แชร์

Chapter 7 - Honeymoon in Hell

ผู้เขียน: Alshin07
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27 21:19:02

Mainit ang gabi sa India. Mabango ang hangin, puno ng insenso at mga bulaklak galing sa mga altar sa labas. Pero sa loob ng Buencarlos Grand Hotel suite— puro lamig at katahimikan.

Tahimik siya.

Tahimik rin ako.

At sa pagitan naming dalawa ay may mga salitang hindi pwedeng sabihin, dahil baka mas masakit pa kaysa sa bala.

Napakakumplikado rin niyang tao. Bukod sa ang hirap niyang basahin ay para bang may nakapalibot sa kanyang itim na awra. Nakakatakot pala talaga ang mga mafia.

At ako?

Ako si Roxy Bustamante. Ang kapalit. Ang anino.

Ang babaeng tinuruan ng buhay kung paano magbenta ng katawan para lang mabuhay.

“Tumigil ka sa kakatingin,” malamig niyang sabi habang iniinom ang alak sa hawak niyang wine glass sa balcony.

“Tinitingnan mo ako para magbasa ng reaksyon? Hindi mo ‘yan makukuha, Bustamante.”

Napataas ang kilay ko. Bustamante talaga?

Ahh, hindi niya ako matawag-tawag na Roxy na dahil pangalan din pala iyon ng kambal ko. Tsk.

Napayuko ako. “Hindi ko naman sinusubukang magbasa. Sinusubukan ko lang maintindihan kung bakit mo ako pinili.”

Tumingin siya sa akin— malamig iyon, parang bawat titig niya may kasamang panghuhusga.

“Dahil nga magkamukha kayo,” maikli niyang sagot. “Pero wag mong gagamitin iyan bilang dahilan para gustuhin kita.”

Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Kahit alam ko ang totoo at paulit-ulit niyang pinaparamdam sa akin ang limitasyon ko, pero ang sakit pa rin pakinggan.

“Hindi mo kailangang ipaalala,” sabi ko at pilit na pinatatag ang boses. “Alam kong hindi ako siya. Hindi rin ako tulad niya.”

“Exactly,” tumaas ang kilay niya at bahagyang lumapit. “Ang problema, kapag nakita ka ng mga tao— iisa lang ang makikita nila. Kaya habang nandito tayo, wala kang karapatang magkamali.”

Nilapit niya iyong mukha niya sa akin— sapat para maramdaman ko iyong amoy ng alak sa hininga niya.

“At tandaan mo, Bustamante. Hindi lahat ng pekeng asawa, nabubuhay nang matagal.”

Tahimik akong umatras. Nilunok ko iyong kirot at iyong kahihiyan. Alam kong para sa kanya ay isa lang akong babae galing sa kalye na sinuwerte lang na kamukha ng asawa niya.

At siguro nga ay tama siya.

Ang kwento ko ay hindi fairytale. Lumaki ako sa squatters area. Walang ama. Inang may sakit. Dalawang kapatid na umaasa.

Hanggang sa dumating iyong panahon na wala na akong choice— kung hindi ibenta ang natitirang mayroon ako.

Ang katawan ko.

Ang dignidad ko.

At ngayon, pati ang pangalan ko ay binenta ko rin.

Lumayo siya sa akin nang may kumatok sa pinto.

“Ma’am,” si Abigaile iyon at pumasok na may dalang tray. “Dinner’s ready.”

“Thank you,” sabi ko sa tonong mahina.

Pero bago pa siya makalabas ay nagsalita si Ego. “Tell Marco to double the guards outside. Skeleton’s presence confirmed.”

“Yes, sir.”

Pagkaalis ni Abigaile ay sinimulan ko nang kumain. Bawat subo ay pilit. Pero sa bawat subo ko ay parang may kasamang bato sa lalamunan ko.

“Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko,” bigla niya sabi.

Napatingin ako sa kanya. “H-Ha?”

“Tigilan mo iyang pag-aarte mo na parang isang matinong babae,” malamig niyang sabi. “Alam ko kung saan kita kinuha, Bustamante. Hindi mo kailangang itago kung sino ka.”

Nabitawan ko iyong tinidor.

Nanginginig ang mga kamay ko.

Gusto kong sumagot, pero wala akong boses.

“Pinili kita dahil sa kamukha mo ang tunay kong asawa. Pero wag mong isipin na mabubura ng kontrata mo ang nakaraan mo. Sa paningin ko ay marumi ka pa rin.”

Ang sakit.

Ang bawat salita niya parang sugat na binubuksan paulit-ulit.

Pero hindi ako pwedeng pumatol. Hindi ko afford ang galit niya sa mga oras na ito. Kaya ko lang naman siyang sagutin kapag may tao sa paligid. Pero iba ang awra niya ngayong gabi, iba kapag kami lang dalawa.

“Alam ko naman iyon,” bulong ko. “Kaya nga binayaran mo ako, hindi ba?”

Napatingin siya sa akin nang saglit lang parang nagulat sa tapang ng sagot ko.

“Hindi lahat ng tao nababayaran,” sabi niya.

“Hindi lahat ng tao may choice,” ganti kong sagot sa mahinahong tono. “Ako kasi, wala.”

Tahimik ulit.

Tanging simoy ng hangin lang ang maririnig.

Hanggang sa boses niya ulit ang .

“Bukas ay pupunta tayo sa Taj Mahal. Plano iyon ng asawa ko. She said it was her dream.”

Ngumiti ako ng mapait. “Ang romantic naman. Paano ako magpapanggap na siya kung ni hindi ko alam kung paano magmahal?”

Tumingin siya sa akin nang hindi man lang ngumingiti. Pero may kung anong lungkot sa mga mata niya.

“Hindi mo kailangang magmahal,” sabi niya. “Kailangan mo lang mabuhay.”

Biglang bumukas ang pinto at niluwan niyon si Marco na hinihingal .“Sir! We’ve detected movement sa perimeter. Skeleton trackers, less than a kilometer away.”

Kaaggad na tumayo si Ego at kinuha ang baril. “Evacuate the lobby. Secure the exits. Stay with Abigaile.”

Hinila niya ako papunta sa likod ng kama.

“E-Ego, anong nangyayari?”

“Sigurado akong ikaw ang pakay nila. Hindi ba at sinabi namin sa iyo na lilitaw sila dahil harapan naming hinagis ang pain sa kanila,” sagot niya. “Tama nga kami, sila ang may hawak sa asawa ko. Aalamin nila kung sino ang totoo sa inyong dalawa at papatayin kung sino ang impostor.”

Nanlamig ako. “Eh paano kung malaman nilang—”

“Then you die,” putol niya sa sanang sasabihin ko. “And they’ll cut your body into pieces.”

Animal ba siya? Kailangan talagang takutin ako!

Nanginginig n iyong kamay ko. Pero hindi ko alam kung mas malakas iyong takot ko o iyong bilis ng tibok ng puso ko nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko, mahigpit pero protektado.

“Stay behind me,” sabi niya pa. “Whatever happens, huwag kang lalabas mula sa likod ko.”

Biglang may sumabog.

Yumanig ang buong gusali. Bumagsak ang chandelier sa loob ng hotel room namin at kasabay niyon ang makapal na buga ng usok galing sa hallway.

May mga sigawan, may mga putok ng baril.

“Sir! They breached the east wing!” sigaw ni Marco mula sa labas.

Hinila ako ni Ego palapit sa kanya at tinakpan niya ako gamit ang katawan niya habang tumatalsik ang mga salamin. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa mukha ko at ang bigat ng braso niyang parang pader na nakayakap sa akin.

“Welcome to your honeymoon, Mrs. Buencarlos,” bulong niya sa tenga ko, malamig man ang tono niya pero buo. “Let’s see if a prostitute can play queen of hell.”

At bago pa ako makasagot ay may mga tumamang putok ng mga baril sa pinto.

Sumabog ang kahoy na pinot at tumambad ang mga lalaking may maskarang may simbolo ng kalansay.

Skeleton.

Sila na ba iyan?

Naramdaman ko ang kaba at takot. Naaamoy ko ang baho ng mga pulbura galing sa mga baril.

At bago tuluyang bumagsak ang usok sa paligid ay nakita ko kung paano ngumisi si Ego. Hindi ngisi na tintakpan lamang ang takot— kung hindi ng lalaking sanay sa impyerno.

“Behind me, Roxy,” sabi niya sabay kasa ng baril niya. “Let’s start your first lesson as my wife."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 10 - Red Square, Moscow

    Akala ko malamig lang ang Moscow. Hindi pala. Dahil kasing lupit ito ng buhay ko. Ang lamig niya ay parang nanunuksong pumasok sa buto ko. Parang binubura pati ang mga alaala mong gusto mong itago.Ang sabi ni Ego, ito raw ang second stop ng honeymoon— planado lahat ni Roxy Rios bago siya nawala. Pero habang tinitingnan ko ang itinerary na hawak ni Abigaile, parang hindi honeymoon ang pupuntahan ko.Parang hunting ground.“Welcome to Moscow,” sabi ni Marcus habang binubuksan ang pinto ng black Benz.Humugot ako ng malalim na hinga. Puting usok ang lumabas sa bibig ko. Kung nasa ibang pagkakataon lang ay matutuwa ako nito. Pero parang bawal na rin yata akong ngumiti.“Hindi ko akalaing makikita ko ito sa personal,” sabi ko na parang mismo sa sarili ko sinasabi. “The Red Square, parang painting lang.”Tumingin si Ego sa akin. Suot ang itim niyang coat, scarf na nakapalibot sa leeg niya, at ang karaniwang expression niyang parang ayaw niyang umamin na tao siya. “It’s not a painting,” sab

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 9 - Ang Babaeng Nakabelo

    Hindi na naalis sa isip ko ang ngiting iyon. Ang ngiti ng babaeng nakasuot ng belo. Iyong ngiti na para bang akin.Bakit ganoon?Bakit sa dinami-rami ng tao sa Taj Mahal kanina ay may babaeng mag-aaksaya ng oras para titigan ako at sabay ngumiti ng ganoon? Na parang kilala niya kung sino talaga ako?Pagbalik namin sa sasakyan ay tahimik lang si Ego.Pero ang kamay niya, halos puputok na ang ugat sa higpit ng kapit niya sa manibela.Walang nagsasalita.Walang tinginan.Walang paliwanag.Ni hindi siya lumingon sa akin kahit isang beses.“Ego...”Wala siyang sagot.“Ego, sino ang mga iyon? Sila ba talaga ang mga Skeleton?”“Hindi mo na kailangang malaman.” Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. Parang baka kapag nagsalita pa siya ay sasabog ang buong mundo.“Hindi mo na kailangang malaman,” ginaya ko siya sa tonong nang-aasar. “Puro na lang iyan ang sinasabi mo. Kailan mo ba ako kakausapin nang matino?”Bigla siyang tumingin. Ang mga mata niya ay matalim na parang kutsilyong tumama s

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 8 - Singsing

    Pangalawang beses ko na iyong muntik mamatay.Una ay sa kasal namin. Ngayon ay dito naman sa India.Sa loob lang ng ilang araw nakilala ko si Diego Buencarlos, nasanay na akong tumakbo, magtago, at magpanggap na kalmado kahit gusto ko nang sumigaw.Pero ngayong nakaligtas kami sa pagsabog sa Buencarlos Grand Hotel, ramdam ko pa rin ang lagkit ng usok sa balat ko.Ramdam ko pa rin iyong amoy ng gunpowder at iyong boses niya sa tenga ko, 'Behind me, Roxy.'Ilang oras kaming nagbyahe palabas ng Agra gamit ang black SUV na minamaneho ni Marcus.Tahimik si Ego sa buong biyahe. Habang ako naman ay nakasandal sa bintana at nakatingin sa dilim ng kalsada.“Walang makakaalam ng nangyari,” sabi niya sa wakas. “I ordered Jander to clean everything up. No press, no witnesses, no trace.”“Ganoon lang?” tanong ko. “Walang magtatanong kung bakit may sumabog sa hotel?”Tumitig siya sa akin, malamig pero matatag. “Hindi pwede magkaroon ng ingay. The Skeletons feed on attention.”“Paano kung bumalik si

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 7 - Honeymoon in Hell

    Mainit ang gabi sa India. Mabango ang hangin, puno ng insenso at mga bulaklak galing sa mga altar sa labas. Pero sa loob ng Buencarlos Grand Hotel suite— puro lamig at katahimikan.Tahimik siya.Tahimik rin ako.At sa pagitan naming dalawa ay may mga salitang hindi pwedeng sabihin, dahil baka mas masakit pa kaysa sa bala.Napakakumplikado rin niyang tao. Bukod sa ang hirap niyang basahin ay para bang may nakapalibot sa kanyang itim na awra. Nakakatakot pala talaga ang mga mafia.At ako?Ako si Roxy Bustamante. Ang kapalit. Ang anino.Ang babaeng tinuruan ng buhay kung paano magbenta ng katawan para lang mabuhay.“Tumigil ka sa kakatingin,” malamig niyang sabi habang iniinom ang alak sa hawak niyang wine glass sa balcony.“Tinitingnan mo ako para magbasa ng reaksyon? Hindi mo ‘yan makukuha, Bustamante.”Napataas ang kilay ko. Bustamante talaga?Ahh, hindi niya ako matawag-tawag na Roxy na dahil pangalan din pala iyon ng kambal ko. Tsk.Napayuko ako. “Hindi ko naman sinusubukang magbasa

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 6 - First Destination

    Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi."Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa."She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 5 - Honeymoon

    Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga p

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status