Humarap ako sa kanya at saka ko siya binigyan ng tingin na nagtataka dahil sa nakasulat na lettering doon. Anong 5 months? Happy? Married? Alam ko naman ang ibig sabihin no'n, gusto ko lang ng kalinawan dahil hindi ko maisip na ganito? Maghahanda siya ng ganito para lang do'n? At saka ito ang tawag na monthsary ba 'yon?
Gulung-gulo na ako. Gusto ko makuha ang kasagutan pero itong lalaki naman ay nakangiti lang na parang t*nga. Tumingin naman siya sa akin at nagbago ang timpla ng kanyang mukha dahil sa binibigay ko sa kanyang tingin.
"What?" inosente niyang tanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nakumpirmi ko na nagce-celebrate nga kami ng monthsary namin na kasal kami.
"Is this?" dahan-dahan kong tanong at hindi ko kayang ipagpatuloy ang sunod kong gustong sabihin at alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin.
Dahil sa sinabi kong 'yon ay parang nailang na tuloy ako. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Dapat talaga pinag-iisipan ko talaga nang mabuti kung ano 'man ang dapat kong sabihin. Eh, ano ba kasi naman? Gusto ko lang naman sabayan ang trip niya sa buhay. Kaya sinabi ko 'yon, hanggang ngayon ay natigilan pa rin si Louis at kinakabahan na ako dahil kahit isa ay wala pa rin siyang sinasabi.Puwede bang kahit isang salita magsalita siya? Kahit isa lang, para hindi naman ako mukhang nakakahiya rito. Hiyang-hiya na ako."Will you please say something?!" iritang sambit ko dahil para siyang t*nga na nakatitig lang sa akin na mayroong gulat na ekspresyon. Nang ma-realized niya na kung ano ang kanyang lagay ngayon ay siya namang napabalik sa kanyang sarili, at umiling-iling at saka siya yumuko."Ano?" sambit kong muli pagkuha sa kanya ng atensyon. Umang
"Dami mong alam!" Nagtawanan naman kami dahil sa hirit ko na 'yon. Nagpatuloy kaming kumain at ganoon din sa aming kuwentuhan. Binanggit ko rin sa kanya ang naging meeting namin kaninang umaga at ngiti lang siya nang ngiti. In his eyes, I could see that he is proud of me, I, am too. "This is the start of the success of my wife! This is perhaps a double celebration!" masaya niyang sigaw at natawa naman ako dahil inakto niya. "Huwag niyo po sana akong kalimutan." Natawa pa ako lalo dahil sa para naman siyang tuta ngayon. "Ang kulit mo talagang lalaki. Ikaw? Kumusta sa 'yo?" casual kong tanong at saka ako nagpatuloy na kumain. "It was fine... it's getting better and better, kaso mayroon lang mga minor coflicts. Ang kulit kasi no'ng HR resources, simple lang naman ang pinapagawa kong idea o concept sabay dagdagan niya na lan
"Ang saya ngayong araw!" sigaw ko habang buo kong ninanamnam ang hangin na sumasalubong sa aking mukha rito sa balcony. Narinig ko naman ang tawa mula sa aking likuran at napaharap naman ako sa likod ko dahil sa boses ng pamilyar na tao na 'yon. "Anong ginagawa mo rito?" bungad at mataray kong tanong. "Ang taray talaga kaagad." Tumawa naman siya nang mahina at sa panlalaki niyang boses habang papalapit siya sa akin. Napahalukipkip naman ako at saka ko siya tinaasan ng kilay. "I just can't sleep. How about you? Feel the same?" Nakalapit na siya sa akin at katabi ko na siya at pareho na naming nakikita ang kumikinang na buwan ngayon. "Yeah, I can't sleep as well," maamo ko nang sambit dahil napagod na akong manaray ngayong araw. Matapos kasi no'ng celebration namin kanina ay nag-ayos lang kami at tumulong sa amin si Hermes, at malamang ay hindi mawawala ang mga asar
"Wow!" sigaw ng mula sa crowd at awkward naman akong napangiti dahil sa narinig kong 'yon. "Is it by the A.A. Studio? I never imagined it would be this good, and it's extremely well-detailed; I'm in love! I love how it suits everything, with the model, the shoes, the makeup, and everything was gorgeous!" Napangiti naman ako dahil sa mga magandang sinasabi na nanggagaling mula sa ibang tao. Ibang klaseng fulfillment 'yon para sa akin. Days passed so fast and here we are. Narito na kami sa grand entrance na suut-suot ng pinag-usapan naming meeting noon na may gustong sikat na artista na suotin ang masterpieces namin, ang kliyente namin na 'yon ay ang isa sa sikat na sikat na artista hindi lang dito sa Pilipinas kung 'di sa ibang bansa rin. Kaya isang karangalan ito para sa akin. "I heard Allison made all of those, and she has an
Minsan sa ating buhay hindi natin maiiwasan na maging masaya dahil sa nagawa't mga parangal sa atin. Sa mga oportunidad, malaki 'man o maliit ay ating buong pusong dapat tanggapin. Oo, masaya na makakuha tayo ng mga ganoon at hindi rin natin maiiwasan na ma-overwhelm. Mayroon tayong mga pagkakataon na tayo ay nagwawagi at hindi rin naman natin maiwasang matalo sa ating tinatahak na mga daan. Lahat dapat ay balanse at ganoon naman talaga ang nangyayari sa atin. Buung-buo ang ating pasasalamat at kagalakan dahil sa mga taong nagbigay sa atin ng tiwala upang atin itong gawin, at magpatuloy. Ngunit hindi naman talaga masusukat ang iyong tagumpay sa buhay kung gaano na karami ang iyong nagawa, kung gaano na karami ang iyong naibigay sa iyong kapwa. Bagkus makikita mong matagumpay na ang isang tao kung siya ay kuntento na sa kung anong mayroon at kung ano naging siya.
Natahimik lamang ako nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko maramdaman ang suporta niya sa binanggit niyang 'yon. Mayroon ba siyang problema na hindi niya sinasabi sa akin? Bakit hindi niya ito sa akin sabihin? Parang sinambit niya lang ang mga katagang 'yon para lang masabing mayroon siyang sagot sa aking mga katanungan. Tumingin ako sa kanya at agad din akong umiwas ng tingin dahil ayaw kong gumawa ng kahit anong inaakala niyang ikibabahala ko. Ang iniisip ko lang naman ay bakit ganoon ang kanyang inaakto. Hindi ko maramdaman ang totoo niyang presensya, parang mayroong mali at alam ko na sobra nitong laki. Alam ko kapag mayroon siyang problema ay agad niya itong sinasabi sa 'kin, ngunit ngayon ay wala akong naririnig sa kanya na kahit ano. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at hindi na rin na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lamang na mayroong agam-agam sa akin dahil
"Congratulations, girl! You deserved everything you are receiving! We are extremely proud of you!" sigaw ni Amiel at ng kasamahan namin pagkapasok na pagkapasok ko. Hindi pa ako maka-get over dahil sa hinanda nila ngayon. Mabilis silang lahat na yumakap sa akin at niyakap ko rin sila nang mahigpit. Nag-iyakan kaagad kami dahil sa mga hirap na pinagdaanan namin. Hindi rin madaling itaguyod ang 'yong sarili. Walang madaling daan upang makamit lahat ng bagay, hindi naging madali ang buhay kahit kailan, palaging ganoon—kaya lumaban ka lang. Magpatuloy ka lang. Wala 'mang naniniwala sa 'yo, p'wes ikaw, maniwala ka sa sarili mo. "Bakit n-naman kayo g-ganyan..." naiiyak kong sambit at pinupunasan ko pa ang mata ko dahil patuloy ang pagtulo nito. "Girl, huwag ka namang umiyak! Naiiyak din tuloy kami." Natawa naman ako sa sinabi
Umiyak lang ako lalo, dahil sa wakas ay mayroon na rin siyang sinasabi. Ayaw ko naman na wala akong kamalay-malay sa kung ano ang nangyayari. Isang araw ay bigla niya na lang ako hindi pinapansin at wala akong kaalam-alam kung ano ang ginawa kong mali, wala akong alam kung mayroon ba akong ginawa sa kanya na hindi niya nagustuhan o kung ano. "Naisip mo ba? Naisip mo ba na ayon ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko? Sana 'man lang kahit saglit ay naglaan ka ng pag-iisip kung ano ba ang tunay kong nararamdaman o kung ano na ang pumapasok sa isipan ko. Kung ano na rin ang nararamdaman ko dahil sa ginawa mo sa akin, dahil sa totoo lang... sa totoo lang, ang sakit-sakit sa akin ng ginawa mo." Humahagulgol na ako rito at hindi ko na rin ako makahinga nang maayos. Nang dahil lang sa mga sinambit niyang mga salita na 'yon. Sa isang sorry lang? Sa isang pasensya lang ay