Share

Chapter 6 - First Destination

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-10-22 02:38:22

Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi.

"Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.

Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.

Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa.

"She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.

Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?

Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?

"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa ni Abigaile at isa-isa na ngang binitbit ang mga gamit namin. Nasa likod niya naman ang personal assistant ni Ego na si Marcus.

Sina Abigaile at Marcus ay pawang mga staff ng Lucky Nine. Hindi raw alam ni Roxanne Rios ang tungkol sa totoo nilang trabaho at ang tungkol sa Lucky Nine.

Inayos ko muna ang sarili ko. Tiningnan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at parehas kaming hindi mahilig sa make-up ni Roxanne Rios. Kaya hindi na ako mahihirapang magpanggap sa parteng iyon.

Dahil nasa India kami ay tinali ko na lang ang buhok ko at naglagay sa ulo ko ng isang manipis na hijab— hindi naman ako Muslim pero bilang pagrespeto na rin iyon sa lugar. Iyon ang isa sa mga turo ni Abigaile sa akin. Dahil si Roxanne Rios daw ay tinutugma ang susuutin sa kung anong lugar o pagdiriwang ang pupuntahan.

Nakasanayan ko na ang pagsusuot ng mga lantarang damit pero mas gusto ko pa rin ang mga damit na simple lang. Gaya ng suot ko ngayon— naka-baggy pants at western long sleeves. Dahil hindi naman tayo biniyayaan ng tangkad ay nagsuot na rin ako ng wedges. Huwag na kayong magtaka bakit alam ko ang mga tawag sa damit na ito. Teacher ko yata si Abigaile.

Kaagad na akong tumayo nang makita kong naka-thumbs up na si Abigaile sa akin. Kinindatan ko na lang siya bago sinuot ang shades ko. Mabuti na lang din at parehas kami ni Roxanne Rios na hindi mahilig sa mga alahas. Kaya relo lang at stud earings lang ang suot ko.

Nauna na sa akin sina Abigaile at Marcus. Medyo may katangkaran si Abigaile kaya hindi ko nakikita kung anong mayroon sa unahan.

Nagulat na lang ako nang makitang nag-aabang pala sa labas ng pinto ng eroplano si Ego. Akala ko ay nauna na siya kung saang lupalop ng India.

Inaabangan niya ba ako? Pinauna niya ng makababa sina Abigaile at Marcus. Ah, baka iyong piloto ang hinihintay niya.

Hindi ko na sana siya papansinin at akmang lalagpasan na siya nang bigla niya lang inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Magtatanong pa sana ako nang makita kong ang talim ng pagkakatitig niya sa akin.

"Ito na..." sabi ko at saka ipinatong ang kamay ko sa nakalahad niyang palad.

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaloob-looban ko mula sa kamay niyang nakahawak sa akin. Iginiya niya ang kamay ko papunta sa braso niya. "Masanay ka nang umaktong normal kapag kasama ako, kapag magkahawak kamay tayo, o kapag naghahalikan. Hindi iyong parang nakita ka ng anghel."

Muntik na akong mapaubo sa huli niyang sinabi. Anghel? Demonyo pwede pa.

"Huwag kang mag-alala at hindi ako lalabag sa kontrata," kumpyansa kong sagot. "Baka ikaw itong unang mahulog?"

"Huhh?" Nilingon niya pa ako sa nakakunot niyang noo.

"Hotdog," tipid kong sagot at pakiramdam ko tuloy ay may isang anghel na bumaba mula sa langit.

Kita ko kung paano ngumiti si Ego. Iyong tipo ng ngiti na hindi peke at hindi rin pinilit. Putik lang talaga! Kailangan ko lang pa lang magsabi ng hotdog para ngumiti siya?

Pakiramdam ko tuloy ay nakalutang ako sa ere habang pababa kami ng eroplano. Lihim kong kinurot ang sarili ko. Nasasapian na yata ako ng masamang elemento.

Hindi ako pwedeng madala sa kaunting pagngiti lang ni Ego baka mag-goodbye ako sa sampung bilyon.

May sasakyang naghihintay sa amin paglabas namin ng airport. Ang taray nga, eh. Nagbibigay ng daan ang lahat sa amin. Para bang kami ang may-ari ng airport at walang may nagtatangkang humarang sa dadaanan namin.

Pinauna ako ni Ego na sumakay at nakaalalay siya sa akin. Ganito pala kabebe si Roxanne Rios? Lahat ng gagawin at kilos ay nakaalalay talaga si Ego?

Isang malaking sanaol!

Dahil nauna akong sumakay ay nasa tabi ako ng bintana. Kaya bawat nadadaanan namin na bago sa paningin ko ay hindi ko mapigilang mamangha.

Pasikreto akong siniko ni Ego at bumulong. "Huwag naman masyadong halata. Itikom mo iyang bibig mo."

"Manahimik ka riyan dahil wala ito sa amin," mahina kong sagot sa kanya at hindi man lang siya nilingon.

Dinukot ko ang cellphone sa slingbag na suot at saka kumuha ng video. Mabuti na lang talaga at mahilig mag-video si Roxanne Rios at laging nag-a-upload sa mga social media account niya. Marami siyang followers at sikat na public figure.

Kaya hindi na ako mahihirapan mag-video-video dahil gusto ko talagang mag-video! Ipapakita ko ito kay Nanay pati kina Josielyn at Matthew. Paniguradong matutuwa sila!

"Good."

Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na si Ego dahil sa sinabi niyang iyon. Aso ba ako? Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumuso siya sa cellphone na hawak ko. "You're acting like her now."

"Akala mo ba nangpapanggap lang ako? Gusto ko talagang mag-video, oyy," sagot ko naman sa kanya at binalik ang atensyon sa cellphone ko. "Ipapakita ko kay Nanay at sa mga kapatid ko. Paniguradong matutuwa sila."

Hindi na siya sumagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng video.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago kami makarating sa hotel na tutuluyan namin. Sinalubong kami ng isang lalake habang nakangiti. "Welcome to India, ma'am and sir! I'll be your tour guide tomorrow."

Kaagad na hinawakan ni Ego ang kamay ko at nilagpasan ang lalake. Nanlaki naman ang mga mata ko at hinila pabalik ang kamay ko saka hinarap ang tour guide. "We'll see you tomorrow."

Tama naman siguro ang bigkas ko ng English? Kaagad kong sinipat si Abigaile at nag-thumbs up naman siya sa akin. Ginanahan naman ako kaya nagsalita pa ako. "Have a lovely day."

Ang galing ko talaga!

Bumalik na ako sa naghihintay na si Ego. "Napaka mo." Inismiran ko siya.

"Hindi mo naman kailangang kausapin iyon dahil sina Abigaile at Marcus na ang bahala sa kanya," tamad na sagot ni Ego. "Makikinig lang naman tayo sa kung anong sasabihin niya. Hindi tayo obligadong sumagot."

"Marami bang katauhan na nakatira diyan sa kalooban mo?" tanong ko at nakita ko namang napakunot ang noo niya. Hindi ko na siya pinansin at naunang maglakad.

Minsan ay okay siyang kausap. Minsan naman suplado. Minsan nakakatakot. At kadalasan ay nakakainis!

Natigil ako sa paglalakad at bumalik muli sa tabin ni Ego. "H-Hindi ko pala alam kung saan pupunta."

"Tsk. Tatanga-tanga, eh."

Animal talaga!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 6 - First Destination

    Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi."Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa."She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 5 - Honeymoon

    Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga p

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 4 - Kambal

    "Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile. "Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila. "Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya. Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala. Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!" "Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Ego habang nakatingin sa akin. "Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne Rios dahil

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 3 - Kondisyon

    "You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari. Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios. Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko. Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?" Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi. "Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpan

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 2 - Nasaan?

    Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 1 - Kontrata

    "Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!" Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko. Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila. Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status