Share

Chapter 04

Allison's POV.

Hindi na ako makahinga nang maayos. Sinubukan kong lumangoy at tulungan ang sarili ko para makaligtas dito. Sobrang lalim ng ilog na ito, angat ako nang angat pero napapalubog din ako kaagad. Hindi ko na kaya pa, samu't saring emosyon at naiisip ko rito. Nawawalan ako ng pag-asa kung paano ko ililigtas ang sarili ko.

Nanghihina na ako. Nawawalan na 'ko ng pag-asang maiangat ang sarili ko. Sino ang sasagip sa akin? Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba, nawawalan na ako ng hangin. Habang iniisip ko iyon ay bigla akong nakaahon. Mayroong tao mula sa likod ko.

Hindi ko muna iyon inisip kung sino 'yon. Kumuha muna ako ng hangin at pinakalma ko ang aking sarili. Huminga ako nang dahan-dahan at hinayaan ko ang sarili ko na makahinga nang maayos. 

Nang naging maayos na ako, kaninang ang kamay ng kung sino ay nasa bewang ko ay nakapulupot na sa akin ang buo niyang braso. Sino ba 'to? Humarap na ako at nagulat ako kung sino ito. Nakangiti pa 'yong lalaki sa akin! Para siyang t*nga! Napatalon naman ako nang wala sa oras, at ano ba ang iniisip ko?! Nalunod ulit ako.

Sinubukan kong iligtas ang sarili kong muli. Ayaw kong siya ang sasagip sa akin dito. Pero hindi ako marunong lumangoy at bago pa ako makahingi ng tulong ay niligtas na ako ng lalaking 'to. Nang mailigtas niya na ako ay narinig ko ang tawa niya. Natigilan naman ako sa pagtawa niyang 'yon. Hindi ko alam kung bakit parang bumilis muli ang tibok ng puso ko? Hindi. Sa kaba lang ito. Oo, tama! Kinakabahan lang talaga ako ngayon.

Pero mas bumilis ang tibok ng puso ko nang talagang umaahon kami at bitbit-bitbit niya ako na parang bagong kasal. Nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya at nakatingin lang ako sa mukha niya. Siya naman ay seryoso lang ang mukha pero hindi ko naman muling maiwasan na mamangha sa guwapo niyang itsura.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang humarap ang lalaki sa 'kin. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito habang umaahon kami. Nakita ko mula sa peripheral view ko na tumingin na siya nang diretso at doon naman ako napairap. Sabi na ngang ayaw ko na siyang makita. Pero ito, ito ang nangyayari ngayon.

Nakaahon na kami at lamig na lamig ako. Umupo na muna ako sa gilid dito at ngayon ko naramdaman ang pagod ngayon. Narinig ko ang mahinang pag-uusap ng lalaki at ng mga tao niya. Hindi ko naririnig nang maayos, parang nagbubulungan lang sila. Parang mga t*nga lang. Maya-maya lang din ay natahimik na sila at narinig ko ang yapak na papalapit sa akin.

Nakita ko sa gilid ko na naglahad itong lalaking ito ng towel. Tinitigan ko lang iyon at hindi alam ang gagawin.

"Here... so that you won't get cold." Tumingin ako sa mukha niya at binalik ko ang tingin sa towel na nilalahad niya.

"I don't need it," sambit ko at saka niyakap na lamang ang aking sarili. Sumimoy nang malakas ang hangin at napayakap pa ako sa sarili ko nang mas mahigpit dahil sa lamig. Ngayon na ako nagsisisi na bakit ba hindi ko tinanggap ang towel na inaalok sa akin no'ng lalaki.

Nagulat na lang ako nang nilagay ng lalaki ang towel na binibigay niya sa aking likod. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pang-aasar niyang mukha. Umirap na lang ako at hindi na pa ako nag-inarte. Ang lamig, kaya hinigpitan ko na ang paghahawak sa towel na nakalagay sa aking likod.

Naramdaman ko pa ang pagtabi sa akin ng lalaki sa gilid, pero medyo malayo naman siya sa akin. Pero ang kapal ng mukha niyang tumabi pa sa akin? May agwat naman kaya hindi ko na lang siya pinansin. Pinabayaan ko na lang at saka tumingin sa kalangitan at nakita ko na ang kulay kahel na ito, lumulubog na ang araw. Napabuntonghininga pa 'ko at dinama ang hangin na tumatama sa aking mukha.

"How are you feeling?" he asked, starting a conversation. But I don't have the energy to talk to him. I just look up at how the sun would set. It was so beautiful. I love that kind of situation, you are setting after a long and tiring day. 

I like how it represents the need to rest as well. However, most people do not have the right to rest because they must do something in order to have a successful future. How I wished we had the right to rest, that you wouldn't be concerned about what may happen next, that you wouldn't be overthinking what you're going to do next.

"Are you okay? Why are you crying earlier? Did something... or someone hurt you?" I was taken aback. I suddenly remembered the traumas, heartaches, and that certain day. In a snap, memories were starting to flashback, and my tears were starting to flow. I did my best to stop it because I'm with someone whom I barely even know. But I just can't stop myself from crying. 

Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa hiya at alam kong nakikita at naririnig na ako ng lalaki. Pero wala na akong pakialam. Ang sakit, eh. Hindi ko matanggap, hindi ako maka-move on. Ang hirap-hirap. Narinig ko ang pag-usod nito, pero hinayaan ko na lang siya. Nilabas ko nang nilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Ang bigat-bigat sa loob ko.

"Let it all go. I'll be just here, no judgment as well..." He tapped my back, giving comfort, and I just let it all go just like what he said. Iniyak ko lang iniyak habang inaalala ko ang mga panahon na masasaya pa kami, iyong panahon na wala pang ganoong problema, at kung paano rin ito nasira. Hindi ko matanggap, ang sakit-sakit, sobra.

Nasa harapan ko lang siya habang umiiyak ako pero ako naman ay patuloy ko lang pinupunasan ang mukha ko kaya hindi niya pa rin ganoon nakikita ang aking lagay. Patuloy niya ring hinahagod ang likod ko upang kumalma, inangat ko ang aking mata at napatitig lang ako sa mukha niya.

Ngayon ko nakita nang malapitan at nang maayos na makita siya, tinitigan ko lang siya at nakatitig lang din siya sa akin. Hanggang sa ako na ang unang sumuko at hindi ko makayanan ang tensyon na namamagitan sa amin. Tumingin ako sa kalangitan para hindi na pa mahulog ang luha ko, pero sadyang tuluy-tuloy pa rin ang pag-agos nito.

"Ang sakit," mahina kong sambit. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang bagay na 'yon pero gusto ko lang naman ilabas ang nararamdaman ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, pinapahiwatig na makikinig lang siya, at nakakataba naman ng puso 'yon. Pinunasan kong muli ang luha ko at saka huminga nang malalim upang subukang mapakalma ang sarili't makapagsalita rin nang maayos.

"Hindi ko alam kung bakit napunta pa sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung bakit dito pa talaga aabot ito. Ano bang ginawa ko? May kulang ba sa akin? Marami bang wala sa akin na mayroon ang iba? Galit na galit ako, eh. Pero hindi ko alam kung bakit umiiyak lang ako ngayon." I stopped myself from speaking because I wasn't able to catch my breaths.

Sumisinuk-sinok na ako, sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko at nagulat na lang ako nang may iabot ang lalaking ito ng isang bottle ng tubig. Tinanggap ko naman iyon kaagad.

"Drink this... gently, okay?" Tumango na lang ako sa sinabi niya, at kahit na natigilan pa ako kung paano niya maamong sinabi 'yon ay ininom ko na rin ang tubig na binigay niya sa akin. Marami pa akong sinabi sa kanya at talagang nakinig lang siya sa akin, kitang-kita ko sa mga mata niya na walang halong panghuhugas ang mga iyon.

"You're so strong, I admired you a lot for being so brave. Not everybody can do that, some can't handle that kind of pain. That can handle trauma, some are still stuck because of the past that they are still living and haunted by," he seriously said, he's like saying all those words by experiences.

"So others cannot really move forward if they are still living in the past. But you? You're so brave by the fact of letting all the emotions you're feeling, you're able to speak it all out," he continued. I am now starting to think of why is he so deep about this? Around traumas, heartaches, and such. I wonder, why?

"Why? Why other people can't speak it out?" I asked, hoping he can also open up to me.

"I don't know? I guess it feels invalid and should not be?"

"Uhm... are you ok—"

"None of those matter, but you were saying earlier... you want vengeance?"

I let out of sigh. "If only I can..." I said, accepting already a defeat. Tumingin naman ako sa kanya at nang makita ko ang mukha niya parang napapalaban siya sa isang mind game na talagang pinag-iisipan niya nang mabuti ang susunod niyang hakbang. 

"You know what?"

I hummed. "Hindi ko pa alam." Tumawa naman siya sa sinabi ko at ako naman ay napatanong kung ano ang nakakatawa pero umiling lang siya. Weirdo!

"I could help you."

"Talaga?! How?" 

"Marry me."

Huh?! Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Papakasalan ko siya? Sino ba siya? Hindi niya ba alam na sobrang sagrado ang kasal? Sobrang lalim ng ibig sabihin no'n. Sabay siya ganoon lang? 

"Sino ka ba?! Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan, makapagsalita ka akala mo kung sinong tao." Umirap pa ako sa kanya at nakita ko ang mukha niya na hindi makapaniwala at saka siya tumawa. "Bakit?! Anong nakakatawa?" mataray kong tanong. Umiling-iling lang siya at saka nagsabi na wala lang.

"You want revenge, right? Let's have a contracted marriage," maikli at simple niyang sambit. At bago pa ako makapagsalita ay pinatigil niya muna akong pagsalitain at saka siya na muna ngayon ang nagsalita. In-explain niya lahat, kung paano ang mangyayari, 'yong magiging proseso, at marami pang iba.

"I also need you. Kulit kasi ng magulang ko, but, what do you say? It's a win-win situation here." 

Napaisip naman ako nang malalim sa offer na binibigay niya. Sagrado sa akin ang kasal, itutuloy ko ba ito? Bahala na! Kaya naman ang annulment ito. Hindi ko alam bakit buo ang tiwala ko sa lalaking ito, basta ayon ang sinasabi ng isip at puso ko. 

Magtiwala ako.

Muli siyang nag-explain kung ano pa ang magiging benefits nito at marami rin naman akong binatong mga tanong. Lahat naman ng iyon ay nasagot niya nang maayos, kaya sa likod ng isipan ko... sige na. 

"And that's how our contracted marriage would be. By the way... what's your name?" he asked, curiously. I just rolled my eyes to it, ano bang pakialam niya? Tumawa pa siya dahil sa inasta ko, hindi 'man lang siya napikon sa akin? Talagang natawa pa siya, ah.

"I'm Allison," maikling sabi ko, pagpapakilala ko sa aking sarili.

"Allison?"

Umirap na muna ako dahil kailangan pa talaga buong name? Umubo pa muna ako nang mahina para maiayos ang boses ko.

"Allison Kye Gomez," I answered firmly, "how about you? Name?" I asked too, just for the sake of saying I'm interested in knowing him as well. He laughed a bit.

"Louis Sorreño. Nice meeting you." Ngumisi pa siya at na-weirdo-han naman ako sa kanya. Binigyan ko pa siya ng nakakadiring tingin at natawa naman kaagad siya.

"Not so nice meeting you." Tumawa naman siya nang malakas sa sinabi kong iyon, umiiling-iling pa. Ginilid ko ang mukha ko upang makatawa't ngumiti. This man, really!

Weird. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status