Share

CHAPTER 8

ALIYA'S POV

Agad na nag-inat ako nang ako'y magising. Umiyak ako kagabi pero maganda ang tulog ko. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. Niyakap niya ako. Sa wakas ay pinansin na niya ako ulit. Nagkausap kami. Iyon na ba ang simula ng pagiging namin sa isa't-isa? Sana nga.

Bumaba na ako ng kama at pumasok sa banyo. Pansin ko ang bahagyang pamamaga ng aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Grabeng iyak ko pala kagabi. Buti na lang talaga at dumating si Gavin dahil kung hindi, hindi ko talaga alam ang aking gagawin.

Naghilamos na ako at lumabas na ng banyo. Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas ng kuwarto. Nang madaanan ang hapag-kainan ay nakita ko si Gavin na nakaupo sa kaniyang puwesto. Mag-isa lang ito na siya namang nais niya. Ang pagkain niya ay halatang hindi pa niya nagagalaw. Mukhang may hinihintay ata siya. Sino kaya?

Dahan-dahan akong lumapit sa refrigerator para kumuha ng maiinom nang mapatigil ako.

"Buti naman gising ka na," wika ng isang pamilyar na bos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status