Share

Chapter 3: Malamig na Pagsasama

Penulis: Ysabella
last update Tanggal publikasi: 2026-07-15 13:41:37

Hindi nakatulog ng maayos si Sofia, kaya maaga pa lang ay bumangon na siya para magluto ng almusal na dadalahin niya sa ospital. Nagluto siya ng lobster lugaw at misua soup na may siomai, paboritong kombinasyon na madalas niluluto ng kanyang tiyahin noong nasa bahay pa siya.

Biglang bumukas ang p***o. Napahinto siya sa paghalo ng kaserola.

Pumasok si Marco, narinig ang tunog mula sa kusina, at sumilip.

“Ang bango ahh,” mahina niyang sabi. “Nag-aalmusal ka ba?”

Umiwas nang tingin si Sofia. Naamoy niya ang disinfectant sa damit ng asawa, gusot ang puting polo. Hindi niya maiwasang isipin kung paano kaya nila ginugol ang buong magdamag? Sa katahimikan ng isang private ward, dalawang tao, dalawang hininga, ano ang nangyari sa loob ng mahabang oras?

Pinilit niyang alisin kung ano man ang pumapasok sa kaniyang isip.

“Para kay Tito at Andrei. Dadalhin ko sa ospital,” malamig niyang sagot.

Tumango si Marco, saka pumasok sa kuwarto.

Sa master bedroom, maayos ang kama, parang walang natulog. Agad itong naligo at nagpalit ng damit. Binuksan niya ang drawer, hinahanap ang paboritong dark gray na necktie. Hindi niya ito makita.

“Sofia,” tawag niya mula sa p***o.

Lumapit si Sofia, diretso sa drawer, at mabilis na kinuha ang tamang necktie. Inabot ito sa kanya.

Habang nagtatali sa salamin, naisip ni Marco parang may kakayahan itong basahin ang isip niya. Hindi na niya kailangang sabihin. At yon ang dahilan kung bakit kaunti nalang ang kanilang pag-uusap.

Naalala niya noong bagong kasal pa lang sila, madaldal si Sofia. Araw-araw itong nagkukwento ng mga bagay kahit na gaano pa ito kawalang kwenta. Kagaya ng mga gulay na binili niya, pusang nakita niya na nanganak sa may kalye at marami pang iba. Pero palagi niya itong pinaputol: “Huwag mo akong istorbohin sa mga bagay na walang kwenta.”

Ngayon, tahimik na siya. Sobrang tahimik. Hindi siya iimik hangga’t hindi siya kakausapin.

Sa kusina, binalot na ni Sofia ang almusal sa thermal containers, para sa kaniyang Tito, at pinsan. Iniwan niya sa mesa ang natirang pagkain.

Habang nagsusuot ng sapatos sa may p***o, lumabas si Marco mula sa kuwarto. Gusto niyang sabihin na, “Nakita kita kagabi sa ospital.” Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili.

Ano pa nga ba ang silbi? Ang mga bagay na alam na ng lahat, kapag binanggit pa, mas lalo lang nakakasakit.

Sa halip, sinabi niya: “Amm yung gamot pala para kay Tito, mahirap hanapin. Puwede mo bang sabihan si Paulo? Baka hindi niya ako seryosohin kapag ako ang nagsabi sa kaniya.”

“Okay,” sagot ni Marco, sabay upo sa mesa.

Tinikman niya ang lugaw at misua soup, sakto ang lasa, masarap pa kaysa sa mga restaurant. Napangiti siya, “Mas masarap pa kaysa sa labas.”

Walang sumagot. Hindi niya napansin na nakasara na pala ang p***o.

Natigilan siya. Ang sinabi niya, sa hangin lang pala. Napakunot ang noo. Pagod na ba siya sa pag-aalaga sa Tito niya? Hindi ba sapat ang perang binibigay ko sa kaniya para kumuha ng private nurse?

Pagkatapos kumain, tumayo siya, pero bumalik. Tinitigan ang mga baso’t mangkok. Ilang segundo siyang nakatayo, saka nagdesisyong hugasan ang mga ito.

Pagdating ni Sofia sa ospital, sumikat na ang araw. Nasa tabi ng kama si Andrei, halatang puyat. Pinakain na muna niya ito at saka pinauwi para makapagpahinga ng maayos.

“Kamusta si Tito?” wika niya. “Mas maayos na siya ngayon,” sagot naman ni Andrei.

Medyo mas maayos ang lagay ni Tito, nakangiti pa matapos makalunok ng kaunting lugaw.

Pagkatapos, tumawag si Sofia kay Paulo, ang chief secretary ni Marco.

“Secretary Paulo, si Sofia ito. Nabanggit ba sayo ni Marco yong tungkol sa gamot ni Tito, na kailangang----?”

“Miss Sofia,” putol nito, malamig ang tono. “Hindi binanggit ni Sir Marco ang bagay na iyan.”

Nanigas ang kamay ni Sofia. Miss Sofia. Hindi Mrs. Villanueva. Dalawang taon na silang kasal, pero ni minsan hindi siya tinawag na “Mrs. Villanueva.”

“Sinabi niya kahapon, ako raw ang makipag-ugnayan sa iyo.”

“Sige, i-confirm ko sa kaniya.” At ibinaba ang tawag.

Maya-maya, tumawag ulit si Paulo: “Miss Sofia, utos ni Sir Marco, makipag-coordinate ka kay Director Chen ng International Affairs.”

Nagpasalamat siya, kahit ramdam ang pagkadismaya.

Sa kabilang linya, si Director Chen, magalang pero malamig “Miss Sofia, alam ko na po ang kailangan niyo, nag-inform na ako sa Cleveland Clinic Office. Tawagan mo si Manager Lin, isesend ko ang contact niya.”

Nag-text ito ng pangalan at cellphone number na pwede kong tawagan.

Tinitigan ni Sofia nang malamig ang mga digits. Para siyang bola na ipinapasa-pasa, walang gustong sumalo. Dahil alam ng lahat na asawa lang siya ni Marco sa papel at hindi siya ang tunay na mahal nito.

Sa pantry…

Narinig niya ang dalawang nurse na nag-uusap.

“Alam mo ba? Yung pasyente sa second floor, uncle ng asawa ni Sir Marco.” “Talaga? Eh bakit nasa ward na pang-anim na tao lang?” “Hindi mo ba alam? Hindi mahal ni Sir Marco ang asawa niya. Pinilit lang daw ni Doña Carmel, kaya sila ikinasal. Ang totoong mahal ni Sir Marco ay si Miss Ria na nasa VIP ward. Kagabi, doon siya nagbantay.” “Alam ba ng asawa niya?” “Eh ano kung alam? Sa mga mayaman, normal lang yan. Sa bahay, may isa para sa pamilya na magsisilbi. Sa labas, may tunay na minamahal.” “Ang sweet nila noh.” “Sweet? Sino?” “Si Sir Marco at si Miss Ria.”

Napatigil ang mga nurse nang makita si Sofia sa sulok. Namutla, nagmamadaling lumabas.

Tumunog ang cellphone niya. Si Marco. Akala ni Sofia tungkol sa gamot. Pero iba ang sinabi:

“May banquet akong pupuntahan mamayang gabi, sumama ka. Mag-ayos ka ha.”

Naglaho ang kaunting pag-asa sa puso niya. “Ayoko.”

Tahimik ang kabilang linya. Pagkaraan ng ilang segundo, malamig na boses: “Sofia, ikaw ang Mrs. Villanueva. Sa banquet, puro business partners ang pupunta. Kung hindi ka sasama, anong iisipin nila? Kung ganyan ka, paano ka magiging karapatdapat sa pamilya Villanueva?”

May halong utos ang huling salita: “Mamayang hapon, ipapasundo kita. Dumaan ka sa old house, kumuha ka ng ilang alahas, gamitin mo sa banquet.”

At ibinaba ang tawag.

Nakatulala si Sofia. Nagdadalawang isip siya kung babalik ba siya old house?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love   Chapter 30

    “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” mahina ang tinig ni Sofia. “You've got quite the temper pagdating sa’kin.” Nakatayo si Adrian sa harap niya, matangkad, tinatakpan ang tanawin ng mga dumaraan. Walang nakakita sa mantsa ng alak sa kanyang blouse, ni sa pamumula ng kanyang mukha. Matagal silang nanatiling ganoon bago siya tumingala. “Anong ginagawa mo rito?” “Kasabay kong kumain ang boss sa parehong restaurant.” May bahagyang ngiti sa labi ni Adrian. “Kung susundin ang logic ni President Villanueva, isa lang akong taong nakikipag-inuman sa kanya.” Napahinto si Sofia, kumibot ang labi, ngunit hindi siya natawa. “Tama ka.” Yumuko siya. “Isa siyang walanghiya. Pinayagan kong apak-apakan ng isang walanghiya… pati ako.” “Hindi ka katulad ng sinasabi nya.” putol ni Adrian, mabigat ang tinig. “Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sa’yo.” Umiling si Sofia. “Alam ko. Siguro dahil hindi ako kayang pagalitan ni Kuya Andrei, kaya ikaw ang pinapunta niya.” Hindi naman i

  • Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love   Chapter 29

    Hindi pa nagtatagal ang hapunan nang magsimulang mag-present si Chairman Zhang Duqiao tungkol sa mga produkto ng kumpanya. Ilang minuto lang nakinig si Troy, saka biglang sumabat.“Chairman Zhang, nasaan ang mga saleswomen ninyo? Hayaan n’yo silang magpaliwanag.” Binigyang-diin niya ang salitang "women".Napakuyom ng kamao si Sofia. Kung hindi lang dahil naroon si Chairman Zhang, matagal na sana niyang sinampal si Troy. Pero ngayon, kailangan niyang tiisin. Tumayo siya, kinuha ang brochure, at maingat na ipinaliwanag ang performance ng reagent, ang mga parameter, at ang clinical applications. Mahina ang boses niya, ngunit malinaw at tiyak. Nakaupo si Troy, nakasandal, nakataas ang binti, at nakangiting nakatitig sa kanya. Pagkatapos niyang magsalita, palakpak ang isinagot ni Troy. “Magaling. Pag-iisipan ng kumpanya namin.” Binuhusan niya ng kalahating baso ng red wine at itinulak sa harap ni Sofia. “Mrs. Villanueva, para sa’yo ito.” Agad tumayo si Chairman Zhang. “Mr. Ji

  • Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love   Chapter 28

    Nasa isang urban village ang food stalls—may mga kahoy na mesa sa ilalim ng yero, at pulang plastik na bangko na magkakapareho ang itsura. Walang private room, kaya’t si Adrian mismo ang nag-ayos ng mga baso at pinggan, parang simpleng bisita lang. Lumapit ang may-ari, naka-tsinelas, at tinapik siya sa balikat. “Adrian, nandito ka pala. Ano’ng gusto mong kainin?” “Kung ano’ng sariwa ngayon, ikaw na bahala.” “Sure.” Napatingin ang boss kay Sofia. “Ang ganda naman, kapatid mo ba?” “Pamangkin ko.” “Hello, pamangkin,” bati ng boss bago umalis. Napakunot ang noo ni Sofia. “Hindi ba pinsan mo ako? Paano naging pamangkin?” Napatawa si Adrian.“Magkaiba tayo ng henerasyon. Kaya kapag Chinese New Year, bibigyan kita ng red envelope.” Napangiwi si Sofia. “Eh hindi ka pa kasal, dapat ako ang nagbibigay sa’yo.” Sa magaan nilang biro, nawala ang bigat ng kaninang tensyon. “Kamusta ang trabaho?” malumanay na tanong ni Adrian. “Okay naman. Relax lang, may oras pa akong maalag

  • Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love   CHAPTER 27:

    Masarap nga ang pagkain sa restaurant. Magaan ang loob ni Sofia, kaya’t nakadagdag pa siya ng kalahating mangkok na kanin kaysa sa nakasanayan. Habang pinagmamasdan siya, biglang nagsalita si Lin Songxian: “Sofia, may talento ka talaga sa medisina.” Natigilan siya. “Ang pinagsisisihan ko lang… hindi ako nakapag-residency.” Ngumiti si Lin. “Hindi lang pagiging doktor ang landas ng mga medical students. Pwede mong ipagpatuloy ang ginagawa ni Chairman Zhang. Kung gusto mong umangat, pwede ka ring mag-postgrad.” Habang nagsasalita siya, napatingin si Lin sa likuran ni Sofia. Nanlamig ang balat ni Sofia, hindi na siya lumingon. “Sofia.” Malinaw, malamig ngunit magnetiko ang tinig ni Adrian mula sa likod. Isang kamay ang lumapit sa gilid ng mukha niya. Tumayo si Lin at nakipagkamay. “Pinsan ako ni Sofia, Adrian Villanueva. At ikaw?” “Lin Songxian, senior ni Sofia.” Pinsan? Napatingin si Sofia kay Adrian. Umupo siya sa tabi, suot ang dark gray na suit, may cufflinks n

  • Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love   CHAPTER 26:

    Sumakay si Sofia sa isang ride-hailing car.“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng driver. Saglit siyang nag-isip bago marahang sumagot, “Binjiang Road.”Habang nakasandal, naisip niya: May mga biglaang concert kaya ngayong gabi?At oo, nandoon pa rin—parehong lugar, parehong singer, parehong kanta.Nakahanap siya ng bakanteng upuan, nakinig sa ilang tugtugin, ngunit hindi na ganoon ang pakiramdam. Noon, puno siya ng tuwa, pakiramdam niya’y puno ng himala ang buhay. Ngayon, tila nawala ang ningning ng paligid.Bago siya tumayo para umalis, may umupo sa tabi niya. Napalingon siya, nagulat. “Adrian… anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sofia, may halong pagtataka.Hindi sumagot si Adrian, bagkus binuksan ang kanyang telepono at ipinakita ang post na kagagawa lang ni Sofia: “Please stop speculating. My husband and I arranged the relocation of Uncle Tony’s grave together. Ms. Ria and I are good friends, and I was also present at the ceremony.”Tumingin siya nang diretso kay Sofia. “Sino ang

  • Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love   CHAPTER 25:

    Noong high school, hinahati ng No. 1 Middle School ang mga estudyante base sa resulta ng entrance exam. Si Marco ang nanguna sa Class 1. Sa unang taon niya, gusto sana niyang sumama kina Ria at Troy sa isang trip. Ngunit tumutol ang kanyang ama at naglatag ng kondisyon: kung makakakuha siya ng first place sa final exam, saka siya papayagang sumama. Akala ni Marco, madali lang iyon. Pero second place lang ang nakuha niya. Ang first place ay nakuha ng misteryosong student mula Class 2—siya iyong palaging nagbabasa ng mga librong labas sa kurikulum kahit nasa klase. Doon unang nakatagpo si Marco ng totoong kakompetensya. Balik sa kasalukuyan, nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Ang tindig, ang presensya—tila hinihila siya ulit makipagkumpara. Inilahad niya ang kamay, sakto lang ang higpit ng pagkakahawak. “Old classmate,” malamig na bati. “Saan ka na nagtatrabaho ngayon?” Bahagyang ngumiti si Adrian, walang pakialam ang anyo. “Tianjun Capital, fund manager.”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status