Torres, kahit ano pa ‘yan, kasambahay pa rin ako ng Alvarez Family! Sa pag-sampal mo sa 'kin, para mo na rin

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 97

    Para sa mga lalaki, normal lang daw ang mambabae sa labas.Pero ang babae, dapat marunong makuntento.Anong klaseng kaisipan ‘yan?“Pwede nating kalimutan ang nangyari ngayon, pero ayusin mo ‘to.” Pagkasabi nun, parang may naalala ulit si Old Madam.“Teka, hindi ba tumigil ka na sa pag-aaral dati?”“Opo.”“Kung gano’n, wala ka nang kailangang intindihin sa eskwelahan.”Sabi ni Old Madam, “Bilang magiging asawa ng Alvarez Family, kahit hindi ka na mag-aral, makakakuha ka pa rin ng diploma.”“Madam…”“Asikasuhin mo na lang ‘yan. Ang kailangan mo lang gawin ngayon, ay kung paano mo mahuhuli ang puso ni Benedict. Lahat ng ibang bagay, hindi mo na kailangang intindihin. At saka, ikakasal ka na rin naman, nakakahiya kung nag-aaral ka pa.”Malinaw na utos ang tono ni Old Madam.Kahit hindi sang-ayon si Willow, wala siyang magagawa ngayon kundi sumunod.Kung mawawala ang suporta ni Old Madam, magiging mahina ang posisyon niya kung sakaling gumawa ng hakbang si Benedict laban sa Torr

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 96

    “Madam!”Namutla agad ang mukha ng driver.Matagal na siyang nasa tabi ni Old Madam. Kahit dati na siyang nakapagsalita ng mali, ngayon lang siya pinatawan ng ganitong kabigat na parusa.“Madam, nadulas lang po talaga ako kanina! Hindi ko po sinasadya…”“Isama niyo na siya.”Ni hindi siya tinapunan ni Old Madam ng tingin. Agad lumapit ang mga tao ni Madam at inalalayan ang driver paalis.Si Willow, mula noon, puro mabait na mukha lang ni Old Madam ang nakikita. Ngayon lang niya nakita kung gaano ito katapang at kaseryoso pagdating sa mga desisyon.Marahil, mula pa noon ganito na talaga si Old Madam, nagpapakabait lang sa harap ng ibang tao.Kung talagang mabait siya, bakit basta-basta niya pinapaalis ang isang taong nagsilbi sa kanya ng maraming taon, kahit pa nagkamali lang ng isang salita?“Willow, pinatawag kita ngayon para tanungin kung alam mo ba ang tungkol sa balita ngayon?”“Anong balita po ‘yon, Madam?” tanong ni Willow, kunwa’y nagtataka.Kinuha ni Old Madam ang kan

  • Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You   Chapter 95

    Pagkaalis ni Willow sakay ng taxi, agad namang bumalik sa sasakyan ang driver para habulin siya.Nakita ni Willow ang pagmamadali ng driver sa likod at bahagya lang siyang ngumiti ng malamig.Kung masyadong mabait ang amo, lumalakas ang loob ng mga tauhan. Kahit pa isa siyang anak ng Torres Family at bisita sa bahay nila, ang driver na tulad nito ay umaakto na parang may karapatan siyang bastusin siya.Dati, tiniis niya ang lahat. Pero ngayon, hindi na siya papayag na apihin pa muli.Mayamaya pa, huminto na ang taxi sa harap ng bahay ng Alvarez Family.Bagamat lumipat na si Old Madam ng tirahan, ang tinitirhan nito ay isa pa ring malaking bahay sa loob ng isang eksklusibong village.Nang masilip ni Old Madam mula sa bintana na bumaba si Willow mula sa taxi, agad na dumilim ang mukha niya.“Ano ‘to? Hindi ba’t pinasundo ko siya kay Lando? Nasaan na ‘yon?” tanong niya na may inis.“Madam… eh…” Nagkatinginan ang mga katulong. Ni isa sa kanila ay walang alam sa nangyari.Alam lang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status