Share

Chapter 36.1

"Welcome back!" malakas na sigaw ng kasamahan ko at napasigaw pa ako sa gulat dahil mayroon pa silang pinaputok na kung ano sabay may lumabas na mga confetti, sobrang lakas no'n parang medyo nabasag eardrum ko roon. Ngumiti ako sa kanilang lahat at saka may binigay sa akin si Avereal ng bulaklak, at si Amiel naman ay hawak-hawak niya ang cake na may nakasulat na Welcome back, tumakas sa inuman.

"Oh, alam mo na! Blow mo na, tumakas sa inuman!" Nagtawanan naman ang lahat ng kasamahan namin dito at pati ako ay natawa na rin.

"Mayroon akong hinanap no'n!" depensa ko naman kay Amiel at saka niya ako pinanlakihan ng mata, sinasabing gets niya naman at nagbibiro lang siya. Tumatawa akong umirap sa kanya at saka ko na ngayon hinipan ang kandila. Sabay-sabay naman silang nagsigawan at akala mo naman talaga kung anong okasyon ngayon.

"Ay, 'Te! Pinapabigay nga pala ni Ms. Jeremiah sa 'yo, oh," sambit ni Ivy, isa sa mananahi namin, siya 'yong tagatingin kung may kailangan pa bang iplakado lalo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status