Noong una ay ayaw naman talaga ni Tito Danilo kay Monica dahil nga hindi niya naman ito kadugo at mas lalong hindi naman kaano-ano ng pangalawang asawang si Aurora. Pero nag-iba na ang pakikitungo niya kay Monica nang malamang isa siyang De Leon.
Pero kung ikukumpara naman sa akin ay mas matimbang pa rin ako kumpara kay Monica— mas pinipili pa rin ako ni Tito Danilo. "Ha? Ano?" gulat na tanong ni Tito Danilo. "Saan naman siya nagpunta? Bakit kasi hindi ka muna nag-isip bago mo siya iniwan sa altar! Tapos ngayon ay magkakaganyan ka? Ano ito lokohan!" "A-Alis na muna ako papa..." natatarantang paalam ni Denver. "Sasama ako, kuya!" Habang nakatingin ako sa reaksyon ni Denver ay parang gusto ko siyang pagtawanan. Huli na ang lahat para mataranta. ---- Kasalukuyan kaming nasa police station. "Ano bang nangyayari, sir?" kaagad na tanong ni Denver sa pulis. "May isang wedding dress na lumulutang kanina sa ilog na nasa Verde Park," sagot naman ng pulis. "Akala ng mga taong nag-jo-jogging doon ay isa iyong bangkay kaya ni-report nila kaagad iyon. Nang puntahan namin iyon ay napag-alaman naming wedding dress iyon ng asawa ninyo, Mr. Victorillo." Hindi na ako magtataka kung paano nila nalamang akin ang wedding dress na iyon. Napapalibutan kami ng media kahapon sa kasal namin at halos lahat ng bisita namin ay mga bigating tao sa buong syudad at maging sa labas man ng syudad. "Bukod ba sa wedding dress ay may iba pa kayong nakita?" singit na tanong ni Monica. "Wala na," tipid na sagot ng pulis habang nakatingin kay Monica. "Hindi niya naman siguro tinapon iyon para galitin ka lang, kuya?" tanong pa ni Monica kay Denver bago muling binalik ang atensyon sa pulis. "Kilala po namin ang kapatid kong iyon, sir. Lagi siyang ganito, gumagawa ng palabas o kadramahan. Magaling mag-imbento ng kwento. Wala kaming oras para sakyan ang pakikipaglaro niyang ito." Kumunot naman ang noo ng pulis. Nabasa ko ang pangalang Paul Ramirez sa name plate na nasa mesa niya. Halata sa mukha ni Sir Ramirez ang pagkainis. "Sino ka naman?" "Kapatid ko si Maria Samantha De Leon-Victorillo," pagpapakilala ni Monica sa sarili. "Masyadong tuso ang kapatid kong iyon. Noong limang taong gulang nga ako ay nilinlang niya ako para sumama ako sa kanya. Pagkatapos ay tinulak niya ako sa ilog para malunod ako. At ngayon na nakabalik na ako sa ilang taon kong pagkawalay sa kanila ay ginawan niya ako ng mga negatibong kwento. Pinapakita niyang kaawa-awa siya para makuha ang loob ng lahat." "Hindi ako ganoon! Hindi kita tinulak!" galit kong sigaw dahil sa lahat ng kasinungalingan niya— pero ako lang ang nakakarinig sa sarili kong hinagpis. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang ipinaliwanag ang lahat. Pero lagi na lang si Monica ang biktima at wala man lang naniwala sa akin. Kaya ngayon ay inaasahan ko nang mapapaniwala niya rin si Sir Ramirez, pero ni hindi nagbago ang paraan ng pagtingin niya kay Monica— tila kumikilatis. "May nakita kaming dugo na halos nagkalat sa wedding dress. Kaagad namin iyong pinasuri at ang dugong iyon ay pagmamay-ari nga ni Mrs. Victorillo. May nakita rin kaming dalawang butas sa wedding dress. Ayon sa pag-iimbestiga namin ay maaring sinaksak siya habang nakatalikod at sinegundahan naman ng saksak nang humarap na siya," mahabang paliwanag ni Sir Ramirez. "Sa madaling salita ay may saksak siya sa likod at meron din sa tagiliran... kaya duda namin ay pinatay nga si Mrs. Victorillo." Kaagad na dumako sa mukha ni Denver ang atensyon ko. Bigla siyang namutla na para bang tinakasan ng kaluluwa ang katawan niya. Ngumisi ako. "Naalala mo pa ba kung anong sinabi ko noong tumawag ako sa iyo? Ha, Denver? Humingi ako ng tulong sa iyo!" Pero ano? Ni hindi mo man lang ako pinuntahan at nagpakasasa sa katawan ng kapatid ko! Kaya huwag mo akong bigyan ng ganyang reaksyon! "Imposible!" umiiling na saad ni Monica. "Marahil ay may malalim na rason kung bakit siya pinatay. Kung dahil sa pera iyon ay sana kinuha na lang ng suspek ang wedding dress. Milyones ang halagay niyon at napapalibutan pa iyon ng mga dyamante. Pero bakit tinapon iyon ng suspek sa ilog? Kung panggagahasa naman ang motibo ng suspek ay dapat tinanggal niya ang dugo sa wedding dress dahil malaking ebedensya iyon. Isa pa kung pinatay niya nga si ate, bakit ang katawan lang ang dinala niya at iniwan ang wedding dress? Hindi nagkakatugma ang lahat!" "O-Oo nga!" Para bang biglang nabuhayan ng loob si Denver matapos marinig ang mga sinabing iyon ni Monica. "Wala ba kayong ibang nakita sa crime scene? Mga clue o ebendensya para mahanap ang suspek? Gaya ng cellphone niya, ang suot niyang sandal, o ang medyas, o kahit na anong personal niyang gamit? Kahit ang ginamit na lang sa pagsaksak?" "Wala pa sa ngayon..." tipid na sagot ni Sir Ramirez. "Sa palagay ko ay sinadya ni ate na hubarin ang wedding dress niya. Binutas iyon gamit ang kutsilyo para magmukhang sinaksak siya. Pagkatapos ay nilagyan niya ng sarili niyang dugo iyon bago tinapon sa ilog. Sisiw lang sa kanya na gawin ang mga bagay na iyon," mahabang litanya ni Monica. "Lahat ay gagawin niya para lang pumabor ang lahat sa kanya. Pero ngayon ay pati ang mga pulis ay dinamay niya sa walang kwenta niyang laro!" Boses iyon ni mama. Pinapunta rin pala sila rito. Nang tanungin sina Mama, Papa, at Kuya ay parehas lang sila ng mga sinabi. Naging magulo na ang lahat. "Kumalma lang po kayo, Mrs. De Leon," mahinang saad ni Sir Ramirez. "Kumalma?" sarkastikong tugon naman ni mama. "Paano ako kakalma kung iyong pinakamamahal kong anak na babae ay wala man lang utang na loob at binalak pang patayin ang bunso niyang kapatid!" "Sir, abala kaming mga tao," singit naman na sabi ni Kuya Mark habang nakatingin sa suot niyang relo. "Pinatawag lamang ninyo kami rito sa presinto para sa isang walang kwentang bagay?" Napaatras ako mula sa kanila. Ang sakit marinig ang lahat ng iyon mula sa pamilyang minahal ko nang sobra at pinahalagahan na higit pa sa buhay ko. Sa mga panahong sila ang naging kakampi ko, bakit bigla na lamang silang naging ganito? Pakiramdam ko ay hindi ko na sila kilala. Ano bang nagawa kong mali para tratuhin nila ako nang ganito. Halos nabigla ang lahat ng mga pulis na nakarinig sa mga sinabi nila. Hindi na nakatiis ang isang pulis at nagsalita na. "Anak at kapatid ninyo ang nawawala. Maaring nagpakamatay siya o hindi naman kaya ay pinatay. Hindi man lang ba kayo nag-aalala para sa kanya?" "Kilala ko ang anak kong iyon! Masyadong mataas ang pride niya at hinding-hindi siya magpapakamatay. Isa pa, pinakasalan siya ng isang Victorillo kaya sino namang magtatangka sa buhay niya? Huwag na kayong mag-aksaya ng oras sa kanya. Baka nasa isang tabi lang siya at tumatawa na iyon marahil ngayon," mahabang litanya ni mama. Ganito ang tingin sa akin ng sarili kong ina. "May meeting pa ako kaya mauna na akong umalis," paalam ni Kuya Mark. "Ako nga ay hindi pa natapos sa pagpapalinis ko ng kuko," saad naman ni mama. "Nasayang lang ang oras ko sa pagpunta rito!" "Hala! Ang ganda naman ng kuko ninyo, mama!" papuri ni Monica at kaagad na hinawakan ang kamay ni mama. "Saan po kayo nagpalinis?" "Isasama kita roon mamaya para malinisan na rin iyang kuko mo," sagot naman ni mama. "Kung naging mabait lang ang ate mo, hindi sana ako magkaka-wrinkles! Maryosep!" Lahat sila ay nakaalis na, maliban kay Denver na nakatingin lang sa kawalan— walang sinasabi. "Tinawagan ka ba ng asawa mo bago siya nawala, Mr. Victorillo?" tanong ni Sir Ramirez. "Nalaman ko rin kasing umalis ka sa gitna ng seremonyas ng inyong kasal kahapon. Maaaring hindi niya kinaya ang kahihiyan at sakit kaya nagpakamatay siya? Kung may alam kayo, ipagbigay-alam po ninyo sa amin para makatulong sa imbestigasyon." "Paano ninyo nasasabi ang mga bagay na iyan? Ni hindi pa nga ninyo nakikita ang katawan niya, tapos sasabihin ninyong nagpakamatay siya o hindi naman kaya ay pinatay!" galit na saad ni Denver. "Asawa mo ang pinag-uusapan dito, Mr. Victorillo!" Hindi na rin nakapagpigil si Sir Ramirez. Tumayo si Denver at galit na hinarap si Sir Ramirez. "Kung ganoon ay hanapin muna ninyo ang katawan niya bago kayo mag-file ng imbestigasyon!" Wala ka talagang puso Denver...Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab
Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"
Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a
Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n
Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako
Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila