MAULAP AT MAHAMOG pa ang labas ng mansion nang maalimpungatan si Everly. Hindi pa rin noon sumisikat ang araw. Napaismid na si Everly nang makitang si Monel lang ang istorbo sa pagtulog niya. Hindi niya iyon sinagot. Mukhang aabalahin lang siya nito sa walang katuturang bagay. Muli niyang ibinalot ang katawan sa comforter at ipinikit ang mata. Hindi pa lumilipas ang ilang segundo noon nang muling mag-ring ang kanyang cellphone sa tawag na naman ni Monel. Napilitan na si Everly na sagutin iyon, mukhang may kailangan ito sa kanya dahil hindi ito tatawag muli kung alam nitong sinadya niyang hindi iyon sagutin. Nakapikit pa rin ang mga matang ipinatong niya iyon sa ibabaw ng tainga niya.“Anong kailangan mo? Parang hindi mo alam na natutulog pa ako ng ganitong oras ah?” “Gusto ko lang ibalita sa’yo na sikat na sikat ka na ngayon.” Napakunot pa ang noo ni Everly. Ano na naman bang ginawa niya? “Paano mo nasabi?” “Magbukas ka ng phone, makikita mo ang ibig kong sabihin. Trending ka. Vir
NAGBULUNGAN NA ANG mga taong nasa likod nila upang magbigay ng opinyon ng kanilang pagsang-ayon sa sinabi ni Everly. Gusto nilang suportahan ang doctor sa pangungumbinsi niya. “Totoo iyan, iyong anak ko may cancer. Sabi ng doctor niya ay ilang araw na lang ang kanyang itatagal. Gustong-gusto ko pa siyang mabuhay at makasama ng matagal pero anong magagawa namin kung hanggang doon na lang siya? Isa siya sa best example na nakikipaglaban ng literal.” madamdaming sambit ng isang Ginang na may bahid ng inggit ang boses ng mga sandaling iyon. “Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang buhay. Lumaban ka. Kaya mo pang gumaling. Kaya pa...” “Dinig mo? Huwag mong sayangin ang sarili mong buhay kung may chance pa na gumaling ka.” muli pang turan ni Everly na pilit inaarok ang lalim ng pang-unawa ng umiiyak pa ‘ring babae.“Tama, mas maraming tao ang may malaking mga problema sa’yo at hindi lang ikaw iyon.” “Bata ka pa, kayang-kaya mo pang malampasan iyan. Kung may sakit ka, magpagamot ka lang.” “Ha
NAPATINGALA NA RIN si Everly kagaya ng ilang mga tao na nakatunghay kung nasaan ang babae na itinuturo nila. Nandilat na sa gulat ang mga mata ni Everly nang makilala na ang babae. Iyon ang asawa ng lalaking nakaaway niya. Walang pag-aalinlangan na tumakbo na siya paakyat. Kailangan niyang kumbinsihin ang babaeng bumaba doon bago pa man may mangyaring masama. The desire to survive in her eyes was so strong that she was not even afraid of being beaten by the man and secretly came to the hospital for treatment. How could she jump off the building? Hindi kaya naroon na naman ang lalaki at hinahadlangan na naman siya sa gusto niya? Marami ng mga tao sa rooftop nang makaakyat si Everly. Ang iba ay nakikiusyuso, ang iba ay gustong kumbinsihin siya at ang iba naman ay nagvi-video. May mga doctor rin ang naroroon. Sinusubukan na kumbinsihin ang babae kahit na alam nilang mahirap ng pigilan ang gusto nito. “Kaya natin solusyunan ang problema mo, don’t do anything stupid please?!” sigaw ng kan
NAPATAAS NA ANG isang kilay ni Harvey nang marinig niya ang sinabi ni Everly. Itinukod niya ang kanyang isang kamay sa ibabaw ng mesa at ipinatong na ang kanyang baba sa likod ng palad. May kakaibang ngiti na sa kanyang labi ng mga sandaling ito na parang may iniisip na masama.“Everly, alam mo bang may sekreto ang pamilya Rivera? Gusto mong malaman kung ano iyon?”Napainom na ng tubig si Everly. Sekreto ng pamilya ng mga Rivera? Ano iyon? “Saan mo narinig? Baka mamaya rumor lang iyan ha?” “May nagsasabi na may proof ito, kaya hindi lang basta rumor. Totoo. Kaya nga secret nila eh.” “Ano ba iyon?” ani Everly na hindi naman masyadong intersado itong marinig. “Actually, si Lizzy ay—” Naputol ang sasabihin ni Harvey nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Sabay silang napatingin sa screen noon dahil nakalagay lang naman iyon nang malaya sa kanilang table. Ang ama iyon ng lalaki. Tawag na ‘di niya pwedeng basta na lang balewalain dahil sa pinag-uusapan.“Pasensya na, sasagutin k
HINAHAGOD ANG LEEG ni Everly habang papalabas siya ng pintuan ng hospital noon. Napagod siya buong maghapon dahil sinamahan niya sa loob ng operation room si Doctor Santibaniez. Hiniling nitong sumama siya at i-assist niya siya na di niya natanggihan. Sa mga sandaling iyon ay nais na niyang bumulagta sa kama at ipikit ang kanyang mga mata. Dama niya ang panghihingi na ng pahinga ng katawan na ilang araw na niyang pinapagod nang sobra at hindi binibigyan ng maayos na pahinga. Saglit na natigilan si Everly sa kanyang paglalakad nang may matanaw na pamilyar na sasakyan.“Everly!” Itinaas pa ng lalaking may-ari noon ang kanyang kamay upang kumaway lang sa kanya. Kinurap-kurap ni Everly ang kanyang mga mata upang sipatin lang kung sino iyon. Si Harvey. Matingkad na ang ngiti ng lalaki sa kanya. Sabagay, matagal na rin noong huli silang nagkitang dalawa. Hindi na rin niya ito magawang makumusta pa. As usual naka-tuxedo pa rin ang lalaki noon na halatang galing sa mahalagang meeting o okasy
PAMARTSA NA SILANG iniwan ni Everly na ilang segundong tiningnan ng tahimik si Lizzy na hindi na makatingin sa kanya nang diretso, nang makita naman iyon ni Lorenzo ay agad na itong tumayo upang sundan lang ang babae. Nagpang-abot sila sa labas na ng VIP room ni Lizzy. Hindi siya napansin ni Everly na nakasunod, napapitlag na lang ito nang bigla na lang tawagin ni Lorenzo ang kanyang pangalan.“Everly!” Nilingon siya ni Everly na puno na ng katanungan ang mga mata. The atmosphere between the two of them was a little subtle, as if they were confronting each other silently. Hinintay niya ang karugtong na sasabihin ni Lorenzo na alam niyang mayroon pa kaya siya tinawag.“Pwede bang layu-layuan mo na ang kapatid ko? Hindi naman na kayo magkaibigan di ba? Malamang kaya siya nagkakaganyan ay nang dahil sa’yo. Tell me, anong ginawa mo kay Lizzy?!” lantarang akusasyon pa ng lalaki na akala mo ay alam nito ang buong katotohanan.Hindi makapaniwalang napaawang na ang bibig ni Everly. Pareho n