ILANG SEGUNDONG NAMANHID ang mukha ni Roscoe nang marinig ang huling litanya ng ina na hindi niya deserve si Everly. Parang siyang sinampal ng malakas doon. Kaliwa at kanan. Alam niyang sa kabila ng pagiging walang wedding ceremony nila ni Everly ay minahal ng kanyang ina ang kanyang asawa. Tahasan niya nga itong kinakampihan ngayon.“Ang daming mga bagay na sinakripisyo ni Everly para sa’yo. Tinalikuran niya pa ang kanyang pamilya para sa’yo. Napunta siya mula sa pagiging walang pakialam na babae sa kanyang pamilya hanggang sa magagawa na niya ang lahat ngayon. Ano ang nagawa niyang mali para makatanggap ng ganitong pakikitungo sa isang walang pusong lalaking tulad mo?!” singhal pa ng kanyang inang hindi na napigilan na mamalisbis ang mga luha sa mata.Napailing na doon ang Ginang na makailang beses inilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang manugang. Oo, mahal niya naman ang kanyang anak pero mas may simpatya siya sa manugang. Napayuko na doon si Roscoe. Kung pwede lang sab
SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ng Ginang. Noon lang niya nakita si Everly na binulyawan ang kanyang anak. Dati-rati naman ay tatahimik lang ito at walang pakialam kung ano ang ginagawa o ang mga sinasabi ni Roscoe. Ngunit iba ang araw na ito. Nakita niya ang galit na nakabalandra sa mukha ni Everly. Nakita ng Ginang ang kabilang side ng manugang na ‘di niya alam na palaban din naman pala.“Bakit pa natin patatagalin at ililihim? Kalat na kalat na nga ang larawan niyong dalawa ni Harvey. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, malalaman pa rin naman niya di ba? Dapat kasi, hindi ka nakipag-date sa Harvey na iyon. Hinintay mo na lang sanang mag-divorce na muna tayo bago ka lumabas, di ba?!”Napakurap na ang mga mata ni Everly. Marami siyang gustong isumbat, ngunit ayaw na niyang humaba ang usapan nila. Isa pa nakakahiya sa mother-in-law niya.“Media ang nagpakalat noon. Hindi maniniwala si Lola sa kanila lalo na kung walang proof. Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin na ilihim na lang m
HINDI NA MAALIS ni Everly ang mga mata niya sa kamay ni Roscoe na nakapatong na sa kanyang balikat. Naghuramentado na ang tibok ng kanyang puso nang dahil dito. Nabasa agad ni Everly ang ibig sabihin ni Roscoe, gusto niyang sakyan nito ang sinasabi niya. Ayaw niya man ngunit para di masaktan ang matanda, kinailangan na niyang sumang-ayon na lang kay Roscoe kahit na alam niya sa sariling labag sa loob niya.“Pangako Lola, darating ako sa birthday party mo.” sambit niya kahit naka-plano naman talaga na pumunta siya doon nang dahil sa mga ulasimang-bato na nais niyang ibigay sa matanda. “Darating po ako, Lola…”Ngumiti na doon ang matanda. Nang makitang ngumiti ang matandang babae, nakahinga ng maluwag si Roscoe at sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang bibig. Nagkatinginan na silang dalawa ni Everly ng sandali.“Sige na Lola, magpahinga na po kayo. Hindi na rin ako magtatagal dahil may gagawin pa po ako.”“Basta ha, hija? Pupunta ka sa birthday party ko. Maghihintay ako sa’yo doon. Huwag
KUMIBOT-KIBOT ANG BIBIG at hindi na mapigilan na agad nanlaki ang mga mata ni Everly, tinatago ang sarkasmo sa mga mata niya na kunwari ay nagulat sa huling sinabi ni Lizzy. Hindi nito alam na kaharap niya na ang tunay na Lord S na siyang may-ari ng S Camp na kanyang ipinagmamalaki at sinasabi kay Everly.“Talaga, Lizzy? Ang powerful mo naman pala kung ganun.” Gusto na siyang tawanan ni Everly dahil mukha na itong tanga sa harapan niya. Tunay nga naman na dati silang magkaibigan ngunit hindi bilang si Lord S siya kundi bilang mahinang si Everly. Iyon ang alam nito.“Pupunta ka ba sa birthday party ng Lola ni Roscoe? Kung wala kang dalang ulasimang-bato para sa kanya, bibigyan kita para naman hindi ka nakakahiya doon. Iyon ang magiging highlight ng party for sure...”Napakagat ng labi si Everly at walang sinasabing ngumiti. Sumulyap si Lizzy sa kanya at naisip niyang pinipilit lang niyang ngumiti dahil ayaw nitong napapahiya. Inayos niya ang kanyang buhok at ang suot na damit. Iyong t
PAGAPANG NA SUMAMPA sa sofa si Everly habang pinapanood niya ang trailer ng bagong labas na drama ng kanyang kaibigang si Sheena nang makatanggap siya ng message mula kay Monel. Screenshot iyon ng isang text message. Kulay itim ang avatar noon at halatang naka-private ang kanyang account na ginawa lang upang gawing pang-communicate.‘Tulungan niyo kaming makakolekta ng dalawang daang ulasimang-bato. Kahit na magkano ay babayaran namin.’ Napataas na ang kilay ni Everly. Parang kung sino lang ang nag-offer na iyon. Tinawagan na niya si Monel matapos na i-pause ang kanyang pinapanood na trailer ng kanyang kaibiga. Agad naman iyong sinagot ng kanyang tinawagan. “Rejected. Gaya ng sabi ko, e-ho-hold natin ang lahat ng ulasimang-bato. Hindi tayo maglalabas noon kahit na isa lang.” “Okay, Boss. Re-reject ko na.” “Good.” “Boss may message na naman siya.” “Sige basahin mo. Anong sabi?” “Bakit ko raw nire-reject? Posible raw bang naubusan na tayo ng lakas na maghanap noon? Namimilit siya
NAKA-PLASTER NA ANG mga ngiti sa mukha ni Lizzy na halatang ready na sa pagdating ng inaasahan niyang ka-meet up sa lugar. Hindi na siya mapakali na parang hindi mapataeng pusa. Kinakailangan na niyang tumayo, saka magpalakad-lakad upang kalmahin ang kanyang sarili. Parang huminto ang buong paligid sa pag-inog pagpatak ng kamay ng orasan sa alas-otso ngunit walang Lord S na dumating at nagpakita sa kanya. Ganunpaman ay hindi pa rin naubusan ng pag-asa sa kanyang puso si Lizzy. “Miss Lizzy, wala pa po ba ang ka-meet up niyo? Lagpas ng alas-otso.” tanong ng bodyguard na kanyang kasama na sumungaw na ang ulo sa pintuan ng VIP room, ang akala niya tuloy ay si Lord S na iyon. Marahang kinagat ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi sabay iling. Aaminin niyang kinakabahan na siya doon. Imposible na hindi susunod ang kausap niya sa napagkasunduan nilang oras nito. Hindi nito itataya ang kanyang pangalan para lang sirain. Iyon ang pinanghahawakan ni Lizzy kung kaya nakampante pa rin. “Baka
NAGKUKUMAHOG NA NAMANG pumasok ang bodyguard na nasa labas lang ng VIP room nang marinig iyon. Halata ng pagiging alerto sa kanyang mga galaw. Nakita niyang namumula na sa galit ang mukha ni Lizzy at nanlilisik na rin ang mga mata nito na hindi niya maintindihan. Hindi na roon naitago ang galit nito.“Miss Lizzy, ayos lang ba kayo?” “Mukha ba akong okay? Sa tingin mo okay lang ba akong pinaghintay na dito ng ilang oras?!” bulyaw niya na kulang na lang ay pumutok ang ugat na lumitaw sa kanyang noon nang dahil sa inis na nararamdaman.Ganunpaman ang galit na kanyang nararamdaman ay nagpasya pa rin siyang mag-send ng message kay Lord S upang alamin kung bakit wala pa rin ito doon gayong kung anong oras na iyon. Naroon na siya alas-otso pa lang ng gabi. Anong oras na iyon kung kaya naman hindi na niya mapigilang uminit ang kanyang ulo sa nabasang reply ni Lord S na umano pagkaayos ng kanyang sasakyan at ma-repair ay umuwi na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Galit na galit nang
MARIIN ANG PAGKAKATIKOM ni Everly ng bibig niya. Gusto ng matawa sa panghuhula ni Lizzy kung ano ang katauhan niya. Kailan pa siya naging mukhang lalaki? Syempre, hindi niya pa rin itinuloy kahit na sa loob niya ay tawang-tawa na siya dito. Kung malalaman lang nito kung sino siya, malamang hahandusay na ito sa pagkabigla niya.“Ah, lalaki? Sa pagkakaalam ko ay babae raw siya. Kung ganun, hindi pala totoo at tsismis lang iyon.”Puno ng kahulugan na tiningnan na siya ni Lizzy. Pakiramdam niya ay parang hindi na normal ang pagiging madaldal ni Everly na patungkol lahat sa ka-meet niyang si Lord S. Iyong tipong parang marami itong alam. Nabuwisit pa ditong lalo si Lizzy. Natatandaan niya kasing hindi ganito ang babae sa kanya ngunit ngayon ay ang daldal nito. Parang may something din sa mga kinikilos niya.“Maiwan na kita, nagmamadali ako.” Pagkasabi noon ay hindi na hinintay pa ni Lizzy ang sasabihin ni Everly at tuloy na siyang iniwanan. Sinundan lang siya ni Everly ng tingin na hindi
GUSTO NG MATAWA ni Everly sa tinurang ito ni Roscoe. Ano? After ng divorce nila gusto pa nitong maging magkaibigan sila at magpansinan? May sira na yata ang ulo ng lalaking ito. Walang ganun. Pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya, gusto niya umakto siyang magkaibigan sila? Anong kalokohan iyon ng lalaki? Halatang hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Sa loob ng maraming mga taong pagsasama nila, ni wala naman itong magandang nagawa sa kanya. Ang trato nito sa kanya ay parang hangin, tapos ngayon kung makahiling akala mo naman ay naging mabuting asawa ito sa kanya noon. Sa parte ni Roscoe ay kayang-kaya nitong gawin ang nais niya, eh sa part niya? Tinanong ba siya nito kung kaya niya?Si Everly ay labis niyang nasaktan, siniraan at hindi nirespeto ang nararamdaman. Niloko rin siya at ipinagpalit ng asawa niya sa ibang babae noong kasal pa sila, tapos ngayon hinihiling nito na maging civil sila at maging respectable sa mga taong kanilang pinagsamahan? Mukhang nasa malalim na pagtulog
SUMUGAT PA ANG isang nakakalokong ngiti sa labi ni Roscoe nang ilihis na ni Everly ang kanyang paningin sa asawa. Muling sinubukan ni Everly na kumawala ngunit humigpit lang lalo ang hawak ni Roscoe sa kanya. Hindi alintana ang laway ni Everly na hindi namalayan nitong dumikit sa baba kanina sa ginawa nitong pagkagat sa kanya. Walang anu-ano at tinawid ni Roscoe ang ilang pulgada nilang pagitan upang tumama lang ang kanyang labi sa bibig ng asawa. “Ano? Sa tingin mo ba ay panaginip pa rin ito?” Napaawang na ang labi ni Everly na sinabayan pa ng malakas na paghuhuramentado ng kanyang puso sa loob ng dibdib. Sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay ‘di na siya makahinga at mauubusan na doon ng oxygen.“Anong ginagawa mo, Roscoe? Hindi mo ako bibitawan?!” may banta na sa tinig ni Everly na tinaliman na ang mga tinging pinupukol sa kanya. Kung gusto niyang makawala dito, kailangan niyang samaan ng ugali at pagbantaan ito. Iyon ang kanyang natutunan sa ugal
PRENTENG NAUPO NA si Roscoe sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Everly. Hindi niya inalis ang mga mata sa asawa habang ang cellphone nito ay nakadikit pa rin sa kanyang tainga. Walang anu-ano ay parang may sariling buhay na humaplos ang kanyang isang palad sa pisngi ni Everly, marahan lang iyon kung kaya naman hindi ito nagising. Ilang sandali pa ay gumapang na pababa iyon at dumako pa banda sa nakatikom na labi ng kanyang asawa.“Hindi naman kagulat-gulat,” tugon ni Harvey na sinundan pa ng buntong-hininga na hindi nakaligtas sa pandinig ni Roscoe na nagawa pang mas maging masaya ang malapad na ngiti. “Sana alagaan mong mabuti si Everly at—” “Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin iyan dahil alam ko kung ano ang gagawin ko sa asawa ko!” may diin niya pang tugon sa salitang asawa. Lumapad pa ang kanyang ngiti na naguguni ng paniguradong halos mamatay na sa selos ang lalaking kausap niya. “Hindi mo kailangang mag-alala dahil kahit hindi mo sabihin iyan pa rin ang gagawin ko sa k
MAKAILANG BESES PA siyang sinipat ni Alexis sa mukha. Hinahanapan ng dahilan kung bakit siya nagtatanong. Pakiramdam niya ay may mali sa amo. “Ano po ang problema, Mr. De Andrade?”Iniiling ni Roscoe ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip na hindi naman dapat. Napuno pa ng maraming katanungan iyon dahilan upang tuluyan siyang maguluhan. Panaka-naka ang pasok ng liwanag ng mga street lights sa kanilang dinadaanan. Natatanglawan noon ang seryosong mukha ni Roscoe na nakatingin na noon sa kawalan. Mababakas anng labis na pagka-seryoso sa kanyang mukha. Makailang beses niya pang nilingon ang mukha ni Everly. “Alexis, paki-imbestigahan ngang mabuti noong na-kidnapped ako kung sino talaga ang nagligtas sa akin.” Hindi maintindihan ni Alexis kung ano ang nais na palabasin ng kanyang amo. Hindi ba at alam naman na nitong si Lizzy Rivera ang nagligtas sa kanya? Bakit kailangan pa nitong pa-imbestigahan ang bagay na iyon na hindi niya ginawa noon? Tinanggap na lang niton
MAHABA ANG NAGING biyahe nila pauwi. Dala marahil ng pagod ni Everly at side effect na rin ng gamot sa kanyang sugat kung kaya naman hindi sinasadyang biglang nakatulog siya. Naramdaman na lang ni Roscoe ang biglang pagbigat sa kanyang balikat nang walang ulirat na ipatong doon ng asawa ang kanyang ulo. Napalunok na ng sunod-sunod doon si Roscoe. Hindi nakaligtas sa kanya ang suot nitong damit na medyo revealing sa banda ng kanyang dibdib. Kahit na madilim sa loob ng sasakyan, sa mga mata ni Roscoe ay ‘di nakaligtas ang tila kumikinang na balat ni Everly banda dito.‘Ano ba naman ‘to!’ Masusing tahimik na pinagmasdan ni Roscoe ang manipis na kilay ng asawa at ang nakapikit nitong mga mata. Dumako pa ang tingin niya sa labi nito na bigla na lang sumagi sa kanyang isipan na halikan ito. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapadala sa tukso. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang lalamunan kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso na para bang
KAILANMAN, BUONG BUHAY niya ay hindi nawalan ng sasabihin at katwiran si Roscoe kapag kinakausap. Nang mga sandali pa lang iyon nangyari at dahil kay Everly. Ilang minutong pinag-aralan niya ang mukha ni Everly na napagtanto niyang maganda sa malapit.“Bakit? Naging mabuti ba ako sa’yo, Everly?”Ginawa lang niya ang gagawin ng isang estranghero sa isang taong nangangailangan ng tulong. Paano nga ba siya naging mabuting asawa kay Everly Golloso?“Ito. Hindi ba ito kabutihan?”Dinilaan pa ni Roscoe ang labi upang basain ng laway. Muli na namang natameme sa katanungan ni Everly.Gaano ba kapangit ng trato niya sa asawa dati at pati itong ginawa niyang pagtulong ay big deal sa kanya?Nakaramdam pa ng kakaiba si Everly sa pananahimik ni Roscoe. Iba talaga ang nararamdaman niya sa mga kinikilos nito. Nagpakaba pa iyon sa kanyang puso lalo na nang muli siyang alalayan at igiya ni Roscoe. Sa siko na lang naman siya nito hinawakan ngayon. “Hindi ito kabutihan at pagmamahal, Everly na kahit na
MALALAKI ANG MGA hakbang na nilagpasan niya si Roscoe upang mabilis na din na makalayo sa asawa. Tahimik namang sumunod si Roscoe habang nasa likod niya ang dalawang kamay. May kakaibang ngiti sa kanyang labi na hindi niya magawang ipaliwanag kung bakit ganun na lang siya kasaya nang makitang hiyang-hiya at namumula ang mukha ng asawa niya.‘What’s wrong with you now, Roscoe? Maligaya ka?’Ang mga lumabas kanina na doctor ay naabutan nilang nasa harap lang ng kinaroroonan nilang silid. Yumukod ang mga ito upang magbigay na ng galang. Napayuko rin nang bahagya si Everly bilang tugon. Ang OA lang talaga ni Roscoe na kinakailangan pa siyang dalhin sa hospital kung pwede naman niyang gamutin na lang ang kanyang sarili sa bahay nila. Marami pa tuloy silang naabala na ‘di naman dapat.“Mrs. De Andrade, narito po ang mga gamot na kailangan niyong i-apply sa mga sugat.” bigay ng doctor ng ointment lang naman, “Hindi man gaanong malalim ang mga sugat kaso nga lang ay ang dami nila. Para na rin
AWTOMATIKONG INIIWAS NA ni Everly ang kanyang mga mata sa mukha ni Roscoe. Itinuro na ng kanyang daliri ang likod. Mabilis namang nagtungo doon si Roscoe. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na bagama’t hindi naman nakatakip ay nakita niyang magiging sagabal iyon. Sa ibabaw ng kanyang tattoo ay may dalawang maliit na piraso ng bubog na nakabaon. Maputi at maselan ang balat ni Everly, at nang tumusok ang fragment sa kanyang balat, agad nang namula ang buong paligid noon. Hindi mapigilan ni Roscoe na itaas ang kanyang kamay. Bumagsak ang nanlalamig niyang mga daliri sa likod ni Everly na nang dumampi ay bahagyang nanginig. Naburo na ang mga mata doon ni Roscoe. Maingat niyang kinuha ang mga fragment, nilinis ang sugat at nilagyan ng hemostatic gauze. Nang tutulungan na sana niya si Everly na tingnan kung may mga fragment pa sa ibang bahagi ng katawan, hindi niya naiwasang tumagal ang mga mata sa tattoo ng babae. Hindi na niya napigilan ang palad na haplusin iyon. Magaspang ang bahagin
KAKARATING PA LANG sa Ginang ng balita kung kaya naman hindi pa niya nagagawang e-digest iyon at naunahan na ng panic. Gumalaw ang adams apple ni Roscoe na humigpit pa ang yakap sa katawan ni Everly na sa mga sandaling iyon ay namumungay na ang mga mata. Biglang malakas na kumalabog ang loob ng puso niya. Ang dugo mula sa pulso ni Everly na nasugatan ng matalim na bubog ay dumikit sa leeg ni Roscoe. Mainit iyon dahil sariwa at malagkit. Hindi rin iyon nakaligtas sa paningin ni Roscoe na hindi komportable ang pakiramdam. Napatitig na siya sa mukha ni Everly na puno ng halo-halong emosyon ang mga mata. Bumilis pa ang kanyang mga hakbang papalabas ng venue, karga pa rin ang katawan ni Everly. Wala rin siyang planong bitawan ang asawa.“R-Roscoe…” usal ni Everly kahit blurred ang tingin.Tumitig pa ang mga mata ni Everly sa mukha ni Roscoe. Hindi niya alam kung nakakakita siya ng mga bagay, ngunit nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Roscoe sa unang pagkakataon habang karga siya. Sus