Mag-log inHindi ko sinadyang tuksuhin siya, ngunit eksaktong pareho ang nangyari tulad noon.Ngayon nga lang, siya ang nakahiga sa sahig—dumudugo at nagmamakaawa—habang ako ang nakatayo sa ibabaw niya, nakatitig nang mabuti sa kanya.Siyempre, hindi magiging kasing-arogante at mapanghamak ang ekspresyon ko tulad ng sa kanya noon, nang pinagtatawanan niya ako habang dumudugo at sinisikap akong pigilan na makagapang palabas.“Anak ko… anak ko… Ria, pakiusap, iligtas mo ang anak ko!”Ibinalik niya ako sa reyalidad. Pinindot ko ang call button, at agad na dumating ang mga paramedic upang tulungan siya. Nakauwi na si papa, at ang dalawang kapatid ay abala pa sa pag-aayos ng malaking gulong idinulot ni Nica.Sa sandaling iyon, nag-iisa na lamang siya.Pinanood ko siyang ipasok sa emergency room, habang naiwan sa sahig ang isang malaking bahid ng matingkad na pulang dugo. Hindi ko namalayang hinawakan ko ang ibabang bahagi ng aking tiyan, paulit-ulit na naaalala ang araw na nawala ang anak ko.“Ria.”
Pinanood ko lamang mula sa gilid ang lahat, at pakiramdam ko ay nakakatawa ng eksena.Napakalinaw pa rin sa isip ko ang tagpo kung saan ang pamilya De Leon at si Denver ay sabay-sabay na umatake sa akin para protektahan si Nica.Gaano na ba katagal ang lumipas? Ngayon ay wasak na ang pamilya De Leon, at maging ang kapatid niyang dating pinakanagmamalasakit sa kanya ay siya na ring pinakakinamumuhian siya.Tunay ngang hindi mahuhulaan ang takbo ng buhay.Gaano kaya karami sa mga luha ni Nica ang tunay?Nagpakulay pa ng itim na buhok ang kanyang ama para sa kasal niya at nagsuot ng elegante at pasadyang suit, ngunit hindi pa rin nito natakpan ang kanyang pagod at nanghihinang anyo.“Sige na… sige na. Gawin ninyo kung ano ang gusto ninyo.”Matagal nang wala sa kanyang kontrol ang lahat ng nangyayari; ngayon ay puro pagkadismaya na lamang ang nararamdaman niya sa anak na dati niyang pinangarapang paglaanan ng napakaraming pag-asa.Hindi nagtagal ay naihanda na ng doktor ang lahat para kay
Lumapit ako kay Vicento, at nang mas malapit na ako ay saka ko lang napansin si Raul na nakahandusay sa paanan ko, naliligo sa dugo at hindi pa nagagamot ang kanyang mga sugat.Mas malala pa ang hitsura ng kanyang mga sugat kaysa noong nasa event; malamang ay kinaladkad siya sa isang liblib na sulok at muling binugbog matapos umalis ang mga pulis.Halos kalahati na ng buhay niya ang nawala, nakahiga roon nang hindi gumagalaw, parang patay na.Nagkunwari akong nagulat.“Diyos ko, patay na ba siya? Ang dami ng dugo, nakakatakot!”“Hindi pa patay, humihinga pa,” tamad na sagot ni Mrs. Ocampo habang nilalaro ang bago niyang manicure.“Paano mangyayari iyon? Paano kung mamatay siya? Kailangan nating maghanap ng doktor para suriin siya.”Hindi ko siya hahayaang mamatay nang ganoon kadali. May utang siya sa akin, at hindi pa niya iyon nababayaran.Sinulyapan ako ni Mrs. Ocampo.“Mrs. Victorillo, napakabait mo naman. Bakit mo pa hahayaang mabuhay ang isang mangangalunya hanggang sa Bagong Tao
Balak ko sanang sabihin kay Mama ang tungkol kina Susan at Samuel, pero naabutan na ako ni Edmund, kaya nilunok ko na lang ang mga salitang iyon. Hindi pa iyon ang tamang oras para sabihin kay Edmund. Nagkaroon na rin siya ng damdamin para kay Sofia matapos ang maraming taong pagsasama. Maaaring talikuran niya si Susan, pero hinding-hindi niya basta iiwan si Sofia.Kung sasabihin ko iyon sa kanya, kukuwestiyunin lang niya ako.Paano maihahambing ang ganoong klaseng tao sa isang taong may hindi mapapabulaanang ebidensya—nahuli mismo si Susan sa akto?Gusto kong ipakita sa kanya kung paanong ang babaeng pinrotektahan niya sa loob ng dalawampung taon ay pinaglalaruan at pinasasaya ng ibang lalaki, at tuluyang guguho ang mundong pinaniwalaan niya.“Asawa, ayos ka lang ba?” pagmamadali niyang tanong pagpasok.Hinaplos ko ang kamay ni Mama. “Huwag ka munang lalabas sa mga susunod na araw, mag-ingat ka.”Nahulaan na ni Mama ang nangyayari at mabilis na tumango nang masunurin. “Alam ko.”Mata
“Nica!” nerbiyosong sigaw ni Carlos, dahil masyadong malayo siya upang agad na maprotektahan si Nica.Sa sandaling iyon, may isang matangkad na pigurang sumugod pasulong, si Raul iyon.Halos tuluyan nang napunit ang maskara ni Nica, at wala na siyang dahilan para magtago pa. Sa huling sandali, itinapon ni Raul ang sarili niya sa ibabaw ni Nica upang saluhin ang atake.Tumama ang sipa ni Sofia sa kanyang likod.Nang makita ko ang eksenang iyon, wala akong naramdamang kahit kaunting kasiyahan.Kay lupit talaga ni Raul! Noong pinatay niya ako, malinis at walang pag-aalinlangan ang pasok at labas ng kutsilyo.Gaano ba kalakas ang sipa ni Sofia kumpara roon?Sa buong panahon, ako ang naloko ni Nica at ngayon, sa wakas, siya naman ang tinatamaan ng sarili niyang kapalaran.Tungkol naman kay Nica, dahil sa malaking “isda” na nasa likuran niya, nag-atubili kaming kumilos noon kaya hinayaan siyang makaligtas hanggang ngayon.Ngunit sa sandaling ito, ginising ni Raul ang malalim na pagnanais ko
Mas mabigat pa ang dating ng mga salita ni Sofia kaysa kanina. Parehong matagal nang kilalang mayayamang angkan ang mga pamilyang De Leon at Ocampo, at si Nica ay palaging kilala sa kanyang mahinahon at mapagbigay na ugali.Isa siyang tanyag na sosyalita sa kanilang sirkulo, at pinaghirapan niyang linangin ang isang napakagandang reputasyon.Maraming mayayamang babae ang ginagawa siyang huwaran sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na babae, hinihikayat silang tularan si Nica.Ngunit ngayon, tuluyang gumuho ang kanyang imahe.Noon, ginagamit niya ang aking mga sugat upang iangat ang sarili niyang kabaitan; ngayon, mas matindi pa ang balik na parusang kanyang haharapin kaysa sa dinanas ko.Umalingawngaw ang bulungan ng mga tao:“Imposible! Paano magagawa ni Miss Nica ang ganoong bagay?”“Kung nagawa niyang magtaksil, bakit hindi?”“Masyadong magaan ang dalawang sampal ni Marvin; sa tingin ko dapat binugbog siya hanggang mamatay.”“Ang mundong ito ay parang isang malaking palabas—katawa-t
Laging sumasakit ang tiyan ni Denver. Sa unang pagsusuri ay lumabas lang na may ulcer siya pero dahil hindi ito naalagaan nang maayos ay maaari itong maging canser.Pinaglaanan ko siya ng oras at pagod noon pero isang taon na ang nakalipas ay tumigil na akong intindihin ang kalusugan niya. At sa lo
Tapos nang lagyan ng gamot ni Vicento ang paso sa kamay ko. Noon ay hindi ko naiisip ang isang bagay na ganito.Lumalabas na hindi naman siya ganoon kalamig at ang dating tinatawag kong uncle ay asawa ko na ngayon.Magagalit kaya siya sa akin kapag nalaman niyang si Ria— ang babaeng iniyakan niya s
Natigilan si Nica sa sampal at hindi siya kaagad nakabawi. Normal lang na mabigla siya. Sa nakalipas na mga taon ay maayos at magaan ang naging buhay niya. Samantalang ako ang palaging pinapailalim at sinasampal.Sino ang mag-aakala na ngayon ay ako mismo ang haharang sa kanyang daraanan at iiwanan
Bagaman hindi sang-ayon ang pamilya De Leon sa desisyong ito, hindi maaaring kwestyunin ang awtoridad ni Lolo Arnulfo. Kahit si Tito Danilo ay walang magawa. Magulo ang kanyang nararamdaman. Sa isang banda ay ayaw niyang ipakasal si Nica kay Denver dahil wala naman siyang mapapala kay Nica. Pero sa







