Share

CHAPTER 5

Author: TIAJ
last update Last Updated: 2023-05-29 22:45:28

Bumangon ako sa aking higaan ng marinig kong ang tumunog ang alarm clock.

Tanghali na pala hindi ko man lang namalayan. Anong oras na rin kasi kami nakauwi ni Krisha at mag -aalas dos na ng madaling araw.

Medyo masakit pa ang ulo ko  dahil na rin sa hangover at kulang na kulang ako sa tulog.

Pero kahit papaano nakalimutan ko lahat ang problema ko noong gabing  ‘yun.

Sana lagi nalang pagsasaya ang ginagawa natin sa buhay, pero hindi eh. Hindi natin matatakasan ang problema, babalik at babalik pa din ito.

Bumababa na ako sa sala nang matapos akong mag-ayos. Pero napatigil ako ng makita ko si Bryson sa sala.

Nakaupo siya at nagbabasa ng magazine. Seryosong-seryoso ito habang magkasalubong ang mga kilay nito.

Sa totoo lang napakagwapo ng lalaking ‘to. Matangos na ilong, mahahaba ang pilik mata, makapal ang kilay may mapupulang labi, dagdag mo na rin ang hazel eyes niya na sobrang napakaganda, at higit sa lahat ang matipuno niyang katawan. Dahil sa suot niyang polo blouse bumabakat ang mga muscles nito sa braso.

“Why?”

Nagising ang diwa ko sa pagsasalita niya. Ayan umagang-umaga pinagpapantasyahan ko na naman si Bryson.

“Nothing.”

“Are you done signing the divorce paper?” Tanong niya saakin.

Oo nga pala nakalimutan ko yung divorce paper. Ano nga ba ang gagawin ko, hindi ko rin alam. Hindi ko kayang pirmahan.

“Si-sinabi ko na sa’yo diba, hindi ko pipirmahan yung divorce paper”

Nakaramdam ako ng kaunting kaba marahil siguro ay natatakot ako baka magkaroon nanaman kami ng pagtatalo.

Tumayo ito sa kinauupuan niya at nilapitan ako. Kitang-kita sa muka niya ang galit at hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.

“Ano bang gusto mo!” Galit nitong usal.

Ganito ba talaga siya kapursigido sa pakikipaghiwalay saakin. Ganito niya ba talaga kamahal si Camille. Lahat ay gagawin nito para lang sa babaeng mahal niya.

“A-aray bitawan mo ako!” Pagrereklamo ko dahil sobrang higpit na ang pagkahawak saakin ni Bryson.

Mangiyak ngiyak akong tinitignan siya, kitang kita sa mga mata niya ang galit.

Gusto kong maranasan na mahalin mo, gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo. Kung paano mo mahalin si Camille at mas higit pa sa pagmamahal mo kay Camille.

Binitawan niya ako agad ng sinabi ko ‘yun. Napamura pa siya at umiwas ng tingin saakin.

“You! Please sign the divorce paper!” Mariin niyang saad.

Aalis na sana siya ng hinawakan ko ang braso niya para pigilan ito. Ilang araw na siya wala dito sa bahay tapos aalis nanaman siya.

Tinignan niya ako ng seryoso.

“What do you need?”

“Please don’t leave” Maluhaluha kong wika sa kaniya.

Alam ko muka nanaman akong tanga sa sinasabi ko. Pero ayoko nanaman siyang umalis at mas lalong lumala ang pagmamahal nito kay Camille.

Ngunit hinawi niya ang kamay ko napayuko nalang ako para hindi niya makita ang luhang lalabas sa mga mata ko.

“Hindi ikaw ang didikta sa buhay ko! ” Malamig niyang sabi at umalis sa harapan ko.

Lumabas na ng tuluyan ang mga luha kong kanina ko pa pinigilan.

Sobrang sakit dahil kung ganito ang pinaparamdam sa’yo ng asawa mo. Yung asawang dapat nasa tabi mo, nakasuporta sa’yo nag mamahal sa’yo. Pero lahat nang ‘yun ay nasa ibang babae. Lahat ng pagmamahal at atensyon nasa ibang babae.

Ilang oras ang nakalipas ng mag-usap kami ni Bryson. Nandito ako ngayon sa café para mag trabaho wala naman akong magawa sa bahay. Puro sama ng loob at iyak lang ginagawa ko doon.

Mag-iisip lang naman ule ako kung paano ako mamahalin ng asawa ko. Mag-iisip lang ako bakit ba ayaw na ayaw saakin ng asawa ko.

Pumasok na rin sa isip ko baka hindi sapat ang kolaretes ko sa muka. Baka kailangan maging seductive ako sa harapan nito pero hindi naman ako ganoong babae.

Wala rin namang kwenta kung magpaganda ako at mag pasexy kung ‘yong taong mahal ko hindi naman ako mahal. Ano pang silbi ng pagpapaganda kung ‘yung taong gusto mo iba ang gusto.

Ang daya diba.

“Ano ma’am ayos ka na po ba?” Tanong saakin ni Amy.

Binigyan ko siya ng malawak na ngiti.

“Oo ayos na ayos na ako, ” sagot ko.

“Pero ma’am, ba’t nandito nanaman kayo, pumunta nalang po kayo sa office niyo,” saad ni Amy.

“Wala naman akong magawa sa office tapos ko na rin pirmahan lahat papers so dito nalang ako sa counter” Ngiti kong saad sa kaniya at ngumuso pa.

“Nako tigas talaga ng ulo mo ma’am” Pakamot kamot na wika ni Amy.

Tinawanan ko nalang siya sa naging reaksyon nito.

Yung reaksyon niyang “I’m so done” sa sobrang kakulitan ko.

“Ikaw naman muna ang magpahinga amy, bibigyan kita ng bakasyon for 1 week okay no buts!” Sabi ko sa kaniya.

“Seryoso po ba ma’am?” Tuwang saad ni Amy.

“Oo kaya huwag kana tumanggi, ” sabi ko sa kaniya at kinunutan siya ng noo.

Bigla nito akong niyakap ng mahigpit. Binalik ko naman ang yakap na binagay niya at napangiti nalang.

“Enjoyin mo ‘yun ah tsaka may ibibigay ako sa’yong vacation ticket doon kayo mag enjoy ng pamilya mo”

“Hala ma’am! Sobra na po yung ibibigay niyo nakakahiya ‘wag na po”

“Nako! ‘Wag mo nang balakin tanggihan kasi kukulitin lang kita hanggang magsawa ka, ”sabi ko.

“Salamaaaat ng marami ma’am, napakabait mo po talaga! Swerte po siguro ni sir Bryson sa’yo. Kasi may mabait at maganda siyang asawa” Tuwang tuwa na saad ni Amy.

Pilit nalang akong ngumiti, sana nga totoo lahat ng sinabi ni Amy. Pero hindi ako yung mahal ni Bryson kahit nandito ako sa iba pa rin siya nakatingin.

“Miss”

Naputol ang pag-uusap naming dalawa ng may dumating na customer parehas namin itong nilingon.

Namilog ang mata ko ng makita ko ‘yung lalaking nakilala ko sa bar kagabi.

Sino nga ulet ‘to hindi ko na matandaan.

Tumalikod ako agad para hindi niya ako makilala. Pero wrong timing ng biglang may dumating pang isang customer. Dalawa lang kaming naiwan dito sa counter at panigurado ang ibang empleyado kumakain ng tanghalian.

Anong gagawin ko ayokong magpakita sa lalaking ‘to.

Bahala na!

Pasimple kong iginilid ang buhok ko sa kabila kong mata. Muka akong tanga sa ginagawa ko pero hindi niya ako pwede makita.

“Goodafternoon, what would you like to order?” Tanong ko sa isang customer.

Ako ang nag aasikaso sa isang customer habang nasa kabila naman ‘yung lalaking may asul na mata inaasikaso ito ni Amy.

“One black coffee and cheese cake”

“Okay mam, thankyou”

Inilista ko na ‘yung mga order at pasimpleng nagtatago para hindi ako makita ng lalaking ‘to.

Ngunit nataranta ako ng tumingin siya saakin.

“Miss did we met?” Tanong niya.

Ayokong humarap at makita ang muka ko.

“Ha-ha? Ako ba tinatanong mo?” Utal ko pang wika.

“Yes you, ” sabi niya saakin.

Namamawis na ako at kinakabahan ng sobra. Paano pag nalaman nito ni Amy na nagbabar ako baka ano pang isipin nito tapos may lalaki pang nakakilala saakin nako talaga.

“N-no. haha”

“Mam anong ginagawa mo?” Tanong saakin ni Amy at hinawi ang buhok na nakaharang sa muka ko.

Nanlaki ang mata ko at nagkatitigan kami ni kuyang blue eyes.

“You!” Sabi niya saakin.

“Hu-huh? Me?” Taranta kong tanong.

“You’re the girl I met last night” Tuwang sabi niya.

Bwiset napakaingay naman ng lalaking ‘to. Magmaang-maangan ka nalang letitia na hindi mo siya kilala.

“Sorry hindi kita kilala, ” sabi ko sa kaniya.

“Bilis mo naman makalimot, I’m Archer yung nagbigay sa’yo ng business card, ” sabi niya saakin at pinakita ang business card nito.

Wala na akong takas sa mokong na ‘to.

“Ah, ikaw pala ‘yon ha-ha nice to see you again, ” sabi ko.

“Wow, hindi kana nagsusungit ngayon ah akala ko ba hindi ka interisado saakin” Taas kilay niyang tanong.

Aba lokong ‘to!

“Sino siya ma’am?” Tanong saakin ni a

Amy.

Nakalimutan ko si Amy na nakikinig na pala saamin.

“Ah, kakilala lang, kunin mo na yung mga order ng customer.” Utos ko sa kaniya.

“So, you’re the owner of this café?” Tanong niya saakin.

“Yes, wala kanang oorderin diba mag antay kanalang doon”

“Aw! Ganito mo ba tratuhin mga customer mo”

“No!”

“Then why are you pushing me away?” Tanong niya saakin.

Naiinis na ako sa lalaking ‘to sa totoo lang kundi siya customer aba pinalayas ko na siya dito ngayon palang. Relax lang aalis din tong mokong na ‘to.

“Pwede ba?”

Pinakita ko sa kaniya yung wedding ring ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

“Why? Is this from your mother or you want me to marry you?” Tanong niya saakin.

“What the! I’m a ma-”

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng dumating na ‘yung order ng lalaking ‘to.

“So nice to see you again, miss not interested. Just call me if you wanna hangout okay, “ sabi nya saakin at nakangiti pa.

“Never” Bulong ko.

“Don’t worry if ready na ako magpakasal ikaw ang yayain ko” Dagdag pa nito hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Napakahangin ng lalaking iyon, nakakapang init dugo.

Sana hindi na magtagpo ang landas namin.

“Anong papakasalan ka raw mam”?

“Don’t mind him, nakatakas ata sa mental ‘yun”

Hindi ko hihingilin na magkita pa ang landas namin ng bwiset na lalaki na ‘yun.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Remarried to CEO   Chapter 67

    Letitia's POV"What are you two doing?!" sigaw na nagpalingon sa amin ni Archer.It was Chloe. Her face was etched with shock, as if she had just seen a ghost. But a second later, her expression transformed into a wide grin."You're here, Chloe." Archer said, still holding my hand."Yes, at bakit bawal na ba ako umuwi. Pumunta lang kami sa Manila ni Leon. Ito na pala ang maabutan ko." aniya, nagbigay pa ito ng mapang-asar na ngiti. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng hiya ngayon, dahil ba naabutan kami ni Chloe o baka dahil hawak-hawak pa rin ni Archer ang kamay ko kahit nandito na ang pinsan niya."Hi, Letitia," Chloe said with a nod, crossing her arms.Archer's voice took on a menacing undertone as he warned, "Don't get any ideas about us being together now. She only helped me because I was ill last night."Walang lumalabas na salita sa bibig ko nakakainis. Bakit pakiramdam ko para kaming mag boyfriend-girlfriend na nahuli ng magulang."Wala akong iniisip no," sagot niya kay Ar

  • Remarried to CEO   Chapter 66

    Letitia's POVThe touch of his lips is like a sweet treat - I melt when I feel it. The scent of his breath is unforgettable; I just can't get it out of my mind!I'm crazy!Nababaliw na ako para hindi ko makalimutan ang mga halik na 'yon. Napakabilis ng pangyayari, hinila niya ako at namulat na lang ako magkadikit ang mga labi namin.Naiinis ako sa aking sarili. Talagang hinayaan mo lang talaga na halikan ka Letitia! Tinanggal ko ang unan na nakapatong sa aking mukha at tumayo sa pagkahiga.Nabaling ang tingin ko sa tunog mula sa aking cellphone. Kinuha ko ang cellphone mula sa gilid dahil nakapatong ito sa lamesa.From:+63992********Hey, I just want to say sorry for what happened yesterday...Taas ang kilay ko habang binabasa ang txt ng isang unknown number.Me: Who are you?Saan naman nito nakuha ang number ko. Baka scam pa 'to, iyong mahilig mag txt ng kung ano-ano. Muling tumunog ang cellphone ko, agad ko itong binasa.From:+63992********It's me.Hindi pa lumipas ang ilang segu

  • Remarried to CEO   Chapter 65

    Archer POVAs the light of my life dims, darkness creeps in. Pinanood ko lang siyang umalis sa harapan ko. Fvck! I hate myself, why did I hurt someone especially the one who's special to me? Hinawakan ko ang aking ulo gamit ang dalawa kong kamay at yumuko. Her eyes, tell me everything kung gaano ko siya nasaktan. I closed my eyes as tears began to fall.Nag-uumpisa ko ng maisip, am I still deserving of her love, tama ba talaga ang ginagawa ko na ginugulo ko pa ang buhay niya. Damn it! Maling mali lahat ang ginawa ko, I'm stupid to think that leaving her is the best way to do, but it's not. Hindi ako nag-isip! Hindi ako nag-isip ng tama, I let my feelings control me. Nagpalamon ako sa sakit na mga nakita ko, I thought, he chose Bryson over me. Akala ko magiging masaya siya pero hindi ko akalain leaving her and giving up on her will make her happy. Ang tanga ko! Hindi pala, dahil nang iniwan ko siya ay walang pinagkaiba sa ginawa sa kaniya ni Bryson! Doble ang sakit na ginawa ko k

  • Remarried to CEO   Chapter 64

    Letitia's POVParehas lumingon ang ulo namin ni Leon sa nagsalita."Leon!" "A-archer..." may panginginig pa sa aking boses.Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. "Daddy Archer!" maligayang saad ni Leon at agad lumapit kay Archer. "How's mommy?""She's fine now, don't worry," Archer said, glancing at me before turning back to Leon. "I'm sorry I left without you... I just had to rush your mom to the hospital." he added. "No, it's okay.. " he assured his uncle at tumingin sa akin. "Letitia's here," dagdag pa niya.Archer chuckled. "Ikaw talaga, It's Tita Letitia."Gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Parang nakakatunaw ang mga nakikita ko. The way Archer talks to Leon, it feels like a family.Tumayo si Archer at lumapit sa akin. Sh!t bakit ako kinakabahan at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko."Letitia," he said, though I stepped back slightly. "I mean no harm, but I just wanted to thank you for keeping Leon safe.""I-.. It's okay.." talaga ba Letitia ngayon ka pa kakakabahan sa

  • Remarried to CEO   Chapter 63

    Letitia's POV"Oh, anong sinisimangot mo riyan?" taas kilay na tanong ni Krisha.Tumingin ako sa kaniya at tanging buntonghininga lamang ang sinagot ko."Alam mo girl? parang salo-salo mo nanaman ang mundo dahil diyan sa istura mo,' aniya at sinimangutan ako."Tigil-tigilan mo ako bes," ismid ko sa kaniya at muling tumulala sa malayo.I didn't get much sleep last night. Everything that's been happening has really been keeping me up. Hindi pa alam ng babaeng 'to na nagkita na kami ni Archer at paano ko naman sasabihin na may nangyari sa amin. "Bes! What's bothering you?" she asked with grave concern in her voice.I look at her and bite my lower lip. "I met Archer." "Shit!" sigaw niya. "Really?How? and Why?" sunod-sunod niyang tanong na parang naguguluhan sa sinabi ko."Bes, calm down!" sita ko sa kaniya at tumingin sa paligid.Nakakahiya dahil nasa coffee shop kami at maraming taon. Baka umagaw pa kami nga atensyon. Buti na lang at may sari-sariling mundo dito."How can I calm down?

  • Remarried to CEO   Chapter 62

    Letitia’s POV Dahan-dahan akong tumayo at binalot ang aking katawan sa kumot. Para akong tangang nakatingkayad na naglalakad papunta sa banyo para hindi magising si Archer. Ano na lang ang ihaharap ko sa lalaking ‘to. Wala man lang akong maalala sa mga nangyari, paano napunta si Archer sa kama ko at talagang wala pa kaming saplot na dalawa. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ano bang itsura ito at ang gulo-gulo ng buhok nagkalat pa ang lipstick sa aking labi. “Tama ba ang iniisip ko?” usap ko sa aking sarili. “May nangyari sa aming dalawa?” Ginulo ko ang aking buhok sa inis at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Malamang may nangyari talaga, ano ‘to nag bato-bato pick sa kama. Ang mas nakakainis pa wala man lang akong maalala sa nangyari kagabi, sumasakit pa ang ulo ko at katawan. Oh! God! Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ayoko munang lumabas doon at makita si Archer, hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko pagnakita siya. Mata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status