"Bakit mo ba sa'kin pinagpipilitan ang ipinagbubuntis mo? Look, niligawan at pinakasalan lang kita para pasakitan si Stephanie at hindi ang inaakala mong pagmamahal! At paano ka nakakasiguro na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?" Nakatatak na sa isip ni Aliah Tawili ang mga katagang binitawan ni Calib Osteja sa kaniya. Salat sa pagmamahal at aruga ng isang magulang si Aliah kaya nang mag krus ang landas nila ni Calib Osteja, Ang play boy at taga pagmana ng mga Osteja ay ginawa niya ang lahat para hindi siya iwan ng binata. Maisasakatuparan pa kaya ni Aliah Tawili ang magkaroon ng buong pamilya ang kaniyang anak? gayon isinisigaw ng binata na hindi siya ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis
View MoreCALIB'S POV Kahit tinatamad ako maaga ako gumising at pinaligoan si Stephen, kaarawan niya kasi ngayon at gusto ko siya ipasyal kahit papaano. Hinayaan ko din siya mamili ng kaniyang susuotin. Humarap siya sa akin nang makapili siya nang isusuot. "D-da---daddy! S---st---steph---en! W---wa---want t---this!" Masayang baling niya sa akin, sabay ipinakita ang damit na napili. Kulay orange na may malaking print. Akala yata niya ang ganda ganda ng napili niya kaya masayang masaya ito habang sinusuklat niya sa harapan ng salamin. "Nak, Stephen. Sigurado ka bang yang ang napili mo? Marami pa sa cabinet anak." Tanong ko sa kaniya. Tiningnan lang niya ako saka ngumiti. Kilala ko ang anak ko kapag ngingiri-ngiti ang expression niya. Kaya lumapit sa kaniya at maingat na tiningnan ang kaniyang pamper. "Sabi ko na nga ba eh, kahit kanilan hindi nagsisingalin ang mga ngiti na yan." Sabi ko sa kaniya, parang naman ito napahiya at yumuko. "Oh, parang nagbibiro lang si daddy eh, Hali ka n
LALO lumaki ang mga mata ni yaya habang palipat lipat ang tingin niya sa amin. Mangiyak-iyak siya habang natataranta ito. Hinila ko si Yaya palayo pagkatapos tiningnan ko siya ng matalim. Mamimihasa siya kung lagi na lang niya makukuha ang kaniyang kagustohan. "Yaya!" Ang sigaw niya, halos lumuwa na ang kaniyang mata sa inis habang sinusundan niya kami ng tingin. Wala na siya nagawa kundi tumawag ng ibang katulong. -----"Sir, baka lalo niya ako pag initan dahil sa ginawa mo." Saad ni yaya nang marating namin ang kuwarto ni Stephen. Hindi ito mapakali habang inaayos ang mga laruan ng anak ko. "Yaya, kung patuloy mo susundin ang pag dedemand niya lalo yan Mamimihasa! At kailan ba hindi uminit sa inyo ang ulo niya? Mula ngayon si Stephen na ang aasikasohin mo, kung sinasadya niya gumawa ng kalat huwag mo nang nililinis. Maliwanag?" Nag uutos na saad ko kay yaya. Tumango na lang si yaya pero alam kung hindi pa rin niya susundin ang utos ko dahil mas natatakot sila kay Stephanie kays
"Tulad nang sabi ko, makikilala natin siya mamaya pagdating niya." Nakangiti na wika ng lalaki. Napailing na lang ako at umupo ulit sa aking kinauupuan habang si mommy naman ay hindi mapakali. Ilang sigundo na lang at darating na ang bagong nag mamay-ari ng green tower, kung ano man ang binabalak ni mommy ay hindi ko alam. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa conference room habang hinihintay namin kung sino man ang bagong nagmamay-ari ng green tower. Ang bawat isa ay nagkatinginan nang marinig namin ang mahihinang katok mula sa pinto. Agad tumayo si Mr. Jacob, ang lalaking una ko nakaharap na akala ko siya ang bumili ng green tower. Tinungo niya ang pinto at na may ngiti sa labi. "Good morning ma'am Tawili!" Saad ni Mr. Jacob nang mapag buksan niya ang nasa pinto. Para ako napako sa aking kinauupuan nang tuluyang makapasok ang bagong may-ari ng green tower, Ang babaing nasa harap ko ngayon ay isa nang ganap na napakagandang babae, napakaganda niya sa kaniyang suot na damit,
CALIB'S POV"My god Calib! Bakit ka padalos dalos ng desisyon na hindi ko nalalaman!" Sumambulat sa akin ang malakas na boses ni mommy nang papasok ako sa kaniyang kuwarto. Isang linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas siya nang ospital. Ngayon din ang araw na nalaman niya ang pag binta ko ng Osteja green tower. Napahilot ako ng sarili kong noo, labag din naman sa kalooban ko ang pag binta ko ng Osteja green tower pero Lubog na kami sa utang. Paano ko ba sa kaniya ipapaliwanag. "Mom, calm down! Ano ang gusto mong gawin ko? Tumunganga lang sa isang tabi? Mom, Lubog na tayo sa utang, lahat ng investors nag back out na sila, pati board members ibininta nila sa iba ang shares nila. Mom, kung kinakailangan ibinta ko ang sarili ko para lang hindi tuluyan mawala sa akin ang kompanya gagawin ko." Napataas ang boses ko, pakiramdam ko namumula na ang aking mukha. "Ang sabihin mo, isa kang pabaya! Pareho na kayo ng asawa mo! Sabihin mo sa akin kung sino ang nakabili, kung kinakailangan ko
Napatulog ko na si calix, Hay naku. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa pamangkin mo. Alam mo bang bigla na lang siya nagtanong sa akin about his father." Saad ko kay ate megan bago ko tinungga ang juice na tinimpla ni yaya bago siya natulog. "Alam mo sis, huwag ka na magtaka. Natural magtatanong iyon sayo tungkol sa kaniyang ama. At isa pa lumalaki na siya, hindi naman habang buhay mo maitatago sa kaniya ang tungkol sa kaniyang ama." Pumilantik ang kaniyang kamay. Saglit ako natigilan. Ayaw ko naman itago sa kaniya. Pero anong sasabihin ko. "Basta bahala na.. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw kong malaman niya na nasa sinapupunan pa lang siya ay hindi siya tinanggap ng kaniyang ama." Nagkibit balikat ako. Alam ko naman na katulad din siya ni Daddy gusto miya magkaayos kami ni Calib. Binuksan niya ang mamahalin niyang bag at may kinuha siya doon sabay abot sa akin. Nagtataka naman ako kinuha iyon at tiningnan. "Ano ito?" Tanong sa kaniya. Address iyon at contact number pero ang hindi k
"Ma'am!" tawag sa akin ni yaya nang makababa kami ng sasakyan. Medyo ginabi kami dahil masyado nawili si calix sa paglalaro sa park. Agad siya lumapit sa akin at bulong. "Ma'am mabuti na lang at dumating kayo." parang pagod na pagod ito. Nagtaka naman ako dahil lumingon siya sa loob ng Mansyon bago siya nag patuloy sa pagsasalita. "Ma'am, may bisita po kayo." Bulong ulit ito. Lalo kumunot ang noo ko. Wala naman ako inaasahan bisita at bakit hindi niya ako tinawagan kanina para maaga kami nakauwi ni calix. Nag madali ako pumasok ng mansion para tingnan kung sino ang bisita ko na sinasabi ni yaya. Sumunod din sa akin si yaya na halata sa kaniyang mukha ang Kuryosidad. Baka kaibigan lang ni Daddy at ngayon lang niya nalaman ang pagkawala ni daddy. "Hindi mo ba tinanong kung ano ang pangalan niya o ano ang kailangan niya?" Tanong ko kay yaya habang papasok kami sa mansion. Pilit naman hinihila ni calix ang aking kamay gusto niya kasi kami tumakbo para daw mabilis namin maki
Tama si Troy, si kenon lang ang makakasagot sa mga katanongan ko pero saan ko hahanapin ang taong iyon? Napailing ako habang inaalala ko kung saan ko hahanapin si kenon. Hindi ko rin alam kung ano ang apelyido nang taong iyon. "Come on! Bakit ngayon pa." Bulong ko sa aking sarili. Alas sinko e punto na kaya mabagal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA. "Sh*t!" sambit ko nang may bumundol sa likod ng aking kotse. Marahan ako napatingin sa side mirror. Isang grupong kalalakihan ang sakay ng black van. Napatiim baga ako ng mag over take sila. Mukha pang nang aasar ang mga ito nang buksan nila ang bintana ng sasakyan at sabay sabay sila nagkakantiyawhan. Papatulan ko sana sila nang mag ring ang aking cellphone kaya doon napunta ang aking atensyon. "Sir, kailangan niyo umuwi ngayon. Naospital ang mommy mo!" Mangiyak-iyak na sambit ni yaya sa kabilang linya. ------- "That wit*h! Makikita niya pag labas ko dito sa ospital!" Hysterical na sigaw ni mommy. Nadatnan kong gapos n
CALIB'S POVIlang beses ko sinulyapan ang sarili ko sa malaking salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Bukod sa mahabang bigote, mahaba na rin ang buhok ko at hinahayaan ko ito matakpan niya ang bahagi ng mukha ko. Naghilamos ako at kinuha ko ang towel at Marahan ko pinunasan ang aking mukha. Tahimik ako nakatutok sa salamin, pinagmamasdan ko ang kabuoan ko. Kailangan ko ayosin ang sarili ko. Matapos ako mag ahit ng bigote, sinimulan ko ang pagputol ng aking mahabang buhok, ayaw ko naman iyong sobrang plakado na gupit mas gusto ko pa rin ang ragged look. "Aba, naging tao ka na ah! Akala ko papabayaan mo na ang buhok mo maging bundok!" Nagbibirong bungad sa akin ni Troy, kapapasok ko lang ng MCSAN'S Coffee kung saan siya na ang namamahala doon ngayon matapos ibinta sa kaniya ni Stephanie ang kaniyang share noong magpakasal kami. Sinalubong ako niyo ng iyakap. Wala pa rin siya pagbabago, mapang asar pa rin siya hanggang ngayon. "Kumusta kayo dito? Ikaw wala ka pang ipinag
BUKOD sa mga kasambahay namin wala na kami ibang kamag anak na puwede ko pag sabihan ng nararamdaman ko. Dahil marami ako ibinilin sa kaniya agad din namin pinutol ang pag uusap naki umiyak din kasi si calix. Kahit sa maiksing oras na nakasama namin si daddy naging malapit din sila sa isa't isa kaya madalas niya ito hanapin sa akin. "Mom, punta tayo kay lolo dad. Tawagan mo siya."Nagsisimula na siya umiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing hinahanap niya sa akin si daddy. Hindi ko namalayan may mga butil na palang luha sa aking pisngi kaya nagulat na lang ako ng punasan niya iyon. "Mom, don't cry na. Di na po ako iiyak. I don't want you to cry mommy..." lalo ako napahikbi nang isa-isa niya punasan ang aking luha gamit ang maliliit niyang daliri hindi pa siya nakontento nang itaas niya ang kaniyang t-shirt at ipunas sa aking luha. "No sweet heart, I am not. I'm not crying.." Pilit ko pinasigla ang boses ko at ngumiti sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pag punas. "Nag la-lie k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments