Short
Renacer en el Palacio: La Venganza de Carmen

Renacer en el Palacio: La Venganza de Carmen

بواسطة:  Sofía Lariosمكتمل
لغة: Spanish
goodnovel4goodnovel
8فصول
3.5Kوجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

La boda con Diego Velázquez, heredero al reino, se vio empañada por la tragedia. María de Mendoza, la hija adoptiva de Lola —la nana que había cuidado a Diego desde niño—, se quitó la vida. La encontraron ahorcada, vestida con un traje de novia. El vino de la boda resbaló de las manos de Diego. Tras un largo silencio, soltó con voz fría, sin una pizca de emoción: —Dale una buena suma de dinero a Lola. Y asegúrate de que María tenga un entierro digno. Y no dijo más. Continuó con la ceremonia como si nada hubiera pasado, como si aquello no le afectara. Cinco años después, la víspera de que Diego ascendiera al trono, recibí la noticia: no podía tener hijos. Me envió a un convento, donde pasaría el resto de mis días, con la condición de no volver a pisar el palacio. Esa misma noche, me mostró una fotografía de María y, sin inmutarse, me dijo: —Cuando ella murió, llevaba mi hijo. Si no fuera por la influencia de tu familia en la corte, dime, ¿cómo habríamos terminado casándonos? ¿Y qué habría sido de María? —Carmen Pimentel, no sirves ni para ser madre. Quédate aquí, reza y paga por tus pecados. Ora por el alma de María y de nuestro hijo. En menos de un año, mi familia Pimentel fue acusada de traición y todos fueron ejecutados. Yo, por mi parte, morí de un infarto, desangrándome por la boca. Cuando volví a abrir los ojos, me encontré de vuelta en el día de mi boda, justo antes de entrar al palacio.

عرض المزيد

الفصل الأول

Capítulo 1

IRIS POV

"Iris, bilisan mo naman diyan! Kulang pa ng champagne glasses sa table four! Dumating na ang mga Ramirez, bawal magka-aberya!"

"O-Opo, Supervisor, sandali lang po!"

Huminga ako nang malalim habang inaayos ang pagkakaipit ng buhok ko. Tumingin ako sa salamin ng staff restroom ng enggrandeng hotel na ito. Suot ko ang itim na uniporme ng catering staff—malayo sa mga mamahaling gown na isinusuot ko limang taon na ang nakararaan.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa pinakailalim ka na.

Dati, ako ang sinesilbihan sa mga ganitong charity gala. Pero matapos malugi ang kumpanya ng mga magulang ko, mabaon kami sa utang, at magkasakit si Mama, kailangan kong lunukin ang pride ko. Para kay Mama, at higit sa lahat, para sa limang taong gulang na anak kong si Zion. Si Zion na dahilan kung bakit ako bumabangon araw-araw, ang kaisa-isang magandang bagay na naiwan sa akin mula sa nakaraan ko.

Binuhat ko ang mabigat na tray ng mga mamahaling kristal na baso at lumabas sa ballroom. Ang ingay ng tawanan ng mga mayayaman, ang kislap ng mga diyamante, at ang amoy ng mamahaling pabango—lahat 'yon parang sumasampal sa akin. Pero tiniis ko. Isang gabi lang ito. Malaking tulong ang kikitain ko rito para sa mga gamot ni Mama at pambili ng bagong sapatos ni Zion na butas na ang swelas.

"Excuse me po, champagne?" pilit ang ngiting alok ko sa mga grupo ng mga negosyante.

Habang naglalakad ako pabalik sa bar area para kumuha pa ng drinks, biglang tumahimik ang buong silid. Parang may dumaang anghel—o sa mas tamang salita, isang hari. Nagbulungan ang mga tao, at kusang humawi ang karamihan sa may malaking pinto ng ballroom.

"Nandiyan na siya. Ang nag-iisang tagapagmana ng Ramirez Holdings."

"Grabe, limang taon siyang nawala matapos ang aksidente, pero look at him now. Mas naging ruthless at makapangyarihan."

Napatigil ako sa paghakbang. Parang blocks ng yelo ang mga paa ko na biglang napako sa sahig. Dahan-dahan kong nilingon ang pinto.

Si Jace.

Ang puso ko, parang gustong humubog palabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok. Jace...

Limang taon. Limang taon ko siyang hindi nakita. Suot niya ang isang charcoal black suit na perpektong nakalapat sa matikas niyang pangangatawan. Ang dating medyo malambot niyang mukha ay mas naging matalas ngayon—mas seryoso, mas malamig, at walang kahit anong emosyon. Ang mga mata niyang dati ay puno ng init kapag tumitingin sa akin, ngayon ay mukhang madilim na karagatan.

 Buhay siya. Mukha siyang maayos. Salamat sa Diyos, maayos siya.

Naalala ko kung paano ako nakiusap sa mga magulang niya noon habang nasa ICU siya at critical ang kondisyon. Naalala ko ang banta ng tatay niya: *“Lalayo ka sa anak ko, Iris. Hahayaan mo kaming dalhin siya sa Amerika para maoperahan. Kung hindi, puputulin namin ang suporta sa ospital ngayon din. Hahayaan mo ba siyang mamatay dahil lang sa pagiging makasarili mo?”*

Para mabuhay si Jace, pinili kong maglaho. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na noong mga panahong iyon, positibo ang dalawang guhit sa pregnancy test ko.

"Hoy, Miss! Yung tray mo, natatapon na!"

"Ay, sorry po! Pasensya na—"

Sa sobrang taranta ko, nanginginig ang mga kamay ko. Nawalan ako ng balanse. Ang trays ng champagne glasses na hawak ko ay tuluyang nghiwalay sa mga kamay ko.

*CRASH!*

Ang ingay ng nababasag na kristal ay umalingawngaw sa tahimik na ballroom. Ang ilang patak ng alak ay tumalsik sa mamahaling sapatos ng lalaking kakapasok lang.

Napapikit ako sa takot. Naramdaman ko ang paglapit ng bawat mabigat na hakbang ng sapatos na 'yon patungo sa direksyon ko. Ang amoy ng kape at mamahaling leather—ang pamilyar na amoy ni Jace—ay tuluyang bumalot sa paligid ko.

"I-I'm so sorry, sir... Hindi ko po sinasadya," nauutal na sabi ko habang nakayuko, agad na lumuhod sa sahig para pulutin ang mga bubog, kahit na nararamdaman kong nahiwa na ang dulo ng daliri ko.

"Iris?"

Isang malamig, baritono, at pamilyar na boses ang narinig ko mula sa itaas.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko. Nakatayo si Jace sa harap ko, nakapamulsa ang isang kamay, habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin nang may halo-halong galit at panghahamak. Walang kahit anong init sa kanyang mukha.

"Long time no see, Iris," sabi niya, ang boses niya ay parang latigo na humagupit sa buong pagkatao ko. "Tadhana nga naman. Ang dating prinsesa ng mga Alcantara, tagasilbi ko na ngayon."

Napatitig ako sa kanya. Inaasahan kong baka may kahit kaunting gulat o lungkot sa mga mata niya. Pero wala. Ang nakikita ko lang ay purong poot. Doon ko napatunayan na totoo ang balita—paggising niya mula sa coma limang taon na ang nakararaan, nagka-amnesia siya. At ang tanging itinanim ng pamilya niya sa utak niya ay iniwan ko siya dahil nabaon sa utang ang pamilya ko.

"J-Jace..." ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Huwag mong banggitin ang pangalan ko na parang magkakilala pa rin tayo," mariing sabi niya, sabay talikod sa akin para harapin ang hotel manager na dali-daling tumakbo patungo sa amin.

"Mr. Ramirez! Pasensya na po talaga sa abala, bago lang po ang staff na 'yan—"

"I-fire niyo siya," walang kaabog-abog na utos ni Jace habang hindi man lang ako nililingon. "Ayoko ng lampang staff sa harap ko. Pero bago 'yan, papuntahin mo siya sa VIP lounge sa itaas pagkatapos ng event. May kailangan kaming pag-usapan ng dating... kaibigan."

Umalis si Jace kasama ang mga bodyguard niya, na iniwan akong nakaluhod sa gitna ng bulwagan, sugatan ang daliri, at pinagtitinginan ng lahat ng tao. Pilit kong pinigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Alam kong darating ang araw na magtatagpo kami, pero hindi ko akalaing ganito kasakit.

Pagkatapos ng tatlong oras na paglilinis at opisyal na pagkakatanggal sa akin sa trabaho, dinala ko ang mga paa ko paakyat sa VIP lounge. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi dahil sa takot.

 Paano kung malaman niya ang tungkol kay Zion? Paano kung kunin niya sa akin ang anak ko?

Kumatok ako sa pinto ng pribadong silid.

"Pasok."

Pinihit ko ang doorknob at pumasok. Nakaupo si Jace sa isang leather sofa, may hawak na baso ng whisky, at maluwag na ang suot niyang corporate tie. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, na parang sinusuri ang bawat dumi at luma sa suot kong uniporme.

"Maupo ka," utos niya, sabay turo sa upuan sa harap niya.

Hindi ako kumilos. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, yakap ang sarili kong mga braso. "Ano'ng kailangan mo sa akin, Jace? Kung tungkol sa sapatos mo o sa natapong alak, babayaran ko. Hulugan lang, please."

Isang mapait na tawa ang pinalabas niya. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang intimidation dahil sa tangkad niya. Ikinulong niya ako sa pamamagitan ng pagtukod ng dalawa niyang kamay sa pader, sa magkabilang gilid ng ulo ko. Ang mukha niya ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin.

"Magbabayad ka talaga, Iris. Pero hindi lang para sa sapatos ko," bulong niya, ang hininga niya ay amoy alak at mint. "Limang taon akong naghanap ng sagot kung bakit mo ako iniwan nung mga panahong halos mamatay ako sa ospital. Dahil ba nalaman mong nalulugi ang kumpanya ko noon? Ganoon ka ba kabilis sumuko kapag walang pera?"

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihing, 'Hindi! Iniwan kita para mabuhay ka! Para mapondohan ang operasyon mo!' Pero hindi ko pwedeng sirain ang pamilya niya, dahil alam kong mas makapangyarihan sila ngayon. Kapag nalaman ni Jace na niloko siya ng sarili niyang mga magulang, baka magkagulo lang. At higit sa lahat, natatakot akong madamay si Zion.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin, Jace. Tapos na 'yon," pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Hindi pa tayo tapos," pagtatama niya, habang hinawakan niya nang mahigpit ang baba ko para pilitin akong tumingin sa kanya. "Gusto mong kumita ng pera para sa pamilya mo, 'di ba? I have a proposition for you. Be my personal assistant. Mas malaki ang isasahod ko kaysa sa pagiging waitress mo. Pero sisiguraduhin kong bawat sentimo na kukunin mo sa akin, paghihirapan mo nang doble."

Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng VIP lounge nang walang katok.

Isang maliit na batang lalaki na may suot na kupas na t-shirt at malaking rubber shoes ang sumungaw sa pinto. May hawak siyang juice box sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay kinakamot ang ulo.

"Mommy? Kanina pa kita hinahanap sa baba. Gutom na po si Zion," sabi ng munting tinig.

Nanigas ang buong katawan ko. Lumingon si Jace sa direksyon ng pinto. Ang matatalas na mata ng bilyonaryo ay direktang tumama sa bilugang mga mata ng limang taong gulang kong anak—mga matang may eksaktong hugis at kulay ng sa kanya.

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Bienvenido a Goodnovel mundo de ficción. Si te gusta esta novela, o eres un idealista con la esperanza de explorar un mundo perfecto y convertirte en un autor de novelas originales en online para aumentar los ingresos, puedes unirte a nuestra familia para leer o crear varios tipos de libros, como la novela romántica, la novela épica, la novela de hombres lobo, la novela de fantasía, la novela de historia , etc. Si eres un lector, puedes selecionar las novelas de alta calidad aquí. Si eres un autor, puedes insipirarte para crear obras más brillantes, además, tus obras en nuestra plataforma llamarán más la atención y ganarán más los lectores.


لا توجد تعليقات
8 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status