Sa huli ay hindi pa rin naniwala si Denver sa mapait na sinapit ko. Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya nang makaupo na siya sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay tinawagan niya na naman ang numero ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya habang sinasabing "can not be reach" ang numero ko.
Nang hindi siya magtagumpay na matawagan ako ay binuksan niya kaagad ang Chatters. Kitang-kita ko ang pangalan ni Monica na nasa pin message. May emoji pa na puso ang pangalan ni Monica. Dati naman ay pangalan ko ang nasa pin message niya— ngayon ay hindi na. Dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman kong pinalitan niya ang pin message niya at si Monica nga iyon. Dati ay nakakainis na babae ang pinangalan niya sa kontak ni Monica pero biglang napalitan ng Nica. Nang tanungin ko siya tungkol doon ay makikita sa mga mata niya ang labis na konsensya. Paliwanag niya ay... "Nasa block list ko talaga siya. Pero tinanggal ko iyon doon kasi noong nakaraan na muntik nang may mangyaring masama sa kanya at walang tao sa bahay. Muntik na siyang mamatay noon." Nang mga sandaling iyon ay hindi ko pinahalata na hindi ako nakuntento sa paliwanag niya. Bagkus ay sinabi ko ang kung anong nasa isipan ko. "Hindi na lang siya basta stepdaughter ng pamilya ninyo. Dahil ngayong nalaman na ng lahat na siya ang nawawala naming kapatid— parte na siya ng pamilya De Leon, may mga kapatid siya at higit sa lahat ay maraming katulong sa bahay, maraming nakabantay sa kanya. Kaya hindi iyon basta masisisi sa iyo kung wala ka mang gawin." Tahimik lang siya ng mga oras na iyon. Hindi pa ako nakuntento at lumapit pa ako lalo sa kanya saka bumulong. "Isa pa ay inis na inis ka sa kanya noon, hindi ba? Anong nangyari at bakit parang bigla ka na lang yata nagkaroon ng pakialam sa kanya ngayon?" Nahalata ko namang nataranta siya at hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko. Para mawala siya sitwasyong iyon ay tinaasan niya ako ng boses. "Kapatid mo si Nica, Ria! Ano bang nagawang niya sa iyo para tratuhin mo siya nang ganyan? Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon! Kung wala kang pakialam sa kanya, hindi na rin ba pwedeng magkaroon ng pakialam ang ibang tao sa kanya?" Simula noong nakabalik si Monica sa amin ay lagi niya na akong pinupuntirya. Magaling siyang umarte na nagagawa niyang gawin akong masama lagi sa paningin ng lahat. Kahit sarili kong pamilya ay galit na rin sa akin at isa raw akong malupit na kapatid. Kaya sa mga oras na iyon na nagtatalo kami ni Denver ay hindi ko na alam kung paano pa dipensahan ang sarili ko. Akala ko kakampi ko siya. Halos sabay kaming lumaki at sa lahat ng tao ay siya itong dapat na nakakakilala sa akin. Napagtanto kong bigla na lang siyang nagbago— hindi na siya ang Denver na nakilala ko. Nakatingin siya sa akin gaya ng mga tingin ng mga taong puro pangungutya ang itinatapon sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa mga mata niya. "Bakit? Ano bang trato ko sa kanya? Ako? Walang pakialam?" Napansin niyang malapit nang tumulo ang mga luha ko kaya ay biglang lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha. Hinila niya ako at niyakap. "Sorry na. Pin message lang naman iyon, ibabalik ko rin iyon sa dati. Huwag ka nang umiyak." Kaagad niya namang binalik ang pangalan ko sa pin message at pinakita niya iyon mismo sa akin. "Ano? Okay na ba?" tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Tanga pa ako nang mga sandaling iyon kaya kinilig ako sa ginawa niyang iyon at hindi na napigilan ang mapangiti. Halata na ang pagbabago ni Denver pero ako lang itong nagbulag-bulagan. Ngayon na nakita ko na namang si Monica na ulti ang nasa pin message niya ay wala ngang duda na mas matimbang ang kapatid ko kaysa sa akin. Nabalik ako sa kasalukuyan nang makitang may hinahanap siya sa Chatters— at ang pangalan ko iyon. Pinindot niya ang conversation namin at nakita ko ang location na pinasa ko sa kanya pati na rin ang mga huling mensahe ko bago ako nalagutan ng hininga. Nagtipa siya ng mensahe para sa akin. "Mag-usap tayo, Ria." Nakatitig lang si Denver sa cellphone niya. Hinihintay marahil na mabasa ko ang mensahe niya o ang sagot ko roon. Hindi na siya nakatiis at nagtipa muli ng mensahe para sa akin. "Saan ka ba ngayon, Ria? Sinabi ko naman sa iyo na tama na ang pag-imbento ng mga walang kwentang kwento! Ano pa ba ang kulang? Kasal na tayo! Bakit ba pinahihirapan mo si Nica? Hindi mo ba alam na galit na galit siya kahapon? Kung uuwi ka na ngayon ay kakalimutan ko ang ginawa mong palabas!" Matapos niyang ipadala ang mensaheng iyon sa akin ay hinagis niya sa gilid ng inuupuan niya ang cellphone niya. Nataranta naman ang assistant niya na kanina pa nakikiramdam habang nakaupo sa driver's seat. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala kaya marahan siyang nagsalita. "Sir, sa tingin ko ay matino naman kung mag-isip si Miss Ria. Hindi nga po siya nagalit kahapon nang basta na lamang po ninyo siya iniwan sa altaw. Imposible naman pong gumawa lang siya ng palabas na pati mga pulis ay masasangkot. Paano kung hanapin na lang natin siya, sir?" Mabuti pa itong assistant niya, may kwentang mag-isip. Samantalang ito si Denver— "Bakit? Kilala mo na ba talaga siya para mag-isip ka ng ganyan?" "Hindi naman po sa ganoon, sir," nakayukong tugon ng assistant niya. "Naaawa lang po ako kay Miss Ria." "Awa?" sarkastikong tanong ni Denver. "Lagi na siyang ganito. Laging pabida. Gusto niya nasa kanya ang lahat ng atensyon. Kung wala ka namang gagawin, pumunta ka sa parke at hanapin mo roon ang katawan niya— namatay nga raw siya, hindi ba?" Nagbago na nga siya. Hindi na siya ang Denver na nakilala ko noon. Walang puso ang Denver na nakikita ko ngayon.Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab
Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"
Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a
Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n
Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako
Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila