Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay kay miss Cindy. Halos hindi na ako humihinga kakatitig sa glass door ng cubicle namin ni Chelle dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Namamawis na ang noo at palad ko at pakiramdam ko ay katapusan ko na talaga ngayong araw.
Katapusan mo na talaga! Sa tingin mo ba palalampasin ni sir Kax ang ginawa mo?
Gusto kong bulyawan ang isang bahagi ang utak ko na palaging kontrabida. Kung anu-ano na lang ang sinasabi nito na nagpapawala ng tiwala ko sa sarili.
Paano kung magdedemanda si sir Jax? Diyos ko po, saan ako kukuha ng pera para doon? Paano kung patatalsikin ako sa trabaho? Malaki siguro ang sisingilin nito sa akin dahil muntik na masunog ang bahay nito.
Nasapo ko ang sariling noo. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko, at sigurado naman ako na mangyayari ang isa sa mga iyon.
Narinig kung nagbuga ng isang malalim na hininga si Chelle. Pati siya ay hindi rin mapakali. Pareho namin hinihintay si miss Cindy na makabalik, kinakausap pa nito si sir Jax sa opisina tungkol sa nangyari kahapo. Nahihiya nga ako kay miss Cindy dahil palagi na lang niya akong pinagtatanggol kung may nagagawa akong kabulastugan.
Pinuno ko ng maraming hangin ang aking baga bago mabigat na ibinuga iyon. Gusto ko na lang maglaho at maging tae sa totoo lang.
“Bakit naman kasi pinakialaman mo pa iyong kusina ni sir? Alam mo naman na kontrabida ka sa paningin no’n.” Tunog paninisi si Chelle. Kung si miss Cindy ay palaging handa akong isalba, ito namang kasama ko ay palaging naninermon kapag may nangyaring hindi maganda.
Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit kahit anong gawin ko ay palagi akong may kasalanan kay sir Jax. Itong nangyari kahapon ang pinakamalala talaga.
Mas lalo lamang akong kinabahan nang maalala ko ang nangyari kahapon. Mabuti na lamang talaga at hindi lumaki iyong apoy at naapula ni sir bago pa man nito malamon ang buong kusina. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling lumaki ang apoy na iyon. Isangdaang porsyento na sa kulongan ang bagsak ko.
Naiiyak ko siyang tiningnan. Hindi na sana ako papasok ngayong araw dahil sigurado ako na wala na akong trabahong dadatnan sa opisina. Wala ng pag-asa na maayos ko pa ang kasalanan ko pero tinawagan ako ni miss Cindy at pinapa-report. Nagdalawang-isip talaga ako kung pupunta ako o hindi. Ayokong makita ang galit ni sir Jax.
“Gusto ko lang makatulong, okay? Ang kalat kasi ng bahay niya at halatang may hang over kaya nagmagandang-loob akong lutuan siya ng pagkain. At saka, nakakaawa kasi siyang tingnan habang natutulog sa sofa na kan’yang bahay at napapalibutan siya ng mga bote ng alak. E, kung hindi niya ako kinaladkad palabas ng kusina ay hindi ko maiiwan ang niluluto ko!”
Kahit nakonsensya ako sa nangyari ay hindi ko rin maiwasan na sisihin si sir. Wala naman akong masamang intensyon doon sa kusina ng asawa niya. Siya itong bigla na lamang akong hinila palabas kahit na may ginagawa pa ako! May kasalanan din siya!
“Hayaan mo na, sana lang talaga maisalba ka pa ni miss Cindy. Ang sama ng timpla ng mukha ni sir kanina. Nakakatakot talaga siya, Bree. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera aalis talaga ako dito. Iyong ibang kasamahan natin kanina sa ibaba ay nabulyawan ni sir, parang maiihi na si Lexi kanina sa takot!”
Gaoon din naman ako. Gipit lang kaya nagtitiyaga ako ugali ni sir. Kaya siguro malaki ang pasahod nila dito dahil kapalit niyon ang pagtitiis sa masamang ugali ng boss namin. Kailangan ko ng pera para sa susunod na pasukan, kaunti na lang at makakagraduate na rin ako sa kolehiyo at matutupad na ang mga pangarap namin nina nanay at tatay.
Muli akong huminga ng malalim, sana naman ay magandang balita si miss Cindy.
Napatuwid ako ng upo nang makita si miss Cindy na pumasok sa loob. Patayo ako at nanlaki ang mga mata ng makita siyang seryosing nakatingin sa akin. Napalunok ako bigla. Napatingin ako kay Chelle na mukhang kinakabahan din at tulad ko ay naghihintay din kung ano ang sasabihin nito.
Walang emosyon ang mukha ni miss Cindy kaya hindi ko alam kung ano ang resulta ng pag-uusap nila ni sir Jax. Wala rin naman sinabi si miss Cindy sa akin, kung ipagtatanggol niya ba ako o ano noong tumawag siya. Ang utos niya ay pumasok lang ako ngayon araw at maghintay sa cubicle namin, at iyon ang ginawa ko.
“You owe me your life, Ms. Ocampo. Mr. Samaniego wanted to press charges against you since you caused the fire on some parts of his mansion. Also, he wants you out of the company and makes you pay a huge amount of money for the damages done.”
Sigurado akong nawalan ng kulay ang buong mukha ko sa sinabi ni miss Cindy. Napasinghap si Chelle na nasa likod ko nang marinig iyon. Hindi ko mapigilan na kagatin ang pang-ibabang labi ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! I'm doomed! Gusto kong umiyak at maglupasay sa sahig. Ang unfair naman no’n! Pero walang salita ang lumabas sa bibig ko, nakatulala lang ako kay miss Cindy habang unti-unti nanubig ang mga mata.
Mawawalan na nga ako ng trabaho, nadedemanda pa ako! Saan ang hustisya doon?
Napataas ang kilay ni miss Cindy nang makita ang reaksyon ko sa sinabi niya. Hindi man lang nakitaan ng awa ang mukha niya.
Tumikhim siya bago muling nagsalita. “Luckily, I was able to convince him to just let it slide and give you a chance to redeem yourself. Mr. Samaniego is not always lenient, miss Ocampo. I hope this incident will serve as a lesson to you. Never mess with someone else’s property.” Matigas niyang sabi. Nakatitig pa rin siya sa akin.
Hindi ako makapagsalita sa huli niyang sinabi. Totoo ba iyong naririnig ko? Binibigyan ako ng isa pang pagkakataon ni sir Jax? Hindi na ako madedemanda at hindi na rin masisisanti sa trabaho? Ilang beses akong napakurap sa harap ni miss Cindy.
“Talaga po, miss Cindy?” Nag-uumapaw na ang tuwa ko. Ang buong akala ko talaga ay katapusan ko na ngayon araw! Gusto ko ulit maglupasay sa sahig pero sa sa tuwa na at hindi na sa sobrang sama ng loob.
Pero malaki talaga ang pasasalamat ko kay miss Cindy dahil kahit papaano ay hindi natuloy ang pagdedemanda ni sir Jax sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag nangyari iyon.
“Maraming salamat, miss Cindy. Kasalanan ko naman kasi iyon. Kung hindi ako pakialamera, hindi mangyayari iyon. Ang laki po ng utang na loob ko sa inyo.” Nakakalungkot kung mapapaalis ako dahil sa loob ng mahigit tatlong buwan kong pagta-trabaho dito ay napamahal na sa akin ang mga kasamahan ko.
“Hindi pa ako tapos,” walang gana niyang. “I told him not to fire you since we are short of employees, especially now that the annual ball is fast approaching. You will be put on probation for a month. Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing kabulastugan. Huwag mo akong ipapahiya. And also, you will be transferred to the team in-charge in the annual ball. Doon ka muna para hindi ka masyadong napag-iinitan ni Mr. Samaniego.”
Iyon lang ang sinabi niya bago nilisan ang cubicle namin ni Chelle.
Isang matinis na tili ang kumawala sa bibig ni Chelle nang tuluyan ng maisara ang pinto. Napatalon pa ito at bigla na lamang akong sinunggaban para sa isang mahigpit na yakap. Niyugyog niya ng malakas ang balikat ko.
Hindi pa rin nag sink-in sa akin ang tungkol sa sinabi ni miss Cindy. Hindi akong makapaniwalang pumayag si sir Jax na hindi ako sisantihin. Sa ugali kasi niya na walang sinasanto ay mukhang malabo na bigyan ako ng isa pang pagkakataon.
Napatingin ako ni Chelle ng bigla siyang nagtititili na parang baliw. Namumula rin ang mukha niya.
“Sinasabi ko na nga ba! May kung ano iyang si sir sa’yo, girl! Ang dami ng sinisanti niyan noon. Kaunting mali pero sisanti kaagad, walang patawad kahit pa nasa mataas na posisyon ang may sala. Pero ikaw ilang beses ng nagkasala sa kan’ya pero nandito ka pa rin! Hindi mo ba talaga nakikita iyon? Ha?” Nanlaki ang mga mata niya na parang may nadiskubre siyang isang mahalagang bagay.
Napilitan akong bumitaw sa pagkakayakap kay Chelle at hinampas ang braso niya. Napaiktad siya dahil hindi niya inasahan na ginawa ko.
“Ano ka ba!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata sabay lingon sa likod ko para siguraduhing nakalabas na talaga si miss Cindy. Muli kong binalingan si Chelle na ngayon ay nakabungisngis na. “Tumigil ka nga d’yan sa mga iniisip mo. Mas maniniwala pa akong may something kina sir
Jax at miss Cindy. At hindi ko papangarapin na may gusto iyang si sir sa akin. Hello? Ang sama kaya ng ugali no’n!”
“Sus! Denial pa itong babaita na ito! Gumalaw ang ilong mo ibig sabihin kinilig ka rin!” Hindi pa nakuntento si Chelle at malakas itong humalakhak na akala mo kami lang ang tao sa opisina. “Basta! Iba ang kutob ko d’yan kay sir Jax. May duda nga ako na siya iyang secret admirer mo na palaging nagbibigay ng mga bulaklak. Grabe! Ganda mo talaga, girl!” Dagdag na saad ni Chelle. Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sinasabi nito. Imposible kasi na mangyari iyo dahil sa bikod na nakikita ko kung gaano nito kamahal ang yumaong asawa, ano ba ako kumpara sa mga babaeng dini-date nito ngayon? Muli kong hinampas si Chelle nang akma itong magsasalita. Kung anu-ano na lang ang sinasabi. Hindi ba ito natatakot na marinig ng ibang kasama namin? “Ewan ko sa’yo. Punta muna ako ng cafeteria. Nagutom ako bigla.” Lumabas ako at iniwan na si Chelle doon. Ayokong makipag-usap sa kan’ya kapag iyon ang topic niya. Nakakahiya na nakakainis. Napaka-imposible kasi base sa kung paano ako tratu
Huminga ng malalim si Bree para pakalmahin ang naghuhuramentado niyang puso. Dumuble ang kaba niya noong nakaharap na niya talaga si sir Jax at nakita sa mga mata nito kung gaano ito kagalit sa kaniya. Nag-aapoy iyon ng pang-aakusa. Napalunok ng wala sa oras si Bree. “Jax, darling, what took you so long?” Biglang lumitaw si Elise mula sa likod Jax na nakabusangot ang mukha. Pero nang makita nito na karga ni Jax si Amy ay biglang nagbago ang itsura nito. Umaliwalas ang mukha at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa bata. Hindi mawari ni Bree kung totoo iyon o pakitang-tao niya lamang. “Amy, baby! Oh, my... I’m so worried about you! Where have you been? Are you alright?” Maarte nitong sigaw sabay lapit at yakap sa bata. Napangiwi si Bree sa arte ng boses nito. Okay. Confirmed! Pakitang-tao lang iyon. Napataas ang kilay ni Bree nang sinadya ni Elise na idikit ang katawan kay Jackson nang yakapin nito ang bata. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga empleyado ni Jackson ang relasyon
Jax was pulled from his train of thought when a soft and small hand caressed his face. It was Amy. Nakatingin ito sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. Nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Jax at pilit na ningitian ang anak. “What is it, baby?” “Daddy, please don’t fire ate Vicky. It's not her fault, it was my fault.” If there is someone who has the ability to bend Jackson’s decision, it’s his daughter Amy, aside from Cindy, of course, who is one of his trusted friends since college. He just loves his daughter dearly. She resembled his late wife’s face so much that it became hard for Jax to live with her. Kaya pansamantala itong nakatira sa mga magulang ni Jax. Besides, he’s a total mess right now, and Jax doesn’t want Amy to witness how wrecked he is. “Sir, pasensya na po talaga kayo. Pangako po pagbubutihin ko po ang trabaho ko.” Nagsalita ang yaya ni Amy na si Vicky na nasa gilid lang, nagsusumamo ang boses nito at mukha ng maiiyak dahil sa kaba. “Amy, baby,
Spartan. The high-end bar owned by the infamous Andrei Morotov. It's Friday night, and as usual, the place was jammed-pack. People from the high society were swarming the bar like hungry bees. Some were dancing and bouncing their bodies to the upbeat music. Everybody was having a good time; some were out to search for a good fuck, while others just wanted to have some booze and enjoy. Malaki ang ngisi ni Andrei nang makitang paparating si Jax sa inuukopa nilang mesa sa VIP section. And as usual, Jackson’s face was scowling like the whole world was his enemy. Hindi mawawala sa mukha nito ang pagkakakunot ng mga kilay at ang walang emosyon na mga mata. Sila na magkakaibigan ay naiintindihan naman kung bakit naging ganoon ang ugali ng lalaki. He doesn’t talk too much anymore; he’s always scowling and he fucks hard. Ang buong akala nga nila ay hindi sila nito sisiputin. Simula kasi noong mamatay ang asawa nito ay hindi na ito masyadong nagpapakita sa kanila, maliban na lamang kung mg
Monica, on the other hand, busied herself seducing Jax. She would press her huge boobies to Jax's arms, caressed him anywhere on his body. Hinayaan lamang ni Jackson ang ginagawa ng babae, hindi naman kasi iyon napapansin ni Jax kaya naging malaya ang babae. Hinaplos ni Monica ang panga ni Jax, dahilan para bumalik si Jax sa kasalukuyan. With brows knitted, he looked down at the woman beside him. Ngumiti ito ng kaakit-akit habang bumababa ang kamay nito patungo sa sentrong bahagi ng katawan ng lalaki. Mas lalong nangunot ang noo ni Jax nang sapuhin ni Monica ang kaniyang pagkalalaki. She gave it a little squeezed before she rubbed the pad of her palms on the fabric. Paulit-ulit nitong hinaplos ang ngayong tumitigas na na pagkalalaki ni Jax. He grabbed her hand with the intention to stop her. Pero nagmamatigas ang babae. Hindi makapapayag si Monica na hindi niya muling matitikman ang lalaki ngayong gabi. She waited for this opportunity, and she can’t let this go to waste. “What
Jax slammed the front door of his condominium unit. Hindi na siya umuwi sa bahay niya. He knew he’s not in a good state to drive. Mabuti na lamang at malapit lang sa hotel ang condo niya. The drive was not long, but it took a lot of effort to concentrate on his driving. Nanlalabo na kasi ang mga mata niya, dagdagan pa ng hindi maintindihan na damdamin na lumukob sa kaniyang puso. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao at gustong sabunotan ang kaniyang sariling buhok. Hindi siya makapaniwala sa sarili. What he did was so out of the line. Walang kamalay-malay ang babaeng iyon na ginagamit niya ang imahe nito sa isip niya habang may katalik siya. “Fuck! What were you thinking, you stupid shit?!” Itinukod niya ang dalawang kamay sa bar counter ng kaniyang condo. Hinihingal siya at namumula sa galit; galit para sa sarili. “Shit!” Inis na hinilamus niyang ang mga palad sa mukha. He's just making everything more complicated. Pinatulan niya si Monica sa pag-aakalang mabubura sa isip niya si Br
He became suicidal, which made it difficult for the people around him to handle him. Ilang beses siyang naospital noon sa pagtatangkang magpakamatay. But every time he tried to hurt himself, his friends reminded him that the culprit was still out there, that he can’t die just yet. He still needs to punish the killer. Ito ang mga panahon na napagdesisyonan niyang sa mga magulang muna niya namatili si Amy. Hindi niya kayang masakasihan ng anak niya kung gaano siya ka wasak sa mga nangyari. Thankfully, because of Trisha’s help, and those people who really care about him, he overcame depression. The nightmares stopped and he was on his way to being a better version of himself. Kaya naguguluhan siya kung bakit bumalik ang masasamang panaginip na iyon. After her death, he became a changed man. He had trust issues and he opted for the company of himself alone. Hinayaan lamang siya ng kaniyang mga kaibigan sa mga pagbabago niya. Kath’s death changed him, and it was for the worst. “Okay
The annual grand ball for the celebreties is one week away from now. Lahat ng mga staff na involve sa pag-aayos ng naturang pagtitipon ay walang pahinga sa kanilang trabaho. They had to make sure that the event will be a blast, and that there will no mistake. The marketing team was in-charge for the event. Ito na rin ang nag-hire ng ng event's organizer para mayroon silang kasama sa paghahanda. Mr. Samaniego wanted to make sure that this event will be the biggest for this year, aside, of course, for the company’s anniversary. Sa loob ng isang linggo ay sa marketing department na na-assign si Bree para sa kaniyang porbation. After the incident with Amy, she was automatically transferred to the twentieth floor where the marketing department was located. Maging madali lang para kay Bree na mag-adjust sa bagong department na kinaroroonan niya. Friendly naman ang mga kasama niya, lalo na ang kanilang department head na si sir Renz. May iba naman na hindi natuwa sa paglipat niya. Bree
Sinipat ni Bree ang itsura sa full-lenght body mirror. Kanina pa siya papalit-palit ng damit na susuotin pero hindi niya talaga gusto ang kinalalabasan ng itsura niya. Para siyang balyena! Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagluha. She hates this feeling. Iyong pakiramdam niya ay ang pangit niya, tingin niya sa sarili ay isang siyang hippopotamus. “Ang pangit ko talaga,” naiiyak na bulong niya sa sarili. Idagdag pa ang hindi niya katangkaran na height at napakalaki na tiyan niya, gusto na lang talaga ni Bree magtago sa silid niya at huwag na lumabas kahit kailan. Kabuwanan na niya ngayon kaya sobrang laki na ng tiyan niya, hirap na hirap na siya sa pagkilos at hingal na hingal siya. Hindi naman siya ganito noong pinagbubuntis niya si Lennox. Hindi naman siya nabahala na malaki na ang tiyan niya, kung tutuosin ay umitim nga ang balat niya
Sa Maldives ang destinasyon nila ni Bree at Jackson para sa kanilang honeymoon. Silang dalawa lang dahil hindi pumayag si Jackson na kasama sina Lennox at Amy. Ang rason nito? Iyon lang daw ang panahon na masusulo siya nito, at kapag nakauwi na sila ay mahahati na raw ang kanyang atensyon. Napailing na lamang si Bree dahil parang bata ito kung maka-angkin sa kanya, nakikipagkompetensya sa mga anak nila. Niyakap ni Bree ang sarili habang dinadama ang mainit na simoy ng hangin mula sa dagat. Ikalawang araw na nila ngayon dito at ngayon lang siya nakapasyal ng maayos dahil hindi siya hinahayaan ni Jackson na makalabas sa silid nila. Jackson had been very possessive and protective of her since he learned that she was carrying his child again. He’s much more attentive to her needs. “Hindi kita naalagaan noong pinagbubuntis mo si Lennox, kaya babawi ako sa’yo ngayon. Gagawin ko ang lah
Puspusan ang paghahanda ng buong mansyon ng mga Samaniego para sa kasal nina Bree atJackson. Kahit ang buong Diamond Entertainment ay walang pagsidlan ang tuwa para sa kanilang masungit na amo na sa wakas ay nakatagpo din ng babaeng kaya itong pabaitin. Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan ang isa sa pinakamasungit na CEO sa buong bansa. Kahit na ang mga netizens ay excited na makita sa national television ang live coverage ng kasal nito. Puno ng paghanga ang mga ito sa katapangan ni Bree. Naging hot topic sa buong bansa ang nangyaring pagkidnap at pag-hostage kay Bree at nagawa nitong makaligtas sa tiyak na kamatayan. The topic was trending on all social media sites. Ang iba ay kinikilig dahil parang fairytale raw ang lovestory nina Bree at Jax, may iba naman ang nanghihinayang dahil ikakasal na ang isa sa pinakaguwapong negosyate sa bansa. “Hija, ang ganda mo talaga. Sigu
Ang huling nakita niya bago siya nawalan ng malay ay ang pagbagsak ng kaibigan sa sahig. Chris also shot Chelle! Kahit na buntis ang babae at dinadala nito ang anak niya ay hindi pa rin naging hadlang para barilin ang kaibigan niya. Lumukob ang takot sa puso ni Bree. She need to know what happened to Chelle. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya malalaman na nasa ligtas ito kalagayan. At hindi niya matatanggap kapag may nangyaring masama sa inosenteng anak niya. Nagpupumilit na bumangon si Bree at pilit na tiniis ang sakit ng kanyang mga sugat, pero hindi niya talaga kaya. “Bree! Thank god you’re awake!” Napalingon si Bree sa nakabukas na ngayon na pinto ng kanyang silid. Nagmamadaling pumasok si Tyler at
The baby had a striking blue eyes, just like the Samaniegos. Tyler tapped Jax on his shoulder. “She’s going to make it, kuya. Huwag kang mag-aalala sa kanya. We all know that Bree’s a figther. Ang tapang ng babaeng iyon, sigurado akong malalampasan niya ang lahat ng ito. And she’s pregnant, I know she will fight for you and the baby.” Ipinikit ni Jackson ang mga mata. He’s willing to trade his life just so Bree could live. Gusto niyang magwala dahil namatay si Chris. Death was way much better for an evil person like him. Ang gusto sana ni Jackson ay magdusa ito sa loob ng bakal na rehas. He even want to torture that man himself. Chris dies because of multiple gunshot. One fatal shot the killed him was a straight shot to his heart. “I’m so scared, Ty. Just thinking that door would open and the doctor would give me a bad new makes me want to shout in frustration.” Sinabunutan nito a
Napamura na lamang si Samuel nang marinig ang tatlong magkasunod na mga putok. Umalingawngaw iyon sa buong bodega. Otomatikong napatingin siya sa gawi ni Bree, nalingat lang siya na ilang segundo pero ang babae ngayon ay nakahandusay na sa sahig at kumakalat ang pulang likido sa sahig. Sa isang banda ay nandoon ang buntis na kaibigan ni Bree, at duguan din ito at walang malay ''Fuck!'' Sunod-sunod na ang naging putokan, si Chris ang target. Chris dropped on the ground, dead and covered with his own blood. Kaagad na binawian ito ng buihay sa dami ng tama ng baril sa katawan. Kaagad na kumilos ang mga tauhan ni Samuel. They all move to check whether Bree and Chelle were still alive. Isa sa mga tauhan ni Samuel ang nagcheck sa pulso ng dalawang babae. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagsusuri ay malungkot itong nag-angat ng tingin kay Samuel at umiling.
Ang alam ni Bree ay gabi na. Hindi man lang siya itinali si Chris, kaya mas lumaki ang pag-asa ni Brew na makatakas siya mamaya. Hindi siya binigyan ng pagkain kanina, siguro para manghina siya. Pero hindi iyon hadlang para kay Bree, mahinap malakas ay tatakas siya sa lugar na ito. Alam niyang ito na ang magiging lugar kung saan siya babawian ng buhay kung hindi siya tatakas ngayon. Noong umalis si Chris kasama si Chelle na walang imik ay hindi na bumalik ang mga iyon, ilang oras na din ang lumipas. Ang tanging ipinagdarasal ni Bree ay sana hindi na bumalik si Chris para may tyanaa siyang makatakas ngayon. Mayroong tatlong lalake na nagbabantay sa loob ng silid. Good thing she's not tied. Mas madali sa kanya ito. Inilibot ni Bree ang tingin sa buong silid. Walang gamit, mayroong isang mesa na ginagamit ng mga lalake at ang silya na inuupuan niya. Ang nak
Chris grabbed Bree's jaw and forcefully made her look at him. He grinned upon seeing her swollen cheeks. ''Ano kaya ang magiging reaksyon ni Jackson kapag nalaman niya ang gagawin ko sa'yo. Imagine the tragedy, Bree. For the second time around, he lost the woman he love to me. Sweet.'' Umaliwalas ang mukha nito na tila may naalalalang maganda. ''You know Katherine, right? Jackson's precious wife. Alam mo bang muntik nang mabaliw ang gagong iyon noong nalaman niyang patay na ang kanyang pinakamamahal na asawa?'' Muli itong tumawa ng malakas. ''Mahal na mahal ni gago ang malanding iyon. Hindi niya alam na habang kasal sila, ako ang bumuntis sa asawa niya!'' Bree glared at Chris. Kung may lakas lamang siya ngayon ay
Mula sa labas ng opisina ni Jackson sa Diamond Entertainment ay maririnig ang ingay ng mga nababasag na mga gamit. He has been throwing things for almost an hour now, with occasional swearing and shouting. Ang mga empleyado sa labas ay tahimik lamang na nakikiramdam sa galit na pinapakita ng amo nila. Hindi nila alam kung ano ang dahilan ng pagwawala ng kanilang CEO pero may duda na sila kung tungkol saan ito, pero wala ni isa ang may lakas ng loob na magsalita dahil sa takot. Ang ibang empleyado ay umuwi na, pero iyong mga mayroong overtime ay walang ibang choice kung hindi ang manatili dahil may trabaho pa sila na dapat gawin. All they saw was Lucian Trinidad entered the office, then minutes later the chaos started. There were shouting, arguing and then there was the breaking of things. Inside Jackson’s office was a mess. Nakatumba ang kanyang office table at ang mga gamit ay nagkalat sa sahig, pati an