Share

Four (2)

Author: BellaDonna
last update Last Updated: 2025-03-07 18:25:25

“Sus! Denial pa itong babaita na ito! Gumalaw ang ilong mo ibig sabihin kinilig ka rin!” Hindi pa nakuntento si Chelle at malakas itong humalakhak na akala mo kami lang ang tao sa opisina. “Basta! Iba ang kutob ko d’yan kay sir Jax. May duda nga ako na siya iyang secret admirer mo na palaging nagbibigay ng mga bulaklak. Grabe! Ganda mo talaga, girl!” Dagdag na saad ni Chelle. 

Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sinasabi nito. Imposible kasi na mangyari iyo dahil sa bikod na nakikita ko kung gaano nito kamahal ang yumaong asawa, ano ba ako kumpara sa mga babaeng dini-date nito ngayon?  

Muli kong hinampas si Chelle nang akma itong magsasalita. Kung anu-ano na lang ang sinasabi.  

Hindi ba ito natatakot na marinig ng ibang kasama namin?  

“Ewan ko sa’yo. Punta muna ako ng cafeteria. Nagutom ako bigla.” Lumabas ako at iniwan na si Chelle doon. Ayokong makipag-usap sa kan’ya kapag iyon ang topic niya. Nakakahiya na nakakainis. Napaka-imposible kasi base sa kung paano ako tratuhin ng boss namin. 

Nasa ika-30 na palapag ang opisina ni sir Jax kaya nandoon din ang cubicle namin. Sa katunayan ay nandoon ang buong team na nagha-handle sa lahat ng transactions ni sir. Kami ni Chelle ang mas malapit sa opisina mismo ng CEO at katabi sa opisina ni miss Cindy. Mayroong glass partition ang cubicle namin ni Chelle kaya hindi masyadong naririnig ang pinag-uusapan namin sa labas, gano’n din kay miss Cindy na executive secretary ni sir.  

Habang naglalakad ako patungong elevator ay nakasalubong ko si Elise Trinidad, ang anak ng presidente ng Pilipinas. Sandali akong natigilan at piangmasdan ito mula ulo hanggang paa. 

Maarte itong naglalakad habang nakataas ang noo. Napatingin ako sa suot niyang damit. She wore a very sexy dress in red with a thin spaghetti strap. Hindi lingid sa kaalaman namin na patay na patay ang babaeng iyon kay sir Jax. Kahit na medyo malaswa ang suot nitong damit dahil kaunti na lang ay luluwa na ang malalaki nitong dibdib ay hindi pa rin maikakaila na magaling itong magdala sa sarili. She looked sexy but classy.  

Napataas ang kilay ko sa suot nitong damit, halatang inayos niya talaga ang sarili para maakit si sir Jax. Kaunting hila na lang kasi ay luluwa na talaga ang dibdib nito at kaunting yukod ay sigueadong makikita na ang pwet nito. Napailing na lamang ako. Iba pa rin talaga ang karisma ni sir kahit na masama ang ugali.  

“Masungit pa rin siya kahit na guwapo kaya ekis pa rin,” bulong ko sa sarili bago sumakay sa elevator.  

Pagkabukas ng pinto ng elevator ay kaagad na sumalubong sa akin ang isang batang babae na sumihinghot habang pinapahiran ang pisngi nitong puno ng luha. Natigilan ako sa nakita. Kaawa-awa ang itsura nito habang nakaupo sa isang gilid. May mga taong dinadaraanan lamang siya at hindi man lang pinapansin.  

Kaagad ko itong nilapitan at tumalungko ako sa harap niya para magpantay ang mga mukha namin. Hindi siya nagsalita nang makita ang ginawa ko. Patuloy lamang ito sa paghikbi. Her nose was red and her eyes were full of tears. Namangha ako sa ganda ng bata.  

Ngumiti ako sa kan’ya. “Hi. Bakit ka umiiyak?” Sinigurado ko rin na malambing ang boses ko para hindi matakot ang bata.  

She was dress in a frozen-themed gown with a small tiara on top of her messy hair. Tantiya ko ay nasa pitong taon ang batang ito base sa laki niya.  

Mas lalo lamang itong ngumawa nang magtanong ako. Nataranta ko itong niyakap para tumahan.  

“I want my daddy, I can’t find him.” Suminghot ito at ang mga luha ay patuloy na tumutulo.  

Nakadam ako ng awa sa sinabi nito. Nasaan na ba ang ama ng batang ito? Wala bang nagbabantay sa kan’ya? Marami pa naman mga masasamang loob ang naglipana sa paligid.  

“Tahan na, baby. Tutulungan ka ni ate. Nawawala ka ba? Kasama mo ba ang daddy mo dito?” Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman itong ibang kasama. “Ano ba pangalan mo para matulungan kita?”  

“My grandma said I should not talk to strangers. I don’t know you po, ate kaya you’re a stranger.” Sagot nito sa paggitan ng paghikbi. Pinahid nito ang basang pisngi.  

Diyos ko po, englisera pala itong batang ito. Mapapasak ang pang-kanto kong englis dito. Sana naman nakakaintindin ito ng tagalog. Gusto kong mapakamot sa buhok ko pero pinigilan ko ang sarili.  

Bigla nag-alburuto ang tiyan ko tanda ng matinding gutom. Hindi ako nakapag-almusal kanina dahil hindi ako mapakali. Ngayon lang ako nakadama ng gutom. Pero tutulongan ko muna itong bata na mahanap ang ama niya.  

“Paano kita matutulungan niyan kung hindi mo ako kakausapin? Nawawala ka ba? Saan na nanay mo?” Ngumiti ako ng matipid sa kan’ya. Diyos ko! Ang gandang bata naman nito! 

“I was just wandering and I lost my yaya. I'm here to visit my dada po kasi dahil na-miss ko na siya.” Lumabi ito na parang nagtatampo pa sa ama.  

Napatango na lamang ako. So, hinahanap ng batang itong ang ama niya. Kahit na nagugutom na ako at gusto ko ng kumain, hindi ko naman maiwan ang kawawang bata. May kung anong humaplos sa puso ko. Napakaamo kasi ng mukha nito, dagdagan pa ng pag-iyak nito. Parang nakikita ko ang sarili ko na namimiss na ng husto ang mga magulang.  

“Sino ba ang papa mo? Para mahatid na kita sa kan’ya.” Sinuklay ko ang magulo nitong buhok. Mukhang may lahi ang batang ito dahil kulay brown ang buhok nito at mga mata ay kulay abo, parang pamilyar pa sa akin ang mga mata nito.  

Nag-isip pa ng ilang segundo ang bata, parang nag-iisip kung maniniwala pa ito sa akin o hindi. Muli nito pinahid ang pisngi na may kaunting luha pa na natira.  

“Ang papa ko ang may-ari ng building na ito.” Nakahinga ako ng maluwag, marunong pala talaga magtagalog.  

Natigilan ako sa narinig. Tama ba iyong narinig ko? Hindi ba ako nagkamali ng dinig sa sinabi nito? Napatitig ako sa mukha ng batang babae. Napaawang ang bibig ko nang matanto na anak pala ni sir Jax itong bata. Mayroon talagang resemblance sila ni sir Jax. Ang mga mata nito ay kaparehas sa kulay ng mata ni sir na kulay abo, kaya pala parang pamilyar ang itsura nito.  

“Alam mo, kilala ko ang papa mo. Isa ako sa mga sekretarya niya at puwede kitang tulungan na makapunta sa opisina niya. Gusto mo ba iyon?” tanong ko sa bata. “Ano pala pangalan mo?” 

Pinahid muna nito ang tuyo na pisngi bago nagsalita. “My mom named me Amythyst, derived from her birthstone.” 

Noong una ay parang nag-alinlangan pa ito. She looked at me. Hindi ako makakilos at nahigit ko ang hininga nang magtagpo ang mga mata namin, para kasing si sir ang nakatitig sa akin. Kuhang-kuha ng batang ito ang mata ng ama kaya para na rin akong nakipagtitigan kay sir Jax, at dahil doon ay ramdam ko ang biglang pag-iinit ng aking pisngi.  

S***a ka, Bree! Nagpapadala ka na sa mga sinasabi ni Chelle sa’yo! 

“Are you sure you’re not one of the bad guys? My dad will punish you if you lied, he hates liars.”  

Nagumiti ako at pinahid ang natirang luha sa gilid ng mata nito. Sinuklay ko rin gamit ang mga daliri ko ang nagulo niyang buhok at inayos ang tiara sa tuktok ng ulo nito, hinayaan lang din niya ako sa mga ginawa ko.  

Itinaas ko ang kanang kamay bago nagsalita. Ipinakita ko rin sa kan’ya ang company ID na nakasabit sa leeg ko. “Promise, I'm not one of the bad guys. Let’s go?” Tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa kan’ya.  

“Okay po, I trust you.”  

Amythyst took my hand. Napangiti ako dahil ang cute ng kamay niya kumpara sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala na may anak si sir Jax na ganito ka-cute, at sweet pa.  

Nagpatianud si Amy sa paghila ko. Bumalik kami sa ika-30 palapag. Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit kami sa opisina ni sir Jax, may atraso pa ako sa kan’ya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung kaharap ko na siya. Hindi pa dapat ako magpapakita sa kan’ya pero ano naman ang gagawin ko dito sa bata? Alangan naman na iwan ko lang itong mag-isa doon, baka mapahamak pa ito at ako na naman ang sisisihin.  

Gusto ko na lang talaga tampalin ang noo ko. Ngayong linggo ay puro na lang yata kapalpakan ang ginagawa ko, hindi ko naman sinasadya ang mga iyon at ingat na ingat na nga ako pero talagang trip yata ako gambalahin ng kamalasan.  

Nasa tapat lang naman ang cubicle namin ni Chelle sa CEO’s office, siguro si Chelle na lang ang uutusan ko na maghatid nitong bata.  

Tama! Iyon na lang ang gagawin ko para hindi na ako makita ni sir Jax, mahirap na.  

Itutulak ko na sana ang glass door ng cubicle namin nang biglang may nagsalita sa likod ko.  

“What the fuck are you doing?” Mababa ang boses nito pero puno iyon ng pagbabanta kapag hindi ko masagot ng maayos ang kan’yang tanong. 

Hindi ako makagalaw nang makilala ko ang boses na nagsalita sa likod ko. Tumigil yata ang baga ko sa pagbuga ng hangin at ang puso ko ay tumalon na yata palabas sa ribcage ko! Diyos ko!  

“Daddy!”  

Matinis ang boses ni Amy at bigla nitong hinila ang kamay na hawak ko. Nakagat ko ang sariling labi dahil ayoko kong humarap kay sir Jax. Presko pa sa isip ko ang mga nangyari kahapo, naghalo ang guilt at takot sa puso ko, samahan na rin ng hiya.  

“Why are you with my daughter? Are you planning to do?” Ngayon ay mapanganib na nag boses niya.  

Doon na ako humarap sa kan’ya. Tunog pang-aakusa na siya at hindi ko mapigilan na makadama ng inis. Pero nang magtagpo ang mga mata namin ay bigla yata umurong ang inis ko. Nagbabaga ang mga mata nito, kitang-kita ko ang galit at panghuhusga sa mata niya habang nakatitig sa akin.  

Napalunok ako ng wala sa oras. Nakakatakot talaga ang itsura ni si Jax.  

“Ano po kasi... nakita ko po si Amy na umiiyak doon sa ibaba, kaya tinulungan ko siya na makabalik dito. Ang sabi kasi niya nawawala raw siya.” Maliit ang boses ko, parang takot na kuting.  

“Daddy, is she your secretary? She helped me find you again! I like her already!” deklara ni Amy.  

Kaagad na bumaling si Jax sa anak at kinarga ito. Ngayon ay kitang-kita na talaga ang pagiging magkamukha nilang dalawa. Amy is the softer version, while sir Jax is the monster version.  

Ang mabangis niyang mukha kanina habang nakatingin sa akin ay napalitan ng maamong mukha ngayong nasa bata na ang tingin nito. Namangha ako sa biglaang pagbabago ng kan’yang facial expression.  

“Really? She didn’t do anything to you?” Nagdududa itong tumingin sa gawi ko. 

Umiling lang ang bata at inilibot ang maliliit nitong mga braso sa leeg ni sir. “Nope, she’s kind and I like her already. Can I take her home with me? I want her to be my friend. Wala kasi akong friends.” 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Final Chapter

    Ten years passed, and the memory of their wedding was still fresh inside Bree’s mind. Pati ang nararamdaman niya noong araw na iyon ay sariwa pa rin sa kanyang puso. Sampung taon na ang nakalipas pero ang nararamdaman niya para sa asawa ay hindi man lang nagbago, kung nagbago man ay dahil mas minahal niya pa ito ng husto. Pinahid ni Bree ang kaunting luha na nasa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na ilang beses niya pa na napanuod ang video recording ng kanilang kasal ay hindi pa rin nagsasawa si Bree. “Jackson Samaniego, hindi ko kahit kailan maisip na makikilala kita at mamahalin ng ganito katindi. Lahat ng babae sa mundo ay nangarap na makatagpo ng isang prinsipe, pero hindi ko talaga akalain na makakatagpo nga ako ng isang prinsipe, medyo masungit nga lang.” Nagtawaawanan ang mga tao na dumalo sa kasal nila. Si Bree rin ay natawa sa mga sinasabi nia. It was the most romantic event that ever happened to her.

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    174

    Sophia Marie Samaniego. Iyon ang pinangalan ni Bree sa bunsong anak nila ni Jackson. At kagaya ng mga Samaniego, may asul na mga mata din ang bata. She’s like the female version of Jackson. Kaya panibong inis na naman ang umusbong sa puso ni Bree. Naiinis siya dahil ang lakas ng kapangyarihan ng katas ni Jackson para nakuha ng dalawang anak nila ang itsura nito. Walang ni isa na mula sa kanya ang nakuha nina Lennox at Sophia. “Oh, my god! She looks exactly like Jackson! Parang batang Jackson na naging babae.” Masayang bulalas no Madeline nang dumalaw ang mga ito sa ospital. Nandsoon ang lahat, sina Tyler at ang nobya nitong si Jane, si Lucian na ngayon ay nobya na rin si Keira, at ang mga magulang nila. Ang mga bata ay naiwan sa mansyon dahil bawal sila sa ospital, pero pinadala ni Lennox ang favorite stuffed toy nito para raw hindi malulungkot ang mama niya. Masayang-masaya ang lahat sa pagdating ng

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    173

    Sinipat ni Bree ang itsura sa full-lenght body mirror. Kanina pa siya papalit-palit ng damit na susuotin pero hindi niya talaga gusto ang kinalalabasan ng itsura niya. Para siyang balyena! Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagluha. She hates this feeling. Iyong pakiramdam niya ay ang pangit niya, tingin niya sa sarili ay isang siyang hippopotamus. “Ang pangit ko talaga,” naiiyak na bulong niya sa sarili. Idagdag pa ang hindi niya katangkaran na height at napakalaki na tiyan niya, gusto na lang talaga ni Bree magtago sa silid niya at huwag na lumabas kahit kailan. Kabuwanan na niya ngayon kaya sobrang laki na ng tiyan niya, hirap na hirap na siya sa pagkilos at hingal na hingal siya. Hindi naman siya ganito noong pinagbubuntis niya si Lennox. Hindi naman siya nabahala na malaki na ang tiyan niya, kung tutuosin ay umitim nga ang balat niya

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    172

    Sa Maldives ang destinasyon nila ni Bree at Jackson para sa kanilang honeymoon. Silang dalawa lang dahil hindi pumayag si Jackson na kasama sina Lennox at Amy. Ang rason nito? Iyon lang daw ang panahon na masusulo siya nito, at kapag nakauwi na sila ay mahahati na raw ang kanyang atensyon. Napailing na lamang si Bree dahil parang bata ito kung maka-angkin sa kanya, nakikipagkompetensya sa mga anak nila. Niyakap ni Bree ang sarili habang dinadama ang mainit na simoy ng hangin mula sa dagat. Ikalawang araw na nila ngayon dito at ngayon lang siya nakapasyal ng maayos dahil hindi siya hinahayaan ni Jackson na makalabas sa silid nila. Jackson had been very possessive and protective of her since he learned that she was carrying his child again. He’s much more attentive to her needs. “Hindi kita naalagaan noong pinagbubuntis mo si Lennox, kaya babawi ako sa’yo ngayon. Gagawin ko ang lah

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    171

    Puspusan ang paghahanda ng buong mansyon ng mga Samaniego para sa kasal nina Bree atJackson. Kahit ang buong Diamond Entertainment ay walang pagsidlan ang tuwa para sa kanilang masungit na amo na sa wakas ay nakatagpo din ng babaeng kaya itong pabaitin. Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan ang isa sa pinakamasungit na CEO sa buong bansa. Kahit na ang mga netizens ay excited na makita sa national television ang live coverage ng kasal nito. Puno ng paghanga ang mga ito sa katapangan ni Bree. Naging hot topic sa buong bansa ang nangyaring pagkidnap at pag-hostage kay Bree at nagawa nitong makaligtas sa tiyak na kamatayan. The topic was trending on all social media sites. Ang iba ay kinikilig dahil parang fairytale raw ang lovestory nina Bree at Jax, may iba naman ang nanghihinayang dahil ikakasal na ang isa sa pinakaguwapong negosyate sa bansa. “Hija, ang ganda mo talaga. Sigu

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    170.3

    Ang huling nakita niya bago siya nawalan ng malay ay ang pagbagsak ng kaibigan sa sahig. Chris also shot Chelle! Kahit na buntis ang babae at dinadala nito ang anak niya ay hindi pa rin naging hadlang para barilin ang kaibigan niya. Lumukob ang takot sa puso ni Bree. She need to know what happened to Chelle. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya malalaman na nasa ligtas ito kalagayan. At hindi niya matatanggap kapag may nangyaring masama sa inosenteng anak niya. Nagpupumilit na bumangon si Bree at pilit na tiniis ang sakit ng kanyang mga sugat, pero hindi niya talaga kaya. “Bree! Thank god you’re awake!” Napalingon si Bree sa nakabukas na ngayon na pinto ng kanyang silid. Nagmamadaling pumasok si Tyler at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status