Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 37 - Mga Posibilidad (Part2)

Share

Chapter 37 - Mga Posibilidad (Part2)

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-02-24 02:28:38

Nang makaalis na ang detective at napaupo muli si Denver sa may hardin.

Kagabi lang ay bumuhos ang malakas na ulan. Naamoy ko pa ang sariwang halimuyak ng mga dahon at lupa. Parang binasbasan ng ulan ang buong mundo, nilinis ang lahat, at pinakintab ang mga bagay na natakpan ng alikabok.

Napatingin si Denver sa puno sa harap niya. Namumulaklak na iyon pero ang kanyang tingin ay tila malayo— parang may hinahanap siyang sagot sa pagitan ng mga sanga. At may isang swing ang nakasabit doon. Tumayo si Denver at nilapitan iyon.

"Sir, mukhang hindi maganda ang lagay ninyo. Gusto niyo bang magpahinga muna? Ipapaalam ko kaagad sa inyo kung may balita na," alok ni Kevin.

Mahigpit na hinawakan ni Denver ang kapitan ng swing habang nasa malayo ang tingin. "Dati ay mahilig si Ria umupo rito para magpaaraw."

Kita sa mukha ni Kevin ang pagsubok niyang pakalmahin ito. "Oo nga, noon ay napakaganda ng pagsasama ninyo. Naaalala ko pa na habang nakaupo siya rito ay kayo naman ang nagtutulak ng swing."

N
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 75 - Wala Na Bang Puso (Part2)

    Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 75 - Wala Na Bang Puso? (part1)

    Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 74 - Guni-guni

    Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 73 - Karma Mo Iyan Denver!

    Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 72 - Hindi Pa Rin Naniwala

    Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 71 - Rebelasyon

    Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status