Share

Rejecting Her Wealthy Ex-Husband
Rejecting Her Wealthy Ex-Husband
Author: Miss Maan

Kabanata 1

Author: Miss Maan
last update Huling Na-update: 2025-09-19 19:42:03

TATLONG taon na mula nang maging mag-asawa sina cassandra at Renzell ng sikreto. Sa loob ng tatlong taon na ‘yon ay never silang nagsama sa iisang kwarto maliban na lamang sa dalawang araw kung saan nila tinutupad ang obligasyon bilang tunay na mag-asawa. 

Malamyos ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Cassandra. Tinatangay ang nakalugay niyang buhok na hanggang baywang. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakatingala. 

Isa na naman ang araw na ito kung saan ay muli niya mararamdaman ang init ng katawan ng asawa. Isa sa mga araw kung saan umaasa siya na balang araw ay matututunan din siyang mahalin nito. Isa sa mga araw kung saan nag-iisa ang kanilang mga katawan at sana maging ang kanilang mga puso. 

And tonight is the last time that they will be one. Dahil, ilang araw mula ngayon ay tuluyan na matatapos ang sinimulan nilang pagsasama. 

Huminga si Cassandra ng malalim saka iminulat ang mga mata. Ang madilim na kalangitan ang sumalubong sa kanyang paningin. Napakadilim nito at halatang may paparating na bagyo. 

Ang buong hardin na puno ng mga tanim na iba’t ibang kulay ng rosas ay isa sa mga nagbibigay ng kaligayahan at kapayapaan sa kanya sa lugar na ‘yon. Sa lugar kung saan tila siyang naging bilanggo.

Nagsimula na si Cassandra na humakbang papasok sa loob ng bahay at dumiretso sa silid kung saan naghihintay ang tanging lalaking minahal. Hinawakan niya ang doorknob saka pinihit. Sumalubong agad ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na aircon. 

Tuluyan na pumasok si Cassandra saka isinara ang pinto. Pagkaharap niya ay sakto naman kalalabas lang ng asawa mula sa banyo. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ay hindi nagbago ang tingin nito sa kanya. Napakalamig at ramdam niya ang galit doon. Galit na kailanman ay hindi niya maintindihan.

Hindi maiwasan ni Cassandra na pagmasdan ang hubad na katawan ng asawa. Ang medyo basa pa nitong buhok, ang malalapad na balikat at ang mga matitigas na abs nito na muli niya mahahawakan sa gabing ‘yon. Napalunok siya nang dumako ang kanyang mga mata sa gitnang bahagi ng katawan ng asawa. Kitang-kita niya ang pagbukol ng itinatago nitong kaibigan. 

Napailing na lang si Renzell nang makita kung paano siya pagmasdan ng asawa at ang pagtigil nito sa gitnang bahagi ng katawan niya kaya naman walang sabi-sabi niyang inalis ang tuwalyang tanging nagtatakip doon. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng asawa.

Nagulat na lang si Cassandra ng hilahin siya ng asawa at inihiga sa kama. Ganito naman talaga ito. Parang laging sabik na maangkin siya pero alam niya ang totoo kung bakit. Her husband is taking some drûgs at isang malaking sampal ‘yon sa kanyang pagkababaé. Na para bang hindi siya nito kayang angkinin kung hindi ito iinom ng ganoon.

Hindi napigilan ni Cassandra na mapaungol nang simulan palakbayin ng asawa ang mga kamay nito sa kanyang katawan saka siya sinunggaban ng halik. Kusang yumakap ang kanyang mga braso sa leeg nito at sinuklian ang halik nito sa kaparehong intensidad. 

Mapusok ang bawat halik na kanilang pinagsasaluhan. Hanggang sa unti-unti nagbago ang temperatura sa loob ng silid. Mas uminit ang bawat eksena hanggang sa napuno ng ungol ang apat na sulok ng silid. 

NAGISING si Cassandra dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Iminulat niya ang mga mata, bumaling agad sa katabi pero mapait siyang napangiti nang wala na siyang makitang bakas ng asawa. 

‘Hindi ka pa ba sanay, Cass?’ Aniya sa sarili. 

Wala naman bago roon. Pagkatapos siyang angkinin ng paulit-ulit ng asawa ay bigla na lang ito mawawala. Kahit tinatamad pa ay bumangon siya saka dumiretso para maligo. 

Nang makababa si Cassandra ay sinalubong kaagad siya ni Nanay Perla. Sa halos tatlong taon pagsasama nila ng asawa ay napamahal na rin siya sa matanda dahil mula noon ay ito na ang kasama nila. Kinuha talaga ito ng asawa sa mansyon ng mga Lee para sa kanila manilbihan. Ito kasi ang halos nagpalaki sa asawa kaya ganoon na lang ang pagpapahalaga ng lalaki rito. Siya kaya? Kailan magiging mahalaga rito?

“Mabuti naman at gising ka na, Iha. Halika at mag-almusal ka na. Inihabilin ni Renzell na huwag kang hayaan hindi kumain. Nag-order pa siya ng paborito mong kape,” masiglang salubong ni Perla sa asawa ng alaga. Sinamahan niya ito hanggang sa hapag-kainan at inutusan ang ibang katulong na ihanda na ang almusal ng kanilang senyorita. 

Tatlo lang silang naninilbihan at kinausap ng alaga na hindi dapat makakalabas kung ano man ang relasyon ng mga ito. Mahigpit na mahigpit nito sinabi sa kanila ‘yon at walang sino man ang kakalaban sa pamilya ng mga Lee dahil isa ang mga ‘to sa pinakamayamang tao sa buong bansa. 

“Kumain ka na, iha. Kung may kailangan ka pa ay tumawag ka lang. Nasa kusina lang ako,” nakangiting wika ni Perla.

Matamis na ngumiti si Cassandra kay Manang Perla. “Maraming salamat po.”

Nang makaalis na si Nanay Perla ay napatitig si Cassandra sa kape na galing pa sa paborito niyang cafe. Never naman pumalya ang asawa na bilhan siya nito. Dahil binibilhan lang naman siya ng asawa matapos siya nito angkinin. Hindi niya alam kung para saan ba at ginagawa nito ‘yon. Ngunit, kung ano man ang dahilan ng asawa ay wala na siyang pakialam. At least kahit minsan, nagagawa nitong asikasuhin siya. 

Nagsimula na kumain si Cassandra at in-enjoy ang paboritong kape. Kinuha niya ang cellphone para tingnan kung may mga message ba siya. Napakunot ang noo niya nang makita may naka-tag sa asawa. Oo, naka-stalk siya sa social media ng asawa. 

Kaagad gumalaw ang index finger ni Cassandra upang tingnan kung sino ang nag-tag dito. Madalang lang kasi at iilan lang ang nakakaalam ng account ng asawa dahil pribado ito at isa siya sa mga taong binigyan nito ng pagkakataon na makita 'yon.

Nakagat ni Cassandra ang straw na kasalukuyan nasa bibig niya nang makita ang mga larawan na naka-tag sa asawa. Nanikip bigla ang dibdib niya at para siya pangangapusan ng hininga.

She read the caption of the post. It was a birthday party. Mas lalo sumikip ang dibdib niya nang makita kagabi lamang ‘yon. So, after he took her, nagawa nitong iwan siya para mag-attend sa birthday party…

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang bumungad sa kanya ang sunod-sunod na larawan ng asawa habang may katabi itong isang magandang babae. Dahan-dahan niya inilapag ang hawak na kape na halos paubos na saka pinakatitigan ang mukha ng asawa.

Akala niya ay talagang tahimik at suplado lang ang asawa na hindi marunong ngumiti. Pero ngayon ay makikita niya itong nakangiti habang katabi ang ibang babae. 

‘Happy birthday Joyce.’ 

Joyce? Napakurap-kurap siya nang mabasa ang pangalan ng babae na marahil ay katabi nito.

“Joyce… Joyce…” mahinang sambit ni Cassandra at mas doble ang sakit na naramdaman niya nang ma-realize na ang babae ang unang pag-ibig ng asawa. Paano nga ba niya makakalimutan ‘yon. Pero hindi niya akalain na babalik na ito kung kailan nakatakda na matapos ang kanilang pagsasamang mag-asawa. Coincidence nga ba? O, nakaplano na talaga? 

“She's back. It's really the end of our marriage.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Good job sis
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Rejecting Her Wealthy Ex-Husband    Kabanata 5

    “Are you saying that you didn't take any birth control pills? So, how come the doctor said you take some,” naguguluhan pa rin si Ava kung paano nangyari ‘yon. May tiwala siya sa matalik na kaibigan, gusto niya lang malaman kung sino ang dapat managot sa pagkawala ng sanggol. Tumayo siya at handa ng umalis nang pigilan siya ni Cassandra.“Where are you going?” Takang tanong ni Cassandra. “I'm going to your husband. Isasampal ko lang sa kanya kung ano ang nangyari sa ‘yo at sa baby niyo. I can't take it anymore, Cassy. You don't deserve this treatment,” kuyom ang mga kamao ni Ava habang nagtatagis ang kanyang bagang. “Don't stop me, please, Cassy. Once and for all, let's deal with your bastard husband.”Nakagat ni Cassandra ang ibabang labi. Kitang-kita niya ang nagpupuyos na galit sa mga mata ng matalik na kaibigan. Pero ayaw niya itong mapahamak at magkaroon ng alitan sa dalawang pamilya dahil lamang sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ni Ava at hindi niya hahayaan na

  • Rejecting Her Wealthy Ex-Husband   Kabanata 4

    Tumawag kaagad ng ambulansiya si Ava para mas madaling mapuntahan ang matalik na kaibigan. Sobra ang pag-aalala niya at hindi siya mapakali nang maabutan na ipinapasok sa emergency room ang kaibigan na halos wala ng malay. Mas lalo siya nagimbal nang makita may mga dugong kumalat sa suot nitong pantalon. Pabalik-balik siyang naglalakad. Hindi mapakali. At naroon ang pagsisisi. Nagsisisi siya kung bakit ipinakilala niya pa si Renzell dito. Oo, siya ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa. Hindi naman niya akalain na mahuhulog ng lubusan ang kaibigan sa anak ng business partner ng kanilang pamilya. Umabot din ng isang oras bago bumukas ang emergency room at lumabas ang doctor. Mabilis na lumapit si Ava rito.“Kumusta po siya? Bakit may mga dugo sa kanyang pantalon?” Mabilis niyang tanong.Inalis ng doctor ang suot na mask saka malungkot ang mga matang tumingin kay Ava.“Ikaw lang ba ang kasama niya? Nasaan ang asawa niya?” tanong ng doctor. Kailangan niya ipaalam mismo sa asawa

  • Rejecting Her Wealthy Ex-Husband   Kabanata 3

    Inalalayan ng assistant ang matandang Lee na maupo habang si Renzell ay napatingin sa may pinto. Hinihintay pumasok ang asawa na hindi niya alam kung bakit naroon. Hindi na siya natutuwa sa laging pagpabor ng kanyang grandpa sa asawa. It's been three years. And this is the time to end this nonsense marriage. Ngayon nga lang niya inilabas ang bagay na ‘yon makalipas ang tatlong taon. Nagbabakasali, na ito na mismo ang tatapos sa kanilang kasal.Pagkapasok ni Cassandra ay tumuon agad ang tingin niya sa matandang Lee na nakaupo habang hawak ang kaliwang dibdib nito kaya naman mabilis siyang lumapit dito at lumuhod.“Are you alright, Grandpa? Please, don't get mad, you know it's not good for your health,” masuyo niyang tanong na nagpangiti sa matanda. “You are such a kind woman. Grandpa is alright. I'm just teaching your husband some lessons. Are you here to visit me?” Lumambot ang ekspresyon ng mukha ng matanda nang masilayan ang asawa ng apo. Kahit may pagtataka siya naramdaman kung b

  • Rejecting Her Wealthy Ex-Husband   kabanata 2

    Nang makapasok si Cassandra sa kwarto ay padapa siyang humiga at hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina niya pa pinipigilan. Ayaw niyang may makakita kung gaano siya kamiserable. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ay pinilit niyang maging mabuting asawa rito. Na maging ang kanilang pagtatalik ay may nakatakdang araw ay pumayag siya. She loves her husband so much. At oo, mula pa noon. 15 years old siya nang una niya makilala ito at mula noon ay hindi na ito nawala sa kanyang isip at unti-unti pumasok sa kanyang puso. Kaya naman sinundan niya ito kahit saan man ito magpunta. Naalimpungatan si Cassandra sa tunog ng kanyang cellphone. Hindi niya napansin na nakatulog pala siya kakaiyak. Bumangon siya at umayos ng upo. Kinuha niya ang cellphone na inilapag niya kanina sa bedside table. Nang makita ang bff niya ang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot. “Hello, Ava.” Pinasigla niya ang boses upang hindi ito mag-alala. “Oh my god, Cassy! Why are you not replying?

  • Rejecting Her Wealthy Ex-Husband   Kabanata 1

    TATLONG taon na mula nang maging mag-asawa sina cassandra at Renzell ng sikreto. Sa loob ng tatlong taon na ‘yon ay never silang nagsama sa iisang kwarto maliban na lamang sa dalawang araw kung saan nila tinutupad ang obligasyon bilang tunay na mag-asawa. Malamyos ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Cassandra. Tinatangay ang nakalugay niyang buhok na hanggang baywang. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakatingala. Isa na naman ang araw na ito kung saan ay muli niya mararamdaman ang init ng katawan ng asawa. Isa sa mga araw kung saan umaasa siya na balang araw ay matututunan din siyang mahalin nito. Isa sa mga araw kung saan nag-iisa ang kanilang mga katawan at sana maging ang kanilang mga puso. And tonight is the last time that they will be one. Dahil, ilang araw mula ngayon ay tuluyan na matatapos ang sinimulan nilang pagsasama. Huminga si Cassandra ng malalim saka iminulat ang mga mata. Ang madilim na kalangitan ang sumalubong sa kanyang paningin. Napakadilim nito a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status