Share

Chapter 2

Author: Joyang
last update Last Updated: 2021-11-09 20:34:55

NAPAKUNOT ang noo ni Kourtney nang makita ang marka ng lipstick sa leeg ni Claude habang inaalis nito ang kanyang damit. Matapos nang nangyari, napilitan nilang umuwi para lumayo sa mga reporters. Ang ina ni Claude ang nag-aasikaso ngayon ng lahat upang pagtakpan ang nangyari sa kasal habang silang dalawa'y dumiretso sa mansiyon upang magpalamig sa nangyari.

Pinigilan ni Kourtney ang lalaki sa pag-alis niya ng kanyang polo. "Saan mo nakuha 'yan?" galit niyang tanong.

Nagtaka si Claude sa naging tanong nito kaya naman hinila siya ng babae palapit sa full mirror sa kanilang kwarto. Kahit na parang hindi niya maintindihan ang pinupunto nito, tinignan niya ang repleksyon sa salamin at tinignan ang sinasabi niya.

Gumuhit ang gulat sa mukha nito nang makita ang marka ng lipstick, bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa elevator at ilang beses na napamura sa isipan. Iwas tingin ang ginawa niya habang lumalayo kay Kourtney na may malaking suspetiya na si Rosie ang may gawa nito sa leeg niya.

"Wala, 'wag mo nang pansinin," iwas niyang sagot. Hindi nagustuhan ng babae ang sagot nito kaya sinundan niya ito na may galit sa kanyang mga mata.

"Wala?! Hindi ako t*nga para hindi malaman kung saan mo 'yan nakuha! Kaya sagutin mo ako, Claude may nangyari ba sa inyo ni Rosie nung sinundan mo siya?!" sigaw niya na nagpapikit sa mata ng lalaki. Nakaramdam siya ng inis sa paraan ng pagtatanong nito ngunit mas piniling maging kalmado.

Hinarap niya ang asawa nito saka hinawakan ang magkabilaan niyang braso, binigyan niya rin ito ng malumanay na tingin upang pakalmahin ang galit na galit na si Kourtney. "I'm gonna be honest with you, yes something happened but it's nothing baby I promise. And look, sisiguruhin kong magbabayad siya sa ginawa niyang ito lalo na sa kasal mismo natin. Itong marka na ito, wala lang 'yan kaya huminahon ka na, hmm? Sira na nga ang araw natin, hahayaan mo pa bang masira?"

Inirapan siya nito saka pabagsak na tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa kanya, tinalikuran niya rin ito kaya naman niyakap siya ni Claude mula sa likuran.

"Siguruhin mo lang dahil hindi ako magdadalawang sip na sugurin siya ngayon mismo. Our wedding night is ruined because of her! And so our reputation! Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakita nang nangyari? Paano kung umabot sa ilang reporters ang eskandalong ito?!" Humigpit ang yakap sa kanya ni Claude saka ilang beses na umiling.

"It won't happen, Mom will do everything possible to prevent this from happening. You trust me right? Hindi namin hahayaang masira ang pangalan ng pamilya namin at pamilya mo nang dahil lang sa kanya. Magbabayad siya sa ginawa niya kaya 'wag kang mag-alala, ako na ang bahalang gumawa ng hakbang para rito," mahabang saad ni Claude.

Naibsan ang galit na nararamdaman ni Kourtney sa kanyang narinig kaya naman humarap siya rito para pagmasdan ang kabuuan ng kanyang asawa. "Tutulong ako, wala pang kahit na sino ang pwedeng sumira sa pangalan natin nang dahil lang sa nangyaring ito. I will make her regret doing this, because I will make her taste the same thing that happened to her two years ago."

Nginitian naman siya ni Claude sa naging sagot nito bago tawirin ang maliit na espasiyo sa gitna nilang dalawa't halikan ang babae na agad naman nitong tinugon.

CASUAL na nakaupo si Rosie sa kanyang upuan habang may hawak na champagne at nakaharap sa malaking bintana sa loob ng kanyang apartment. Kumikislap-kislap ang mga ilaw na nagpapaaliw sa kanya pansamatala habang inaalala ang nangyari sa hotel. Kung ano ang inaasahan niyang mangyari, ganun nga ang kinalabasan na mas nagpapagana sa kanya na gawin ang mga susunod pa nitong hakbang.

"Katulad nang inaasahan natin, binayaran at binantaan nila lahat ng mga taong nasa loob ng reception kasama ang mga reporters na agad nilang napigilang ikalat ang nangyari. Kaya mukhang hindi sila gaanong makakaharap bukas ng mga problema patungkol dito," saad ng sekretarya niyang si Lefriya.

Sumimsim si Rosie sa hawak niyang champagne bago sagutin ang sekretaryang nasa gilid niya lamang. "Maganda kung ganun, akala ko kailangan ko pang magpadala ng mga knight para alisin ang ala-ala nilang lahat. Speaking of knight, kamusta ang paghahanap niyo sa nakawalang taksil ng angkan?"

Nilabas ni Lefriya ang isang tablet kalakip ang isang kakaibang papel na may gumagalaw na mga letra sa loob ng mapang papel. Ngunit mas nangingibabaw ang isang ilaw na gumagalaw sa iba't ibang direksyon. Kinuha ni Rosie ang tablet na may lamang mga impormasyon habang ang papel ay lumutang mismo sa kanyang harapan.

"Hinahanap na namin at humingi na ako ng tulong sa angkan ng Huringdon para mas mapabilis siyang mahanap. Sa ngayon, may ilang linggo pang natitira bago tuluyang mawala ang ilaw sa mapa na nagsasaad kung saan ito papunta."

Muli itong uminom sa hawak niyang alak habang nag-iisip. Binalik niya rin ang tablet kay Lefriya at marahang kinuha ang nakalutang na papel.

"Pagdating ni Nicklaus, kami mismo ang huhuli sa kanya. Nararamdaman kong malapit lang siya."

▪▪▪

Walang anumang iniisip si Claude pagdating niya ng kumpanya sapagkat naayos na lahat ng ina nito ang gulong nangyari sa kasal. Sasama sana si Kourtney sa kanya dahil sa importanteng pagtitipon nila ngayong araw ngunit pinigilan siya ng asawa nito upang siya'y makapagpahinga. Pumayag naman ito matapos ng ilang pagkukumbinsi lalo na't halata sa mukha ng babae ang stress at galit para sa taong sumira ng napaka-importanteng araw niya.

"Good morning, sir nasa loob na po silang lahat," bungad na sabi ng sekretarya nitong lalaki. Binigay niya rito ang hawak niyang bag saka inayos ang kanyang itsura bago senyasan na buksan ang pinto ng conference room.

Pagbukas pa lang ng pinto, natigil ang ilang pag-uusap sa loob at halos sabay silang tumayo upang magbigay galang kay Claude na tumatayong CEO ng kumpanya. Kahit na mas matatanda ang iba sa kanya, mas mataas pa rin ang posisyon nito kaya ganun na lang ang pagbibigay nila ng respeto.

Dumiretso ito sa gitnang upuan na nakalaan sa kanya kasunod ang kanyang sekretarya na inayos ang nasa mesa nito. Pagkaupo niya roon pa lang umupo ang mga tao na nasundan ng katahimikan ng lahat. Tinignan ni Claude ang orasan sapagkat hindi pa sila makakaumpisa hangga't hindi dumadating ang isang mahalagang taong hinihintay ng mga ito. At ito ang bagong model ambassador ng kanilang kumpanya na pinili ng mga publiko gamit ng online voting.

Hindi pa ito nakikita ni Claude dahil naging abala siya sa kasal nila ni Kourtney kaya binigay niya ang trabaho sa isang team ng kanilang kumpanya.

Naalis lamang ang tingin niya sa orasan nang bumukas ang pinto na nagpatingin sa mga tao roon kasabay ng kanyang pagtayo. Bumungad sa kanila si Rosie na may suot na glasses habang nakasuot ng pormal na damit at nakasunod ang kanyang sekretarya.

"I'm sorry for being late," nakangiti niyang sabi. Nilapitan siya ng isang empleyado ng kumpanya at ginayak siya papunta sa nakareserbang upuan malapit lamang kay Claude.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge of the Century   Chapter 22.2

    Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par

  • Revenge of the Century   Chapter 22

    NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an

  • Revenge of the Century   Chapter 21.2

    Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan

  • Revenge of the Century   Chapter 21

    MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong

  • Revenge of the Century   Chapter 20.2

    Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya

  • Revenge of the Century   Chapter 20

    UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status