Share

Unang Hakbang

Author: Miss L
last update publish date: 2026-11-17 09:02:44

Samantha's POV

“Sam, kailangan nating mag-usap.”

Halos hindi pa ako nakakalayo sa sala nang marinig ko ang boses ni Kean sa likuran ko.

Napahinto ako.

Hindi pa nga nagsisimula ang plano ko, sinusundan na niya ako.

Lumingon ako at nakita siyang papalapit. Nakangiti pa rin siya, gaya ng dati. Para bang wala siyang itinatagong sikreto sa likod ng mga matang iyon.

“What's wrong, Kean?”

“Wala naman.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto lang kitang makasama kahit sandali. Kanina ka pa tahimik.”

Pinilit kong huwag ipakita ang pagkainis ko.

“May iniisip lang ako.”

“About the wedding?”

I nodded.

“Actually, may gusto sana akong gawin bago ang kasal.”

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “What is it?”

“Gusto kong bumalik sa kumpanya.”

Nawala sandali ang ngiti niya.

Mabilis iyon, halos hindi mapapansin ng sinuman. Pero hindi na ako ang dating Samantha na hindi marunong magbasa ng kilos niya.

“Sa Mendoza Corporation?” tanong niya.

“Oo. Matagal na rin akong hindi nakikialam sa mga operasyon. Gusto kong matutunan ulit ang lahat.”

“Pero, sweetheart, hindi ba mas mabuting magpahinga ka muna? Ang dami nating kailangang asikasuhin para sa kasal.”

“May limang buwan pa naman tayo.”

“Exactly. Mas mabuting i-enjoy mo muna ang mga araw na ito.”

Ngumiti ako.

“Hindi naman kailangang mamili sa dalawa. Kaya kong asikasuhin ang kasal habang nagtatrabaho.”

Hindi siya agad nakasagot.

Alam ko kung bakit.

Sa una kong buhay, unti-unti kong ibinigay kay Kean ang tiwala ko hanggang sa halos lahat ng desisyon sa kumpanya ay ipinagkatiwala ko sa kaniya. Naniwala akong ginagawa niya iyon para tulungan ako.

Hindi ko alam na bawat pagkakataong ibinibigay ko sa kaniya ay ginagamit niya upang palakasin ang sarili niyang posisyon.

Sa pagkakataong ito, hindi na iyon mangyayari.

“Kung gusto mo, puwede naman kitang tulungan,” alok niya.

“Thank you. Pero gusto kong ako mismo ang gumawa.”

Nakita kong bahagyang nanigas ang panga niya.

“Of course. Whatever makes you happy.”

Muling ngumiti si Kean at hinalikan ang noo ko.

Kung hindi ko lang alam ang tunay niyang pagkatao, baka kinilig pa ako.

“Uuwi na ako,” sabi niya. “Tatawagan kita mamaya.”

“Sige. Ingat ka.”

Pinanood ko siyang lumabas ng bahay. Nang tuluyang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya, saka lamang ako nakahinga nang maluwag.

Hindi ko namalayang napakuyom na pala ang mga kamay ko.

“Sam?”

Napalingon ako.

Nakatayo si Casey sa may pintuan, hawak ang cellphone niya.

“Hindi ka ba sasama sa amin mamaya? May gusto sana akong bilhin para sa wedding preparation.”

Tinitigan ko siya.

“Hindi muna. May kailangan akong asikasuhin.”

“Work?”

“Oo.”

Lumapit siya at ngumiti. “Ang sipag mo naman. Enjoyin mo rin ang pagiging bride.”

“Don't worry. I will.”

Muli akong ngumiti bago siya iwan.

Hindi ko na kailangang magpanggap na masaya sa piling nila nang matagal. Sa ngayon, sapat nang hindi nila mahalata na may nagbago sa akin.

*********************

Kinabukasan, maaga akong dumating sa Mendoza Corporation.

Pagpasok ko pa lamang sa lobby ay sinalubong na ako ng mga empleyadong hindi ko nakita nang ilang buwan.

“Good morning, Miss Mendoza!”

“Good morning.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating sa opisina ng personal assistant ng aking ina.

“Miss Samantha!” gulat nitong bati. “Hindi po namin alam na darating kayo ngayon.”

“May kailangan akong tingnan. Nasa opisina ba si Kean?”

“May meeting po siya, pero matatapos din po iyon.”

“Okay. Puwede bang ihanda mo ang mga financial report ng kumpanya nitong nakaraang anim na buwan?”

“Lahat po?”

“Lahat ng mahahalagang dokumento. Gusto kong makita ang mga naging transaksyon at pagbabago sa kumpanya.”

Tumango siya. “Opo, Miss.”

Pumasok ako sa opisina ng aking ina at naupo sa kaniyang mesa. Sandali kong hinaplos ang ibabaw nito.

Dito siya madalas nagtatrabaho.

Dito niya ako tinuruan kung paano maging responsable sa aming negosyo. At dito rin ako nangakong aalagaan ko ang lahat ng pinaghirapan ng aming pamilya. Ngunit ipinagkatiwala ko iyon kay Kean.

Hindi ko hahayaang mawala iyon sa pangalawang pagkakataon.

Maya-maya, dumating ang assistant dala ang ilang folder.

“Miss Samantha, ito po ang mga hiniling ninyo.”

“Thank you.”

Isa-isa kong binuksan ang mga dokumento. Sinuri ko ang mga ulat, kontrata, at listahan ng mga taong may access sa mahahalagang transaksyon.

Hanggang sa may isang pangalan akong nakita.

Kean Reyes.

Nakasulat ang pangalan niya sa isang dokumentong nagbibigay sa kaniya ng pahintulot na makipag-ugnayan sa ilang business partners ng Mendoza Corporation.

Napakunot ang noo ko.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko iyon pinahintulutan sa una kong buhay. Pero malinaw sa akin na isa iyon sa mga unang hakbang na nagbigay sa kaniya ng impluwensiya sa kumpanya.

Kinuha ko ang dokumento at binasa ang petsa.

Napahigpit ang hawak ko rito.

Hindi pa niya hawak ang lahat. Hindi pa niya nakukuha ang mga shares na ibinigay ko sa kaniya noon.

May pagkakataon pa akong pigilan ang lahat.

“Miss Samantha?”

Napatingin ako sa assistant.

“May problema po ba sa dokumento?”

“Wala,” sagot ko. “Gusto ko lang malaman kung sino ang nag-apruba nito.”

Tiningnan niya ang papel.

“Sa pagkakaalam ko po, kayo ang pumirma niyan.”

Napatigil ako.

Ako?

Tiningnan kong muli ang pirma sa ibaba. Mukha itong tunay, pero hindi ko matandaan kung kailan ko iyon pinirmahan.

“May kopya ka ba ng original?”

“Opo. Ipapakuha ko po.”

Tumango ako at ibinalik ang dokumento sa mesa.

Hindi ako dapat padalos-dalos.

Kung may natutuhan ako sa una kong buhay, iyon ay ang hindi lahat ng bagay ay dapat labanan nang harapan. Kailangan kong malaman kung hanggang saan na ang plano ni Kean bago ko siya tuluyang pigilan.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Isang mensahe mula kay Kean.

‘Sweetheart, I heard you're at the company. Why didn't you tell me?’

Napatitig ako sa screen.

Paano niya nalaman?

Bago pa ako makasagot, may sumunod pang mensahe.

‘I'm coming over. We need to talk.’

Unti-unti akong napangiti, ngunit walang saya sa aking mga mata.

Mukhang hindi siya komportable sa pagbabalik ko sa kumpanyang dapat ay akin.

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang p***o ng opisina.

At pumasok si Kean.

“Sam,” malamig niyang bati.

Napatingin ako sa kaniya. “Kean? What are you doing here?”

Hindi siya sumagot agad. Sa halip, napatingin siya sa mga dokumentong nakakalat sa aking mesa.

Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin.

“Why are you suddenly checking the company's records?”

Ipinatong ko ang aking mga kamay sa mesa at ngumiti.

“Dahil kumpanya ito ng pamilya ko, Kean.”

Nawala ang ngiti niya.

At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa nakaraan, nakita ko ang takot sa mga mata niya. Takot na baka mabulilyaso ang mga plano niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reborn To Marry My Ex's Step-brother   Unexpected proposal

    Samantha's POV"Good morning, Ma'am Samantha. Your coffee."Bahagya akong ngumiti sa sekretarya ni Alexander habang tinatanggap ang tasa ng kape na inilapag nito sa maliit na mesa sa labas ng opisina."Thank you."I glanced at the closed door in front of me.Alas-diyes pa lamang ng umaga, ngunit halos tatlumpung minuto na akong naghihintay. Hindi naman ako nagmamadali, pero hindi rin ako sanay na maghintay nang ganito katagal para lamang makausap ang isang tao.Lalo na kung alam kong magiging mahalaga ang pag-uusap namin.Kahapon, matapos kong bisitahin ang opisina ng aming kumpanya, napagtanto kong hindi ko kayang harapin nang mag-isa ang lahat ng problemang naghihintay sa akin. Marami akong kailangang ayusin, at hindi sapat ang basta pagbabantay lamang sa mga kilos ni Kean.Kailangan ko ng kakampi.At si Alexander Monteverdi ang pinakamainam na taong maaari kong lapitan.Hindi lamang dahil sa impluwensya at kapangyarihan ng pamilya niya, kundi dahil may sarili rin siyang dahilan upa

  • Reborn To Marry My Ex's Step-brother   First Crack

    Samantha's POV“Kailangan ko pa bang magpaalam sa iyo bago ko tingnan ang records ng sarili kong kumpanya?”Natigilan si Kean sa harap ng mesa ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang sagot ko, kaya agad kong pinalambot ang ekspresyon ng mukha ko.“I'm sorry, sweetheart,” dagdag ko habang nakangiti. “Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang talagang maging updated sa mga nangyayari sa kumpanya. Matagal na rin kasi akong hindi nakikialam.”Nawala ang bahagyang pagkakunot ng noo niya.“Hindi naman sa ganoon, Sam. Nagulat lang ako nang malaman kong nandito ka.”“Why? Hindi ka ba masaya na bumalik ako?” pabirong tanong ko.Agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.“Of course, I am. I'm just worried na baka mapagod ka. Marami ka pang kailangang asikasuhin para sa kasal natin.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.“Let me handle the business matters. You should focus on yourself.”Ngumiti ako at marahang pinisil ang kamay niya.“Alam ko namang lagi mo akong gustong tulungan. Thank you, K

  • Reborn To Marry My Ex's Step-brother   Unang Hakbang

    Samantha's POV“Sam, kailangan nating mag-usap.”Halos hindi pa ako nakakalayo sa sala nang marinig ko ang boses ni Kean sa likuran ko.Napahinto ako.Hindi pa nga nagsisimula ang plano ko, sinusundan na niya ako.Lumingon ako at nakita siyang papalapit. Nakangiti pa rin siya, gaya ng dati. Para bang wala siyang itinatagong sikreto sa likod ng mga matang iyon.“What's wrong, Kean?”“Wala naman.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto lang kitang makasama kahit sandali. Kanina ka pa tahimik.”Pinilit kong huwag ipakita ang pagkainis ko.“May iniisip lang ako.”“About the wedding?”I nodded.“Actually, may gusto sana akong gawin bago ang kasal.”Bahagyang tumaas ang kilay niya. “What is it?”“Gusto kong bumalik sa kumpanya.”Nawala sandali ang ngiti niya.Mabilis iyon, halos hindi mapapansin ng sinuman. Pero hindi na ako ang dating Samantha na hindi marunong magbasa ng kilos niya.“Sa Mendoza Corporation?” tanong niya.“Oo. Matagal na rin akong hindi nakikialam sa mga operasyon. Gusto kong

  • Reborn To Marry My Ex's Step-brother   Second chance

    Samantha's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.“Sa tingin ko, mas magandang sa isang garden wedding tayo. Mas eleganteng tingnan, lalo na kung maraming bulaklak at ilaw.”Pamilyar ang boses na iyon.“Maganda nga ang idea mo, Elena. Pero kailangan din nating isipin ang bilang ng mga bisita,” sagot naman ng isang babae.Napakunot ang noo ko.Bakit naririnig ko ang mga boses nila?Huling naaalala ko ang malamig na hangin sa aking mukha, ang takot habang bumabagsak ako mula sa balcony, at ang mga matang nakatingin sa akin habang unti-unting nawawala ang aking buhay.Namatay ako.Sigurado akong namatay ako.Pero bakit naririnig ko ngayon ang usapan tungkol sa kasal?Dahan-dahan kong iniikot ang aking paningin. Nasa sala ako, nakaupo kasama ang mga taong hindi ko inaasahang makikita pang muli.Nandoon si Mama Elena, ang pinakamamahal kong ina.Katabi niya ang mga magulang ni Kean. Nasa kabilang sofa naman si Kean, habang si Casey ay nakaupo sa tabi nito.Napatigil ang paghinga

  • Reborn To Marry My Ex's Step-brother   The Bride's Worst Night

    Samantha's POV“Mrs. Reyes, bakit nakangiti ka na naman diyan?”Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa tabi ko. Si Casey, ang pinakamatalik kong kaibigan, ay nakangiting nakatingin sa akin habang hawak ang isang baso ng champagne.“Wala lang,” natatawa kong sagot. “Hindi lang talaga ako makapaniwalang kasal na kami.”“Girl, ilang beses mo nang sinabi iyan simula kanina!” Tumawa siya at bahagyang itinulak ang balikat ko. “Pero naiintindihan kita. Finally, nakuha mo na rin ang pinapangarap mong prince charming.”Napatingin ako sa kabilang bahagi ng ballroom kung saan nakikipag-usap si Kean sa ilang bisita.Napakaguwapo niya sa suot niyang itim na tuxedo. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, at lalong naging kaakit-akit ang mukha niya dahil sa bahagyang ngiti sa labi.Nang mapansin niyang nakatingin ako, kumindat siya.Hindi ko napigilang mamula.“Grabe ka naman kung makatingin,” tukso ni Casey. “Parang ngayon mo lang nakita ang asawa mo.”“Hayaan mo ako. Asawa ko naman siya.”“Okay, ok

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status