Se connecterAURELIA POV
Hindi ko na kailangang lingunin si Dante para maramdaman ang init ng mga daliri niya sa gilid ng bewang ko. Ang presensya niya ay parang pader na naglalayo sa akin sa maruming hangin na dala nina Marcus at Beatrice. Habang nakatayo siya sa tabi ko, ramdam ko ang pagbaling ng atensyon ng buong ballroom sa amin. Ang dating mga bulung-bulungan ay napalitan ng katahimikan at mga matang nanlalaki sa gulat.
Sino ba namang mag-aakala na ang tinatawag nilang "basurang ex-wife" na pinalayas sa isang madilim na kalsada dalawang buwan na ang nakalipas ay makikitang kasama ngayon ang pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa siyudad?
"Auri?"
Pamilyar ang boses na iyon, pero halatang nabigla ang may-ari nito sa pagkakakita sa akin.
Si Beatrice.
Nakatayo siya ilang metro lang ang layo, nakahawak sa braso ni Marcus. Namumutla ang mukha niya na para bang nakakita ng multo. Si Marcus naman ay nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa, tila hindi matanggap na ang babaeng minura at pinalayas niya noon ay nakatayo ngayon sa harap niya, suot ang isang mamahaling gown at nasa tabi ni Dante Salvator.
Hindi ko muna sila pinansin. Sa halip, inayos ko ang cuffs ng tuxedo ni Dante bago marahang humiwalay sa kanya. Saka ko hinarap ang dalawang ahas na sumisira sa gabi ko.
"Oh, look who's here." Tinaasan ko ng kilay si Beatrice habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. "Bakit parang nakakita kayo ng multo? O baka naman natatakot lang kayong bawiin ko ang mga bagay na kinuha ninyo sa akin?"
Namula sa galit ang mukha ni Beatrice, pero mabilis din siyang nagbago ng ekspresyon at bumaling kay Marcus.
"Marcus, look at her! Baka magnanakaw 'yan o pumasok lang dito gamit ang pekeng invitation! Paano siya nakapasok sa ganitong kaeksklusibong gala? Noong isang araw lang, namamalimos pa siya ng pagkain sa labas!"
Napangisi ako. Talagang hindi nauubusan ng kasinungalingan ang babaeng ito.
"Magnanakaw?" ulit ko habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila. Bawat tunog ng takong ko sa marmol na sahig ay tila paalala sa kanila na hindi na ako ang dating Auri na kaya nilang apihin. "Beatrice, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa akin. Ikaw ang sanay na tumira sa mga tirang iniwan ko, hindi ba? Kahit ang asawa ko, kinuha mo nang nakangiti ka pa. Pero tingnan mo tayo ngayon. Sino ba sa ating dalawa ang mukhang basahan?"
Nanatiling tahimik si Marcus. Halatang gusto niyang ipagtanggol ang babae, pero hindi niya magawa. Maraming kilalang negosyante ang nakapaligid sa amin, nakikinig sa bawat salitang binibitawan ko. May ilan pang palihim na nagbubulungan habang pinapanood silang mapahiya.
"Auri, let's talk outside," garalgal na sabi ni Marcus. Pilit niyang pinapakalma ang boses niya. "Huwag kang gumawa ng eksena rito. Alam kong galit ka pa dahil sa hiwalayan natin, pero puwede naman nating pag-usapan—"
"Pag-usapan?" putol ko sa kanya.
Diretso akong tumingin sa mga mata niya. Wala na akong nakitang pagmamahal o kahit kaunting pagsisisi sa mukha ng lalaking ito. Ang nakikita ko na lang ay takot. Takot na baka mawala sa kanya ang lahat ng nakulimbat niya mula sa pamilya ko.
"Marcus, tapos na tayo noong gabing tinawag mo akong basahan at itinaboy sa ulan. Wala na tayong dapat pag-usapan maliban sa pagbabayad mo sa lahat ng ginawa mo sa akin."
"Auri, tama na 'yan!" singit ni Beatrice. Hinawakan niya ang tiyan niya na para bang gusto niyang ipaalala sa lahat na buntis siya. "Buntis ako! Kung may hiya ka pa, huwag kang manggulo sa amin dito! Isa ka lang namang walang kuwentang—"
Pak!
Isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong bulwagan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napakalakas ng pagkakatama ng palad ko sa pisngi ni Beatrice kaya napaatras siya at bumangga sa cart na may mga wine glass. Tumilapon ang mga baso at nagkalat sa sahig, kasabay ng malakas na tunog ng nabasag na salamin.
Napahawak si Beatrice sa pisngi niyang namumula. Nanginginig siya sa galit at kahihiyan habang nagsisimulang tumulo ang mga luha niya. Pero walang lumapit para tulungan siya. Lahat ng tao ay nakatingin lamang sa amin.
"The next time you point that dirty finger at me and call me names, hindi na lang sampal ang matatanggap mo," malamig kong banta habang bahagyang yumuyuko para pantayan ang tingin niya. "Tandaan mo, nag-uumpisa pa lang ako."
Bago pa makapagsalita si Marcus o makalapit sa akin, naramdaman ko ang kamay ni Dante sa likod ko. Marahan niya akong hinila palayo sa kaguluhan habang binibigyan si Marcus ng isang malamig na tingin.
Hindi na kailangang magsalita ni Dante para iparamdam ang awtoridad niya. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni Marcus at napilitan siyang tulungang tumayo si Beatrice mula sa sahig. Samantala, patuloy ang bulungan ng mga bisita sa paligid nila.
Dinala ako ni Dante sa isang tahimik na VIP balcony sa ikalawang palapag ng hotel. Mula roon, tanaw ang mga ilaw ng siyudad na kumikislap sa ibaba.
Malamig ang hangin sa balcony, pero mas malamig ang ekspresyon ni Dante habang nakasandal siya sa railing at nakatingin sa akin.
"You're quite a handful, Miss Fuentes," bungad niya habang umiinom ng kaunting wine. "I didn't know you had that kind of fire in you. Most women would cry in a corner after being cheated on. You? You just slapped your ex's mistress in front of a room full of elite businessmen."
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang dibdib kong mabilis pa ring kumabog dahil sa nangyari. Humarap ako sa kanya at bahagyang tinaas ang baba ko.
"Hindi ako mahina, Mr. Salvator. At wala akong oras para umiyak kung hustisya ang kailangan ko," sagot ko habang diretsong nakatingin sa kulay-abo niyang mga mata. "Kung nandito ka para sermunan ako sa ginawa ko sa ibaba, puwede ka nang umalis."
Isang mahinang tawa ang kumawala sa labi ni Dante. Bihira sigurong marinig ng mga taong nakapaligid sa kanya ang ganoong tunog mula sa kanya.
Lumapit siya nang dahan-dahan hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa kabila ng malamig na hangin.
"Sermunan ka? Far from it, Auri," sambit niya.
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ko mula sa kanya nang walang kasunod na "Miss Fuentes." Iba ang dating nito kapag siya ang bumibigkas.
"I was actually impressed. In fact, I think we have a common interest."
Kumunot ang noo ko. "Common interest? Anong ibig mong sabihin?"
Huminto siya sa harap ko. Naging seryoso ang ekspresyon niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"The company your ex-husband is currently running—the Fuentes Group. Or should I say, the company his family stole from your father after he passed away through forged documents and manipulation? I know about it. And I know you're planning to take everything back."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
Paano niya nalaman ang tungkol doon? Ilang buwan ko pa lang inaayos ang mga dokumento sa tulong ng abogado ko, pero mukhang alam na ni Dante ang tungkol sa nangyari sa pamilya ko.
"You've been digging into my life, Mr. Salvator?" tanong ko, hindi maitago ang pagtataka sa boses ko.
"I don't dig into things unless they interest me, Auri," sagot niya.
Iniangat niya ang isang kamay at inayos ang hibla ng buhok na nahulog sa mukha ko. Saglit na dumampi ang mga daliri niya sa balat ko, nag-iwan ng kakaibang sensasyong hindi ko agad maipaliwanag.
"And right now, you're the most interesting woman in this city. Let's make a deal."
"Anong klaseng deal?"
"Tutulungan kitang pabagsakin si Marcus at ang pamilya niya. Ibabalik ko sa'yo ang lahat ng nawala sa pamilya mo. Mas mabilis pa kaysa sa inaasahan mo, at sisiguraduhin kong hindi nila makakalimutan ang pagbagsak nila."
Seryoso ang mukha niya habang patuloy na nakatingin sa akin.
"Lahat ng shares, bawat gusali, bawat sentimo na inangkin nila mula sa pamilya mo. Tutulungan kitang mabawi ang lahat. Pero may isang kondisyon."
Napatitig ako sa kanya, sinusubukang basahin ang iniisip ng lalaking ito.
"At ano naman ang kapalit ng tulong mo? Wala namang libre sa mundong ito, Dante."
Isang nakakalokong ngiti ang sumilip sa labi niya. Lumapit siya nang kaunti, sapat para maramdaman ko ang init ng hininga niya nang yumuko siya sa tabi ng tainga ko.
"Marry me, Auri. Be my wife, and let's watch them burn together."
AURELIA POVAng alok ni Dante na magpakasal kami ay hindi simpleng biro o panliligaw na puwede kong balewalain habang umiinom ng wine sa isang mamahaling balcony. Isang linggo na ang lumipas mula nang gabing iyon sa Grand Manila Hotel, pero hanggang ngayon, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya.“Marry me, Auri. Be my wife, and let’s watch them burn together.”Nakatayo ako ngayon sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng bago kong opisina sa 45th floor ng Fuentes Tower. Dati, pinapangarap ko lang na magkaroon ng ganitong posisyon habang naglilinis ng sahig sa dati naming bahay ni Marcus. Ngayon, sa akin na ang buong gusali, pati na ang kumpanyang nagpapatakbo rito.Matapos lumabas ang mga ebidensya ng pamemeke at panlilinlang ng pamilya ni Marcus, naibalik sa akin ng mga abogado ang buong kontrol sa Fuentes Group of Companies.Tsk. Ang bilis talagang magbago ng mundo kapag may pera at kapangyarihan ka na.Kinuha ko ang tasa ng kape sa ibabaw ng mi
AURELIA POVHindi ko na kailangang lingunin si Dante para maramdaman ang init ng mga daliri niya sa gilid ng bewang ko. Ang presensya niya ay parang pader na naglalayo sa akin sa maruming hangin na dala nina Marcus at Beatrice. Habang nakatayo siya sa tabi ko, ramdam ko ang pagbaling ng atensyon ng buong ballroom sa amin. Ang dating mga bulung-bulungan ay napalitan ng katahimikan at mga matang nanlalaki sa gulat.Sino ba namang mag-aakala na ang tinatawag nilang "basurang ex-wife" na pinalayas sa isang madilim na kalsada dalawang buwan na ang nakalipas ay makikitang kasama ngayon ang pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa siyudad?"Auri?"Pamilyar ang boses na iyon, pero halatang nabigla ang may-ari nito sa pagkakakita sa akin.Si Beatrice.Nakatayo siya ilang metro lang ang layo, nakahawak sa braso ni Marcus. Namumutla ang mukha niya na para bang nakakita ng multo. Si Marcus naman ay nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa, tila hindi matanggap na ang babaeng minura at pinalayas niya
AURELIA POVDalawang buwan na ang lumipas mula nang iwan ko ang mansyon ni Marcus at maaksidente sa gitna ng malakas na ulan. Sa loob ng dalawang buwan, naging abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento, pagbawi sa mga ari-arian ng pamilya ko, at paghahanda para sa pagbabalik ko sa lipunang matagal kong iniwan.Wala na ang dating Auri na abala sa pagluluto ng tatlong putahe para sa isang lalaking hindi naman marunong magpahalaga sa kanya. Ang kaharap nila ngayon ay si Aurelia Fuentes, ang nag-iisang tagapagmana ng Fuentes Group of Companies.Ngayong gabi, gaganapin ang taunang Charity Gala ng mga kilalang personalidad sa Grand Manila Hotel. Isa itong malaking event na dinadaluhan ng mga negosyante, politiko, at kilalang CEO sa bansa. At alam kong naroon din ang dalawang taong matagal ko nang gustong harapin—si Marcus at ang bago niyang kinakasamang si Beatrice.Suot ko ang isang custom-made emerald green slit gown na bumagay sa katawan ko, kasama ang pares ng diamond earrings na nagkakah
AURELIA POVMalamig ang hanging dumadampi sa balat ko, pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib. Hindi ko alam kung galit ba o lungkot ang mas mabigat sa pakiramdam ko. Siguro pareho.Patuloy akong naglakad palayo sa mansyon habang suot ang manipis kong damit pantulog at tsinelas na halos matanggal na sa bawat hakbang. Basang-basa na ako sa ulan. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak.Limang taon. Limang taon kong inubos ang oras at lakas ko para sa pamilyang iyon. Isinantabi ko ang sarili kong mga pangarap para alagaan ang asawa ko at asikasuhin ang lahat ng pangangailangan nila. Pero sa huli, ano lang ba ako para sa kanila? Isang walang silbing babae na walang ibang alam kundi mag-asikaso ng bahay.Habang naglalakad ako sa gilid ng madilim na kalsada malapit sa highway, halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko dahil sa lakas ng ulan. Mabigat ang mga hakbang ko at nanginginig na rin ang mga tuhod ko sa pagod.Bakit ko hinaya
AURELIA POVLimang taon kong inalay ang buhay ko sa lalaking akala ko ay mamahalin din ako. Pero ngayong gabi, mukhang ako lang pala ang seryosong naniniwala sa marriage namin.Nakatuck-in ang apron ko habang pinupunasan ang huling mantsa sa marmol na dining table. Tahimik na tahimik ang buong mansyon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na patak ng ulan sa labas at ang mahinang tunog ng oven na hudyat na handa na ang inihanda kong Wagyu steak.Five-year anniversary namin ngayon ni Marcus. Buong araw akong nagpagod sa pagluluto, pamamalantsa, at paglilinis para maging special ang araw na ito. Akala ko, kahit minsan lang, mapapansin niya ang effort ko. Akala ko, mararamdaman niya kahit kaunti ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.Pero alas-diyes na ng gabi, wala pa rin siya.Paulit-ulit kong tiningnan ang phone ko para tingnan kung may message o missed call man lang mula sa kanya. Pero wala. Napabuntong-hininga ako habang minamasahe ang sumasakit kong sentido. Pagod na pag







