HINDI KUMIBO SI Roscoe na halatang walang pakialam sa kanyang mga narinig. Ilang segundong pinagmasdan ni Desmond ang mukha ni Roscoe kung may emotion man lang ito.“Ito pa, kaya raw kayo nag-divorce ay dahil naging third party niyo si Lizzy Rivera.” Kumibot-kibot na ang bibig ni Desmond na bahagyang tumang-tango ang ulo doon. “Dito lang siya tumama. Fabricated ang dalawang articles na pinagsusulat niya. Ito lang na pangatlo ang tama. Totoong nagloko ka kay Everly noong nagsasama pa kayo.”Nadagdagan pa ang panlilisik ng mga mata ni Roscoe na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya nagloko. Tumatanaw lang siya ng utang na loob sa babae. “Alam mo ang dahilan ko, Desmond. Hindi ako nagloko.” Hindi magawang makapagsalita ni Desmond at pinanood na lang na kunin ni Roscoe ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya doon upang magbasa lang ng mg saloobin ng mga tao. Ang makita ang larawan ni Everly at Harvey na magkasama ay parang binuhay ang kasamaan sa loob ni R
NAMUMUTLANG NAPAAYOS NA ng upo si Alexis sa pagiging kalmado ng amo sa ginagawa nitong pagtatanong sa kanya. Iba na ang kutob niya doon. Sa ilang taong pagtra-trabaho niya sa puder nito ay marapat lang na kabahan siya kapag naging kalmado ito dahil iyon ang mas siyang delikado. Hindi niya kasi magawang basahin kung ano ang laman ng isip.“Tawagin mo siyang Mrs. De Andrade hangga’t hindi kami nagdi-divorce, maliwanag ba iyon Alexis?” may diin ang bawat salitang binibitawan nito kung kaya naman walang ibang nagawa ang secretary niya kung hindi ang panay na tumango. “O-Opo, Sir!” Sa mga sandaling iyon ay tila mayroong napagtanto pang pangyayari si Roscoe. Parang alam na niya kung sino ang nagsabi sa kanyang Lola ng tungkol sa divorce nila ni Everly na tapos na sana kung hindi lang nabulilyaso. Ipinilig niya ang ulo. Hindi ba at iyon din ang naramdaman niya ng araw na iyon? Lihim pa nga siyang nagpasalamat sa Lola niya. Ngayong nalaman niyang parang hirap na magsinungaling si Alexis ay
AKMANG PAPASOK NA sana si Everly sa loob ng mansion nang may maulinigan siyang mahinang tumatawag sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin noong una sa pag-aakalang guni-guni lang niya ang narinig lalo na at boses ito ng asawa niyang si Roscoe.“Everly…” Napalingon na ang babae nang muli niyang marinig ang boses nito. Doon niya na nakita ang bulto ni Roscoe na nakasandal sa harap na hood ng kanyang sasakyan habang nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pants. Malalim ang tingin nito sa banda niya, lalo na sa bulto ng kanyang katawan. Tila ba kanina pa siya doon naghihintay. Bahagyang madilim ang banda kung saan nakaparada ang sasakyan niya kung kaya naman hindi ito napansin ni Everly. Bigla siyang kinabahan.“Anong ginagawa mo dito?” Umayos na ng tayo si Roscoe na binasa na ng laway ang kanyang bahagyang natuyong labi. Ngumiti siya ngunit agad niyang binawi nang maramdaman ang pananakit ng kanyang bibig. Hindi lang iyon, parang galit si Everly na naroon siya at mu
ITUTULAK NA SANA si Roscoe ni Everly papalayo sa kanyang katawan dahil sobrang naiilang na siya, ngunit idiniin pa ng lalaki ang mga braso nito sa pader na pinipigilan siyang makawala. Namilog na ang mga mata ni Everly. Hindi makapaniwala na ginagawa iyon ni Roscoe sa kanya.“Roscoe, ano bang ginagawa mo? Bakit ginagawa mo sa akin ‘to? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis at ipadakip kita dito? Ayusin mo nga ang galaw mo!”“Go on, Everly. I-report mo ako. Magpapunta ka dito ng pulis. Tawagin mo sila. Ipadampot mo na ako…” sulsol pani Roscoe na pilit pa rin siyang pinipikon.Not to mention na legal na kasal pa rin naman sila, kahit wala siyang ginawa kay Everly, gusto niyang makita kung paano hahawakan ng mga pulis ang kaso nilang mag-asawa. Iyon ang nagpapalakas ng loob ni Roscoe. Tiningnan ni Everly ang kanyang mga katangian na ipinapamalas at nakaramdam ng sobrang lungkot doon si Everly. Alam niyang hindi siya mahal ni Roscoe kaya imposibleng iyon ang dahilan kaya naroon at nangunguli
SA MGA SANDALING iyon ay parang mandidilim na ang mundo ni Everly sa pagkataranta at dapat na gawin habang sapo niya ang ulo ni Roscoe sa kanyang hita. Nahimasmasan lang siya nang maisip niyang wala na dapat siyang pakialam ngayon kay Roscoe. Binawi niya ang nakahawak niyang kamay sa ulo nito at hinayaan iyong ilapag niya ulit sa lupa. Puno ng pagtataka ng tiningnan siya ni Alexis na gaya niyang natataranta na rin kung ano ang dapat niyang gawin. Hangga't naroon si Alexis kasama nito magiging okay ang lahat, syempre hindi papayag si Alexis na may mangyaring masama sa kanyang ama. Ibinaba ni Everly ang kanyang mga mata, isinantabi ang kanyang mga alalahanin, tumayo at aalis na rin sana gaya ng plano niyang talikuran ang kanyang asawa. “Mrs. De Andrade!” nagmamadaling tawag ni Alexis, “Saan ka pupunta? Paano si Mr. De Andrade?!”Nilingon na siya ni Everly gamit ang kalmadong mukha na para bang hindi nag-alala sa kanya kanina.“Alexis, makinig kang mabuti. Masyado lang siyang maraming
AGARANG NILAMON NG konsensya ang kalooban ni Everly nang makita niyang maputla pa rin ang mukha ng asawa. Hindi na niya mapigilan pang mapabuntong-hininga. Aminin niya man ng tahasan o hindi, batid niya sa kanyang sarili na nag-aalala siya kay Roscoe. Makikita iyon sa galaw niya. Umayos na ng upo si Everly na nasa malapit ang upuan ng kama. Pinag-krus na ang dalawang braso sa tapat ng dibdib niya. Tinitigan pa ang mukha ni Roscoe na maputla pa rin. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito na hindi niya malaman kung natutulog ba dala ng alak sa katawan niya o hindi. “Hindi dapat ako ang narito kung hindi si Lizzy…” bulong pa ni Everly na hindi na mapigilang iikot ang mga mata niya. Dumating ang nurse at may sinabi itong kailangangi-inject na gamot sa dextrose ni Roscoe. Napatayo na si Everly noon, bahagyang umatras patungo ng paahan ng kama ni Roscoe upang bigyan ng daan ang babae na binigyan niya ng ngiti. Walang kurap na pinanood niya ang ginagawang paghahanda ng nurse. Tinanggal niy
DUMILIM ANG TINGIN ni Lizzy kay Everly. Huling-huli ang ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Walang nagsabi sa kanya na naroon si Roscoe. Maging si Alexis ay hindi man lang siya tinawagan. Naroon siya dahil nagsumbong sa kanya ang taong binayaran niyang magbantay kay Roscoe para malaman niya kung ano ang mga ginagawa nito kapag hindi niya kasama. Napag-alaman niya pa na sinadyang puntahan ni Roscoe ang mansion ng mga Golloso kung kaya naman magkasama ang dalawa. Ipinagtataka na niya iyon na kung bakit siya ang pinuntahan nito sa halip na siyang naghihintay. “Thank you, Everly ha?” puno ng sarkasmong sambit ni Lizzy na puno pa rin ng pagbibintang ang mga mata. “Palaging ganito si Roscoe kapag naso-sobrahan ng inom.” anito pang parang hindi asawang nakasama ni Everly sa iisang bahay ang tinutukoy nitong lalaki, “Mabuti na lang at nakita mo siya, kundi baka kung ano pa ang nangyari sa kanya di ba?” Dama ni Everly na hindi tapat at bukal sa loob ang pinagsasabi sa kanya ni Lizzy. Al
MABILIS NA KUMALAT na hindi na tumatanggap ang S Camp ng mga magpapakuha ng mga ulasimang-bato. Iyon pa naman ang inaasahan ng pamilya ni Lizzy na makakapagbigay sa kanila ng maraming halamang gamot na kailangan nila. Ngunit ngayon ay ini-announce nitong hindi na sila tatanggap dahil busy ang may-ari noon na si Lord S. May balita pang kumakalat na mismong si Lord S ay may planong magbigay ng regalo sa matandang Donya Kurita ng mga halamang gamot na kapag nangyari ay isang pagsubok. Bagay na hindi rin nakaligtas kay Lizzy na nasa hospital pa rin. “What the fuck! Bakit ayaw na nilang tumanggap ng order? Marami pa ang kailangan ng pamilya namin! Ni hindi ko nga kilala kung ano ba ang talaga ang tunay na hitsura ng halamang gamot na iyon? Nakakairita naman! Nakakainis!”Padabog ng binitawan ni Lizzya ng kanyang cellphone sa gilid ng kama ni Roscoe. Nakapikit ang mga mata ng lalaki na halatang nagpapahinga pa rin at nag-iipon ng lakas ng mga sandaling iyon. Hinawakan ni Lizzy ang isang br
AWTOMATIKONG NAPALINGON NA si Everly sa matanda. Oasis Hospital? Hindi ba at ang hospital na iyon ang itinuro ng kanyang Lola sa kanya upang umano ay mag-report siya. Doon siya nito nais na magsimulang mag-aral at mag-trabaho.“Mr. Lim, gaano po kayo kadalas magkaroon ng leg cramps? Tumawag na po kami sa 911, paniguradong on the way na ang tulong. Kumalma lang po kayo. Huwag na kayong mag-alala.” subok ng staff na pakalmahin ang matanda dahil doon.Walang inaksayang pagkakataon si Everly na nakipagsiksikan na sa crowd upang makalapit lang sa kanilang pwesto. “Excuse me! Padaan!” “Ano ba iyan? Kung makatulak naman! Sino ba iyan?”“Ewan ko nga, naapakan niya pa nga ako!” “Kala mo naman makakatulong sa maysakit. Malamang gusto lang din niyang maki-tsismis.”“Kaya nga. Daig pa ang siya ang makakaligtas kay Mr. Lim. Tingnan mo nga may takip pa ang mukha!” Masama silang tiningnan ni Everly ngunit ilang saglit lang. Wala siyang panahon para patulan ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan niya
SUMAMA PA ANG loob doon ni Everly subalit ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi ang sumunod sa matanda. Nagkita silang magkaibigan dahil kakatapos lang ng filming ng aktres at nagrereklamo itong masakit ang kanyang buong katawan. Nang marinig iyon ni Everly ay inaya niya itong magkita sila at siya na mismo ang magpapagaan ng pakiramdam ng kaibigan. Magandang simula na rin iyon ng kanyang practice upang malaman kung magaling pa ba siya sa bagay na iyon. Isa sa mga itinuro ng kanyang Lola sa kanya ang acupuncture na minana nito umano iyon sa kultura ng mga magulang ng kanyang Lola na purong tsino. Nagkaroon lang ito ng asawa na Spanish which is ang Lolo niya ngunit hindi nito kinalimutan ang kanyang pinagmulang lahi. At bilang apo siya ng matanda, nagkaroon siya ng pagkakataon na malaman ang bagay na iyon at matutunan kasama ng iba pang medisina. Mabisang gamot din naman iyon sa sobrang pagod ng katawan. Nakakatulong ito sa magandang daloy ng dugo iyon nga lang dapat na may license
HINDI MAN LANG sila nilingon ni Everly na dire-diretso lang ang lakad palayo sa kanilang banda. Sinubukan pa ni Roscoe na tanggalin ang pagkakahawak sa kanya ni Lizzy upang habulin lang ang asawa, ngunit hindi iyon pinayagan ng babae.“Narinig mo ba ang sinabi ko, Roscoe? Pinagtulungan nila ako sa birthday ng Lola mo.”Napilitan si Roscoe na harapin na si Lizzy tutal ay wala na rin si Everly at kung hahabulin niya pa ito, hindi niya alam kung aabutin niya pa. Hinarap na niya si Lizzy kung saan ay saka pa lang nito niluwagan ang hawak sa kanyang katawan. “Anong sinabi mo?” tanong ni Roscoe na sinundan na si Lizzy na makapal ang mukhang pinapasok na ang kanyang sarili. “Pinagtulungan nila ako. Maiba ako, pinalitan mo ba ang password ng villa?” pag-iiba niya ng kanilang usapan matapos na ihagis ang kanyang dalang bag sa sofa na akala mo ay pag-aari niya ang villa na iyon, pabagsak ng naupo at humalukipkip. “Ilang beses kong sinubukan kanina pero ayaw nitong magbukas. Tinigilan ko kasi
GUSTO NG MATAWA ni Everly sa tinurang ito ni Roscoe. Ano? After ng divorce nila gusto pa nitong maging magkaibigan sila at magpansinan? May sira na yata ang ulo ng lalaking ito. Walang ganun. Pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya, gusto niya umakto siyang magkaibigan sila? Anong kalokohan iyon ng lalaki? Halatang hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Sa loob ng maraming mga taong pagsasama nila, ni wala naman itong magandang nagawa sa kanya. Ang trato nito sa kanya ay parang hangin, tapos ngayon kung makahiling akala mo naman ay naging mabuting asawa ito sa kanya noon. Sa parte ni Roscoe ay kayang-kaya nitong gawin ang nais niya, eh sa part niya? Tinanong ba siya nito kung kaya niya?Si Everly ay labis niyang nasaktan, siniraan at hindi nirespeto ang nararamdaman. Niloko rin siya at ipinagpalit ng asawa niya sa ibang babae noong kasal pa sila, tapos ngayon hinihiling nito na maging civil sila at maging respectable sa mga taong kanilang pinagsamahan? Mukhang nasa malalim na pagtulog
SUMUGAT PA ANG isang nakakalokong ngiti sa labi ni Roscoe nang ilihis na ni Everly ang kanyang paningin sa asawa. Muling sinubukan ni Everly na kumawala ngunit humigpit lang lalo ang hawak ni Roscoe sa kanya. Hindi alintana ang laway ni Everly na hindi namalayan nitong dumikit sa baba kanina sa ginawa nitong pagkagat sa kanya. Walang anu-ano at tinawid ni Roscoe ang ilang pulgada nilang pagitan upang tumama lang ang kanyang labi sa bibig ng asawa. “Ano? Sa tingin mo ba ay panaginip pa rin ito?” Napaawang na ang labi ni Everly na sinabayan pa ng malakas na paghuhuramentado ng kanyang puso sa loob ng dibdib. Sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay ‘di na siya makahinga at mauubusan na doon ng oxygen.“Anong ginagawa mo, Roscoe? Hindi mo ako bibitawan?!” may banta na sa tinig ni Everly na tinaliman na ang mga tinging pinupukol sa kanya. Kung gusto niyang makawala dito, kailangan niyang samaan ng ugali at pagbantaan ito. Iyon ang kanyang natutunan sa ugal
PRENTENG NAUPO NA si Roscoe sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Everly. Hindi niya inalis ang mga mata sa asawa habang ang cellphone nito ay nakadikit pa rin sa kanyang tainga. Walang anu-ano ay parang may sariling buhay na humaplos ang kanyang isang palad sa pisngi ni Everly, marahan lang iyon kung kaya naman hindi ito nagising. Ilang sandali pa ay gumapang na pababa iyon at dumako pa banda sa nakatikom na labi ng kanyang asawa.“Hindi naman kagulat-gulat,” tugon ni Harvey na sinundan pa ng buntong-hininga na hindi nakaligtas sa pandinig ni Roscoe na nagawa pang mas maging masaya ang malapad na ngiti. “Sana alagaan mong mabuti si Everly at—” “Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin iyan dahil alam ko kung ano ang gagawin ko sa asawa ko!” may diin niya pang tugon sa salitang asawa. Lumapad pa ang kanyang ngiti na naguguni ng paniguradong halos mamatay na sa selos ang lalaking kausap niya. “Hindi mo kailangang mag-alala dahil kahit hindi mo sabihin iyan pa rin ang gagawin ko sa k
MAKAILANG BESES PA siyang sinipat ni Alexis sa mukha. Hinahanapan ng dahilan kung bakit siya nagtatanong. Pakiramdam niya ay may mali sa amo. “Ano po ang problema, Mr. De Andrade?”Iniiling ni Roscoe ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip na hindi naman dapat. Napuno pa ng maraming katanungan iyon dahilan upang tuluyan siyang maguluhan. Panaka-naka ang pasok ng liwanag ng mga street lights sa kanilang dinadaanan. Natatanglawan noon ang seryosong mukha ni Roscoe na nakatingin na noon sa kawalan. Mababakas anng labis na pagka-seryoso sa kanyang mukha. Makailang beses niya pang nilingon ang mukha ni Everly. “Alexis, paki-imbestigahan ngang mabuti noong na-kidnapped ako kung sino talaga ang nagligtas sa akin.” Hindi maintindihan ni Alexis kung ano ang nais na palabasin ng kanyang amo. Hindi ba at alam naman na nitong si Lizzy Rivera ang nagligtas sa kanya? Bakit kailangan pa nitong pa-imbestigahan ang bagay na iyon na hindi niya ginawa noon? Tinanggap na lang niton
MAHABA ANG NAGING biyahe nila pauwi. Dala marahil ng pagod ni Everly at side effect na rin ng gamot sa kanyang sugat kung kaya naman hindi sinasadyang biglang nakatulog siya. Naramdaman na lang ni Roscoe ang biglang pagbigat sa kanyang balikat nang walang ulirat na ipatong doon ng asawa ang kanyang ulo. Napalunok na ng sunod-sunod doon si Roscoe. Hindi nakaligtas sa kanya ang suot nitong damit na medyo revealing sa banda ng kanyang dibdib. Kahit na madilim sa loob ng sasakyan, sa mga mata ni Roscoe ay ‘di nakaligtas ang tila kumikinang na balat ni Everly banda dito.‘Ano ba naman ‘to!’ Masusing tahimik na pinagmasdan ni Roscoe ang manipis na kilay ng asawa at ang nakapikit nitong mga mata. Dumako pa ang tingin niya sa labi nito na bigla na lang sumagi sa kanyang isipan na halikan ito. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapadala sa tukso. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang lalamunan kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso na para bang
KAILANMAN, BUONG BUHAY niya ay hindi nawalan ng sasabihin at katwiran si Roscoe kapag kinakausap. Nang mga sandali pa lang iyon nangyari at dahil kay Everly. Ilang minutong pinag-aralan niya ang mukha ni Everly na napagtanto niyang maganda sa malapit.“Bakit? Naging mabuti ba ako sa’yo, Everly?”Ginawa lang niya ang gagawin ng isang estranghero sa isang taong nangangailangan ng tulong. Paano nga ba siya naging mabuting asawa kay Everly Golloso?“Ito. Hindi ba ito kabutihan?”Dinilaan pa ni Roscoe ang labi upang basain ng laway. Muli na namang natameme sa katanungan ni Everly.Gaano ba kapangit ng trato niya sa asawa dati at pati itong ginawa niyang pagtulong ay big deal sa kanya?Nakaramdam pa ng kakaiba si Everly sa pananahimik ni Roscoe. Iba talaga ang nararamdaman niya sa mga kinikilos nito. Nagpakaba pa iyon sa kanyang puso lalo na nang muli siyang alalayan at igiya ni Roscoe. Sa siko na lang naman siya nito hinawakan ngayon. “Hindi ito kabutihan at pagmamahal, Everly na kahit na