Share

Chapter 66 - Ebedensya

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-02-27 04:21:33

Matagal ko nang narinig ang usap-usapan na may isang babaeng matagal nang nasa puso ni Vicento— isang babaeng matagal na niyang minamahal. Paano ba magiging karapat-dapat sa kanya ang isang bulag at naging tanga na tulad ko?

Kahit pa hawak ni Vicento ang kapangyarihan at kayamanan, alam kong sa mata ng pamilya Victorillo at pamilya De Leon, isa siyang taong hindi kailanman magiging sapat.

Isang anak sa labas. Isang lumpo.

Pero hindi ko kailanman inisip iyon. Oo, si Vicento ay isang taong malamig at malayo ang loob sa iba, pero isa rin siyang taong may paninindigan at pananagutan. Lalo na ngayon, matapos kong makita ang lahat mula sa pananaw ng isang kaluluwa.

Mas lalong naging malinaw sa akin ang pagkakaiba nina Denver at Vicento. Sa totoo lang, gusto ko nang makita si Vicento na manalo. Kung si Denver ang mamumuno sa pamilya Victorillo, siguradong mapapahamak ito sa kamay ng isang hangal.

Tiningnan ni Vicento nang matalim si Nica, at malamig niyang binitiwan ang babala. "Hindi ko tit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 87 - Ang Muling Pagkabuhay (Part2)

    Nang paunti-unting nawawala ang liwanag ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Nilingon ko ang buong paligid at natagpuan ang sarili kong nakahiga sa isang bathtub. Pulang-pula ang tubig na parang rosas. Sinipat ko ang palapulsuhan ko. Hindi pa ako nakuntento ay itinaas ko pa ang kamay ko.Kaagad na dumaloy pababa ang dugo.Hindi ko alam kung paano at bakit pero sigurado akong buhay na buhay ako ngayon!Sa labis na tuwa ay napatayo ako at kaagad na lumabas sa bathtub. Pumunta ako sa salaming naroroon at nakitang hindi ko mukha ang nakikita ko. Doon ko napagtanto na ang katawan na ito ay hindi sa akin.Siya kaya ang may-ari ng boses na narinig ko kanina?Ako na gustong mabuhay at siya na ayaw nang mabuhay.Humiwalay kaya ang kaluluwa niya sa katawan niya dahil ayaw na nitong mabuhay at ang kaluluwa ko naman na sabik mabuhay ang pumalit sa katawan niya?Pero hindi muna importante ang isipin ko pa kung paano ito nangyari. Dahil kung hindi ako kikilos kaagad ay baka mamatay mamatay

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 87 - Ang Muling Pagkabuhay (Part1)

    Mapait akong ngumiti habang pinapakinggan ang usapan nilang dalawa tungkol sa planong gagawin sa batang dinadala ni Nica. Denver, naaalala mo pa kaya ang anak natin? Ang anak natin na hindi man lang nasilayan ang liwanag ng araw.Biglang bumuhos ang ulan mula sa madilim na kalangitan. Hinampas ng hangin ang buhok ko at ang suot kong bestida habang puno ng hinanakit akong nakatayo rito sa rooftop. Ngayon ko lang napansin na hindi pala tumatagos ang hangin sa akin.Naaalala ko ang gabing iyon kung saan muntik ko nang wakasan ang lahat.Nakatayo ako sa tuktok ng isang gusali habang nilalamon ng kalungkutan at hinahayaan kong paglaruan ng malamig na hangin ang buo kong katawan. Nawalan na ako ng dahilan para mabuhay ng mga oras na iyon. Ang gusto ko noong sandaling iyon ay sundan na lamang ang anak ko at makasama siya sa kabilang buhay.Pero hindi ko alam kung paano o kailan na bigla na lang dumating si Vicento. Pinigilan niya ako habang nakaupo siya sa kanyang wheelchair."Naniniwala ak

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 86 - Hindi Na Tulad Ng Dati

    Kung alam ko lang na mamamatay ako sa mismong gabi ng aking kasal ay sana ginawa ko na ang lahat para ipagsigawan ang katotohanan. Pero sa kabila ng lahat ay masyado pa rin akong naging mabait.Noong araw na iyon ay nag-ingay ang buong paligid. Punong-puno ng bulungan at mga tinging naaawa o mas malamang ay panunuya. Nakikita ko ang mga mapanuring mata ng mga bisita, may mga nakangiti pa nga at tila tuwang-tuwa sa kahihiyang sinapit ko.Hindi ko naman talaga ginusto ang kasal na iyon. Plano kong gamitin ang pagkakataon na iyon para isiwalat ang lahat. Pero hindi ko inasahan na si Denver at Nica pa mismo ang sisira sa plano ko.Ramdam ko ang lamig ng pawis sa mga palad ko ng araw na iyon. Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin ng mga oras na iyon. Ang pagbagsak ba nila o ang sarili kong kahihiyan. Hindi ko alam kung dapat ko bang hayaan na lang na lumabas ang katotohanan sa puntong iyon na ako mismo ang inuna nilang ipahiya.Naisip ko ri si Lola— ang matandang babae na na

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 85 - Nahulog Na Naman

    Matalim ang tingin ni Nica nang magsalita. "Hindi mo pinahalagahan ang kapatid ko noong nandiyan pa siya. Tapos ngayong nagkaroon siya ng ‘aksidente’ ay gusto mo nang magpakamatay? Kanino mo ba ipinapakita iyang drama mo?"Napangisi ako sa narinig. Kung hindi ko lang matagal nang pinapanood ang palabas mula sa paningin ng isang patay baka naniwala pa akong mabuting tao itong si Nica.Pero hindi ako tanga. Napakahusay ng pag-arte ni Nica at halos perpekto. Wala ni isang bahid ng kasalanan sa mukha niya kahit na siya mismo ang dahilan ng kamatayan ko. At ngayon, imbes na akuin ang ginawa niya ay siya pa ang nagtatapon ng lahat ng sisi kay Denver.Ang naaalala lang ng lahat ay ang pag-abandona sa akin ni Denver sa mismong araw ng kasal namin. Walang nakakaalam na si Nica ang tumawag sa kanya noon. Na siya ang may pakana ng lahat. Hanggang ngayon ay kasing-itim pa rin ng gabi ang kanyang budhi.Sa isang tabi ay napangiti si Tito Danilo nang makita si Nica. "Nica, hija, ikaw ang pinakamala

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 84 - Malayo Pa Sa Katotohanan

    Halik ng malamig na hangin ang dumaan sa aking buhok at sa laylayan ng suot kong bestida. Tahimik na umaagos ang ilog na tila binubulong ang lihim na itinago nito nang matagal. Nakatayo ako nang walang sapin sa aking mga paa sa eksaktong lugar kung saan nakahandusay noon ang aking duguang katawan.Parehong lugar. Pero wala na akong maramdaman. Wala nang sakit. Wala nang ginaw.Sa harapan ko ay nakaluhod si Denver. Mapula ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang matinding sakit at kalituhan. Para bang totoo ang pagmamahal niya sa akin.Nakakatawa, hindi ba?Ikaw ang nagsabi na hahanapin mo ang bangkay ko para mai-report sa pulis! Ikaw rin ang tumalikod sa akin. Sumama sa sarili kong kapatid sa mismong gabi ng kasal natin! Ikaw ang nagwalang-bahala sa akin at ikaw rin ang dahilan kung bakit ako namatay!Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Sa anong klaseng pagpapanggap niya nasasabi ang mga salitang iyon? Iniisip ba niyang maniniwala ang iba na tunay ang paghihirap niya?Napangisi ako

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 83 - Scene Of The Crime

    Matagal na tinitigan ni Officer Ramirez ang estatwa bago siya nagsalita. "Bakit ang laki ng pagkakahawig nito kay Miss De Leon?"Napatingin ako kay Denver at hinihintay ang sagot niya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Alam ng gumawa nito kung gaano kalalim ang relasyon namin ng asawa ko kaya ginamit niya ang mukha ng asawa ko bilang batayan sa estatwa."Napatingin ako muli sa estatwa— ang sarili kong mukha. Akong-ako talaga ito.Kumunot ang ni Officer Ramirez. "Ang kulay ng estatwa..."Hindi naman konektado o wala siyang kaalaman sa sining pero halatang may bumabagabag sa kanya.Kadalasan sa mga estatwa ay yari sa bato, plaster, o tanso. Sa mga templo naman ay karaniwang may halong tunay na ginto ang mga rebulto. Pero ang estatwa na ito ay may kakaibang kulay. Maputi pero may bahagyang kulay ng rosas na parang tunay na balat. Kahit ako ay hindi ko pa ito nakikita noon."May mali ba sa statue, officer?"Mabilis akong lumapit at hindi na rin mapakali. Kung may sikreto ang estat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status