Maingat ko isinara ang pinto saka binuksan ang ilaw sa sala, ang makalat na gamit sa sala na iniwan ko kanina ngayon ay malinis na. Ito naman lagi ang nabubungaran ko sa tuwing darating ako. Kung may isang bagay man akong nagustohan kay aliah yon ay ang pagiging malinis sa bahay. Napapangiti ako sa tuwing naalala ko kung paano niya ako inaalagaan at pankitungohan kahit puro pasakit ang ipanaramdam ko sa kaniya.
Dinukot ko ang aking cellphone at nag dial. Balak ko sana siya tawagan at itanong kung saan ba siya para masundo siya pero gumihit sa aking alaala ang nangyari kanina. Nagkibit balikat akong ibinaba ang cellphone. Oo nga at bakit ako mag aaksaya ng oras gayon hindi man lang niya ako naisipan tawagan. Upang mahimasmasan ako, tinungo ko ang kusina upang maghanap ng puwede ko lutuin. Binuksan ko ang ref. At nakita ko doon ang tirang ulam na sa tingin ko ay kanina pang umaga iyon niluto ni aliah. Ginataang tilapia at may kasamang kalabasa. Iyon ang paboritog ulam ni aliah. Kinuha ko iyon at nilagay sa maliit na kaldero at binuhay ang electric stove. Nag templa rin ako ng juice tulad na madalas gawin ni aliah sa tuwing kakain kami. Pagkaraan ng ilang minuto pinatay ko ang electric stove. Saka kumuha ng mangkok at nilagay ko ang pinainit kong ulam. Napansin kong hindi pa pala ako nakakapagbihis ng damit pambahay kaya tinakpan ko muna ang ulam at mabilis na tinungo ang kuwarto. Napakunot noo ako ng mapansin kong Marahan naka bukas ang pinto kaya dahan dahan ako lumapit. Madilim ang loob ng kuwarto kaya hindi ko makita ang mukha ni aliah habang umiiyak ito, gustohin ko man siya lapitan at tanongin kung ano ang nangyari sa kaniya pero pinangunahan ako ng hiya kaya dahan dahan ako humakbang palayo sa pinto. Palakad-lakad ako habang hindi ko alam ang gagawin, kakatukin ba siya sa kuwarto o hahayaan na lang siya mag isa. Hindi na ito bago sa akin, ang hindi siya makasabay sa hapag kainan madalas kasi ako kumain sa labas kasama ang aking mga kaibigan at si Stephanie. Parang tinusok ng karayom ang aking puso nang isa-isa ko maalaala ang mga pagkukulang ko kay aliah. Sa halip na sabayan siya sa pagkain mas pinipili ko kumain na lang sa labas. Walang araw na hindi ko siya inaaway, napa upo ako sa sofa at habang binabalikan ang mga pagkukulang ko sa asawa ko. Hindi lang isang beses ko nereject ang mga niloloto niya para sa akin. Madalas ko rin siya iwan mag isa sa kama at mas pinipili ko matulog sa guest room. Pero ni minsan hindi ko nakita sa kaniyang mukha ang pag suko. Napahilamos ako ng mukha, bigla na lang ako nakaramdam ng pagkapahiya sa aking sarili. Ni minsan hindi ko siya napakitaan ng mabuti bilang asawa niya. Tumayo ako at tinungo ang mesa kung saan nakahanda ang pagkain pero sa halip na kainin ko ang mga iyon nagpasiya ako ibalik na lang sa ref. Wala na ako gana pang kumain, hindi ki alam kung guilty ba ang nararamdaman ko o awa para kay aliah. Matamlay ko binuksan ang guest room tulad ng nakasanayan ko hindi ko na naman tatabihan sa pag tulog ang aking asawa. Kung noong mag kasintahan pa kami ni aliah halos hindi ko siya papahingain sa pag tulog ngayon na asawa ko na siya halos hindi ko na siya tabihan. Aliah's POV Hindi ko namalayan ang pag sikat ng umaga, Gumising ako tila ba bumalik na naman ako sa katinuan na para bang walang naganap na pag iyak kagabi. Mabilis ko inayos ang aking sarili bago lumabas ng kuwarto, paniguradong makalat na naman ang sala paano kasi napakaburara ng asawa ko at kapag nagligpit ako ng kanyang mga gamit doon na naman nagwawala. Marahan ako humaplos sa maliit kong tiyan, nakakaramdam ako ng kasiyahan sa tuwing iisipin kong malapit na mahalata at masisilayan ko na siya. Ako na yata ang pinakamasayang ina kapag nailuwal ko na ang anak ko. Pagkalabas ko ng kuwarto nagmamadali ako pumunta ng laundry area kung saan may maraming labhan ang naka abang, binuksan ko ang basket upang kunin ang labhan pero laking gulat ko ng makitang bakante iyon, puno naman iyon kahapon kasi dalawang araw ko nang nakaligtaan maglaba, Bago ako lumabas napansin kong basa ang sahig halatang katatapos e map amoy ko din ang zonrox sa paligid. Mula sa pinto amoy na amoy ko ang aroma ng kape galing sa kusina tila nakaramdam ako ng biglang panduduwal kaya patakbo kong tinungo ang lababo upang ilabas ang kinain ko kagabi. "Bakit ang baho? Ang sangsang na amoy!" Pakiramdam ko babaliktad ang aking sikmura habang nakasubsub ang ulo ko sa lababo. Napatutup ako sa bibig ng maalala kong may munting anghel pala sa aking sinapupunan. "Are you okay?" Napalingon ako bigla ng marinig ko ang boses ng aking asawa, ngayon ay nakatayo sa likod ko habang matalim na nakatitig sa akin. Ilang sigundo ako napatanga, tila bigla umurong ang aking dila. Humakbang ako upang abotin ang towel na nakasabit sa gilid ng ref. At Marahan ko ipinunas sa aking bibig. "Ayos ka lang ba? Baka may nakain ka lang na bago sa panlasa mo." Dagdag pa niya na kay lamig ng boses nito. "Ayos lang ako, maya't maya mawawala din ito." Walang emosyon na sagot ko. Umupo ako nang maramdaman ko ang pag dilim ng paligid at kung maaari gusto ko muna iwasan si Calib, parang ayaw ko makita ang presensya niya. Marahan ko tinaponan ng tingin ang basong nakapatong sa table. "Puwede bang ilayo mo sa akin yan! Ano bang kape iyan at ang pangit ng amoy!" Nakasimangot na reklamo ko sabay takip ko ng ilong. Nagtataka naman niya ako tiningnan saka tinungo ang basong nakapatong sa ibabaw ng table. "This? Anong mali sa kape ko?" Takang tanong niya, pagkatapos niya amoyin ang kape at ibinaling sa akin ang tingin. Napa ngiwi naman ako nang makita kong inamoy niya ang baso pagkatapos nito humigop. Hindi ko alam kung saan ba o kanino ako maiirita, sa mukha ba niya o sa hawak niyang kape. Tiningnan ko siya ng masama saka ako tumayo sa kinauupuan. "Nakakadiri ka! Hugasan mo lang ng maayos yang baso pagkatapos mo gamitin," Naiirita kong sabi sa kaniya bago ko tinungo ang pinto, nawalan ako bigla ng gana maglinis ng bahay dahil lang sa kape at sa pagmumukha ng asawa ko. Calib's POV Pagkatapos ko maglaba at magsampay nag linis ako ng sahig. naglagay na rin ako ng zonrox upang tanggalin ang dilaw napansin ko kasi noong isang araw na halos gumapang na si Aliah sa paglilinis ng sahig namin. Pag labas ko ng laundry area naramdaman ko ang Panunuyo ng aking lalamunan kaya naisip kong tikman ang Yuban coffee na binili ko noong isang araw. Kumuha ako ng dalawang baso balak ko sana timplahan din si Aliah at dalhin sa kaniyang kuwarto. Napailing lang ako habang ibinabalik ko ang isang baso, bakit ko ba naisipan timplahan ng kape ang asawa ko? Baka mamihasa pa siya mahirap na. Narinig ko ang pagsara ng pinto sa kabila, marahil gising na siya at ano mang oras mararatnan niya ako dito sa kusina.Calib's POVHabang pababa ako ng sasakyan natanaw ko si yaya kabubukas lang niya ng gate at hindi mapakaling sinalubong ako. Hindi sana ako uuwi ng maaga pero nakatanggap ako ng tawag sa bahay at nawawala daw si Stephen."S----sir, huwag ka po sana magagalit sa amin... Buong maghapon po namin hinalugbog ang mansyon pero hindi po namin makita."Nag aalalang sabi ng matanda nakasunod pa rin ito sa akin."Papaanong nawawala ang anak ko? Eh hindi naman iyon lumalabas ng bahay yaya! At si Stephanie? Bakit hindi niya maasikaso ang bata? W---wait, si Stephanie tinawagan niyo ba? Baka kasama niya ang anak ko."Sunod-sunod na sabi ko. Nilagpasan ko si yaya pagpasok ng mansion at agad ko kinuha ang aking mobile phone. Isa lang ang alam kong puwede kumuha ng anak ko iyon ay ang kaniyang ina. "Sh*t Stephanie! Ganiyan ka ba kawalang pakialam sa mga taong nakapaligid sa anak mo!" Gargal na pagalit ko sa kabilang linya. Rinig ko sa kabilang linya ang pagmumura din ni Stephanie kasabay nun ang pagb
Nalilito siyang napaupo sa sofa saka nag isip. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na nag alok ako kay calix na ako ang tatayong tatay niya pero baka magalit at magtampo na naman siya. "Inalok ko siya kanina..." Mahina kong saad. Inihanda ko na ang aking pisngi kong sakaling sasampalin na naman niya ako. "Anong inalok?" Nagtataka nitong tanong sa akin. Lumabi muna ako bago ako nag patuloy. "Na...A---ako ang magiging daddy niya.." Tumingin siya sa paligid at Sarkastiko ngumisi. "At pagkatapos Calib? Aasa iyong anak ko sa huli tulad nang naramdaman ko noon? Calib hindi mo kasi alam kung paano umasa. Kung paano ipagsiksikan ang sarili sa iba." Inaasahan ko na ito ang magiging reaksyon niya. Paano ko bang sasabihin na pwede naman ako maging daddy niya habang buhay pero pinangungunahan ako ng takot. "Opinion ko lang naman iyon Aliah. Ang sa akin lang naman ay kung papayagan mo ako." Mahina kong sambit. Ang mga babae talaga ang tibay ng memorya pag dating sa mga ka
HABANG nasa silid aralan si calix kinuha ko naman ang pagkakataon makatawag sa bahay at napag alaman kong lumabas si Stephanie at isinama si Stephen upang makapamasyal daw. Mabuti at naisipan niya isama paminsan minsan. Hindi rin nag tagal at ibinaba ko ang tawag bago bumaba ng sasakyan at sa canteen ang tungo ko. Limang stick na bananaque at isang maliit na bote ng mineral water sinamahan ko din ng dutchmilk para kay calix mamaya pag labas niya pagkatapos bumalik ako agad sa parking lot kung saan naka park ang aking kotse. "Bye Anna! See you tomorrow!" Kaway ni calix sa kaniyang classmate habang palapit sila sa kinaroroonan ko. Agad niya ako binati at kinuha ko naman sa kaniyang likod ang dala nitong bag pack bago ko binuksan ang kabilang pintuan. "How's your school? Mukhang marami kang kaibigan ah!" Bati ko sa kaniya sabay abot sa kaniya ang binili kong dutchmilk kanina. Magalang niya tinanggap. "Ayos lang, onti lang po. may ibinigay sa akin si teacher na paper ibigay ko daw k
WALA KAMI inaksayang na oras at agad namin tinugunan ang init ng katawan na nararamdaman namin sa mga oras na iyon. Isa, dalawa hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ako inangk!n sa loob ng isang gabi. "get up and fix your self, baka abotan nila tayong hubo't hub**d..." Bulong sa akin ni Calib. Nilalaro ng isa niyang kamay ang isa kong nip**l€ habang ang isa pa nitong kamay ay pinipisil ang aking ilong na siyang ikinagising ko. Pag dilat ng aking mata bumungad sa akin ang kadiliman ng mansion napansin ko din naisout na niya ang kaniyang puting polo at ang pantalon nito nakahiga pala ako sa kaniyang kandungan sa matinding pagod kagabi hindi ko namalayan ang paggising nito at lihim na din naisout sa akin ang aking underwear na halos punitin na niya kagabi. Kung hindi lang ako takot na abotan nila kami sa ganon posisyon ayaw ko pa sana bumangon dahil nasisiyahan ako sa kaniyang pag lalaro ng aking iba pang parting katawan tinatamad din ako dahil may hapdi at sakit
BAWAL SA MAY EDAD 18 🔞 PABABA! PATNUBAY NI NANAY AY KAILANGAN! Nagpakawala ako ng malalalim na buntong hininga at iginawi ang aking tingin sa bag na may laman selpon hindi ko tuloy alam kung dadamputin ko iyon para tawagan siya o mag hihintay na lang na kontakin ako. Pero namimiss ko na siya, ay teka nga wala naman kami napag usapan na magbabalikan kami. Assuming ka din Aliah. Pero diba mag damag niya ako inangk!n? Dismayado ako napapikit at isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng aking upuan hindi ako ang dapat unang komuntak sa kaniya baka isipin pa niyang patay na patay ako sa kaniya. Matamlay man ako dahil sa hindi pag tawag ni Calib ay nakangiti pa rin ako sinalubong ang aking anak mabuti na lang at hindi pa siya natutulog. "How's my baby boy?" Malambing na sabi ko kay calix sabay ginawaran siya ng halik at hinaplos ang bagsak niyang buhok. "I'm okay mom. Di pa po ako nag Di-dinner... I want to join you kasi sa hapag kainan." Masiglang ng maliit nitong boses.
Narinig mo Calib? Papatay ako sa oras na niloko mo ako!" Sigaw ulit niya sa likuran ko nang tuluyan ako pumasok sa kabahayan. Alam ko posibling totohanin niya ang banta niya kailangan maunahan ko siya sa kaniyang mga plano. Malalaking hakbang ang ginawa ko habang papasok sa kuwarto. Pag pasok ko agad ako naghalungkat sa drawer na pwede ko gawin ebidensya sa pagtataksil niya sa akin sa ganon maisagawa ko ang pakikipag kalas sa kaniya. Kung bakit hindi ko kasi sila sinugod noon maratnan ko sila sa ibabaw ng mismong kuwarto na ito. Nang wala ako mahanap sa drawer Binalingan ko ang cabinet siguro naman may mapapala na ako sa paghahanap. Isa-isa ko hinalungkat ang nakatupi at naka hanger na damit pero tila magaling sila magtago kasama ng g*go niyang kalaguyo dahil ni bakas na ebidensya wala ako nahanap. Pumunta ako ng coffee shop na pagmamay-ari ni Stephanie kung saan madalas kami noon mag tambay na ngayon ay pagmamay-ari na ni troy. nagbabakasakali na magkaroon ng oras si Troy dahil ila