Tila hindi masyadong makapagsalita ang lalaki sa nakikita habang sinusundan ng tingin si Rosie na nakatitig mismo sa mata nito. Makikita sa paraan ng kanyang paglalakad ang kapangyarihan na taglay niya kahit na hindi gaano kagarbo ang kanyang suot. Ginawa niyang runway ang conference room sa mala-tubig nitong paglalakad.
Isang simpleng dark blue suit, white polo na nakabukas ang buttones na sapat na upang makita ang kanyang collar bone, blacks slacks na hapit sa hita niya at black heels na hindi gaano kataas ngunit nagpapatangkad sa kanya. Nakalugay ang buhok nito na halatang kinulot upang maging wavy at ang kumumpleto ng kanyang suot ay ang wrist watch nito at diamond earrings na halatang mamahalin."Nice to see you again, Mr. Montreal." Nilahad niya ang kamay niya sa nakatamemeng si Claude na hindi naalis ang tingin sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita kaya ganito na lang ang gulat niya habang nakatitig dito.Ang ilan sa mga kasama nilang tao sa loob ay nagulat din dahil halos lahat sila'y nasa reception kagabi. Kaya ang makita si Rosie ngayon sa conference room bilang model nila ay talaga nga namang nakakagulat para sa kanila. Hindi nila lubos maisip na ang babae kagabi ay muling magpapakita sa kanilang harapan."Nagulat ata kita, Mr. Montreal?" Pinitik pa niya ang kanyang daliri kaya bumalik sa reyalidad si Claude ngunit hindi pa rin nito tinanggap ang kamay ng babae na nakalahad. Kaya naman si Rosie na ang kumuha ng kamay nito at nakipagkamayan sa kanya.Saglit lang 'yun ngunit malakas ang impact sa lalaki na parang hinabol pa ang kamay nito nang paghiwalayin na niya. Mula sa pag-upo ni Rosie, sinundan niya ito ng tingin na para bang may mahikang nilagay sa kanya ang babae upang magkaganito siya. Kung ano ang nararamdaman at nangyayari sa kanya ngayon, ganitong ganito rin kahapon kaya hindi siya gaanong maka-concentrate.Tumikhim siya at inayos ang kanyang necktie. "Simulan na natin ang meeting."BUONG meeting, hindi nakatutok gaano si Claude sa kung ano ba ang agenda ng kanilang pagtitipon. Sa tuwing magsasalita naman si Rosie, nasa kanya lang ang atensyon nito na hindi mawala wala. May pagkapropesiyonal ang babae na ngayon lang nakita ni Claude ng harapan dahil noon hindi naman ganito ang babaeng minsan na niyang naging asawa.
Namamangha siya hindi lang dahil sa pagkamatalino nito, kundi pati na rin sa pagbabago ng buo niyang kaanyuan. Dati ng maganda si Rosie ngunit hindi siya palaayos kaya isa ito sa naging dahilan kung bakit kinakahiya siya ng asawa. Kaya namang ngayong bumalik na siya, hindi niya akalain na kaya pala ng babae na ayusin ang itsura nito.Hindi rin mawala wala sa isipan niya na lilitaw muli ito sa kanya kung saan sa mismong kumpanya niya pa na patagong kanyang ikinagagalak."Thanks for the time, Mr. Montreal," sabi ni Rosie pagtayo nito. Tatalikod na sana siya nang hawakan siya sa kamay ni Claude na nagpangisi sa kanya sa isipan nito."P-pwede ba tayong mag-usap?" may kabang tanong niya. Nilingon ni Rosie ang sekretarya nito at sinenyasan na mauna na bago tumango kay Claude bilang sagot.Pinaalis muna nila ang lahat hanggang sa sila na lang dalawa ang natira sa loob matapos isara ng sekretarya ni Claude ang pinto ng conference room."Ano ang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Rosie na sumandal sa mesa habang nakatitig sa mga mata ng lalaki."Bakit ka bumalik? Para ba bawian kaming dalawa ni Kourtney sa aming ginawa?" Natawa nang mahina si Rosie sa tanong nito at iiling iling pa siya na tinignan ang lalaking mukhang napahiya sa paraan ng pagkakatawa niya."Come on Claude, it's a childish thing to do. Hindi ako ganun kababaw para bumawi, if I want to make someone miserable, I need a deeper reason for revenge," makahulugan nitong sabi."Kung ganun, bakit ka bumalik?" Kinuha ni Rosie ang isang envelope na iniwan ng kanyang sekretarya kanina at tahimik na inabot kay Claude na natuon ang tingin dito."It's a divorce paper, 'yan ang rason kaya ako bumalik. Kasal pa tayo hindi ba? Hindi niyo mare-register ang kasal niyo ni Kourtney hangga't kasal pa tayo, lalong lalo na ako." aniya, Rosie. Nagulat siya sa sinabi nito kaya hindi niya agad kinuha ang inaabot ng babae."What do you mean lalong lalo na ikaw?" kunot noong tanong ng lalaki. Binaba ni Rosie ang envelope sa lamesa saka umalis aa pagkakasandal. Binulsa nito ang kamay sa suot niyang slacks bago magsalita."I'm getting married, kaya hangga't maaari bilisan na natin ang pagpapawalang bisa ng kasal. Hindi ba 'yun naman ang gusto niyong dalawa?""If that's what you want, why did you kiss me last night? And why the hell did you cause a scene if you don't want revenge?" galit niyang sabi sa babaeng nilapitan siya't hinawakan sa pisngi nito. Sa paghawak niya, naibsan ang nararamdaman nitong galit at hindi niya alam kung paano 'yun nangyari."Do you want to know? Kapag sinabi ko baka magdalawang isip akong ibigay sa'yo ang mga papeles na 'yan." Kumunot ang noo ni Claude sa sinabi nito na nagparamdam sa kanya ng kaunting kaba.Mas lumapit pa sa kanya si Rosie hanggang halos magkadikit na ang ilong nilang dalawa, nakatitig ang babae sa labi nito kaya ganun na lang ang init na naramdaman ng lalaki sa katawan ngayong sobrang magkalapit sila."I caused that scene because I still love you, Claude same for the reason I was kissing you last night. To be honest, I hate seeing you both. I'm jealous of how you announced to the public about your marriage to Kourtney yet mine is hidden from them." Bumaba ang kamay ni Rosie papunta sa balikat nito at hahalikan sana sa labi ang lalaki nang ilayo nito ang mukha ngunit hindi pa rin naaalis ang kamay sa balikat."It's not revenge darling, it's love. And I really missed you, that's why I can't stop myself from kissing you even now," nang-aakit niyang sabi. Pinadausdos niya ang kamay niya paalis sa balikat nito ngunit bago ito maalis, sinalo ito ni Claude para hilain siya palapit.Pumulupot ang kamay nito sa bewang ng babae kaya nagkadikit ang katawan nilang dalawa. "Then why did you stop? Alam mo ba kung gaano mo ako binabaliw sa mga ginagawa mo?""Ibig sabihin ba niyan may impact ako sa'yo?" Mas dinikit pa ni Rosie ang katawan nilang dalawa na nagpasandal dito sa mesa. Inalis din nito ang isa pang buttones ng kanyang polo na nagpatingin kay Claude roon."Kung ganon din lang na may impact pala ako sa'yo, mas pinapahirapan mo akong tapusin ang namamagitan sa ating dalawa. Parang gusto kong bawiin ang divorce papers." Bumalik ang tingin niya sa mata ni Rosie na puno ng sinseridad kaya naman walang salita nitong hinalikan sa labi ang babae na agad niyang tinugon.Humigpit ang hawak ni Claude sa bewang nito habang ang isa'y pinakawalan ang kamay ng babae na humawak sa kanyang d****b. Ginamit niya ang isa niyang kamay upang ilagay papunta sa likod ang buhok nitong tumatakip sa kanyang leeg. Balak nitong h***kan si Rosie sa leeg na agad nalaman ng babae kaya naman siya na ang pumutol ng h***k.May pagkadismayang tinignan siya ni Claude kaya naman iniwanan niya ng h***k ang lalaki sa may bandang panga. "Let's continue this in my apartment, do you remember the card I gave you? Nakalagay roon ang address ko, hihintayin kita mamaya okay? I have a gift for you, 'wag mo akong paghintayin."Isang mabilis pang h***k ang iniwan nito bago kumawala sa lalaking mariing napakagat sa labi. Sinundan niya ang babae na umalis sa conference room hangganga sa mawala ito."Ready my apartment, dadating siya mamaya," mahinang utos ni Rosie pagkasalubong sa kanya ng sekretarya nito."Yes, mistress."Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par
NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an
Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan
MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya
UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.