“What the f*ck are you doing?!”
“Ay! Titi mo malaki!” Napatili ako sa sobrang pagkagulat nang dumagundong ang malakulog na boses mula sa likod ko. It reverberated through the kitchen walls. Pakiramdam ko ay lumindol sa sobrang lakas ng boses niya.
Sa sobrang gulat ko at sa kagustuhang hawakan ang aking dibdib ay muntik ko nang mabitiwan ang pinggan sa kamay ko. Mabuti na lang at maagap ko itong nahawakan, kun’di yari na naman ako.
I turned around only to see a scowling Jackson Samaniego standing at the door of the kitchen. Pulang-pula ang mukha nito at humuhingal pa. His massive physique almost occupied the whole door making him look larger than life. Sa tangkad nito ay talagang matatakot ka kapag gano’n kabangis ang itsura nito. Para itong isang mabangis na halimaw na handang sunggaban ang kaniyang agahan, at ako iyong agahan niya.
Pero imbes na matakot sa itsura nito ay hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang hubad nitong katawan. Wala itong suot na pang-itaas at ang suot nito sa ibaba ay tanging manipis na boxer short lamang. Oo, manipis iyon dahil bakat na bakat ang jumbo banana nito.
Napalunok ako ng wala sa oras habang hindi nilulubayan ng tingin ang umbok sa sentro ng mga binti nito. May ganoon pala talaga kalaking banana, jumbo nga talaga. O baka mas malaki pa sa jumbo iyon.
Parang gusto kong mag-sign of the cross sa dumi ng utak ko. Hindi naman ako ganito dati, e.
“Who the f*ck told you that you can enter my house, woman?” Mas lalong lumalim ang gitla ng noo nito. Parang hindi yata nagustohan ang pagpasada ko ng tingin sa katawan niya at ang pagtitig ko sa jumbo banana niya.
Doon na ako tinamaan ng hiya nang matanto ko na nakatitig pala ako sa umbok ni sir Jax. Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa mukha.
Nakakahiya!
Tumikhim ako at pilit na ngumiti. Ang hirap lang kasi galit siya na pinakialaman ko ang kusina niya pero hindi ko magawang matakot kasi mas masarap pa sa niluluto ko ang nakahain ngayon sa harapan ko.
“A-h, sir. Pasesnya na po kayo. Miss Cindy told me to bring those important papers para mapirmahan n’yo raw po. Nasa coffee table n’yo po ang mga papeles na iyon.” Pormal na saad ko, pero iyong mga mata ko talaga ang pasaway, ang abs naman ngayon ni sir Jax ang pinagdiskitahan.
“Who the f*ck told you to intrude my wife’s kitchen?” His voice now is low and hoarse. Mas lalo tuloy ako natakot dahil parang nagtitimpi na siya ng galit.
Napangiwi ako sa sinabi nito. Patay na talaga ako neto ngayon. Bakit ba kasi naisipan ko pa na ipagluto siya?
Napaatras ako nang inisang-hakbang niya ang distansya na nakapagitan sa amin at marahas na hinila ang braso ko. Ngumiwi ako sa sakit ng paghila niya. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. He started dragging me out of the kitchen and just threw me making me stumble.
Mabuti na lang at nakabawi ako bago pa man humalik ang mukha ko sa sahig.
Napahilot ako sa brasong hinila niya kanina. Ang sakit no’n ha! Ang sama talaga ng ugali nitong matandang hukluban na ‘to!
“No one messes with my wife’s kitchen, woman. Get. The. F*ck. Out!” He shouted at my face. Nataranta ako sa lakas ng sigaw ni sir Jax.
Wala na akong sinayang pa na panahon, nagmamadali kong nilisan ang kusina. Ngayon lang yata na set-in sa isip ko nagawang pagkakamali. I wanted to punch myself for being so insensitive.
Mahalaga pala dito iyong kusina. Baka iyon ang paboritong bahagi ng asawa niya sa bahay nila. Ayaw nitong may ibang tao na pinakikialaman ang kusina dahil naalala nito ang asawa.
Bakit ba kasi nakialam ka pa sa gamit ni sir? Alam mo naman na ang init ng dugo niyan sa’yo. Ayan at natulak ka pa, muntik ka nang nakipag-lips to lips sa sahig.
Napahawak ako sa dibdib ko na ayaw tumigil sa malakas nitong pagtibok. Hinahabol ko ang aking hininga.
Lumabas ako doon sa pinto malapit sa swimming pool. It's a French door so it’s easy to spot if somebody’s approaching from the inside. Nanatili akong nakatayo dito malapit sa pinto at hinintay na bumalik si sir Jax. Pagkatapos niya kasi akong itulak kanina ay bigla na lang itong naglaho.
Kitang –kita sa mga mata nito kanina ang galit dahil sa pangingialam ko sa mga gamit ng asawa niya.
Gano'n ba nito kamahal ang yumaong asawa na kahit ang alaala nito ay ganoon na lang nito pinapahalagahan? Mahal na mahal niya siguro.
Hindi nagtagal ay bumalik si sir. He was now wearing a shirt. Bagong-ligo na rin pero hindi nagbago ang sama ng timpla ng mukha niya. He glared at me through the closed French door.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pintuan at hindi nag-abalang pumasok pa, mas mabuti na iyong malayo ako sa kan’ya. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong ginawang pagbato ni sir Jax ng paper weigh sa akin doon sa opisina niya.
Sir Jax closed his eyes as he leaned his back against the back of the cushioned seat. Hinilot nito ang sintido na prang may iniinda itong sakit. Nakonsensya tuloy ako at nakadagdag pa ako sa sakit ng ulo niya.
Sa itsura ni si Jax ngayon ay mahahalata mo talaga na may mabigat siyang dinadala. Siguro hindi niya pa rin tanggap ang nangyari sa asawa niya.
Kahit sino naman siguro ay talagang hindi matatanggap kapag gano’n ang nangyari sa asawa nito.
Sinilip ko ulit siya sa nakabukas na pinto. His eyes were still close. Ang panga niya ay may makapal na balbas at bigote. Hindi na siguro ito nag-aahit.
Guwapo talaga si sir Jax. Kung tutuusin ay mas guwapo pa ito sa pinsan na si sir Chris. The way his brows frowned like he dislikes everything around him, or the way his voice growls whenever he gets angry is such a turn on. Siya ‘yung tipo ng lalaki na mas lalong nagiging appealing kapag galit. Iyon nga lang, ako palagi ang subject ng galit niya.
Napakunot ang noo ko nang may naamoy akong kakaiba. I sniffed in the air to make sure what that smell was. Bakit parang amoy-sunog?
“Ano ‘yong amoy na iyon?” napatanong tuloy ako sa sarili.
Napatingin ako sa gawi ni sir Jax. Pati siya ay nagtatakang napatingin sa akin. There's a questioning look in his eyes as he stared at me. Pati tuloy ako ay napatitig sa kan’ya.
“What the f*ck is that smell?” malakas na sigaw nito.
Mas lalo lamang akong kinabahan dahil iba ang nararamdaman ko.
“Ahh, sir parang amoy nasusunog po yata,” kinakabahang sagot ko.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang maalala ko na hindi ko pala napatay iyong gas range kanina. Iyong niluluto ko ang nasusunog!
“Oh my god! Iyong niluluto ko!” natatarantang bulalas ko.
Wala akong sinayang na oras at mabilis na napatakbo ako pabalik ng kusina at doon nadatnan ko na nababalot na iyon ng usok. Maitim ng usok.
“Shit!”
I heard sir Jax cursed behind me. Nang lumingon ako ay nanghihina akong napaatras. Hindi ko mabasa kung ano ang itsura niya. It was like he’s mad at the same time he’s hurt. Nakatingin lamang siya sa kusina na parang hindi alam ang gagawin.
Hindi ko makita kung may apoy ba dahil sa kapal ng usok.
Doon ko lang naintindihan na espesyal pala talaga ang kusina na iyon para sa kaniya. The hurt in his eyes were so evident, and he was like a helpless boy just staring at his most precious thing get destroyed but he has no power to stop it.
Walang pagdadalawang isip siyang sumugod sa umuusok na kusina. Sinundan ko siya sa loob at doon nasaksihan ko si sir Jax na pilit na pinapatay ang apoy na unti-unting lumalamon sa kusina ng pinakmamahalan nitong asawa.
Napaubo ako nang makalanghap ng usok. Masakit sa baga at ang mga mata ko ay naluluha na sa anghang ng usok.
“F*ck! No! Please, no!”
Pero nang makita kong umiiyak si sir Jax habang pilit na inaapula ang apoy at naramdaman ko ang pagkabasag ng puso ko para sa kaniya.
This man is in pain and he’s been enduring it since his wife passed away. Ngayon naiintindihan ko na kung ano ang puno’t dulo ng kan’yang masamang ugali. He's just trying to conceal the pain by inflicting pain to other people.
It’s a bit unfair but I think that’s his only option to cope with the loneliness and the misery.
He's just a man with a broken piece inside him.
Ten years passed, and the memory of their wedding was still fresh inside Bree’s mind. Pati ang nararamdaman niya noong araw na iyon ay sariwa pa rin sa kanyang puso. Sampung taon na ang nakalipas pero ang nararamdaman niya para sa asawa ay hindi man lang nagbago, kung nagbago man ay dahil mas minahal niya pa ito ng husto. Pinahid ni Bree ang kaunting luha na nasa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na ilang beses niya pa na napanuod ang video recording ng kanilang kasal ay hindi pa rin nagsasawa si Bree. “Jackson Samaniego, hindi ko kahit kailan maisip na makikilala kita at mamahalin ng ganito katindi. Lahat ng babae sa mundo ay nangarap na makatagpo ng isang prinsipe, pero hindi ko talaga akalain na makakatagpo nga ako ng isang prinsipe, medyo masungit nga lang.” Nagtawaawanan ang mga tao na dumalo sa kasal nila. Si Bree rin ay natawa sa mga sinasabi nia. It was the most romantic event that ever happened to her.
Sophia Marie Samaniego. Iyon ang pinangalan ni Bree sa bunsong anak nila ni Jackson. At kagaya ng mga Samaniego, may asul na mga mata din ang bata. She’s like the female version of Jackson. Kaya panibong inis na naman ang umusbong sa puso ni Bree. Naiinis siya dahil ang lakas ng kapangyarihan ng katas ni Jackson para nakuha ng dalawang anak nila ang itsura nito. Walang ni isa na mula sa kanya ang nakuha nina Lennox at Sophia. “Oh, my god! She looks exactly like Jackson! Parang batang Jackson na naging babae.” Masayang bulalas no Madeline nang dumalaw ang mga ito sa ospital. Nandsoon ang lahat, sina Tyler at ang nobya nitong si Jane, si Lucian na ngayon ay nobya na rin si Keira, at ang mga magulang nila. Ang mga bata ay naiwan sa mansyon dahil bawal sila sa ospital, pero pinadala ni Lennox ang favorite stuffed toy nito para raw hindi malulungkot ang mama niya. Masayang-masaya ang lahat sa pagdating ng
Sinipat ni Bree ang itsura sa full-lenght body mirror. Kanina pa siya papalit-palit ng damit na susuotin pero hindi niya talaga gusto ang kinalalabasan ng itsura niya. Para siyang balyena! Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagluha. She hates this feeling. Iyong pakiramdam niya ay ang pangit niya, tingin niya sa sarili ay isang siyang hippopotamus. “Ang pangit ko talaga,” naiiyak na bulong niya sa sarili. Idagdag pa ang hindi niya katangkaran na height at napakalaki na tiyan niya, gusto na lang talaga ni Bree magtago sa silid niya at huwag na lumabas kahit kailan. Kabuwanan na niya ngayon kaya sobrang laki na ng tiyan niya, hirap na hirap na siya sa pagkilos at hingal na hingal siya. Hindi naman siya ganito noong pinagbubuntis niya si Lennox. Hindi naman siya nabahala na malaki na ang tiyan niya, kung tutuosin ay umitim nga ang balat niya
Sa Maldives ang destinasyon nila ni Bree at Jackson para sa kanilang honeymoon. Silang dalawa lang dahil hindi pumayag si Jackson na kasama sina Lennox at Amy. Ang rason nito? Iyon lang daw ang panahon na masusulo siya nito, at kapag nakauwi na sila ay mahahati na raw ang kanyang atensyon. Napailing na lamang si Bree dahil parang bata ito kung maka-angkin sa kanya, nakikipagkompetensya sa mga anak nila. Niyakap ni Bree ang sarili habang dinadama ang mainit na simoy ng hangin mula sa dagat. Ikalawang araw na nila ngayon dito at ngayon lang siya nakapasyal ng maayos dahil hindi siya hinahayaan ni Jackson na makalabas sa silid nila. Jackson had been very possessive and protective of her since he learned that she was carrying his child again. He’s much more attentive to her needs. “Hindi kita naalagaan noong pinagbubuntis mo si Lennox, kaya babawi ako sa’yo ngayon. Gagawin ko ang lah
Puspusan ang paghahanda ng buong mansyon ng mga Samaniego para sa kasal nina Bree atJackson. Kahit ang buong Diamond Entertainment ay walang pagsidlan ang tuwa para sa kanilang masungit na amo na sa wakas ay nakatagpo din ng babaeng kaya itong pabaitin. Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan ang isa sa pinakamasungit na CEO sa buong bansa. Kahit na ang mga netizens ay excited na makita sa national television ang live coverage ng kasal nito. Puno ng paghanga ang mga ito sa katapangan ni Bree. Naging hot topic sa buong bansa ang nangyaring pagkidnap at pag-hostage kay Bree at nagawa nitong makaligtas sa tiyak na kamatayan. The topic was trending on all social media sites. Ang iba ay kinikilig dahil parang fairytale raw ang lovestory nina Bree at Jax, may iba naman ang nanghihinayang dahil ikakasal na ang isa sa pinakaguwapong negosyate sa bansa. “Hija, ang ganda mo talaga. Sigu
Ang huling nakita niya bago siya nawalan ng malay ay ang pagbagsak ng kaibigan sa sahig. Chris also shot Chelle! Kahit na buntis ang babae at dinadala nito ang anak niya ay hindi pa rin naging hadlang para barilin ang kaibigan niya. Lumukob ang takot sa puso ni Bree. She need to know what happened to Chelle. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya malalaman na nasa ligtas ito kalagayan. At hindi niya matatanggap kapag may nangyaring masama sa inosenteng anak niya. Nagpupumilit na bumangon si Bree at pilit na tiniis ang sakit ng kanyang mga sugat, pero hindi niya talaga kaya. “Bree! Thank god you’re awake!” Napalingon si Bree sa nakabukas na ngayon na pinto ng kanyang silid. Nagmamadaling pumasok si Tyler at