Share

Chapter 9

Kinabukasan ay maaga muling gumising si Rizza para maghanda ng agahan nila. Hindi pa siya nagsasabi sa mga magulang niya na aalis siya mamaya. Tinawagan na niya kagabi si Drake at sinabi niyang sunduin siya mamaya bago sumapit ang lunch time. Pagkatapos niyang magluto ng agahan nila ay tinawag na niya ang mga magulang at kapatid niya para kumain na sila. Habang kumakain sila ay dahan-dahan na ibinuka ni Rizza ang bibig niya para magsalita. Tumigil muna siya sa pagkain niya ng agahan na niluto niya.

"May kailangan po akong sabihin sa inyo," mahinang sabi ni Rizza sa harap ng mga magulang niya. Napatigil rin ito sa pagkain. Nagkatinginan muna sina Minerva at Arturo sa isa't isa.

"Ano 'yon, Rizza? Ano'ng sasabihin mo sa amin ng papa mo? Importante ba 'yon na sasabihin mo sa amin?" tanong ni Minerva sa kanya. Tumango kaagad siya.

"Opo. Importante po 'yon, eh," sabi ni Rizza. Sabay na tumango ang mga magulang niya sa harap niya.

"Kung importante 'yon ay huwag mo nang patagalin pa. Sabihin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status