Home / Romance / Revenge Plan for the Billionaire / CHAPTER ONE: MEETING JULIAN BENITEZ

Share

CHAPTER ONE: MEETING JULIAN BENITEZ

Author: Princerandell
last update Last Updated: 2025-07-27 06:24:41

ERIN'S POV

Abalang-abala ako na inaayos ang aking buhok, gusto kong magmukhang maayos para sa event na ito dahil dito ko na sisimulan ang aking misyon—ang misyon na pabagsakin ang mga Benitez.

"Erin, alam mo na ang gagawin ha? Just like before. Do your best para maging successful ang plano. Malaki-laki rin ang kikitain natin kapag napabagsak natin ang mga Benitez," ani Marga—ang boss ko.

Siya na ang kumupkop sa akin simula nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Kung wala si Marga, siguro'y palaboy-laboy ako ngayon—walang direksyon sa buhay.

Ang mga Benitez ang target namin ngayon, matagal-tagal ko ring hinantay ang araw na ito. Mayaman ang mga Benitez at halos lahat yata ng gusali sa Sitio Barbara ay pagmamay-ari nila. Bilyon-bilyon ang hawak nilang pera kaya sigurado akong malaki talaga ang kikitain namin sa kanila. Isa pa, malaki na rin ang down payment ng taong nagpapabagsak sa Benitez, wala akong ideya kung sino at wala na akong balak isipin pa, ang mahalaga'y magawa ko ang misyon na ito ng tama.

"Marga, alam mo naman na pagkatapos nito ay aalis na ako 'di ba? Nagkasundo na tayo kaya sana sumunod ka sa usapan," wika ko kay Marga.

Pagkatapos kasi ng misyon ko sa mga Benitez ay tuluyan na akong aalis sa grupo nila, gusto ko nang magbagong buhay. Malaking pera din ang magiging porsyento ko at ito na ang matagal-tagal ko ng hinintay kaya hindi ko na kailangan pang magpatuloy sa gawain na ito pagkatapos kong mapabagsak ang mga Benitez.

"Oo, alam ko. Kilala mo ako, tumutupad ako at isa pa, tinupad ko na rin ang pangako ko sa 'yo. Hindi ba?" aniya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at pareho kaming tumitig sa salamin na nasa harapan namin.

"Sobrang ganda mo ngayon Erin, sigurado akong makukuha mo ang atensyon ni Julian Benitez," nakangiti niyang sabi.

Kinuha ko na ang pulang lipstick sa drawer at marahan itong inilagay sa aking labi. Tinitigan ko nang maigi ang aking sarili sa salamin at wala na akong kailangan pang idagdag sa make up ko at sa ayos ng damit ko. Nakasuot ako ng red dress at bumagay naman ito sa brunette kong buhok.

Nang maayos ko na ang aking sarili ay tumayo na ako at kinuha ang handbag na nasa tabi ng table.

"Aalis na ako. I'll make sure na maisasakatuparan natin ang plano." Ngumiti ako kay Marga bago tuluyang umalis.

Sumakay na ako sa isang private car na inarkila ni Marga, papunta na ako sa big event ng mga Benitez—ipapakilala na nila ang anak nilang si Julian Benitez bilang successor ng lahat ng kayamanan nila. Hindi na ako makapaghintay na magawa ang plano na 'to. Bukod sa magkakapera ako sa kanila'y makakapaghiganti na rin ako.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marating na namin ang lugar kung saan gaganapin ang event. Pinagbuksan ako ng driver at bumaba na ako ng tuluyan. Pinagmasdan ko ang buong lugar mula sa labas hanggang sa tuluyan na akong pumasok. Kinuha ng mga security guard ang invitation sa kamay ko kaya agad ko itong binigay. Nang makapasok ako ay nagmasid-masid ako sa paligid.

Napaka-elegante ng buong paligid. Nagsasayawang chandelier sa kisame, mga mayayamang imbitado na nakasuot ng magagarang damit at mga abalang waiter na dala-dala ang mga mamahaling alak. Hindi ko maiwasang mamangha, talaga nga namang pambihira ang yaman na mayro'n ang mga Benitez.

"Would you like some wine?" ani ng waiter sa akin kaya agad kong kinuha ang red wine sa tray na hawak-hawak niya pagkatapos ay nilagok ko ang alak, napapikit na lamang ako sa sobrang sarap ng alak—halatang mamahalin.

Paulit-ulit kong sinisipat ang paligid ngunit wala pa rin ang taong hinahanap ko kaya mas pinili ko na lamang na pumunta sa garden. Napangiti na lamang ako nang makita ko ang masisiglang mga bulaklak sa paligid, napakaganda nilang lahat.

Akmang bubunot sana ako ng isang rosas nang maramdaman ko ang kamay na pumigil sa akin.

"You're not supposed to pick them," wika ng lalaking hawak-hawak na ang pulsohan ko.

Matangkad, makisig, at maganda ang kaniyang mukha. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa malalim niyang mga mata, ngunit wala akong makitang kahit na anong emosyon—blangko lamang ang mga ito.

"Why don't you join others inside? Instead na nandito ka sa garden, pinagtatangkaan ang buhay ng mga bulaklak na nanahimik," aniya.

Hinawi ko ang kamay ko at inayos ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa sitwasyon na 'to. Nasa harapan ko na ang bilyonaryong si Julian Benitez. Alam ko sa sarili ko na matagal ko nang pinaghandaan 'to pero iba pa rin talaga kapag nasa sitwasyon ka na.

"I just want to be alone," sagot ko sa kaniya na ikinatango niya.

"Okay, just don't kill those roses," aniya at bahagyang tumawa.

Iniwan niya akong mag-isa at pumasok na sa loob kung saan naroon ang party.

Inilabas ko ang salamin sa aking handbag at tinitigan ang sarili. Nag-ayos lang ako ulit at mas pinili ko ng pumasok sa loob dahil magsisimula na ang event. Umupo ako sa isang bakanteng upuan, katapat ang isang pamilyar na lalaki.

"Hi," ani ng lalaki sa tapat ko. Iisang table lang ang pinag-uupuan namin.

Ngumiti lang ako sa kaniya at mas nag-focus ako sa lalaking nagsasalita sa stage—si Gustavo Benitez.

"Good evening everyone. I hope that all of you are enjoying this party, but before we proceed, I want to make an announcement," ani Gustavo na nakangiti sa harap ng mga tao.

Hindi ko mapigilang hindi maasiwa sa nakikita ko. Paano nakukuha ng mga mayayamang 'to na magpanggap na para bang napakalinis nila at wala silang ginagawang masama?

"Lahat naman yata kayo ay pamilyar na sa pamilya namin, we own a lot of properties here in Sitio Barbara. We are still funding charities and giving people work so they can earn and provide for their families. I want to make sure na bago ako magpahinga ay magpapatuloy pa rin ang mga gawaing ito. Gusto ng pamilyang Benitez na makatulong sa mga tao—sa mga nangangailangan, lalong-lalo na sa mga mamamayan ng Sitio Barbara. Gusto ko ipakilala sa inyo ang bukod-tangi at kaisa-isahang pinagkakatiwalaan ko sa lahat—ang unico hijo namin ng pinakamamahal kong asawa..." Huminto siya saglit at tumitig siya sa lalaking nasa gilid ng stage.

Kitang-kita ng mga mata ko si Julian Benitez na hinahanda ang sarili.

"...Alam ko na mapapagpatuloy niya lahat ng nasimulan ko. Everyone, please put your hands together for my son—my successor, Julian Benitez."

Lumakad na si Julian sa gitna ng stage at hinarap ang mga tao na nanunuod sa kaniya. Marahan niyang inayos ang mikropono bago magsalita.

"I just want to thank my father for trusting me and I want to thank all of you for being here. Walang sapat na salita ang makakapagpaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Maraming salamat sa lahat ng suporta. Pangakong, hindi ko kayo bibiguin," aniya para magpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Isa lang ang nasa utak ko, napakagaling nilang magsalita kaya napakaraming tao ang naniniwala sa kanila. Hindi alam ng mga taong 'to kung ano ang baho ng mga Benitez at kung gaano kaitim ang mga budhi nila. Sisiguraduhin kong babagsak sila.

Nag-umpisa na ulit ang party at nakaupo lang ako nang taimtim. Isang tao lang ang hinihintay ko at siguradong-sigurado ako na lalapitan niya ako.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa naging tama nga ang hula ko.

"May I dance with you?" tanong ni Julian na ngayon ay nakatayo na sa harap ko habang naka-abang ang palad niya sa kamay ko.

Ngumiti ako sa kaniya bago ko ilagay ang aking kamay sa kaniyang palad. Inalalayan niya akong tumayo at nagsimulang maglakad hanggang sa narating na namin ang gitnang puwesto ng mga nagsasayaw.

Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking baywang at inilagay ko naman ang aking kamay sa kaniyang balikat. Naramdaman ko ang init ng kaniyang palad at wala akong naramdaman na pagkailang—sobrang komportable.

"Hindi kita nakikita, bagong lipat ka ba?" Pagsisimula niya sa usapan.

"Yes, I just moved here. Pamilyar ka ba sa lahat ng tao rito?" pabiro kong sabi sa kaniya.

Patuloy lang kami sa pagsayaw at ramdam ko ang mga mata na nakatitig sa akin. Marahil ay kasayaw ko ngayon ang taong magmamana ng bilyong pera ng kaniyang mga magulang. I can feel the jealousy.

"Hindi naman pero sinusubukan ko na makipag-ugnayan sa mga tao ng Sitio Barbara," sabi niya habang nakangiti. I can feel that he is really genuine, too bad kasi wala akong balak kilalanin siya.

"Are you always like this? Smiling, talking like you're a goddamn saint?" Those words came out of nowhere.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi ko maatim kung paano sila umasta sa harap ng mga tao na para bang wala silang ginagawa at nagawang masama, lalong-lalo na ang mga magulang niya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Julian nang marinig niya ang sinabi ko. Naging seryoso ang mukha niya at tumitig nang diretso sa mga mata ko.

"Is it wrong to be like this?" nagtataka niyang tanong. Halatang-halata sa kaniya na naguguluhan siya.

"My parents told me to treat people nicely—to interact with respect. I always smile to make them feel comfortable," dugtong na sabi niya pa.

Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay nakaramdam ako ng kung ano, hindi ko maipaliwanag kaya dali-dali kong iniba kung ano ang nasa isipan ko.

"I just asked. I'm sorry if I offended you," sambit ko sabay tawa nang mahinhin.

Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy lang kami sa pagsayaw. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay titig na titig pa rin sa amin ang mga tao. Ayaw ko ng atensyon ng mga tao pero kailangan ko nito para magpatuloy ang plano ko.

"Ano nga palang pangalan mo?" aniya para muli niyang mabawi ang mga mata kong abala sa pagtitig sa mga taong nakabantay sa amin.

"I'm Erin Estallane," ani ko. I used my middle name as my last name.

Pagkatapos naman ng misyon na 'to, hindi na nila ako mahahanap kahit subukan nila kasi nakahanda na lahat. Babaguhin ko ang pagkakakilalanlan ko para makapagsimula ng panibagong buhay sa malayong lugar.

"Erin... Ang unique. Anyway, I'm Julian Benitez," sagot niya sa akin.

"I know. Julian Benitez, expensive name."

Tumawa siya sa sinabi ko kaya ngumiti na lang din ako. Malamang nasa isip niya na nakukuha niya na ang loob ko, nakakatawa, dahil ang totoo'y unti-unti na siyang nahuhulog sa patibong ko.

Nang matapos na kaming sumayaw ni Julian ay umupo kaming dalawa, pansamantala niya akong iniwanan para makipag-ugnayan sa ibang mga bisita pero ilang minuto lang ang nakalilipas ay lumapit agad siya sa akin dala-dala ang dalawang wine.

Inabot niya ito sa akin at pinagdikit namin ang dalawang baso bago uminom. Nakailang wine pa ako nang makaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.

"Are you okay?" tanong ni Julian sa akin na ikinatango ko lang.

Napatitig ako sa mga glass wine na nasa table at halos magulat ako dahil hindi ko namalayan na naparami na pala ako ng inom. Halos mapasapo na lang ako sa aking mukha dahil hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.

"Kaya mo bang umuwi nang mag-isa?" nag-aalalang tanong ni Julian sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tumayo na ako, kailangan ko nang makaalis dahil hindi ito parte sa plano. Hindi ko namalayan kung anong nangyari, basta natagpuan ko na lang ang aking sarili na lumalagok ng sunod-sunod na alak.

Sinubukan kong maglakad pero muntikan lang akong matumba, mabuti na lang at naalalayan ako ni Julian.

Inilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at nagsimula siyang maglakad. Nang makapunta na kami sa parking lot ay isinakay niya ako sa isang pulang Mercedes-Benz.

"Ihahatid kita sa inyo, okay? Hindi ako nakainom gaano kaya okay pa ako mag-drive," aniya bago niya ako isakay nang tuluyan sa passenger seat.

"Huwag!" malakas kong sabi sa kaniya nang maisip ko na hindi niya ako puwede ihatid sa amin.

Napalingon siya sa akin mula sa driver seat. Nagtataka.

"Sa hotel na lang, please."

Tumango siya sa sinabi ko at nagsimula ng mag-drive. Ilang minuto pa ang nakalipas nang huminto kami sa isang hotel. Inalalayan niya akong lumabas at pumunta kaming dalawa sa reception. Kumuha si Julian ng kuwarto at nang mahawakan niya na ang susi ay sumakay na kami sa elevator.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang hilo at gusto kong sabihin na umalis na siya pero wala na rin akong lakas para magsalita.

Nang marating namin ang isang room ay binuksan niya na ito. Doon ay tumambad sa amin ang isang malaking kuwarto.

"Okay na ako, puwede ka na umalis," mahina kong sabi sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakinggan.

Tinulungan niya akong makapasok sa loob at inihiga niya ako nang marahan sa kama. Bumilis ang tibok ng puso ko ng dumampi ang dibdib niya sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga.

"Huwag ka nang uminom ng marami," malambing niyang sabi sa akin habang inaayos ang unan sa ulo ko.

Hinaplos niya nang marahan ang buhok ko at sa puntong 'yon, parang may kakaibang nangyari—hindi ko maipaliwanag.

"Aalis na ako. Magpahinga ka na. I hope to see you soon," nakangiti niyang sabi sa akin at aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"Stay please," nakikiusap kong sambit sa kaniya dahilan para mapahinto siya.

Pinilit kong umupo at nang makaharap siya sa akin ay nagulat ako nang sunggaban niya ako ng isang mainit na halik. Hindi ako nakagalaw sa puwesto ko at marahan ko lang na tinanggap ang labi niya.

Napapikit na lamang ako at hinayaan siyang ihiga akong muli sa kama. Alam kong hindi ito parte ng plano pero hindi ko na kayang umatras pa. Tuluyan na akong nanghina. Tuluyan na akong naglaho dahil sa mga labi ni Julian.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge Plan for the Billionaire   CHAPTER TWO: MIRABILIS

    "Oh my god! Oh my god! Oh my god!" Napuno ang buong lugar ng sigaw ko nang makita ko ang sarili ko na nakahiga sa iisang kama kasama si Julian. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko at halos mangiyak-ngiyak na lang ako. Nagising si Julian dahil sa sigaw ko at lalapitan niya na sana ako nang layuan ko siya. Hinugot ko ang kumot na nakataklob sa amin dahilan para makita ko ang pagkalalaki niya. "Oh my god!" sigaw ko pa nang tumambad sa akin ang pagkalaki-laki niyang ari. Agad niyang kinuha ang unan at itinaklob ito sa pagkalalaki niya. Tiningnan niya ang bawat sulok ng kuwarto hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap niya—ang mga damit namin na nakahandusay na sa sahig. Kinuha niya ang mga ito at dali-dali na pumunta sa banyo. Tumambad sa akin ang puwetan niya kaya mas lalo kong naramdaman ang pagpula ng magkabilaang pisngi ko. Kinuha ko rin ang mga damit ko at agad na binihisan ang aking sarili. Madalian kong sinuot ang aking dress at hindi ko na inayos pa ang aking buhok, pinulot ko

  • Revenge Plan for the Billionaire   CHAPTER ONE: MEETING JULIAN BENITEZ

    ERIN'S POVAbalang-abala ako na inaayos ang aking buhok, gusto kong magmukhang maayos para sa event na ito dahil dito ko na sisimulan ang aking misyon—ang misyon na pabagsakin ang mga Benitez. "Erin, alam mo na ang gagawin ha? Just like before. Do your best para maging successful ang plano. Malaki-laki rin ang kikitain natin kapag napabagsak natin ang mga Benitez," ani Marga—ang boss ko. Siya na ang kumupkop sa akin simula nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Kung wala si Marga, siguro'y palaboy-laboy ako ngayon—walang direksyon sa buhay. Ang mga Benitez ang target namin ngayon, matagal-tagal ko ring hinantay ang araw na ito. Mayaman ang mga Benitez at halos lahat yata ng gusali sa Sitio Barbara ay pagmamay-ari nila. Bilyon-bilyon ang hawak nilang pera kaya sigurado akong malaki talaga ang kikitain namin sa kanila. Isa pa, malaki na rin ang down payment ng taong nagpapabagsak sa Benitez, wala akong ideya kung sino at wala na akong balak isipin pa, ang mahalaga'y mag

  • Revenge Plan for the Billionaire   PROLOGUE

    Hindi mapakaling lumalayo si Erin kay Julian ngunit sa bawat hakbang nito palayo sa kaniya ay mas lalo pang tumataas ang tensyon sa pagitan nila. "Tell me, ano ba talaga ang gusto mong makuha?" Nanlamig si Erin sa mga boses ni Julian. Hindi niya mawari kung paano sila napunta sa gano'ng sitwasyon. Kaunti na lang at tuluyan ng magkakalapit ang kanilang katawan. Ramdam ni Erin ang init sa paligid dahilan para umiwas siya ng tingin kay Julian, para maibsan kahit papaano ang nararamdaman niyang matinding emosyon. "Ano bang sinasabi mo?" mahinahong tanong ni Erin at bahagyang tumawa. Hindi na makawala si Erin lalo pa nang tuluyan ng maabot ng kaniyang likod ang hangganan ng silid. Sunod-sunod ang paghinga niya ngunit pilit niyang pinapakalma ang sarili upang hindi ito mahalata ng lalaking nasa harapan niya ngayon. "Do you want me Erin?" ani Julian pagkatapos ay marahan niyang kinagat ang sariling labi. Napalunok nang mariin si Erin sa nasaksihan niya. Sa pagkakataon na ito ay h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status