PRONUNCIATION
Louis Ezekiel Sorreño
lu-wi eh-si-ki-yel so-ren-nyo
Allison Kye Gomez
a-li-son kay go-mes
---
"Ms. Allison! Oh my goodness, you look even more gorgeous!" shouted one from the crowd, and I turned to them, smiled, and waved my hand. Flashes of different cameras and noises and commotions of the people here will be heard.
"Thank you so much for gathering here for this special event to me!" sigaw ko bago lagpasan ang mga taong kung sinuman ang nagsabi sa akin no'n. Patuloy lang ang pagkaway ko sa mga tao at ngiti sa mga cameras, habang naglalakad ako sa red carpet na narito at ngayong araw ang grand opening ng sarili ko na talagang brand. Nasa harapan na ako ng boutique ko at tumingin ako sa itaas.
"Ali." Basa ko sa pangalan ng aking brand. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa pangalan na 'yon, nagmula iyon sa pangalan ko at in Arabic, it means, high, elevated, and champion. Kaya ayon ang napili kong pangalan. Mula ito sa kakayahan at kagustuhan ko, at dito ako masaya. Ngayong masasaksihan ko na ang pagbubuo ng sarili kong pangalan.
Humarap ako sa crowd, naging sikat din talaga ako dahil sa huli kong pinagtrabahuhan na brand. It's in Dior, I have a lot of memories there. I am also thankful for them because that signifies my steppingstone in becoming and making my own brand. I also had some collaborations with different brands so I can really make my own, ang tagal ng process at hindi naging madali sa akin ang lahat.
Pero dahil sa pagpapatuloy at determinasyon kong magkaroon ng sariling akin, ay talagang pinaghusayan ko 'to. Ito na rin ang isa sa masasabi kong biggest achievement ko sa buhay. Nagkaroon ng ribbon cutting at narito rin ang iba't ibang brands para suportahan ako. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa mga 'to dahil naging sobrang bait nila sa akin, at sinusuportahan nila ako rito.
"Congratulations, Ms. Allison, you really are a big hit here in Paris. Do you ever cross in your mind to go back home? In The Philippines? And also build your own brand there?" Natigilan ako mula sa nagi-interview sa akin dito, Pilipino rin ito, isang journalist. Inaasahan ko na ring itatanong ito sa akin, at handa akong sagutin ito. Pero sa mga sandaling ito, parang nawala ako sa 'king sarili.
Betrayal. Heartaches. Traumas. And cheated on, are the words that automatically flashed in my mind when I heard The Philippines. Sa bansang 'yon na hindi ako nababagay. Narito na ang buhay ko, dito ko nakikita ang tunay na ako, kaya ano at sino pa ba ang uuwian ko sa bansang 'yon? Si Valentine na lang, at iba ko pang kaibigan. Ganunpaman, ngumiti ako sa nangi-interview sa akin.
"No, I don't have plans... yet. I just established my very own brand here, so I'm just going to focus here first before anything else," I answered straightly, then smiled.
"Is it? Or otherwise?" Nanlaki naman ang mata ko sa tinanong niya sa akin na 'yon. That was so sensitive. Of course, she must know. Kalat na kalat naman 'yon dati, eh. Hindi ko naman itatanggi 'yon, may alam sila. Pangalan pa lang ng lalaking 'yon, iyong lalaking pinagkatiwalaan ko pero ganoon talaga, what to expect from men? Playing women and cheating were their favorite hobbies. Wala na akong magagawa pa. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? After all, that's his hobby.
"I'm sorry? Was that necessary?"
"Oh, no. Sorry..." Umalis na ako kung saan ako nakapuwesto at pumunta ako sa iba pang dumalo rito, at kahit papaano ay sa mga nakakausap ko ay nawala ang init ng aking ulo. Wala dapat makakasira ng kasiyahan ko ngayon.
"We would like to call on Ms. Allison to officially announce her brand, Ali!" the host announced and with that, I already know what I am going to do. I stood up, smiled, and waved my hand as I walked gracefully toward the small stage. I grabbed the microphone, and I'm about to say my speech.
"Good evening, ladies and gentlemen! First, I would like to lend my sincerest gratitude to you all for making it here despite your busy schedules. I really appreciate it. I, Allison Gomez, would enthusiastically announce that finally, I have my brand; Ali!" I heard claps and cheers, and I smiled sweetly at them, even if the lights were too strong to handle. I still managed to see them clearly.
I proceeded to my speech; I gave my motivation to them. On how I started from scratch and making it this far now. I also thanked those people who have helped me to get this through and to step in where I am.
"Especially to my best friend, from The Philippines, Valentine Gravani, to Amiel, and to others. I wished you were all here, my girls! I can't wait to finally see you soon enough! I missed you all and I know you are all watching me now." I even winked at the camera where we are live through social media platforms. "Finally, lift your head, heels, and standards, and you will be able to conquer anything. So, continue marching.," I said confidently, then gave them my sweetest smile as I heard their applause.
Bumaba na ako mula sa stage at papunta sana ako sa banyo rito para mag-retouch pero natigilan ako nang mayroon akong naramdaman na pamilyar na presensya. Alam ko na kaagad kung sino 'yon, bumilis kaagad ang tibok ng puso ko dahil lang sa dating lang niyang 'yon iba pa rin ang epekto no'n sa akin.
"Congratulations, you did so well," he said, in a manly voice. I am still shocked because why is he here? But I remained to compose myself and I breathe in and out. I wasn't prepared for this. But I had mastered the faking so it could easily be applied to this one. I smirked at what he said. Muli siyang nagsalita.
"You deserved this, I'm proud of you."
"Well, who wouldn't?" pagtataray ko. At saka ano ba talagang agenda niya rito? Hindi ko na dapat siya kilala. Also, why would I even care? I rolled my eyes and looked at him. "So... you're here? Why?" I asked and crossed my arms because I'm curious. Nothing more, nothing less.
"You still care? But yeah, I guess... I got invited?"
Napairap naman ako sa sinabi. Ano at sino? Wala akong naalala na may sinabi akong i-invite siya, at ayaw ko naman talaga siyang narito. Pero wala pa rin talaga akong panama sa connections niya, mas malawak na iyon kaya siguro nakakuha pa rin siya ng imbitasyon mula rito. Some say that it's a privilege to have him, but for me? Not really.
"I don't care, you may leave." I gestured to where the exit was.
"Why would I? I'm not the one who leaves without saying anything," he said, having a double meaning. I rolled my eyes, how pathetic. Pa-victim, ah.
"Whose fault? Not me." I saw how he loosened up a bit, I laughed sarcastically.
"If only you were—"
"—Stop it, I don't wanna hear it. 4 years have passed, and we should have moved on. Ang tagal na rin, we already have different responsibilities in life. And we should be focusing on what we have and what we have become now. That's the best we can do."
He talked so fine. So am I.
He didn't seem to have done anything to me four years ago. But those years have allowed me to become the best version of myself.
I don't want to go through that trauma and betrayal again. But through it all, I've grown wiser and stronger.
However, it continues to haunt me day by day. But now I know what to do and how to deal with such situations. I don't want to live and go back there again, in his arms?
Never again and never will be.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
:>
Nahulog ang hawak-hawak kong cellphone pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ni Ate, mabilis kong pinulot ang cellphone ko kahit nanginginig na ang kamay at paa ko. Nang makatayo na ako ay natigilan ako sa aking kinakatayuan. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakikita ko. Totoo ba 'to? Sana panaginip na lang itong nakikita ko ngayon. Tinakpan ko ang aking bibig dahil ayaw kong magdulot ng ingay muli. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko, at sa mata kong iyon kitang-kita ko ang magiging asawa ko na magkasama silang matulog ng kapatid ko sa iisang kama. Mas lalo kong hinigpitang ang pagkakahawak sa aking bibig dahil naramdaman ko na ang pagbagsak ng mga luha ko. Pero imbis na magmukmok ako rito ay tinulungan ko ang sarili ko, sinubukan kong tumayo sa sarili kong paa. Pumunta ako sa closet ng Ate ko at doon ko naisipang na magtago. Gusto kong malaman kung ano ang maaari nilang gawin dito. Kahit na hindi ko pa rin matanggap ang ganitong ginawa nila sa akin. Sa lahat ng tao
Third Person POV. Nagising si Allison dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at pinunasan pa ang mga ito upang malinaw siyang makakita. Nanlaki kaagad ang mata niya dahil nasa hindi pamilyar na lugar at kwarto siya, hindi niya alam kung nasaan siya. Kinabahan siya bigla at napahawak sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan at nanlaki ang mata niya nang makita na underwears lang ang tanging suot niya. Tumingin siya sa kanyang gilid at lalong nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya ang isang hindi niya kilalang lalaki. Napahawak siya sa ulo dahil sa hangover. Naalala niya na rin ang mga nangyari sa kanya kagabi. Kung paano niya pinagsusuntok ang mga tao sa bar, at kung paano siya nagsisisigaw ng kung anu-ano at sigawan kung sinu-sino. "Ako ba 'yon?" mahinang sambit niya dahil hindi siya makapaniwala sa mga pinaggagawa niya at ngayong napunta na siya rito. Tumingin siyang muli sa lalaking kasama niya at tumibok nang mabi
"What?!" malakas na sigaw ni Louis sa telepono, napakamot siya sa kanyang batok at sinubukang kumalma. Umupo siya sa couch niya't napabuntonghininga. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari nitong lumipas na mga araw, dahil ang tagal niya nang naghihintay pero hindi pa rin nangyayari ang inaasahan niya. "Pasensya na po, boss. Hindi po namin siya mahanap, hindi po talaga namin siya ma-track kahit saan na po kami nagpupupunta," sambit mula sa kabilang linya. Napahilamos si Louis sa kanyang mukha dahil halos tatlong linggo na siyang naghihintay at wala pa ring nangyayaring maganda sa paghahanap sa babaeng nagbayad sa kanya sa nangyari sa kanila matapos ng gabing 'yon. "Kahit saan po, hinalughog na po namin ang buong lungsod, pero wala pa rin po. Hindi po talaga namin siya mahanap, mukhang mayroon pong malakas na koneksyon na nagpipigil para po hindi natin siya matagpuan," dagdag pa nito. Bumuntonghininga muli si Louis upang mapakalma ang kanyang sarili at saka na siya nagsalita.
Allison's POV. Hindi na ako makahinga nang maayos. Sinubukan kong lumangoy at tulungan ang sarili ko para makaligtas dito. Sobrang lalim ng ilog na ito, angat ako nang angat pero napapalubog din ako kaagad. Hindi ko na kaya pa, samu't saring emosyon at naiisip ko rito. Nawawalan ako ng pag-asa kung paano ko ililigtas ang sarili ko. Nanghihina na ako. Nawawalan na 'ko ng pag-asang maiangat ang sarili ko. Sino ang sasagip sa akin? Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba, nawawalan na ako ng hangin. Habang iniisip ko iyon ay bigla akong nakaahon. Mayroong tao mula sa likod ko. Hindi ko muna iyon inisip kung sino 'yon. Kumuha muna ako ng hangin at pinakalma ko ang aking sarili. Huminga ako nang dahan-dahan at hinayaan ko ang sarili ko na makahinga nang maayos. Nang naging maayos na ako, kaninang ang kamay ng kung sino ay nasa bewang ko ay nakapulupot na sa akin ang buo niyang braso. Sino ba 'to? Humarap na ako at nagulat ako kung sino ito. N
"Richest man in our city?" Tinignan ko pa nang mabuti kung tama ang pagkakakita at pagkakabasa ko online. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pala iyon? Ang Sorreño Company ay siya pa lang nagmamay-ari?! Sabay siya ang naka-one-night stand ko?! Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa nalaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa impormasyon na ito. Naalala ko kung ano ang mga pinaggagawa ko sa kanya. Hiyang-hiya na ako at napapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ko ba ginawa ang mga bagay na 'yon? Ngayon lang tumaktak sa isipan ko na ngayon din pa lang araw ay magkakaroon na kami ng contracted marriage. Napatakip ako sa buong mukha ko dahil sa kahihiyang ginawa ko sa kanya. Pero kahit na! Kahit siya pa ang pinakamayaman sa buong mundo, tao pa rin naman siya at hindi ko babaguhin ang trato ko sa kanya. Weird pa rin
Because I had the assurance from him, I am just going to enjoy this moment. But I can't stop myself from missing that this could also be what happen if I and Neon were married. We have this nice reception, great party, seeing the smiles from our loved ones. Must be nice to have it, but it's fine. Nangyayari na rin naman na rin ito sa kasalukuyan, ano pa ba ang magagawa ko? Nakita ko ang pagkaway ng magulang ni Louis at napakaway na rin ako, sinenyasan nila akong lumapit muli sa kanila at ayon naman ang aking ginawa. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila ay saka akong muling niyakap ng Mommy ni Louis, medyo nagulat pa ako pero sa huli ay niyakap ko rin naman siya pabalik. Sa tabi nito ang asawa niya, hinalikan lang naman ako sa pisngi at saka niyaya na nila akong makisali sa circle nila. Pinaupo naman nila ako sa available seats nila at mayroon silang kausap na iba
Nang dahil sa sinabi niyang 'yon parang mayroon sa loob ko na na-excite. Ito naman ang hinihintay ko simula pa lang. At ngayong magaganap na ay hindi ko maiwasan na mapangiti dahil lang sa sinabing 'yon ni Louis. Parang nagising lahat ng parte ng katawan ko dahil sa excite na naramdaman ko. Pero bigla kong naisip ang magulang ko. Kahit papaano ay mahal na mahal ko pa rin sila, hindi ko kayang talikuran ang ginawa nila sa akin. I still love them, regardless. Sisiguraduhin ko na lang na hindi sila masasali o madadamay 'man dito. "Uhm, I just want to make it clear that you must not involve my parents in this," sabi ko kay Louis dahil ayaw ko silang makasama rito. Awkward pa akong ngumiti dahil sa hiya at tinitigan niya lang ako na parang may hinihintay pa siyang sasabihin ko. "I just wanted to take vengeance on my ex, and I am all right with my sister, af
Third Person POV. Lumipas muli ang ilang linggo at paunti-unti nang bumababa ang Perez's Company. Marami na ang wala nang interes sa kumapanyang ito. Parami nang parami na ang mga taong sinasabi ang karanasan nila sa kumpanyang ito na hindi kaaya-aya. Kalat na kalat ito sa bawat sulok ng bansa at talagang nahirapan na rin ito na makabangong muli. Wala nang nagtitiwala sa mga ito, at kahit subukan 'man nilang muling iangat ang kumpanya nila ay hindi na talaga ito magawa pa. Hindi na nila alam ang gagawin nila, kung 'di imbestigahan kung sino ang may kagagawan ang lahat ng ito. Kung sino ang nasa likod ng pangyayari nilang ito ngayon, at kinasusuklaman nila ito nang sobra-sobra. Matagal din nila itong hinanap, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ang may kagagawan ang lahat ng 'yon. Ang tagal nilang nanahimik sa media, at k