Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 111 - Unang Gabi Sa Iisang Kwarto

Share

Chapter 111 - Unang Gabi Sa Iisang Kwarto

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-09-17 23:14:11

Bukod kay Nica ay kailangan ding makwestyon si Denver. Ang estatwa ay natagpuan sa bagong bahay niya at hindi niya maipaliwanag kung paano iyon napunta roon.

Natapos ang libing ko na may dalawang taong dinala sa presinto para sa imbestigasyon. Sa wakas ay makakahinga rin ako nang maluwag... sa ngayon.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Vicento na may hawak na itim na velvet roses. Hindi ko alam kung kailan pa niya iyon dala-dala.

Malaki na ang payong ni Jason pero hindi pa rin nito napigilan ang ulan na humahampas mula sa iba't ibang direksyon. Basang-basa na ang mga pulang talulot ng rosas na nangingitim na. Ewan ko ba pero kahit hindi naman kami ganoon kalapit ni Vicento, pakiramdam ko siya ang pinakanasaktan sa lahat ng nandito.

Kahit wala siyang luha ay ramdam ko ang bigat ng lungkot na bumabalot sa kanya.

Naupo siyang mag-isa sa gitna ng malamig na hangin pero parang hindi niya iyon nararamdaman. Ang madilim niyang mga mata ay nakatitig lang sa litrato sa aking lapida.

Hindi siya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 117 - Nanunuksong Ria

    Nang mangyari iyon ay parehas kaming natigilan ni Vicento.Mabilis niyang inalis ang kanyang daliri. Ako naman ay nanatiling nakanganga at nakalimutang gumalaw.Ang naramdaman ko lang ay para bang nanatili pa sa dulo ng dila ko ang haplos ng kanyang daliri."Sorry, hindi ko sinasadya," Mabilis akong humingi ng tawad.Kung tutuusin ay napakabastos ng tagpong iyon!"Ayos lang," sagot niyang hindi tumitingin sa akin pero halatang namumula ang kanyang tainga hanggang leeg.Dahil nga hindi siya palaging naaarawan ay maputlang parang porselana ang kanyang balat. Kaya naman ay mahahalata kaagad kahit pa kaunting pamumula.Napako ang tingin ko sa kanyang leeg at kusa kong naisip... namumula rin kaya ang katawan niya, pababa sa leeg niya?Kung ang ganoong kaputian ay mamantsahan ng mapusyaw na pink ay tiyak na kaakit-akit iyon tingnan.Nang mapagtanto ko kung ano ang iniisip ko ay alam kong delikado na ito! Hindi na ito tama!Sa tuwing kasama ko si Denver noon ay siya iyong nakadapende sa akin

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 116 - Ang Init ng Kanyang Daliri

    Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero pakiramdam ko ay palagi akong pinagmamasdan ni Vicento.Katulad ngayon, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagsusuri, ang matinding pagtatanong— para bang isa akong bilanggo na iniimbestigahan niya.Pinilit kong iwaksi ang kaba sa dibdib ko at mabilis akong lumapit sa kanya saka inilagay ang hintuturo ko sa labi ko, senyales na huwag siyang maingay."May narinig akong isang malaking lihim. Tara sa kwarto mo, bilis."Pagkasabi ko niyon ay hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong sumagot. Ako mismo ang umaksyon— itinulak ko siya at mabilis akong naglakad pabalik sa kanyang silid.Sa ginawa kong iyon ay naputol ang kung ano man ang gustong sabihin ni Vicento. Ngayon ay ako na ang may hawak ng sitwasyon.Kaagad kong isinara ang pinto. Napahinga ako nang malalim. Napakalaki talaga ng mansyong ito kaya nakakapagod. Ang katawan ni Ria Canlas ay halatang hindi sanay sa pisikal na gawain— kaunting pagtakbo lang ay parang mauubusan na ako ng hining

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 115 - Recording

    Nararamdaman ko pa rin ang init sa paligid dahil sa presensiya ni Vicento. Naka-itim siyang suit ngayon at gaya ng dati ay para siyang yelong hindi matunaw-tunaw.Habang ibinababa siya ng tagapag-alaga niya gamit ang wheelchair ay bigla siyang nagsalita. Pupunta ka ba sa bahay na tinutukoy mo bilang reference sa magiging bahay natin?"Natigilan ako. Ginamit ko lang ang palusot na iyon para makuha ang estatwa at dahil nakuha ko na ang gusto ko ay halos nakalimutan ko na ang tungkol doon. Pero hindi ko pwedeng itanggi ang katotohanang kasal na kami. Hindi rin pwedeng manatili na lang ako sa kwartong tinutuluyan namin ngayon. Kailangan din naming magkaroon ng sarili naming pamamahay.Kaya tumango ako. "Oo naman. Pupunta tayo."---Dahan-dahan kong itinulak si Vicento papunta sa hapag-kainan. Kakaiba ang pakiramdam sa buong bahay matapos akong ilibing. Para bang may madilim na ulap na bumabalot sa buong pamilya Victorillo. Kahit si Aurora na alam kong hindi ako gusto ay may lungkot sa kan

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 114 - Nag-iinit

    Kaagad kong hinawi ang kumot at tumalon pababa ng kama. Sa pagbaba ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Tinataboy niyon ang init na kanina lang ay hindi ko maipaliwanag kung saan nanggaling."Kukuha lang sana ako ng karayom para sa iyo kagabi, tapos babalik na sana ako sa kama ko, pero bigla mo akong hinawakan... Hindi ako makawala," maingat kong paliwanag.Alam kong hindi siya masyadong naging maayos sa pagtulog nitong mga nakaraang araw, kaya malamang, wala siya sa sarili nang mangyari iyon.Napansin kong gumalaw ang kanyang maputlang labi bago ito marahang nagsalita. "Pasensya na.""Ah, w-wala iyon. Mag-aayos l-lang a-ako," sagot ko na halos nauutal na bago mabilis na tumakbo papunta sa banyo.Para nag-aapoy ang buo kong katawan. Kinapa ko ang mukha ko at buo kong katawan. Mainit nga at hindi ko maintindihan kung bakit.Kaagad kong binuksan ang shower at nagpatak ng maligamgam na tubig sa katawan ko. Umaasang mapapawi nito ang init na gumagapang sa buo kong katawan.Akala ko

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 113 - Sobrang Lapit

    Siguro dahil sa ilang taon naming magkasama, kahit alam niyang ako si Ria Canlas at hindi si Ria De Leon ay palagi niyang nararamdaman ang isang pamilyar na pakiramdam mula sa akin.Nakakatawa lang isipin pero kahit alam niyang ibang tao ako ay parang may parte pa rin sa kanya na naguguluhan. At ngayon na sa tuwing nakikita niya akong malapit sa ibang lalaki, parang natatapakan ang pride niya bilang isang lalaki.Noon ay kitang-kita ko kung paano sila magyakapan ni Nica sa harapan ko. Lagi nilang ginagamit ang palusot na maganda ang samahan nila bilang magkapatid pero kapag ako ang nagpapakita ng kahit kaunting pagdududa ay ako ang nagmumukhang masama. Ako raw ang marumi mag-isip, ako raw ang may maling hinala, ako ang laging mali.Pero ngayon? Ako at si Vicento ang legal na mag-asawa. Mas lehitimo pa kami kaysa sa kanila noon.Kaya bakit hindi ko paglaruan ang sitwasyon? Bakit hindi ko ipakita kay Denver kung ano ang pakiramdam ng maging nasa posisyon ko noon? Kung paano masaktan nan

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 112 - Inggit?

    Mahimbing siguro ang tulog ko kanina kaya hindi inakala ni Vicento na bigla akong magigising.Nang magmulat ako ay napansin kong ang maputla niyang mukha ay parang nagulat din. Halatang hindi niya inaasahan na mahuhuli ko siya. "Narinig kong nagsasalita ka habang tulog. Akala ko binabangungot ka na kaya nilapitan kita."Halos hindi natural ang kanyang tono nang magsalita siya. Sa dami ng nangyari nitong nakaraang mga araw ay hindi na nakapagtataka kung pati sa panaginip ay hinahabol pa rin ako ng aking mga alaala. Pakiramdam ko ay hindi ako makaalis sa panaginip na iyon— isang bangungot na paulit-ulit na bumabalik.Napangiti ako nang bahagya at pilit na hindi ipinapahalata ang kaba sa dibdib ko. "G-Ganoon ba. A-Ano bang sinabi ko?"Pumintig ang takot sa loob ko. Baka may nasabi ako na hindi dapat."Parang takot na takot ka. Paulit-ulit mong sinasabing 'huwag mo akong patayin' o kung ano pa man." Lumapit pa siya sa akin may bandang gilid ng kama ko.Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Mu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status