HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roscoe ang kanyang mga mata kay Everly kahit na naramdaman niya ang ginagawang paulit-ulit na paninipa ni Lizzy sa kanyang paa sa ilalim ng lamesa. Parang may magnet na humahatak sa kanya na pagmasdan ang asawa at suriin ngayon ang kanyang hitsura kahit pa nakita naman niya ito kanina dahil sinamahan niya itong magpa-check up. Aminin niya man o hindi ay mas nagandahan siya ngayon sa kanya. Maging ang mga ngiti nito sa mga kasamahan ay halatang totoo at hindi peke na gaya ng binibigay sa kanya, maging ang ipinapakita niyang pag-uugali. Cute si Lizzy, oo, pero kung magkasama ang dalawa sa iisang lugar mas lumilitaw doon si Everly na parang bagong bukad na bulaklak. Inalis niya ang tingin dito nang mag-vibrate ang cellphone at makita doon ang message ni Lizzy. Lizzy: Pumunta ka lang ba dito para titigan si Everly? Sana hindi ka na lang nagpakita kung ganyan ang gagawin mo. Nakakairita ka! Ang sakit mo sa mga mata, Roscoe!Napalingon na si Roscoe kay Lizzy na ba
LUMAKAD NG PAPALAYO si Everly sa kanilang lamesa nang hindi lumilingon. Batid niyang nakatingin sa likod niya si Lizzy na lihim na nagdiriwang sa pag-aakalang nainis na naman siya nito. Tama naman ito, nakaka-depress na makasama ang babae. Hindi siya dumiretso sa banyo gaya ng paalam niya. Sa cashier siya nagpunta upang magbayad na para mamaya ay hindi na iyon maging hustle sa kanya. Ayaw niyang makita si Roscoe na patungo din doon. Magdadahilan na lang siya kung bakit siya biglang nawala o baka bumalik pa din siya sa loob. “Miss bills nga ng table na iyon.”Namilog na ang mga mata ni Everly nang makita kung sino ang nagsalita. Dapat ay linya niya iyon ngunit naunahan siya ni Roscoe na walang kahit na anong emosyon ang mukha niya. Lumingon ito sa banda niya kung kaya naman nagtama ang kanilang mga mata. Naputol langn iyon nang i-abot na ng cashier ang amount na kailangang bayaran kung magkano ito. Pinasadahan lang iyon ng tingin ni Roscoe at ini-abot na ang hawak niyang card sa cashi
EXCITED ANG LAHAT nang sumapit na ang labasan. Halos mag-unahan sila palabas upang magtungo na sa napag-usapan nilang japanese restaurant. Kinapa-kapa ni Everly ang bulsa at maging ang loob ng kanyang bag. Hindi niya makita doon ang kanyang cellphone. Saka pa lang niya naalala na mukhang naiwan niya iyon sa table niya. Hindi niya ito nalagay sa bag. “Una na kayo ha? Susunod ako.” sambit niya sa mga kasabay na maglakad papalabas. “Ha? Bakit?” “Naiwan ko ang phone ko.” “Aww, o sige. Sumunod ka ha? Baka mamaya dumiretso ka ng uwi.” Pagak na tumawa si Everly. Hindi niya ugali ang mang-indian, syempre kay Lizzy lang niya iyon ginawa noong siya ay si Lord S dahil deserved niya ang hindi siputin at pagmukhaing tanga. Natigilan siya pagpasok niya sa loob ng pintuan ng kanilang office nang may narinig siyang parang may nahulog sa sahig. Binuksan niya ang switch ng ilaw dahilan upang kumalat doon ang liwanag. Napakurap siya nang makita niya ang bulto doon ni Nadia. Nakaawang ang bibig na m
APURANG TUMINDIG NA si Everly habang parang pira-piraso ng isang puzzle ang kanyang mukha. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki na seryoso na rin ang tingin sa kanya. “Anong ginagawa niyo dito?”Imposible naman na pabantayan siya ng kanyang Lola sa mga ito habang nagtra-trabaho.“Miss Golloso, napag-utusan lang po kami ng Lola mo na dalhin ito bilang paunang regalo sa mga kasamahan mo sa departamento.” si Yves iyon, ang lider ng mga bodyguard ng matanda.Pagsabi niya noon ay pumasok na ang ilan pa sa mga member ng kanilang grupo at namigay na ng mga box na kanilang dala. Puno ng ingat na inilapag nila iyon sa mesa ng bawat isa. Sa loob ng box na iyon ay may homemade pastries at cold drinks na kasama. Kumbaga, merienda. Inilibot ni Yves ang kaniyang mga mata sa paligid, seryoso at cold man ay hindi maikakailang gwapo ang lalaki. Hindi tuloy maiwasan ng ibang mga doctor na kiligin dito.“Ipinapasabi ni Donya Antonia na sana ay ma-enjoy niyo ang inihanda niya.” Nagpalakpakan ang kar
PAGKASABI NI EVERLY noon ay may isang lalaki ang pumalakpak mula sa kanilang likuran dahilan upang mapalingon silang lahat upang tingnan kung sino ito."Paano ang kagaya niyang bata pa sa mundo ay maniniwala na may miracle doctor? Ini-exaggerate niyo na lang naman masyado ang tungkol sa kanya!” “Hindi namin ini-exaggerate. Mismong si Mr. Lim na ang nagsabi noon. Sa tingin mo bakit sasabihin niya iyon kung hindi iyon totoo? Nagsisinungaling siya?”Napatitig na si Everly sa doctor na iyon na halatang nasa thirties na pero may maganda itong appearance. Bumaba ang mata ng babae sa name tag ng doctor na iyon, Deputy Director Zane Matias. Ito ang nakalagay.“Deputy Director Matias, mayroon po talagang miracle doctor na nag-e-exist. Babae. Tinatawag nila itong Doctor Stacy. Napakagaling niyang doctor.” pakikipagtalo ni Helena na may nais patunayan dito.Walang humor ang naging pagtawa ng lalaki. “Kung totoo nga na may miracle doctor sa mundo na kayang pagalingin ang kahit na anong sakit, s
NAPAHAGIKHIK AT NAPAHAWAK na sa tiyan niya sa tuwa si Everly nang mabasa niya ang message ng kanyang asawa. Nakikinita na niya ang mukha nito. Malamang nagtagumpay siyang galitin si Lizzy at iwanan ito dahil hindi ito magpapadala ng message sa kanya kung naroon pa ang babae. Tama naman lahat ng sinabi niya kay Lizzy. Wala naman doong pawang kasinungalingan lang o basta inimbento na lang niya kanina. Nais pa niyang paglaruan ang damdamin ni Roscoe dahil bored siya kaya naman nag-reply siya. Everly: Totoo naman ang lahat ng sinabi ko di ba? Alin doon ang kasinungalingan? Sinusubukan lang din naman kitang tulungan na patibayin ang relasyon niyo. Kung nagalit siya nang hindi nakinig sa paliwanag mo, malamang hindi ka niya talaga lubos na mahal. Magpasalamat ka pa nga sa akin, free trial niyo iyon eh.Nameywang na si Roscoe nang mabasa niya ang message ni Everly. Napakagaling talaga nitong manggalit. Hindi naman nito kailangang sabihin ang tungkol sa bagay na nangyari kay Lizzy, sinadya
TILA NANUYO ANG lalamunan ni Everly nang marinig niya ang sinagot ni Roscoe. Pakiramdam niya ay biglang bumilis din ang tibok ng kanyang puso na kulang na lang ay lumabas sa kanyang lalamunan. Patuloy pa rin ang lalaki sa kanyang ginagawang paglilinis ng mga sugat niya sa braso. Tumagal pa ang tingin niya sa mukha ni Roscoe na nakatungo kung kaya naman mas napagmasdan niya ang mukha nitong matagal na niyang di nagagawa. Pakiramdam ng babae ay biglang nag-slow motion ang kanilang paligid sa mga oras na iyon. Napalunok pa siya ng laway habang nakatitig pa rin sa mukha. Patuloy na malakas na umaalingawngaw ang tibok ng puso na kulang na lang ay mabingi siya. Ganun na lang ang gulat ng doctor pagbalik niya sa loob ng silid at nagawa ng linisan lahat ni Roscoe ang mga sugat niya na pwede naman palang di na pumunta.“Wala naman ng iba pang kailangan. For the meantime, huwag ka na lang munang kumain ng maanghang at malalangsa. Huwag ka ‘ring magbababad sa tubig habang patuyo na ang mga ito.”
NAGBUHOL PA ANG mga kilay ni Roscoe ang sinabing iyon ni Everly. Umaarte? Iyon ang tingin nito sa kanya? Ayos ah! “Aarte ng ganito? Sa tingin mo nag-iinarte lang ako, Everly? Hindi pwedeng ginagawa ko lang kung ano ang tama?” Pinili na lang ni Everly na manahimik keysa ang makipagsagutan pa kay Roscoe. Mas madiin niyang itinikom ang bibig nangn makita niyang nilingon na siya ng asawa na para bang hinihintay nito na mayroon pa siyang sabihin sa kanya. “Hindi ba dapat matuwa ka—” “Bakit naman ako matutuwa? Mas matutuwa ako kung si Harvey ang—”“God damned it, Everly!” hampas na ni Roscoe sa kaharap niyang manibela na dumalas na ang hinga, “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ako ang sasama sa iyo sa hospital at hindi ang kung sinong lalaki na hindi mo kaanu-ano!” Sa halip an sumagot pa ay sinubukan na lang ni Everly na buksan ang pintuan ng sasakyan na naagapan namang ma-locked ni Roscoe. Hindi siya papayag na makababa ang asawa sa loob ng sasakyan gayong nagawa na itong ma-trap
PILIT NA NAG-UMALPAS si Everly nang makita niya ang planong gawin si Roscoe sa kanya kung kaya naman nahila na nito ang kanyang braso kung saan ay nadiinan ang kanyang sugat. Maluha-luha na siyang napadaing sa nararamdaman. “Nasasaktan na ako, Roscoe. Ano ba? Ang braso ko!” Napabitaw na doon si Roscoe lalo na nang makita niya ang paiyak na mukha ng asawa. Sumama pa ang tingin ni Everly sa kanya na marahang hinaplos ang kanyang braso kung saan ay aksidenteng natamaan iyon ng kanyang mahigpit na kapit.“Ano ba talagang kailangan mo sa akin ha? Bakit ba ipinipilit mo ang sarili mo? Pinagsisiksikan mo?!”Hindi siya nito gusto noon pa man, ngayong lumalayo na siya ito naman ang lapit nang lapit. Si Lizzy ang palagi nitong pinipili kaya bakit ngayon, patuloy pa rin siya nitong pini-peste? Sumang-ayon na nga siya sa divorce na gusto nito. Bakit palagi itong nagpapakita sa kanya sa malamya nitong dahilan na asawa niya? Hindi na malaman ni Everly kung totoo pa ang ipinapakita nito sa kanya.