LOGINPaano ko naman hindi malalaman? Para akong nanonood sa harap ng kamera habang nangyayari ang lahat— alam ko pa nga kung gaano katagal iyon tumagal.Handa na ang paliwanag ko. Tumikhim ako bago nagsalita. Kasingbilis yata ng bibig ko ang utak ko.“Sa aking palagay lang naman iyon. Pero mukhang tinraydor ka ng sarili mong bibig. Iyong gabi ng kasal ninyo ni Ria De Leon ang pinili ninyong gabi para gawin iyon ni Nica. Siyempre ikakasal ka na, talagang susulitin ninyo ang pagkakataon. Sigurado akong sa bagong kama ninyo sa bagong bahay ninyo iyon nangyari.”Natahimik si Denver sa sinabi ko. Sa katunayan, lihim ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Habang patuloy akong nagsasalita nang tila walang pakialam, lalo pang dumilim ang mukha ni Denver.“Nangyari na rin lang naman, bakit mo pa kailangang mag-alala sa sasabihin ng mga tao? Sa panahon ngayon ay normal lang naman isang lalaki ang magkaroon ng ibang babae. Naiintindihan ko.”Sa kalmado kong mukha, tinitigan niya ako nang malamig. “
Malambing akong tinitigan ni Vicento, at sa kanyang mga mata ay puno ng walang katapusang pag-ibig. “Malalaman mo rin sa tamang panahon.”Hindi pa rin niya binigay ang sagot, kaya para akong nabitin—may puwang sa dibdib kong hindi ko maipaliwanag.Matapos ang isang araw ng pag-uusap, sa wakas ay nagkasundo na ang dalawang pamilya sa mga kundisyon.Bagama’t napagpasyahan na ang kasal nina Nica at Marvin, may tinatago pa ring pakana ang pamilya Ocampo.Sila ang magbqbayad para sa seremonya ng kasal, ngunit hindi pipirma ng marriage certificate. Malinaw na nagpapanggap lang sila para sa panlabas na anyo.Kapag wala nang silbi si Nica, maaari nila itong itapon anumang oras.Sa simula pa lang, itinuturing ng lahat na isang pag-angat para sa pamilya De Leon ang kasal na ito, ngunit tinitingnan pa rin sila ng pamilya Ocampo na parang mga magnanakaw. Dahil dito, labis na nainsulto ang pamilya De Leon.“Ano’ng ibig sabihin ng pagpapakasal nang walang marriage certificate? Ano bang tingin ninyo
Bigla akong napatingin kay Vicento. Sino ang 'siya' na tinutukoy niya? Ako ba iyon?Napabuntong-hininga si Lolo. “Nakikita kong naging mapagpakumbaba ka sa loob ng maraming taon. Kahit sila ang may mali ngayon, kailangan mong magbigay-galang. Pagkatapos ng lahat, ang batang nasa sinapupunan niya ay may dugong katulad ng sa iyo. Kapag may nangyaring masama, alam mong delikado na ang kalagayan ni Denver ngayon.”Mahinahon nagsalita si Vicento. “Hindi pa man buo ang bata, paano natin malalaman kung anak nga iyon ni Denver? Bukod pa riyan, ang tumor at kidney failure ni Denver ay hindi pa malala. Fertile pa rin siya. Kung makontrol ang tumor at hindi na kumalat, makakahanap tayo ng mga nangungunang eksperto para operahan siya. Pagkatapos ng isa o dalawang taon na pagpapahinga, magiging maayos din siya.”Tinitigan siya ni Lolo Arnulfo. “Vicento, dati hindi ka ganito kaagresibo.”“Dahil dati, palagi akong umaatras at nagpaparaya— at dahil doon, si Ria De Leon ay namatay nang napakasakit. Sa
Habang papunta kami sa silid-aralan ng matandang don ay malakas ang kabog ng dibdib ko— parang noong bata pa ako at pinatawag ako ng guro sa opisina dahil may kasalanan ako. Ang bawat hakbang ay parang napakahaba.Si Vicento naman ay kalmado mula simula hanggang ngayon, walang kahit anong emosyon sa mukha, kaya walang makakahula kung ano ang nasa isip niya. Puno talaga ng misteryo ang lalakeng ito.Pagkapasok namin ay inilapag ng katiwala ang tsaa at mga meryenda bago tahimik na umalis saka isinara pa ang pinto nang makalabas siya.Itinuro ni Lolo Arnulfo ang sala habang nakatingin sa akin at nagsalita. “Umupo ka.”Hindi ako naglakas-loob umupo dahil medyo kinakabahan pa rin ako sa harap niya. Baka maihi pa ako. “Papa, tatayo na lang po ako.”Matagal niya akong tinitigan bago siya nagsalitang muli. “Wala pa akong sinasabi pero bakit parang may kasalanan ka?”Napalunok-laway pa ako. Namura ko pa tuloy ang sarili sa aking isipan. Sa kanya yata namana ni Vicento ang pagiging intimidating.
Matapos ang insidente kagabi, napuno ng galit si Edmund kay Marvin at kasunod nito, kay Sofia. Sadyang pinatindi ko ang kanyang galit. Bagama’t si Sofia ay anak sa labas, mas nakatanggap siya ng pagmamahal at pag-aaruga kaysa kay Ria Canlas na isang lehitimong anak mula pagkabata pa. Pinalaki siya ni Edmund na parang anak ng mayamang pamilya, ngunit hindi niya alam na kusang ibababa ni Sofia ang sarili sa mababang estado dahil lang sa isang hangal na lalake.Sa paraan ng pagtrato ni Edmund sa kaniya, puwedeng mapakasalan ni Sofia ang isang disenteng lalake. Ngunit naghintay siya na magdiborsyo ang isang hangal at dahil walang anak na lalaki ang pamilya Canlas, nais pa niyang itaguyod ang lalake na iyon para magmana sa angkan. Paano hindi magagalit si Edmund?Sa galit niya, sinumpa pa niya ang ina ni Sofia. Alama naman ng lahat na ang kabit ay ang minamahal niya, kaya maiisip mo kung gaano siya nagngangalit ngayon. Si Marvin na kanina’y nanghihinaang nagsasalita kay Sofia, ngayon ay ta
Mula nang bumalik si Nica sa pamilya namin ay ilang beses na akong natalo sa kaniya, ilang beses niyang inapi ng walang kalaban-laban. Ngayon, ako ang nanalo, at magbabayad siya nang mabigat. Ang pag-aasawa sa mapanganib na pugad ng pamilya Ocampo ay isang malaking parusa sa kanya. Gusto ko lamang makita kung ano ang kaya niyang gawin nang wala ang proteksyon ng pamilya De Leon.Tinitigan ako ni Nica nang may poot. “Ria Canlas, walang sinuman ang laging nananalo.”“Sinasabi ko sa’yo ito, Nica, kapag may ninakaw ka, kailangan mong bayaran iyon. Binibigyan kita ng taos-pusong pagbati sa pagpapakasal mo kay Marvin.” Pagkatapos ng makabagbag-damdaming pahayag na iyon, ngumisi ako at umalis, hindi na siya muling nilingon.Si Nica ay tuso at bihasang mandaragit. Hindi siya mayabang o padalos-dalos, dahan-dahan niya akong itinutulak sa sulok, at dahan-dahang sumasama sa loob ng mga pamilya De Leon at Victorillo. Kung hindi ako nabuhay muli, maaaring nagpatuloy siya sa dati niyang landas at n







