Share

CHAPTER 12

ALIYA'S POV

Paggising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Medyo nilalamig din ako kaya hininaan ko ang aircon. Kinapa ko ang aking noo at nalamang nilalagnat ako. Tinatamad din akong bumangon dahil masakit ang katawan ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag dito. Kinapa ko ito sa may bed side table at tiningnan kung sino ang tumatawag.

JACOB with an E

Agad na sinagot ko ang tawag nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hello. Good morning," bati ko sa kaniya.

"Good morning, Liya. Naistorbo ko ba ang tulog mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman," sagot ko.

"Mabuti naman. Hindi ka pa ba bababa rito para mag-almusal?" tanong niya ulit. "Hihintayin kita rito para sabay na tayo," dagdag pa niya.

"Wala akong gana, Jacobe. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya tinatamad akong bumangon," mahinahong wika ko.

"May sakit ka ba?" may pag-aalala sa boses niya.

"Mukhang meron nga," sagot ko.

"Okay. Pagkatapos kong kumain ay pupuntahan kita diyan at dadalhan ng pagkain.
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status