로그인Magulo nang kaunti ang kuwelyo ng kanyang damit dahil sa kakulitan ko, at bahagyang nakalantad ang kanyang collarbone.Lalo na nang tumayo siya nang mataas at elegante sa harap ko, doon ko nakita kung gaano kahaba ang mga binti niya—wala naman pala talagang diperensiya ang mga ito.Bagama’t alam kong may dahilan siya sa ginagawa niya, medyo nainis pa rin ako. Ang ingat-ingat ko pa naman noon, takot na masaktan ko ang pride niya kaya hindi ko siya hinahawakan o tinatanong tungkol dito. Tapos nakakalakad pala siya.Kahit sa dilim, itaas na bahagi lang ng katawan niya ang nahawakan ko.“Vicento, ang laki mong sinungaling!”Inabot niya ang binti ko at iniangkla iyon sa baywang niya, saka siya yumuko para idikit ang katawan niya sa akin.“Ria, patawad. May dahilan ako kung bakit ko ginawa ito. Hindi ko intensyong lokohin ka,” pagpapaliwanag niya. "Pangalawang beses ko na itong pinakita sa iyo, pero lasing ka noong una. Kaya marahil ay hindi mo maalala."Napaisip ako kung kailan ang unang
Nakaupo pa rin ako sa kandungan ni Vicento, nakayakap sa leeg niya. Ang shawl ko, na kalahati nang nahulog, ay nasa paanan na namin. Sa ganito kalapit na distansya, dama ko ang pagbabago sa katawan niya, at lalo akong kinabahan.Naalala ko pa ang nangyari noong gabing iyon— hawak pa lang niya, halos hindi ko na makontrol ang sarili ko. Hindi ko tuloy maisip kung ano kaya ang mararamdaman ko kung tuluyan na talagang mangyari ang bagay na iyon.“Medyo handa naman pero hindi pa ganoon, natatakot pa ako,” bulong ko.Hinaplos niya ang pisngi ko, banayad at puno ng lambing. “Baby, hindi mo ba ako kamumuhian dahil sa mga paa ko?”Noong pinili kong pakasalan siya, bukod sa paghihiganti, naisip kong mas mabuti nang may kapansanan siya para hindi niya ako gagalawin. Sino ba namang mag-aakalang hahantong kami rito? Na malalaman niyang ako talaga si Ria De Leon at malalaman ko ring matagal niya na pala akong lihim na minamahal, na siya pala talaga ang nagligtas sa akin noon. Para bang ang tadhana
Matapos masangkutan ng sunod-sunod na dagok, mas tahimik na ngayon ang pamilya De Leon kaysa dati. Si Mama Sandy lang ang naging masigla nang lumapit si Officer Ramirez.Si Edmund na wala ring kaalam-alam sa nangyari, ay napakunot-noo. “Sigurado ba kayo? Hindi ba kayo nagkakamali? Wala namang anumang ugnayan ang anak ko kay Stephen De Leon.”Maging si Mama Sandy ay nagduda rin. “Tama iyon, hindi ba’t sinabi ninyong aksidente lang? Bakit biglang naging murder?”“Saka na namin malalaman ang resulta kapag nakipagtulungan si Miss Sofia Canlas sa imbestigasyon. Sige na, Miss Sofia Canlas, sumama na po kayo sa amin.”Napatitig si Edmund kay Sofia na halatang takot na ngayon.“Papa, wala akong kasalanan! Hindi ako pumatay ng tao! Hindi ko nga kilala si Stephen De Leon!”Diretsong dinala siya ni Officer Ramirez.Hindi siguro inakala ni Sofia na pagkatapos niyang magpasikat at bago pa man niya malasap ang tagumpay, mangyayari ito. Ang handaan ni Edmund ay tuluyang naging katatawanan, medyo nak
Nabasa ni Edmund ang iniisip niya. Ayaw niyang mapahiya ang anak, kaya tinapunan niya ng tingin si Sofia. “Ano na namang kaguluhan ’yan? Umuwi ka na.”Naramdaman ni Sofia ang inis. Dati kasi, ako ang sinasabihan ni Edmund nang gano’n, hindi siya.Mas lalo siyang nainis. “Ibig bang sabihin, hindi marunong tumugtog ng violin ang panganay na Miss Canlas natin? Nakakatawa naman.”Ngumiti ako nang bahagya. “Oo, hindi ako gaanong magaling sa violin.”Narito ngayon si Nica, at siguradong binabantayan niya ang bawat kilos ko.Noong huli, lumampas ako sa dati kong kakayahan dahil binago ko ang estilo ko. Pero sa violin, mahirap baguhin ang ilang lumang habits.Hindi ko ilalantad ang sarili ko sa harap niya, pero hindi ko rin palalampasin si Sofia—itong tipaklong sa taglagas na todo ang talon sa harap ko.Ngumiti siya nang mayabang. “Papa, ang bait naman ng sister ko. Hindi niya kailangang matuto ng kahit ano. Papaganda-paganda lang at mag-aasawa. Ako, ang dami kong kailangang aralin pero hindi
Tinignan ko siya nang masama. “Anong pakialam mo kung tatawagin ko siyang ganoon? Huwag mong kalimutan kung sino ka at saan ang lugar mo.”Nakaramdam si Denver ng pait. Bago pa siya makapagsalita, ibinaba ko ang boses ko at sinabi sa paraang kaming dalawa lang ang nakaririnig, “Huwag mong kalimutan, ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ’to.”Kahit ano pa ang nararamdaman niya—galit man o pagsisisi—hindi na talaga kami posibleng maging magkasama.Nag-alinlangan si Denver, marahil naaalala ang mga nagawa niya sa akin noon. Dumilim ang kanyang mga mata.Bumulong pa ako, “Huwag mo akong titigan nang ganyan. Gusto mo bang mamatay akong muli?”Nagising ang konsensya niya sa salitang ‘mamatay’.Hindi na siya naglakas-loob na manatili malapit sa akin. Kinuha niya ang baso ng alak at umalis, at kahit likuran niya ay mukhang kawawa.Pero kagagawan niya iyon.Pagkaalis niya, tumingin sa akin si Vicento.Sa tabi niya, para akong batang walang problema sa mundo.Umikot ako sa harap niya, hawak ang l
Hindi nag-atubili ang mga mata ng mama ko. “Ria, ayokong biguin ulit ang Tito Michael mo. Minsan na akong naging malambot noon. Tinanggap ko ang kapalaran ko bilang asawa ni Edmund, pinili kong isilang ka, at mabuhay na parang isang buong pamilya. Akala ko, lilipas ang panahon at mawawala ang pagmamahal ko kay Michael, na matututunan kong mahalin ang ama mo. Pero dumating ang balitang buntis si Susan. Ria… binigyan ko ng pagkakataon si Edmund sa kabila ng lahat ng iyon.”Napapikit siya at bahagyang nanginginig ang kaniyang marurupok na pilik-mata. “Simula noong araw na ‘yon, namatay na ang puso ko. Sa pagkakataong ito, gusto kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataon. Gusto kong mabuhay para sa sarili ko.”“Sige, Mama. Kahit ano ang desisyon mo, susuportahan kita. Nag-hire na si Vicento ng abogado para mangalap ng ebidensya. Maghintay lang tayo nang kaunti; hindi pa tamang panahon para mag-file ng divorce.”“Sige.”Pinakalma ko si Mama at napabuntong-hininga ako. Nang hapon na ‘yon, dum


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




